Hello mga sis. sasali ako sa thread na to at malala na din ang scalp ko.
I cannot remember na how mine started. Meron lang akong maliit sa noo ko at malapit sa ear. Sa first visit ko palang, sabi psoriasis na daw. Diabovet works well, pero may hangganan. Dahil madalas na gamit, hindi na din umepekto after a while. Hanggang sa napansin ko, nagkakaron na ko ng flakes sa scalp. Ayun, lumala na sya ng lumala.
I did a biopsy, pero hindi naman psoriasis ang diagnosis. I've been to 3 different derma na, yung 2 sabi psoriasis, kahit daw hindi yun ang biopsy, obvious na obvious naman na psoriasis. Sinabi din sakin nung derma na depende daw sa nagbabasa sa lab ang result ng biopsy. Anyway. Kahit naman negative sa Psor ang Biopsy ko, yung doctor na nag request nun eh binigyan ako ng MTX. I took 2 tabs, pero tinigil ko kasi nagkasakit ako. Binigyan din ako ng Ionil T as shampoo. pero pagka shampoo ko today for example, mawawala. tapos maya maya, ayan nanaman.
Bumalik ako sa unang derma ko after seeing the other two. After a lot of topical creams and ointments, dahil mas lalo pang lumalala ang scalp ko, sabi ng doctor ko kelangan ko na mag take ng oral na gamot which is Cyclosporin. Eto daw eh binibigay sa mga organ transplant patients, pero pwede sa Psor patients basta maliit lang ang dosage. But, they need to do a lot of tests to check kung pwede kong itake to. At, kelangan na daw i monitor ang aking kidney every now and then. Tapos after 3 months, kelangan istop ang gamot, then rest, then back again.
Nakakastress! Feeling ko, lalo talaga lumala ang Scalp Psor ko dahil sa stress. As in, hindi natitigil ang pagkutkot ko ng flakes sa scalp, na kahit ayaw ko, bigla nalang hahawakan ko ang scalp at kukutkutin nanaman

Habit na or addiciton na ata. Though, hindi naman sya makati talaga. Pansin ko, nung nagstart ako dito sa work ko, bigla akong mas naging sakitin

kelangan na talaga ng healthy lifestyle! kain ng tamang pagkain at exercise.