watch now

Author Topic: Infant Formula  (Read 397656 times)

pretty_n_primp

  • Guest
Re: Infant Formula
« Reply #500 on: January 15, 2014, 11:23:56 am »
Medyo OT: Ask ko lang sa mga nag formula milk agad na mommies nung newborn si baby (2-3 weeks) ilang oz usually tinitimpla at nauubos ni baby?

Mahina kasi BM ko kaya formula milk na c baby.. :( ayoko ma overfeed ko sya kaso after ng feed nya fussy parin sya.. 2oz usually tinitimpla ko.. Any tips mommies?
100 ml tinitimpla ko for baby he's now 3 weeks by the way. mixed feeding din ako. also ask ko na din, i use cooled boiled water, sa formula ni baby, ok lang ba yun? or need ko magpakulo ng tubig everytime i make formula for my little one? thanks

sleepless

  • Guest
Re: Infant Formula
« Reply #501 on: January 15, 2014, 12:23:51 pm »
Hello Mommies!

please help.

My son just turned one last sunday, SImilac HW po ang milk nya for 12months, and now pinalitan po ang milk nya ng PediaSure, problema ko ngayon, ayaw po ng baby ko. Any tips mommies or advice kasi sympre 12months nya gamit ang similac tapos mabigla po sya sa lasa ng bago nyang milk.

Need advice. Thanks.

bettyboop1322

  • Guest
Re: Infant Formula
« Reply #502 on: January 15, 2014, 04:43:14 pm »
Ask ko lang, in making fornula for my baby i simply use cooled boiled water, ok lang ba yun? Or need ko na mag-boil ng tubig everytime I will need to feed mybaby?thanks

ok lang din naman sis to boil water that your baby can consume for 24 hours..

Halee

  • Guest
Re: Infant Formula
« Reply #503 on: January 15, 2014, 04:46:32 pm »
Why not try to introduce Pediasure gradually? Konte konte lang muna (tikim tikim) para lang maging familiar sya sa lasa new milk nya. Ang ginawa kase namin kay baby non nagpalit sya ng milk (S26 gold to Promil gold) habang S26 pa milk nya pakonte konte iniintroduce na sa kanya yong Promil. Wala naman nagging problem sa baby ko.

Sis sleepless matanong lang kung bakit 1 milk lang sya for 12 months?

prettypepz

  • Guest
Re: Infant Formula
« Reply #504 on: January 16, 2014, 12:25:29 am »
100 ml tinitimpla ko for baby he's now 3 weeks by the way. mixed feeding din ako. also ask ko na din, i use cooled boiled water, sa formula ni baby, ok lang ba yun? or need ko magpakulo ng tubig everytime i make formula for my little one? thanks

3 weeks sis 100ml isang feed nya lang yun? Kada ilang oras yung 100ml? Parang ang dami hehe.. 2-3oz lang kasi sakin every 2hrs,,

I suggest mag distilled water ka muna since maliit pa si baby.. Sensitive pa.. Para di mo na rin need magpakulo..

sleepless

  • Guest
Re: Infant Formula
« Reply #505 on: January 16, 2014, 08:56:49 pm »
Why not try to introduce Pediasure gradually? Konte konte lang muna (tikim tikim) para lang maging familiar sya sa lasa new milk nya. Ang ginawa kase namin kay baby non nagpalit sya ng milk (S26 gold to Promil gold) habang S26 pa milk nya pakonte konte iniintroduce na sa kanya yong Promil. Wala naman nagging problem sa baby ko.

Sis sleepless matanong lang kung bakit 1 milk lang sya for 12 months?

