Author Topic: Life - right after getting married...  (Read 74020 times)

danne

  • Guest
Re: Life - right after getting married...
« Reply #200 on: April 12, 2012, 09:11:34 am »
@msfi

minsan kasi tantiyahan din bago mo mapagsabihan ang mga bata, kasi baka magsumbong tapos makitid ang utak ng parents mamisinterpret tapos magalit. sa case ko, mga may isip ng pinagsabihan ko (SIL and maid) pero hindi parin nakaintindi ng nagtitipid, feeling nila pinagdadamutan sila. sa iyo pa galit, hindi nakakaintindi na halos wala ng libre sa mundong ito at mag isa lang akong nagtatrabaho. tapos sesegundahan pa ng MIL ko na akala mo inaapi ang anak niya.

danne

  • Guest
Re: Life - right after getting married...
« Reply #201 on: April 12, 2012, 09:32:43 am »
@AltaVida

Nakakarindi talaga sis kapag may kayabangan ang inlaws. Actually, nililigawan pa lang ako ni hubby napansin ko na medyo mahangin din siya pero yung tipong nakakatuwa pa. Kapag binibiro ko siya before na ang yabang yabang niya, natatawa lang siya, namana niya daw sa side ng father niya. True enough kasi when I met his father, laglag talaga ang wig ko. Alam mo yung lalaking mahangin tapos madada? Mahilig magcompare. Nakakarindi sa tenga ni ayaw ko ng tingnan at pakinggan.

Good thing sis na si hubby mo mismo ayaw tumira sa house ng parents niya. Ang problem ko, si hubby ko mismo ayaw lumayo sa family niya. Ang hirap pati kasi atribida ang MIL ko, pinapansin lahat pati mga niluluto ko. Nakakainis lang makarinig ng sarcasm from someone na hindi din naman masarap magluto.

Dhee-Dhee

  • Guest
Re: Life - right after getting married...
« Reply #202 on: April 12, 2012, 11:42:14 am »
tanya1109: mismo sis! parang impyerno talaga. dito naman, laging pumapasok yung mga pamangkin ng asawa ko sa room namin. hindi ko alam bakit gustong gusto nilang maglaro dito. kaya madalas, nilolock ko na yung pinto kasi ang gugulo. minsan dito rin manonood ng cartoons, naku sinasabi ko talaga na dun sila sa sala manood dahil nanonood ako, lol! ang masama dun, iniiwan ng SIL ko minsan dito tapos pag sinita sya ng asawa ko, deny to death sya. minsan nga kaharap pa ako sinabi nyang hindi nya iniiwan mga anak nya, kapal ng mukha, kagigil! pano, gusto rin nyang andito mga anak nya kasi nakakalibre sa food. pagka nga naman inabutan ng lunch or dinner, dito na kakain yung mga bata. minsan kasi ang hirap tanggihan kapag bata na mismo ang nanghingi. pero paunti-unti, pinagsasabihan ko na sila. sinasabi ko rin sa hubby ko pag andito sya na wag na muna papasukin kasi syempre, kami naman mauubusan. eh pag nagluluto nga ako mas marami pa yung nilalabas namin sa kanila kesa sa nakakain namin eh.

altavida, electricpink17: swerte nyo sisses, hindi nyo kasama ILs nyo.

isa pang kinaaasaran ko eh yung magigising ako or kami ni hubby dahil sa ingay nila. yung MIL ko pati SIL ko, mahilig sumigaw. nakakabwisit! nung bago palang ako dito sa kanila, nagugulat ako kapag may nagtataas ng boses kasi sa amin hindi naman ganun. one time tinanong ko hubby ko, "sinong kaaway ni nanay?" sagot naman nya, "wala, ganun lang talaga magsalita yun." nyaaark! amp na yan!  :o


AltaVida

  • Guest
Re: Life - right after getting married...
« Reply #203 on: April 12, 2012, 12:06:54 pm »
hay naku sis danne! nakakainis di ba yung lahat ng kilos mo inaabangan niya... yung MIL ko oc-oc... eh siyempre sa bahay namin hindi ganon.. yung mga pinunasan ko, pupunasan niya ulit.. yung mga niligpit ko, liligpitin niya ulit.. pag nagluluto ako nakiki-alam din siya sa pag-gawa.. pero wala naman siyang masabi sa luto ko dahil marunong naman talaga ako...



