Author Topic: Life - right after getting married...  (Read 73962 times)

yaskulet

  • Guest
Re: Life - right after getting married...
« Reply #180 on: April 04, 2012, 12:13:49 pm »
^sis pag ata bagong kasal excited lagi mag ka life with hubby. siguro pag may anak na, doon tayo mag yearn for work life naman! hahaha! until now, lito mode pa din ako. hehe! ayaw ko kasi na samantalahin ang kita ni hubs kasi di naten masabi ang takbo ng online job nya. kaya ako, save save save ang peg.

mrsdee

  • Guest
Re: Life - right after getting married...
« Reply #181 on: April 04, 2012, 12:22:24 pm »
sis blueflame, my condolences to you and your family.

naku, tama kayo mga sis, OFW here, same dilemma. Wala pa akong anak pero parang andami kong sinusuportahang dependents. Hindi mayaman ang OFW, imho. Pero ganun daw talaga, mas malaki income, mas malaki din expenses. hehe. Thank God pa rin always for increases sustenance, di ba mga sis. ;)

yaskulet

  • Guest
Re: Life - right after getting married...
« Reply #182 on: April 04, 2012, 01:17:46 pm »
@sis dheedhee: oo nga sis, pero yung work ni hubs sis di siya parang odesk. basta masipag siya may kita. alam mo yung counterpart nya, million na kinita kasi 2 years na siya sa online job nya. sana may talent din akong ganun! :) pero tama sis, dapat di ako padalos dalos, need ko pag isipan mabuti. nonetheless, inggit pa din ako at SAHW ka! :)

yaskulet

  • Guest
Re: Life - right after getting married...
« Reply #183 on: April 04, 2012, 06:37:40 pm »
^sabagay sis, if nasa bahay din siguro ako ILs ko baka mas gustuhin ko pang mag work at ma stress kesa makita sila everyday at ma stress sa kanila! hahaha! wish ko sis makapasa ako civil service exam para mag government na lang ako if gustuhin ko maging employed pa din. dami opportunities kaya litong lito na ako! goodluck sis sa interview I hope maging mag ka work ka na agad. :)

Dhee-Dhee

  • Guest
Re: Life - right after getting married...
« Reply #184 on: April 04, 2012, 11:53:43 pm »
^thanks sis! goodluck din sa pag take mo ng civil service exam.  :) isa din yan sa balak namin ni hubby i-take dati kasi naisip ko rin na mag work sa government dahil maganda ang benefits pag nag retire ka na. saka type ko yung 8am-5pm na work, talagang pang may asawa ang sched na yan. hehe!

purplesassy

  • Guest
Re: Life - right after getting married...
« Reply #185 on: April 05, 2012, 12:02:58 am »
Been married for 1 year 4 months and we have a 6 month old daughter. Adjustment stage pa rin kami although in fairness hindi kami nagaaway ni hubs ever hahaha, may yaya naman si baby but still iba yung may anak na, bihira kami mag quality time :) BTW Odesk and ELance din ako, actually kami ni hubby (7300 odesk hours na ko lol) kaya ayun pareho kami homebased ni hubby, lagi kami magkakasama pati baby :)

AltaVida

  • Guest
Re: Life - right after getting married...
« Reply #186 on: April 10, 2012, 09:36:54 am »
happy easter mga wifeys and mommies!!!

naku kami ni hubby adjustment period pa rin pagdating sa budget... kasi nga dahil nag-resign na ako sa work to focus sa events business, medyo kinakapos kami dahil hindi naman kalakihan ang kita sa events namin.. plus my husband is a CC agent pa lang.. so ayun medyo hirap pa kami plus we pay for everything dito sa bahay namin...may mga kasama kami, pero wala kaming choice dahil wala ring work, pero aalis na sila lahat ngayon this week, so kami na lang ni hubby maiiwan, i'm expecting na makakasave din kami dahil malaki ang mababawas sa expenses namin... he also gives money sa mom niya pero hindi gnon kalaki...

ang nakakainis lang, yung family nila hubby palibhasa't may kaya, kung ano-anong naiisip na pagkagastusan... madalas talaga silang magtravel ng buong pamilya, as in out of town + air fare + accommodation.. eh nagsabi na kami na hindi kami makakasama dahil wala na kaming budget, still binook pa rin nila kami ng tickets - 10k para sa aming 2 ni hubby!!! eh natural alangan naman hindi namin bayaran yun, plus accommodation - ikukuha daw nila kami ng sarili naming room para daw magkababy na kami - again, magkano na naman yun at alangan namin hindi rin namin bayaran yun... nakakainis talaga!!!