Hello Sis,

Thanks for the advice, 0-12 months kasi po yung similac hw and nagka-allergy kasi si baby nun kaya takot na din ako magpalit ng milk.


makoksRN

  • Guest
Re: Infant Formula
« Reply #506 on: January 18, 2014, 01:55:10 pm »
hello :) my baby is 10 weeks to date. . at 5th day ng baby ko, na frustrate ako ng husto coz hindi naging successful efforts na ma fully breastfed ang baby, napilitan kami to buy available formula milk sa store at the middle of the night. nestogen ang nabili. yung feces nya dry at umiiyak pag nagpupupu. so takot madehydrate si baby bili kmi agad S26.. a new mom kaya naturete ng husto ng maglabasan rashes sa baby ko. we opted to shift sa NAN HW One, since hypoallergenic sya. result diarrhea. ndi mo na ma determine kung wewe o pupu ang nasa diaper.

we sought consult sa critical care pediatrician at ni diagnose nya na me CMA(cow's milk allergy) si baby kya pinatry nya samin ang similac hw. omoke ang bowel movement ni baby so we taught ok na but during check up at nag spit si baby pina shift kami ng nutramigen. ( i taught spitting and colic are normal stages na malalampasan ni baby but then indi daw).

good enough , after almost 2 cans of nutramigen, luminaw skin ni baby (rashes are gone) ang colic na minimize ng almost 80%. ang catch too expensive... 3 cans kami in a week @ P907/can sa Mercury drug. tagal pa ng 6 months pra mapalitan n milk nya :'(

preciousjewel28

  • Guest
Re: Infant Formula
« Reply #507 on: January 19, 2014, 09:23:09 pm »
hi mga mommies,
nagtataka lang ako bakit kaya may hiyang sa mga Bonna at nestogen na gatas, yung ibang babies na kasabayan ng baby ko sa compound namin ang ganda ng effect sa knila ng bonna pero sa baby ko hindi maganda ang effect, nag constipate siya at nagkarashes. kaya no choice kami kundi Similac TC ang ipainom sa baby ko.. so far ok naman sa kanya at ang taba nya, un lang ang mahal hehe


His sis!

iba iba siguro talaga ang mga baby.. kasi Bonna din ang milk ng 1 month old baby ko, pero ok naman. super expensive kasi yun ibang brand kaya  swerte na din na hiyang siya sa Bonna. it's not about the price talaga,i can say, kasi my eldest kid (4years old na siya ngayon) Bonna lang din. para sa mga moms like me na on a tight budget pwede na ang Bonna, Wyeth product din siya so trusted brand din.. ;)

pretty_n_primp

  • Guest
Re: Infant Formula
« Reply #508 on: January 21, 2014, 02:41:08 pm »
3 weeks sis 100ml isang feed nya lang yun? Kada ilang oras yung 100ml? Parang ang dami hehe.. 2-3oz lang kasi sakin every 2hrs,,

I suggest mag distilled water ka muna since maliit pa si baby.. Sensitive pa.. Para di mo na rin need magpakulo..
sis, yung 100ml every 3-4 hours yun.

tinsantos10

  • Guest
Re: Infant Formula
« Reply #509 on: January 21, 2014, 11:05:25 pm »
I recently changed the milk of my 7 month old daughter, from Promil Gold to Promil. Promil Gold kasi is quite expensive. 1.6kg is around 1600php while Promil 1.6 kg is around 1300php. Malaking pera din yung P300 no.  ;D And Promil naman talaga nakareseta sa kanya. I opted for Promil Gold in the first place kasi yun yung binili ng hubby ko. So far so good. Okay naman sa kanya. :)

prettypepz

  • Guest
Re: Infant Formula
« Reply #510 on: January 23, 2014, 02:18:52 pm »
sis, yung 100ml every 3-4 hours yun.

ang hirap tantyahin ni baby.. :( I'm making kasi 3oz pero minsan hindi nya ubos like 1oz lang ganun.. tapos ssleep, eh hindi naman pwedeng patagalin yung milk na nainom na.. kaya ang ending wasted.. minsan naman nakaka 4 oz.. or minsan wala pang 2hrs gutom na.. hays off topic pero any tips mga sis for formula feeding? first time mom kasi, my bebe is 1 month na..

daveigh

  • Guest
Re: Infant Formula
« Reply #511 on: January 23, 2014, 02:30:56 pm »
^ sis sa akin, tanchahan talaga yan. normal kasi yan na hindi lahat ng oras makakaubos si baby ng milk.

pero kung ilang araw na syang ganyan halimbawa mga 3-4 days na, bawasan mo, gawin mo munang 2oz. Pag napansin mo naman na sunod sunod na araw na mabilis na maubos, dagdagan mo na ng 1oz.

mas madali naman magtimpla ulet kesa matapon lang ang milk.