tanya1109

  • Guest
Re: Life - right after getting married...
« Reply #204 on: April 12, 2012, 12:14:04 pm »
@msfi

minsan kasi tantiyahan din bago mo mapagsabihan ang mga bata, kasi baka magsumbong tapos makitid ang utak ng parents mamisinterpret tapos magalit. sa case ko, mga may isip ng pinagsabihan ko (SIL and maid) pero hindi parin nakaintindi ng nagtitipid, feeling nila pinagdadamutan sila. sa iyo pa galit, hindi nakakaintindi na halos wala ng libre sa mundong ito at mag isa lang akong nagtatrabaho. tapos sesegundahan pa ng MIL ko na akala mo inaapi ang anak niya.

tumpak na tumpak ka dyan sis...eto pala yung tinatawag na "Life right after getting married" kunsumisyon sa mga IL's. hahaha.

@Dee-Hee - tama ka ang iingay nga nila, tipong walang pasintabi kahit natutulog si baby nagigising dahil sa mga boses.

Minsan parang napapagod na ko mastress ng dahil sa kanila. Pinipilit kong wag na lang pansinin kasi either way ako rin ang talo. Kaso fulltime mom ako at everyday ko silang nakakasama...

danne

  • Guest
Re: Life - right after getting married...
« Reply #205 on: April 12, 2012, 01:17:46 pm »
@tanya1109 kumbaga sa meeting sis, eto kasi ang highlights  ;D kasi everytime na mabadtrip ako sa inlaws ko, buong araw ko sira na. MInsan, kahit isang linya lang ang sinabi parang sasabog na ako. Ang masakit pa niyan, hindi naman ako makailag. Salo lang din ng salo.

@AltaVida tama sis... nakakaoffend di ba? parang nananadya lang. Hirap din pala kasama ng MIL mo sis... pero kapag hindi ka naman gumawa kapag mainis ka dahil inuulit din niya, baka sabihin naman tamad ka. wala ngang paglugaran. sala sa init sala sa lamig. tama nga yung laging sinasabi ng father ko na kapag ang tao galit sa iyo, lahat ng gawin mo eh mali for them. in short, wala kang ginawang tama  ;D

Dhee-Dhee

  • Guest
Re: Life - right after getting married...
« Reply #206 on: April 12, 2012, 01:34:06 pm »
altavida: nakakaimbyerna naman yung ganun sis. na parang hindi sya bilib sa gawa mo para ulitin pa nya. naalala ko tuloy nung ginamit ko yung washing machine ni MIL, aba nakabantay ba naman.  >:( tapos konting damit lang nilagay ko sa spinner, nagulat ako nagtutunog! tapos sabi nya ng malakas, "naku, alisin mo yan! mali yung lagay mo. dagdagan mo ng damit!" ganun ba talaga ang spinner? o bulok lang yung kanya? kasi hindi naman ako naglalaba sa amin. twice nangyari yun eh, yung second nagdadadaldal sya kung tapos na raw ba ako maglaba. nabanas ako, sabi ko "nay, may gagawin po ba kayo sa labahan? gawin nyo na po.. ititigil ko na yung labahin ko." natahimik sya tapos mula nun, nagpalaundry na ako, saksak nya sa baga nya yung bulok nyang washing machine.  ;D

tanya1109: ilang taon na ba sis yung mga bata sa inyo? dito kasi 8, 3 saka 2 yrs old. puro babae pero mas malilikot pa sa lalake. araw araw ganito ang buhay ko. nakakasawa no sis? yung lagi mo silang kasama tapos everyday ganun ang eksena sa bahay.

yaskulet

  • Guest
Re: Life - right after getting married...
« Reply #207 on: April 12, 2012, 02:53:27 pm »
^sis, musta ang jobhunt mo? :) sana may positive feedback na para sa gabi ka na lang stay dyan.

tanya1109

  • Guest
Re: Life - right after getting married...
« Reply #208 on: April 12, 2012, 03:15:39 pm »
tanya1109: ilang taon na ba sis yung mga bata sa inyo? dito kasi 8, 3 saka 2 yrs old. puro babae pero mas malilikot pa sa lalake. araw araw ganito ang buhay ko. nakakasawa no sis? yung lagi mo silang kasama tapos everyday ganun ang eksena sa bahay.