ako kasi pinalaki akong praktikal na tao.. may kaya kami, well before my mom died and before my stepmom took over the family's wealth nagka-leche leche na kami... my sister and I were breadwinners for a long time, pati sa mga kamag-anak ng dad ko kasi nga wala na silang matakbuhan dahil kinamkam na ng bruha kong stepmom.. kaya hindi uubra sa akin yung ganong style na gastos dito gastos dun... kahit wala na basta lang makapaglamyerda at makisama sa gusto nila... sinabihan pa ako ng tita niya, "bakit hindi ka nagttravel (kasi first time kong sasakay ng plane).. alam mo travel is education, marami kang matututunan..."

sa inis ko nagpasimpleng walk out ako... gusto kong sagutin yung tita niya nanggigil ako! ang sasabihin ko sa kanya - well guess what, I have never traveled but I graduated cum laude... traveling may nourish your personality and knowledge but not your stomach... yung gagastusin ko po sa traveling, ipapakain ko na lang sa mga kapatid ko... at sa kuryente namin para makatulog kami ng mahimbing sa gabi...may isa pa yung banat.. kung mainit daw sa manila bumili ng aircon! mura lang naman eh... gusto ko na naman sumagot, siguro po senyo mura ang aircon pero sa amin hindi!

sorry sa long rant sisses.. guess I didn't enjoy my 5-day vacation after all.. kung andito siguro ako sa bahay super saya! sabi ko kay hubby, hindi ko kahit kailan siguro maiintindihan yung side ng family mo.. they're always about spending and wasting... wag sana dumating yung time na mawalan sila bago nila marealize kung paano sila mag-aksaya... dito sa bahay super cool ng mga tao... kahit matatanda pag kausap mo parang mga kaidaran lang namin.. yung mga tita ko gay lingo pa kami minsan mag-usap... walang pressure, no need na magpa-impress...

last na to pramis!
saka pag nakikita ko kung paano nila i-treat mga katulong, naninibago ako.. kasi nung bata kami nung well off pa kami, tig-isa din naman kami yaya, pero kasabay namin sila lahat kumain, kung ano pagkain namin, yun din ang kanila.. magagalit ang papa ko pag hindi sabay sabay kumain kahit mga katulong... saka pag hindi kami tinuturuan ng katulong na magpunas or maghugas ng plato... pero sila lahat utos - nasa tabi na lang yung kutsara iuutos pa... tapos pag kainan, siguro ganto rin sa iba, na huli kumakain ang katulong.. pero what bothers me, is iba yung kinakain nila, kahit na marami naman natira sa ulam... kung kare-kare ang ulam, ipapakain sa katulong isa, or de lata...

yaskulet

  • Guest
Re: Life - right after getting married...
« Reply #187 on: April 10, 2012, 05:34:26 pm »
@paperless and alta: naku ang hirap nga pag mega gastos relatives! kami nga din nung holy week, nag staycation lang kami. mega yaya samen relatives ko na mag beach. ay di kami sumama, kasi puro yabang. yabangan ng yabangan non stop! ayaw ko ng puro yabang, puro sila pagarbuhan and all, yun kasi status symbol nila eh. ako naman, mega tipid, tipid, tipid kaya kala nila wala ako pera. hahaha!

@dheedhee: sis ako naman medyo nagtampo ako ke hubby nung weekend. pano naman sis, 1am nag text mom nya, patulog na kami noon ha, as in pahiga na ng kama. nag text si MIL yung dad daw ni hubby na paralyzed eh nagliligalig at hinahanap si hubby. Ayun, umalis agad agad. Uwi agad sa kanila. Sinabi nga daw ke hubby na bat sila pinabayaan at iniwan. Nainis lang talaga ako. Sis, pano naman sila pinabayaan, si hubby nasa abroad umuwi para makasama sila. Lahat ng kinita sa abroad binigay sa kanila pampagamot and all(pati budget pang kasal and pampagawa bahay nilabas ni hubby before, buti nalang nabawi sa online job nya). Di nag work si hubby mula pag uwi sa pinas at inalagaan daddy nya haggang sa kinasal kami. Nung kasal na kami ilang ulit na din nag labas ng pera si hubby umabot na ng 100k para supportahan sila. Sabi ko nga ke hubby kahit gano kadami pera nya sis, pag nalaman ko na dadalhin hospital father nya kinakabahan ako dahil alam ko siya na naman ang gagastos (may kuya siya, e wala naman mashado contribution kainis talaga). Naaawa ako ke hubby kasi na iipit siya sa galet ko at sa problema ng pamilya nila. Sabi ni hubby sorry daw kasi puro problema family nya, shempre pati ako affected. Sana matapos na ang struggles nila para naman makahinga kami ni hubby. Di kami makapag saya dahil ang pamilya nya ay may problems. Hay, I may sound selfish pero minsan this is how i feel. Kasi pag gising ko wala na si hubby sa tabi ko, madaling araw pa lang nasa kanila na to help out sa bakery nila and all. Kaya nag balak na lang kami mag take over eh para di na mahirapan si MIL na i maintain ang 2 bakery nila. Mabaet naman ILs ko sis, pero yun nga may problema pamilya nila mag iisang taon ng pagsubok ni Lord gang ngayon di pa nakakarecover. Dapat pala doon sa silent feelings ako nagpost. Hay.
« Last Edit: April 10, 2012, 05:38:04 pm by yaskulet »