Halee

  • Guest
Re: Infant Formula
« Reply #512 on: January 23, 2014, 02:49:19 pm »

sis prettypepz as far as i know every 3-4 hours feeding time sa ganyang age. hindi mo ba sya pinamimilk while sleeping? tama si sis daveigh ikaw na ang mag-adjust. ako dati BF at formula konteng kibot lang ni baby milk agad, ayon overfeeding na pala. my baby is 11mos now at parang ayaw makaramdam ng gutom, palaging busog.

joevicko

  • Guest
Re: Infant Formula
« Reply #513 on: January 23, 2014, 04:59:00 pm »
I think maganda din yung bonna though hindi yun ang milk ng baby ko. hehe.. wala kasi sa mura or mahal yan eh hiyangan din talaga yun.. kasi yung kasing idad ng baby ko samin bonna gamit nya from 0-6months pero mas nauna pa siya mag gapang at roll over sa baby ko when they were that age.

so kung hiyang baby mo sa bonna, swerte mo kasi di siya kasing mahal ng ibang brand

Halee

  • Guest
Re: Infant Formula
« Reply #514 on: January 23, 2014, 05:01:59 pm »
You sound so worried sis tokiee06. As long as maganda ang progress (like weight gain, length and poop ni baby) I think you don’t have to worry. Si Pedia naman yata ang nagprescribe ng milk nya eh
« Last Edit: January 23, 2014, 05:04:08 pm by Halee »

tokiee06

  • Guest
Re: Infant Formula
« Reply #515 on: January 23, 2014, 06:28:39 pm »
so far okay naman sya. Chubby pa nga at masayahing baby. Hehe. I tried s26 Gold before, 3 days syang di nagpoop!! Tsktsk.

prettypepz

  • Guest
Re: Infant Formula
« Reply #516 on: January 23, 2014, 07:11:06 pm »
sis prettypepz as far as i know every 3-4 hours feeding time sa ganyang age. hindi mo ba sya pinamimilk while sleeping? tama si sis daveigh ikaw na ang mag-adjust. ako dati BF at formula konteng kibot lang ni baby milk agad, ayon overfeeding na pala. my baby is 11mos now at parang ayaw makaramdam ng gutom, palaging busog.

Hindi sis.. Sabi kasi ng pedia ko saka nababasa ko rin sa net na kapag nagpapadede naka upright position.. Mahirap kasi baka ma choke sk babh kapab pina dede ko ng tulog/nakahiga..

Halee

  • Guest
Re: Infant Formula
« Reply #517 on: January 23, 2014, 09:32:04 pm »

aah. i breastfed her for almost 2 mos. (nga lang) so binubuhat ko talaga sya. pero non nakaformula milk na sya khit natutulog pinapamilk ko (ng hindi karga) but i make sure na mapa-burp sya. after each burp nga eh gutom na naman.

tokiee06

  • Guest
Re: Infant Formula
« Reply #518 on: January 24, 2014, 09:34:21 am »
Ako po before nung breastfeeding palang, nakahiga kame hanggang makatulog na sya. pero yun nga, UPRIGHT Position para di sya machoke. :)

mielski

  • Guest
Re: Infant Formula
« Reply #519 on: January 29, 2014, 04:18:37 am »
Hi mommies! newbie here. Ask ko lang sana for those using NAN HW for their babies,. nahihirapan ba mag-poop baby niyo? my baby is 8weeks old, from birth til last week, S26 Gold siya and regular poop niya ay 3x a day, yellowish and okay naman un consistency. now that we've switched, 1 day siya di nagpoop tapos parang nahihirapan sa pagire although malambot lang din naman. ni-recommend ng pedia yung Nan HW kasi kinabag siya nung 3wks old siya e may stock pa kami ng milk so inubos muna. need your advice, TIA!

 

Latest Stories

Load More Stories
Close