2 boys and 3 girls sis.

1st boy - 12 years old. Eto yung mahilig sa computer.
2nd boy - 4 years old - Eto yung laging nanunuod ng tv. Mahilig kasi sya sa cartoons. Tapos spoiled brat ito kasi nagwawala kapag hindi naibigay ang gusto.

1st & 2nd girl - 9years old pareho - Eto yung mahilig maghalungkat ng mga gamit ko. Binubuksan bag ko, wallets at cellphone. Sobrang imbyerna kase personal property ko yun.

3rd girl - 8months old. Baby pa toh. Pero wag ka, yung mommy nya na ate ng husband ko lahat na yata ng gamit ni baby hinihingi, gatas, diaper, cerelac, vitamins.
Tapos madalas pa mangutang sakin. Palibhasa nasa ibang bansa si husband ko na kapatid nya. Iniisip ko na lang mas maganda ng ako ang nagbibigay keysa kami yng nanghihingi. Yun na lang talaga iniisip ko para hindi ako mastress. Kapag kinukwento ko yan kay husband sorry sya ng sorry sakin.

danne

  • Guest
Re: Life - right after getting married...
« Reply #209 on: April 12, 2012, 03:20:14 pm »
@Dhee-Dhee

hindi ko na din matandaan sis kasi college days pa last gamit ko ng spinner  ;D  ang tapang mo naman sis, ako kasi kapag ganyang situation, hinga lang ako ng malalim tapos tahimik lang. Once kasi na magsalita na ako laging gulo ang napapasok ko so baka pagsisihan ko lang. Hindi ko talaga kaya yung batuhan ng salita like sa soap opera. Yun nga sana ang gusto ko pag-aralan.

mrsdee

  • Guest
Re: Life - right after getting married...
« Reply #210 on: April 12, 2012, 04:05:50 pm »
sa case naman namin ni hubby, ako yung mas attached pa sa family. siguro nasanay lang kasi sakin din naka-depend family ko bilang breadwinner. tapos this vacation, gusto ko sa side ko kaagad umuwi but the hubby said, hatiin natin, 1 month tayo sa amin, 1 month sa inyo.
this will be the first time and medyo sad ako at first kasi pag umuuwi ng Pinas, I always look forward to being with my parents and siblings tapos this vacation, it will be very different na. I told my mom and she reminded me, ganun talaga anak, iba na ngayon, may asawa ka na. buti na lang very supportive din parents ko at pinu-push din ako to bond with my in-laws.

re: IL's, first time ko pa sila makakasama ng matagal this vacation kaya can't share pa about IL disasters, hehe. text mates naman kami ng sisters ni hubby and titas and so far they're okay, very low-profile..sana ganun din sila sa personal. I could use a wish right now. :) anyway, I'll share more pag nakasama ko na sila hehe.

yaskulet

  • Guest
Re: Life - right after getting married...
« Reply #211 on: April 12, 2012, 04:11:45 pm »
@sis dheedhee: sis God Bless sa technical interview mo, i hope yan na yung sagot sa prayers mo. Well, ako naman sa office imbyerna to death! super plastic ng officemate ko sinumbong ako sa boss ko. si boss ko naman, immature kaya agad agad inatake ako. hello, boss ko siya so dapat alam nya how to approach her under di ba. kainis. sabi ni hubby, mag resign na ako asap at i take over na namen business nila ng masimulan na ang plans. Hanggat andito ako sa work ko, di kami maka move forward sa plans namen. Sabi din ni hubs, I am not meant to be an employee (hehe, may nabasa kami blog na ang mga pinoy daw, tinuturuan na maging slave by being an employee and not an entrepreneur). Minsan worried ako sa expenses, pero dapat positive lang, tutal wala din naman help ang pera ko kasi yung sweldo ko pang gastos lang sa daily expenses, di man lang maka help sa pambayad sa credit card so baka mas tipid pa kami if uuwi na kami sa Laguna dahil doon may sarili kaming bahay, mura ang food and yung pera ni hubs kasya na samen (sobra pa nga minsan) and yun nga mag business na lang. Kaya sis, tinake ko as sign tong pang iimbyerna saken sa office kasi pag masaya ka, hirap mag resign. Pero pag may dahilan, kating kati na umalis.