m_lim

  • Guest
Re: Life - right after getting married...
« Reply #188 on: April 10, 2012, 11:28:38 pm »
life after getting married- hindi tulad sa pelikuha na happy happy all the time. adjustment talaga everyday.

yaskulet

  • Guest
Re: Life - right after getting married...
« Reply #189 on: April 11, 2012, 12:05:54 pm »
sis, super baet. as in super baet! lahat gagawin nya sa family nya. kaya naman ako sis, di umepkto ang pag susungit ko nung weekend, ginawa ko iniyakan ko! hahaha! tumulo ang mga luha ko, ayun the next day di umalis ng bahat pumunta sa kanila. naiintindihan ko naman si hubby sis, pero gusto ko ang ipaintindi sa kanya eh sana maunawaan ng pamilya nya na may asawa na siya and may limitations ang lahat.

danne

  • Guest
Re: Life - right after getting married...
« Reply #190 on: April 11, 2012, 04:23:18 pm »
@yaskulet

Nakakarelate ako sa nangyari sa iyo sis. Kahit sikapin natin na intindihin ang situation, medyo mahirap talaga. at first, kapag inaagaw ng inlaws ko ang time ni husband, sumasama talaga ang loob ko, may times din na nagagalit ako especially kapag kailangan ko din ang tulong ni hubby then mare-realized ko na am alone pala sa bahay and nandon siya sa kanila. but lately, parang napagod na lang ako and ayoko na magalit. last Saturday, he left our house while I was doing the laundry. Natapos na ako and nakapagluto nang lunch hindi parin siya bumabalik. I waited for 3 hours. Pagdating ni hubby sobrang apologetic ng mukha and halatang bagong gising -- nakatulog daw siya sa kanila. Hindi na ako umimik. Hindi narin ako nag effort magalit. Naisip ko pinalungkot na nga niya, gagalitin ko pang sarili ko. Then here comes MIL halos kasunod lang niya, akala siguro ay aawayin ko si hubby dahil halos maghapon siya nagstay with them. Pero dun siya nagkamali.
« Last Edit: April 12, 2012, 08:57:08 am by danne »

yaskulet

  • Guest
Re: Life - right after getting married...
« Reply #191 on: April 11, 2012, 04:48:10 pm »
^sis danne: naku sis, ganyan din si hubby, nahihiya na daw si MIL sa kanya kasi nga disoras ng gabi aalis sa tabi ko, pag gising ko wala na kasi 4am nakaalis na. sabi ni hubby, pamilya mo din sila dapat daw maintindihan ko. anyway, nung sinabihan si hubs na pinabayaan sila and iniwanan, sinabi naman ni hubs sa tatay nya na may asawa na ako at nagwowork sa manila kaya di pedeng dito ako tumira sanyo kasi pag may nangyaring masama sa kanya, di ko mapapatawad sarili ko and pag dito ako tumira, sanyo lang iikot mundo ko. Awa nga ako ke hubs kasi torn na torn siya. Pero sana di ba sis, maintindihan ng inlaws naten ang situation ng pamilya naten.

@sis dheedhee: OT, sis super asar ko dito sa company ko, parang di na ako tatagal! as in now na gusto ko na magresign!  >:(

tanya1109

  • Guest
Re: Life - right after getting married...
« Reply #192 on: April 11, 2012, 05:47:03 pm »
nakakarelate ako sa post ng mga sisses dito, totoong iba talaga ang buhay kapag may asawa na, andaming changes at isa na nga dyan yung pakikisama sa family ni partner. Noong engage pa lang kami ni husband, akala ko ay hindi ako mahihirapan dahil bata pa lang ako ay marunong nako sa bahay. Pero ng maging mag-asawa kami lalo na ngayon na nasa ibang bansa sya, kami ni baby ay naiwan dito with his family.,grabe ang stress na inaabot ko sa kanila. Yung gawaing bahay at pag aalaga kay baby ay kering-keri ko lang eh, pero kapag andyan na ang family nya, jusko! naloloka ko.

