watch now

Author Topic: Psoriasis-- Part 2  (Read 43584 times)

sugarpop

  • Guest
Re: Psoriasis-- Part 2
« Reply #20 on: July 27, 2012, 12:30:52 pm »
^sis, we juice using a slow rpm juicer. I have to say it has helped my psor along with other things.

tiggerlily

  • Guest
Re: Psoriasis-- Part 2
« Reply #21 on: July 27, 2012, 12:47:48 pm »
I have recently been diagnosed with this. I'm just glad that it's not contagious. pero nakakalungkot pa rin kasi i used to be flawless... kailangan pala magchange ng diet at mag-exercise ulit. di ko na kasi nagagawa. at bawasan rin ang stress. thanks sa mga inputs nyo. keep them coming.

runaway_bridesmaid

  • Guest
Re: Psoriasis-- Part 2
« Reply #22 on: August 14, 2012, 12:50:37 pm »
pano nga pala sa mga pregnant? ano nangyayari sa psor? kasi di yata lahat ng medicines pwede i take at ipahid while pregnant? wala gusto ko lang malaman kasi gusto ko ng ma preggy pero worried ako baka dumami yung P ko. :(

m_lim

  • Guest
Re: Psoriasis-- Part 2
« Reply #23 on: August 15, 2012, 12:10:44 am »
^sis, preggy ako now at nawala lahat ng spots ko as in!! amazing! :)

tiggerlily

  • Guest
Re: Psoriasis-- Part 2
« Reply #24 on: August 15, 2012, 02:53:52 am »
paano ko ba macoconfirm na may psor talaga ako? i've been to 2 dermas, ang sabi nun isa psor, yun isa naman LCR daw. kukuha pa ba ako ng isa pang opinion? paano kung iba na naman ang sabihin nya? at syempre babayad na naman ako ng CF nya.

runaway_bridesmaid

  • Guest
Re: Psoriasis-- Part 2
« Reply #25 on: August 15, 2012, 08:20:24 am »
^sis pa biopsy ka! ako nakailang derma ako, lahat sila puro psor ang diagnosis, unang tingin pa lang, may isa lang na nagsabi na fungal infection, pero the rest pareho sila.

^^sis m_lim, talaga? nag clear ka while pregnant? eh di good, wala ako po problemahin once i get preggy! thanks! bakit kaya ganun? is it because of the changes in hormones ba?

m_lim

  • Guest
Re: Psoriasis-- Part 2
« Reply #26 on: August 15, 2012, 09:32:42 am »
^possible. sana nga di na bumalik pag nanganak na ko!

michi247

  • Guest
Re: Psoriasis-- Part 2
« Reply #27 on: August 15, 2012, 10:10:59 am »
wala din ako psor nung naging preggy ako pero two months after manganak, head to toes ang psor ko. till now hindi pa rin ako clear, mag 4yrs old na anak ko.

gusto ko na nga magstop ng mtx pero sabi ng derma ko hindi daw pwede agad na stop, so ngayon nagtake ako ng 2 mtx every weekend for one month then 2 mos na one mtx na lang. sana mastop ko na rin kasi natatakot din ako sa liver damage, though ok naman ang mga labtest ko.

tiggerlily

  • Guest
Re: Psoriasis-- Part 2
« Reply #28 on: August 16, 2012, 01:06:14 pm »
^hmm... wala ako psor before. lumabas lang sila siguro out of dryness and change in hormones kasi i'm breastfeeding my son til now that he's 4. sige at kumbinsihin mo pa akong mabuntis. hehe! :D

thanks sis runaway_bridesmaid. sa totoo lang tinatamad na ko maghanap pa ng iba pang derma. and since the derma who said that it's LCR e hindi lumalabas sa google ang LCR and the little spots looks like psor from the google pics i saw kaya i've pinned on psor na nga. saan ba nagpapabiopsy for that? basta itanong ko lang ba yun? thanks ulit!

michi247

  • Guest
Re: Psoriasis-- Part 2
« Reply #29 on: August 16, 2012, 02:05:51 pm »
^ako naman takot na mabuntis ulit kasi afte rmanganak, grabe ang psor ko. may iba kasi na derma isang tingin pa lang nalalaman na psor talaga. nung college ako, psor na agad ang sinabi sa kin and kahit nakailang palit na ko ng derma, psor talaga ang sinasabi sa kin.

pero may iba nagpapabiopsy para sure talaga, not sure kung mahal and masakit yun. kung malapit ka sa RITM, mura yata dun kaso matagal bago yata marelease.


m_lim

  • Guest
Re: Psoriasis-- Part 2
« Reply #30 on: August 16, 2012, 03:37:53 pm »
usually mga derma, sila narin nagbbiopsy. hindi masakit kasi may anesthesia

runaway_bridesmaid

  • Guest
Re: Psoriasis-- Part 2
« Reply #31 on: August 16, 2012, 05:13:41 pm »
^sis tigerlily, yung derma mismo ang mag re recomend ng biopsy sayo, ako kasi nakailang derma rin ako, tingin nga lang nila alam na nila na psor, pero nag suggest pa rin sila ng biopsy para daw sigurado, di siya masakit, magkaka peklat lang kasi kukuhanan ka ng sample ng laman mo...