Buti na lang sisses may bahay na kami sarili (though katabi lang ng bahay namen) pero wala kasi problema sa mga kapatid at magulang ko. Buti di kami kala hubby nakatira kundi naku di ako pede manood ng tv doon gat gusto ko kasi masipag mashado pamilya ni hubby eh medyo tamad ako so di uubra ang katamaran ko doon. hehe!

danne

  • Guest
Re: Life - right after getting married...
« Reply #212 on: April 12, 2012, 04:40:06 pm »
@mrsdee

Noong hindi pa kami kasal ni hubby, close kami ng SIL and MIL. As in tinatawagan pa nila ako (para mangumusta at mangutang narin  ;D ) and nagmalling din kami ng SIL ko together, siya din lagi katabi ko matulog kapag nandoon ako sa kanila. Pero now na tipid mode ako, iba narin ang treatment nila sa akin. I really hope na walang mabago sa treatment nila sa iyo pagdating ninyo. Especially one month lang pala kayo magstay with your hubby's family. Nandiyan iyong may hihirit na bakit hindi magspend ng time kay daddy or kay mommy or any member of the family kasi maikli lang ang time na magkakasama samantalang kayong mag-asawa eh magkasama naman lagi. But sabagay sis iba-iba naman talaga. Sana okay naman sila sa iyo.

yaskulet

  • Guest
Re: Life - right after getting married...
« Reply #213 on: April 12, 2012, 09:01:59 pm »
^sis thank you. maliit lang yan, pero pede na kesa wala. :) di kami gumastos ng malaki sa kasal sis, dyan namen nilaan. thanks for liking! :) oo sis, ang totoo naman kinausap ko yung senior supervisor ko yesterday and sinabi ko sa kanya as a friend and di as another boss para at least alam nya. mas epal kasi yung officemate ko na sipsip eh, kainis talaga. until now nasa office pa ako and i am so tired, gusto ko na mag resign talaga. kagabi nga sis 1am na ako umuwi buti sinundo ako ni hubby manood sana kami LMFAO, nasayang lang 2 tickets ko kasi di ako nakaalis agad sa office due to work. imagine nag susuffer ang worklife ko due to work. hayy. anyway, sis wag kang nega, if di mo man makuha yan magpasalamat ka kasi for sure inilayo ka ni Lord sa kapahamakan. Before, nagpumilit ako sa Qatar para sumunod ke hubby, at ayun pinalo ako ni Lord di mashado naging mabaet ang boss ko. hehe. so fighting!

yaskulet

  • Guest
Re: Life - right after getting married...
« Reply #214 on: April 13, 2012, 12:25:12 pm »
^korek sis, fighting sa career concerns! :) naisip ko naman, mag resign na ako tutal wala na naman ako balak mag MNL ulit. in case mag work ulit ako, ipipilit ko na sa laguna na lang kahit mababa sweldo basta may racket si hubs, may business kami and passive income. hehe. kaloka! pag pray mo sis, minsan nakukulitan si Lord at binibigay na din. :)) strive lang kayo sis, maabot nyo din ang sariling bahay. tyaga and ipon lang yan. :)