Dhee-Dhee

  • Guest
Re: Life - right after getting married...
« Reply #193 on: April 11, 2012, 08:18:52 pm »
^haha.. pareho tayo sis, naiistress din ako ng bonggang bongga sa ILs ko. kaya wala na akong ibang ginawa buong araw kundi hintayin ang pag uwi ng hubby ko. parang nagsisisi akong nag SAHW ako pero keri na rin kasi kahit pano, napahinga ako. pero inip na talaga ako sa house nila, haha. wala pa akong anak pero ngayon palang, kunsumido na ako sa mga pamangkin ng asawa ko.

tanya1109

  • Guest
Re: Life - right after getting married...
« Reply #194 on: April 11, 2012, 09:03:18 pm »
^true sis, kahit mga batang pamangkin ay kailangan pakisamahan after getting married. Lalo na ngayon bakasyon ng mga kids, they are just few blocks away from our house kaya everyday sila andito. Laging madumi ang bahay, maingay tapos hindi ako makapanuod ng tv sa gusto kong channel kasi mismong sila eh nag-aaway sa remote, tapos ang pc ko hindi ko din magamit kasi ginagamit nila...its like living in hell...

Msfi

  • Guest
Re: Life - right after getting married...
« Reply #195 on: April 11, 2012, 09:32:24 pm »
^ di ba pwede pagsabihan yung mga bata?

AltaVida

  • Guest
Re: Life - right after getting married...
« Reply #196 on: April 11, 2012, 11:15:46 pm »
naku mga sisses... bakit ba ganon mga ILs.. naalala ko yung joke na nabasa ko dati..

pinamaswerteng tao daw sina eba at adan - kasi sila lang ang walang byenan! haha

hindi naman ako laging imbyerna kay MIL.. basta wag lang niya ako ako papa-andaran ng mga payabang nila.. well siguro hindi sila nag-yayabang pero kasi hindi ko trip yung mga ganon.. napaka-simple kong tao... naiintindihan ko naman pag gusto nilang umuwi kami duon (dito kasi kami sa amin nag-stay) kasi only child si hubby...

sa kagustuhan nila na dun kami sa kanila, pinagawaan pa kami ng room sa rest house sa tagaytay, tapos this month papagawaan naman kami ng room sa likod ng bahay nila.. eh kaso kami lang ni hubby dito sa house ng family ko.. wala na mga kapatid ko may mga sariling buhay, pati dad ko nasa stepmom ko.. alangan naman iwanan ko tong bahay di ba... buti na lang si hubby hindi rin masyado kasundo mom niya, siya mismo ayaw na dun kami.. kasi kahit daw siya hindi niya mapakisamahan ako pa.. yung dad ni hubby super bait..

serendipity02

  • Guest
Re: Life - right after getting married...
« Reply #197 on: April 12, 2012, 07:27:21 am »
^true sis, kahit mga batang pamangkin ay kailangan pakisamahan after getting married. Lalo na ngayon bakasyon ng mga kids, they are just few blocks away from our house kaya everyday sila andito. Laging madumi ang bahay, maingay tapos hindi ako makapanuod ng tv sa gusto kong channel kasi mismong sila eh nag-aaway sa remote, tapos ang pc ko hindi ko din magamit kasi ginagamit nila...its like living in hell...

Patayin mo yung braker sis! yung main switch ng kuryente nyo para wala silang magamit.. hehe! kainis yung mga ganyan eh noh.. insensitive..

electricpink17

  • Guest
Re: Life - right after getting married...
« Reply #198 on: April 12, 2012, 07:34:55 am »
mas masay kami ni hubby. buti nalang at malayo kami sa mga ILs! :)

tanya1109

  • Guest
Re: Life - right after getting married...
« Reply #199 on: April 12, 2012, 08:32:38 am »
Patayin mo yung braker sis! yung main switch ng kuryente nyo para wala silang magamit.. hehe! kainis yung mga ganyan eh noh.. insensitive..

malapit ko ng gawin yan sis.hahaha. Kung hindi lang siguro dahil sa baby ko eh lagi siguro ako aalis ng bahay.

Regarding dun sa post ni sis Msfi - Minsan pinagsasabihan ko naman sila lalo na pagpinapakealaman na pati mga private na gamit ko like yung drawers, bag and wallet. As in ganun sila ka-insensitive. Yung mga magulang nila hindi man lang sinasaway.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close