kaya naman ako papalit palit ng derma kasi naiinis ako sa mga natatapatan ko na derma halatang mukhang pera eh, gusto ko yung concerned talaga sakin, thankfully yung last derma ko ang bait, at di mukhang pera

michi247

  • Guest
Re: Psoriasis-- Part 2
« Reply #32 on: August 17, 2012, 04:57:52 pm »
^agree, mahirap makahanap ng derma na may concern sayo. ako papalit-palit kasi palipat-lipat din ng house 2 yrs ago nagpalit ako ng derma kasi feeling ko bigay lang ng bigay ng product niya yung derma sa kin, wala naman nagagawa sa kin, nabubutas lang bulsa ko. pero ngayon ok na ko sa derma ko.

btw, may psoriasis group dito sa phil. baka hindi pa kayo member.

tiggerlily

  • Guest
Re: Psoriasis-- Part 2
« Reply #33 on: August 17, 2012, 10:23:33 pm »
^kasama nga yata sa trabaho nila yan padamihin ang gastos mo. ang hirap kasi ng buhay ngayon. yun unang derma na pinuntahan ko ganyan. pinag-uusapan pa lang namin yung problem, eto na ang assistant nya dala dala na ang gamot at ibinabalot na para bilihin mo. buti na lang kasama ko ang mama ko. kundi, binili ko lahat ng mga ibinalot nya.

next appointment ko sa derma, kukulitin ko na sya tungkol sa psor. acne pa lang kasi ang pinapasolve ko sa kanya ngayon e. kaso LCR nga yung tingin nya. kukulitin ko na sya kung ano ba talaga yun. baka magbago ang diagnosis nya. or baka di naman talaga psor. at kung ano ang ibibigay nyang gamot.

tamarind26

  • Guest
Re: Psoriasis-- Part 2
« Reply #34 on: August 18, 2012, 12:55:24 am »
Symptom ba ng psor ang flaky scalp pag sobrang lamig ng aircon? Sa sobrang lamig lang sya namumuo na parang deadskin. Di sya itchy pero tinatanggal ko kasi nakakahiya. Meron din small flakes sa bandang ears,akala ko allergy noon pero ganun pa rin ears ko kahit gold na yung earrings. Now lang bumalik to that i'm pregnant.

tiggerlily

  • Guest
Re: Psoriasis-- Part 2
« Reply #35 on: August 18, 2012, 05:39:56 am »
^possible sis, the information in the link below may help:

http://www.ncbi.nlm.nih.gov/pubmedhealth/PMH0001470/

iniwasan ko yung ibang mga symptoms. i don't use loofah when taking a bath anymore and parang nakatulong naman with the dryness. i use oatmeal liquid soap ng st. ives and i try to put on lotion - kahit tamad na tamad ako. also, trying to go back dancing para may work-out na rin. and my husband is cooking healthier meals for us. hope it works...

m_lim

  • Guest
Re: Psoriasis-- Part 2
« Reply #36 on: August 18, 2012, 09:17:30 am »
tamarind, ganyan nga ang psor, sa likod ng ears rin sa akin madalas pati scalp. you can use Stieprox shampoo. available sa mercury.

sadly, ganyan talaga ang gamutan ng psor since hindi talaga siya gumagaling at naiimmune pa sa gamot kaya you have to change meds every now and then.

usually steroids naman binibigay eh. effective pero babalik rin. just use mild soaps like cetaphil or physiogel sa face, dove unscented sa body, physiogel moisturizer. eat healthy and exercise. sigurado magkaka improvement.

pwede ka rin ipa ubv treatment pag sobrang dami. papasok ka sa chamber at iilawan ka. 900+ per session sa st. lukes. at noon 3x per week required saken. so imagine the gastos. kaya tinigil ko na. nung di ko masyado pinapansin, mas kumokonti.

michi247

  • Guest
Re: Psoriasis-- Part 2
« Reply #37 on: August 19, 2012, 07:47:53 am »
^regular shampoo lang gamit ko, nalilimutan ko magpareseta ng shampoo baka makatulong. xamiol gamit ko na gamot kaso minsan di ko naglalagay kasi ang lagkit sa ulo, ilang beses ko magshampoo para lang maalis.

agree ako kay m_lim, minsan need talaga palitan yung gamot at naiimune. ako dami ko na natry simula nung nagkaroon.

ang di ko pa natry yung magdiet, as in less meat. hindi ko talaga kaya kasi meat eater ako and madalas kasi sinasabi nila na wala epekto sa psor yung food pero pansin ko sa psorgroup ko, hindi malala yung mga psor nung mga vegetables kinakain.

feeling ko din pag tumatanda na, less na din psor. kasi mga nameet ko sa psorphil na matatanda, parang wala ng psor, sa scalp na lang na konti. pero sabi nila nung mga bata pa sila, sobrang ang psor nila. nagstop pa nga daw sila ng isang semester sa school kasi sobrang lala ng psor akala nga daw ng iba, sinumpa sila or nakulam.

dia17

  • Guest
Re: Psoriasis-- Part 2
« Reply #38 on: August 24, 2012, 12:22:54 pm »
mga sis! ask ko lang... mom ko kasi may psor and we can't find mtx kahit anong brand wala talaga,.. baka meron kayo idea kung saan kami makakabili 2 weeks na kasi di nakakainom mom ko.... TIA

patrizziamarie

  • Guest
Re: Psoriasis-- Part 2
« Reply #39 on: August 24, 2012, 02:47:54 pm »
My friend has had psoriasis too.. had a lot of derma but it keeps coming back.. But she is now using Winspa ..No effort, hindi na bumalik....;)

 

Latest Stories

Load More Stories
Close