happy easter mga wifeys and mommies!!!
naku kami ni hubby adjustment period pa rin pagdating sa budget... kasi nga dahil nag-resign na ako sa work to focus sa events business, medyo kinakapos kami dahil hindi naman kalakihan ang kita sa events namin.. plus my husband is a CC agent pa lang.. so ayun medyo hirap pa kami plus we pay for everything dito sa bahay namin...may mga kasama kami, pero wala kaming choice dahil wala ring work, pero aalis na sila lahat ngayon this week, so kami na lang ni hubby maiiwan, i'm expecting na makakasave din kami dahil malaki ang mababawas sa expenses namin... he also gives money sa mom niya pero hindi gnon kalaki...
ang nakakainis lang, yung family nila hubby palibhasa't may kaya, kung ano-anong naiisip na pagkagastusan... madalas talaga silang magtravel ng buong pamilya, as in out of town + air fare + accommodation.. eh nagsabi na kami na hindi kami makakasama dahil wala na kaming budget, still binook pa rin nila kami ng tickets - 10k para sa aming 2 ni hubby!!! eh natural alangan naman hindi namin bayaran yun, plus accommodation - ikukuha daw nila kami ng sarili naming room para daw magkababy na kami - again, magkano na naman yun at alangan namin hindi rin namin bayaran yun... nakakainis talaga!!!
ako kasi pinalaki akong praktikal na tao.. may kaya kami, well before my mom died and before my stepmom took over the family's wealth nagka-leche leche na kami... my sister and I were breadwinners for a long time, pati sa mga kamag-anak ng dad ko kasi nga wala na silang matakbuhan dahil kinamkam na ng bruha kong stepmom.. kaya hindi uubra sa akin yung ganong style na gastos dito gastos dun... kahit wala na basta lang makapaglamyerda at makisama sa gusto nila... sinabihan pa ako ng tita niya, "bakit hindi ka nagttravel (kasi first time kong sasakay ng plane).. alam mo travel is education, marami kang matututunan..."
sa inis ko nagpasimpleng walk out ako... gusto kong sagutin yung tita niya nanggigil ako! ang sasabihin ko sa kanya - well guess what, I have never traveled but I graduated cum laude... traveling may nourish your personality and knowledge but not your stomach... yung gagastusin ko po sa traveling, ipapakain ko na lang sa mga kapatid ko... at sa kuryente namin para makatulog kami ng mahimbing sa gabi...may isa pa yung banat.. kung mainit daw sa manila bumili ng aircon! mura lang naman eh... gusto ko na naman sumagot, siguro po senyo mura ang aircon pero sa amin hindi!
sorry sa long rant sisses.. guess I didn't enjoy my 5-day vacation after all.. kung andito siguro ako sa bahay super saya! sabi ko kay hubby, hindi ko kahit kailan siguro maiintindihan yung side ng family mo.. they're always about spending and wasting... wag sana dumating yung time na mawalan sila bago nila marealize kung paano sila mag-aksaya... dito sa bahay super cool ng mga tao... kahit matatanda pag kausap mo parang mga kaidaran lang namin.. yung mga tita ko gay lingo pa kami minsan mag-usap... walang pressure, no need na magpa-impress...
last na to pramis!
saka pag nakikita ko kung paano nila i-treat mga katulong, naninibago ako.. kasi nung bata kami nung well off pa kami, tig-isa din naman kami yaya, pero kasabay namin sila lahat kumain, kung ano pagkain namin, yun din ang kanila.. magagalit ang papa ko pag hindi sabay sabay kumain kahit mga katulong... saka pag hindi kami tinuturuan ng katulong na magpunas or maghugas ng plato... pero sila lahat utos - nasa tabi na lang yung kutsara iuutos pa... tapos pag kainan, siguro ganto rin sa iba, na huli kumakain ang katulong.. pero what bothers me, is iba yung kinakain nila, kahit na marami naman natira sa ulam... kung kare-kare ang ulam, ipapakain sa katulong isa, or de lata...