1. ^^ Justice system nga! Walang justice, kung maging biktima ka man ng kung anong crime, sorry ka nalang.
2. Traffic sa Metro Manila
3. Pollution, grabe ang itim ng usok ng mga bus.
4. High Crime rate. Ang daming magnanakaw, pati government officials magnanakaw. Garapal pa.
5. High standard of living. Sabi nila mura, pero hindi e. Ang mga basic necessities pinapatawan pa ng VAT.
6. Poor planning. People here just do not have a concept of long term planning. Be it the government or individuals na iilan lang ang nakakapag ipon ng retirement or for insurance.
7. Respect for others. Mahirap ba talaga gawin ito? Bakit ang babastos ng mga tao, walang respect for others, kita ko ito sa mga nag aaway na mga kapitbahay dahil sa space na occupy nung isa or dahil sa parking etc. Ang tanging nirerespeto lang ng madla ay ang celebrities at ang mga mayayaman, which should not be. Pare parehong tao lahat tayo, and each person's rights should be respected.
8. Poor Transport system. Hindi lang sa city, pati pagpunta sa mga provinces, bulok na roads, bulok na airport, high risk na shipping.
9. People are very emotional and not a thinking population. Poor sense of right or wrong. Laging nababahiran ng awa or emotions sa decision making. Very forgiving at maawain, to the point na sobrang skewed na. For example, justifying na ang sidewalk vendors ay kelangan manatili sa sidewalk kasi hirap na hirap sila, kawawa, marangal na trabaho, pinapakain at pinapaaral ang pamilya, at kung magsalita sila ay parang sila lang ang tanging mga nilalang sa Metro Manila na hirap na hirap ang buhay. Also true for squatters.
One important thing kasi din for Pinas is to recognize what is lacking and what is not there. Minsan kasi kung pintasan mo, sasabihin na hindi ka makabayan. Or imbis na magreklamo ka, gumawa ka ng paraan. But that's not it eh. It should really be recognized as a problem, at huwag naman be in denial until the problem is on your face na at wala ka nang magagawa. Kaya ito ang hinantungan, over the last 2 decades, slowly mounting ang problema na iyan, but people wish to ignore it. Iyan ngayon, hirap na tuloy isolve ang problema.