AltaVida

  • Guest
Re: Life - right after getting married...
« Reply #215 on: April 13, 2012, 01:43:19 pm »
altavida: nakakaimbyerna naman yung ganun sis. na parang hindi sya bilib sa gawa mo para ulitin pa nya. naalala ko tuloy nung ginamit ko yung washing machine ni MIL, aba nakabantay ba naman.  >:( tapos konting damit lang nilagay ko sa spinner, nagulat ako nagtutunog! tapos sabi nya ng malakas, "naku, alisin mo yan! mali yung lagay mo. dagdagan mo ng damit!" ganun ba talaga ang spinner? o bulok lang yung kanya? kasi hindi naman ako naglalaba sa amin. twice nangyari yun eh, yung second nagdadadaldal sya kung tapos na raw ba ako maglaba. nabanas ako, sabi ko "nay, may gagawin po ba kayo sa labahan? gawin nyo na po.. ititigil ko na yung labahin ko." natahimik sya tapos mula nun, nagpalaundry na ako, saksak nya sa baga nya yung bulok nyang washing machine.  ;D

hay kainis lang di ba? ganyan siya lage pag nasa kusina ako.. parang binbantayan kung ano at pano ang gagawin kong luto.. excuse me 8 y/o palang nawalan na ako ng nanay kaya marunong ako magluto! at di ako bata para bantayan.. nagtatanong naman ako pag hindi ko alam eh... lage pa yun, o yung mga plato pinunasan mo ba bago i hain? pinatay mo na ba yung tanke? naku mother dear ako ang taong takot sa apoy kaya pag nagluto ako automatic pinapatay ko ang tanke...

sis danne - oo nga.. kahit anong gawin mo pag ayaw talaga sayo ng tao hindi niya matatanggap kahit  anong tamang gawin mo... I don't think galit sa akin si MIL.. oc-oc lang talaga siya.. kasi ganon din siya kay hubby...

sarsingkit

  • Guest
Re: Life - right after getting married...
« Reply #216 on: April 13, 2012, 02:11:58 pm »
^i also lost my mom when i was 10 and feeling ko isa yun sa factors kung bakit gusto ako ni mother in law. and that was my theory for MIL, kasi my officemate does not have a mother din at gusto sya ng byenan nya. hehe. she thinks im kawawa losing a mother at such a young age samantalang mga anak nya ayaw man lang syang ihatid sa derma. hehe. and she does not cook, not even fried egg.

LLLA

  • Guest
Re: Life - right after getting married...
« Reply #217 on: April 15, 2012, 02:01:25 pm »
Life - right after getting married...

-naging more responsible ako
-naisip ko na di madali buhay may asawa  ::)

Paperless

  • Guest
Re: Life - right after getting married...
« Reply #218 on: April 16, 2012, 01:49:07 pm »
nagyaya si MIL na lumabas last weekend treat niya daw. as per hubby, nagpadala daw kasi si father in law ng small amount para makagala sila. everytime na magpapadala, they would just say na it's just a small amount na tama lang for their needs. i tried my best to understand and ayoko na sana punahin na they spent thousands para gumala samantalang may utang sila na dapat bayaran. Nag allot man lang sana sila kahit konti para makabayad. or if ayaw na nilang bayaran, sana sabihin na lang sa akin ng diretso para hindi na ako mag expect. 5 months na iyon pero wala parin naibabalik sa akin.

lyca28

  • Guest
Re: Life - right after getting married...
« Reply #219 on: April 16, 2012, 04:51:56 pm »
depende naman sa inyong 2 yun kung wlang magbabago pero may pagbabago [textspeak!] mangyayari di tulad ng gf/bf kayo, lalo na kung madadagdagan kayo. Kami ni hubby mga 3 months lang nagkasolohan tapos nabuntis agad ako pero mas lalong naging strong yung relationship namin at yung love mas lalong yumabong pa (sobrang tagalog ha)...Before na makasal kami eh nagusap muna kami ng masinsinan kung ano yung mga bagay na kailangan namin baguhin at yung mga iremain namin. syempre yung mga pangit na ugali kailangan ng baguhin pr di na pagsimulan na ng away. At nakaswerte lang siguro ako na si hubby ay subrang supportive at siguro mahal talaga nya ako. Binibigyan nya ako ng time, yung time na akin lang, mga gustong gawin o puntahan na di sila kasama, meron kami nun...kailangan natin yun pr di naman mawala yung buhay natin. Na mabuhay din tayong sarili kahit na may asawa at anak tayo. Ako din binibigyan ko rin sya ng time nya. Siguro give and take lang din yan. Mag 6 years na kami...

 

Latest Stories

Load More Stories
Close