I wont use the word "dislike", nandito pa rin naman ako sa Pilipinas.
Ito ang mga bagay na gusto ko na sana mabago na sa Pilipinas.
1. Ang "pamamalimos" ay naging occupation na.
2. Kinakaawaan ang mga squatters na nagnakaw ng lupa ng ibang tao.
3. Kapag popular at may datung ka, pwede ka nang tumakbong pulitiko.
4. Kapag ang isang pulitiko ay nasangkot sa rape, adultery, corruption etc. ayaw pa mag resign... (PATUNAYAN NIYO MUNA!)
5. Governor si Lolo, Congressman si Daddy,Mayor si Mommy, Vice Mayor si Kuya, Baranggay Tanod si Uncle, SK President si Bunso. (MAY FAMILY REUNION?)
6. Ang "Basura" ay natural nang dekorasyon sa Pilipinas.
7. Bakit pag may bagyo lagi nalang tayong hindi handa? (SURPRISE QUIZ BA ITO?)
8. Sa ibang bansa ang pulis ay kinakatakutan, sa Pilipinas ang pulis ay kinakatakutan din... kinakatakutang makotongan.
9. Ang side street ay hindi para sa kotse, ito ay para sa mga taong tambay, sa mga manginginom, sa mga asong kalye, sa magbabarbeque, sa mga nag ba-basketball, sa nagtitinda ng fishball, at siyempre para makapag-piko ang mga bata.
10. Ang mga bagay sa ukay-ukay ay actually isang "foreign aid" na binibigay ng ibang bansa para sa mga bansang humihingi ng tulong para sa mga taong nangangailangan, ito ay hindi dapat binebenta. Ito ay isang form of donation. Ang ukay ukay dito sa Pilipinas may sign pa sa labas na "NEW ARRIVALS". (NEW ARRIVAL NG BAGONG HAD-HAD, BUNI, AT ALIPUNGA).
11. Bakit ang private cars hinuhuli kapag sira ang headlights, o bumubuga ng itim na usok? Bakit ang jeepney walang ka-ilaw ilaw kung humarurot sa kalsada at maitim pa kung makabuga ng usok pero KERIBELS LANG ANG MAMANG TSUPER?
12. Tanggalin na ang PINK URINALS sa edsa!!! Matutong maghanap ng tamang CR.
Hindi na ako naka-abot ng 20 reasons, na high blood na ako sa pang 12 reason ko.
For me, i dont mind that our country is sometimes being criticized by foreigners (as long as "nasa lugar naman ang pag puna sa atin). It somehow gives us a "reality check" sa nangyayari sa Pilipinas, ayon sa kasabihan nga natin "BATO BATO SA LANGIT, ANG TAMAAN HUWAG MAGALIT". Instead na magalit tayo, lets prove them wrong at itama ang mali.
I love the Philippines, and im willing to make a change for the sake of this good country of ours.
The only reason why I SUPERLIKE the Philippines.
1. THE FILIPINOS.