We use cookies to ensure you get the best experience on FemaleNetwork.com. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.
Remember Me
Oops! Sorry!
A message has been sent to
johnjones@gmail.com
Click on the link in the email to set a new password.
Click on the link to activate your account.
@msfi minsan kasi tantiyahan din bago mo mapagsabihan ang mga bata, kasi baka magsumbong tapos makitid ang utak ng parents mamisinterpret tapos magalit. sa case ko, mga may isip ng pinagsabihan ko (SIL and maid) pero hindi parin nakaintindi ng nagtitipid, feeling nila pinagdadamutan sila. sa iyo pa galit, hindi nakakaintindi na halos wala ng libre sa mundong ito at mag isa lang akong nagtatrabaho. tapos sesegundahan pa ng MIL ko na akala mo inaapi ang anak niya.
tanya1109: ilang taon na ba sis yung mga bata sa inyo? dito kasi 8, 3 saka 2 yrs old. puro babae pero mas malilikot pa sa lalake. araw araw ganito ang buhay ko. nakakasawa no sis? yung lagi mo silang kasama tapos everyday ganun ang eksena sa bahay.
altavida: nakakaimbyerna naman yung ganun sis. na parang hindi sya bilib sa gawa mo para ulitin pa nya. naalala ko tuloy nung ginamit ko yung washing machine ni MIL, aba nakabantay ba naman. tapos konting damit lang nilagay ko sa spinner, nagulat ako nagtutunog! tapos sabi nya ng malakas, "naku, alisin mo yan! mali yung lagay mo. dagdagan mo ng damit!" ganun ba talaga ang spinner? o bulok lang yung kanya? kasi hindi naman ako naglalaba sa amin. twice nangyari yun eh, yung second nagdadadaldal sya kung tapos na raw ba ako maglaba. nabanas ako, sabi ko "nay, may gagawin po ba kayo sa labahan? gawin nyo na po.. ititigil ko na yung labahin ko." natahimik sya tapos mula nun, nagpalaundry na ako, saksak nya sa baga nya yung bulok nyang washing machine.