haba ng backread ko. huhu!
Dhee-Dhee - pina-ayos ko na yung TIN ko dito sa HR namin since pinag-extend naman nila ako. grrr! ang layo din kasi, pupunta pa ko sa muntinlupa eh cubao area ko. tamad mode lang.

i hope so too sis na maging maayos relationship ko with my inlaws in case mag-stay na sila dito. they're about to buy a house somewhere sa south so sounds like they will be going home soon. on being
SAHW - inggit much! namimiss ko na manuod ng teleserye sa gabi! di na rin ako nakakapanood ng balita sa gabi! on
plans when i was still single nagawa ko naman na halos lahat ng gusto kong gawin nung single ako. ang gusto ko lang naman gawin na ayaw ni hubby is mag-trekking sa mt. pinatubo at umakyat sa kung saan-saang bundok.
bleucharmz22 - hi sis! TOE bride ka ba? hay sarap i- reminisce ng weddings natin noh?
carmichael18 - hi sis! ako rin feeling ko di na ako nagiging mabuting housewife sa kanya kasi minsa wala akong time na ipagluto ng food si hubby. eh ang lakas pa naman nun kumain! pareho kaming night shift and i really hate waking up early to prepare food. so usually nakakapag-luto na lang ako pag-uwi namin galing sa office, magluluto ako ng dinner namin (lunch para sa mga taong may normal na trabaho). it's a good thing hubby's independent. pag wala akong naluto, pupunta na yun ng carinderia para bumili ng lutong ulam namin. usapang call center, kaya ako nagresign sis dahil ang hirap na ng promotion dito. tapos our company was bought by another call center so daming changes with management. at feeling ko nakaka-bobo na trabaho ko dito! paulit-ulit na lang that’s why resigned. pare-pareho pala tayong galing call-center nila sis
yaskulet, Dhee-Dhee. i can't wait till my last day on april 6th!
paperless - career ang pagbackread ko sa post mo sis hoping that your situation will improve. re
washing machine, kung ako din sa yo sis, di ako bibili ng washing machine. makikipagmatigasan ako. magpapa-laundry na lang ako! re sa
sinabi ni manang, coming from a parent, she has a point sis but i don't agree with her 100%. being PIL, you should always show them respect eh like yun pagdaan sa house nila pag umuuwi ka kasi nakakatanda sila and sa kanila kayo nakatira, pati na yung hindi pagsagot sa kanila pag may naririnig ka. I know that your hubby is pressured right now pero wala rin ibang makakatulong sa yo kundi sya, he should understand because you’re hurting and mahirap din for you yung situation dahil ikaw ang nakikisama sa kanila. what manag said is based on a MIL’s POV and what we are sharing here is also based on our POVs as a manugang na nakikisama sa pamilya ng mga asawa natin. you don’t have to love them sis, just continue respecting them na lang despite their shortcomings. take your time to heal.
yaskulet - sana si hubby ko masipag kagaya ng hubby mo! madalas ako magalit sa kanya kasi madalas ako ang gumagawa sa bahay - from linis sa banyo, luto, laba, linis, lampaso! Sya klaging dota at league of legend ang inaatupag pag nasa bahay. grrr! one time nagprepare ako ng food namin, ilang beses ko ng tinatawag hindi pa bumababa. oo lang ng oo pero hindi tumatayo fr the pc dahil sa dota. ending kumain ako mag-isa at nakapag-dabog ako kasi nakakainis talaga. nung kinonfront ko na sya, ang sabi lang "pagbigyan mo na ko sa dota please. wala naman akong ibang bisyo. di ako umiinom, di ako nambababae, di ako nagsusgal. dota na lang." hay... totoo naman. mabait din si hubby, super bait na minsan nabo-bore na ako kaya gumagawa ako minsan ng pag-aawayan namin.
serendipity02 - thank you for mentioning dota! this is sooo true!
begoy18 - alam mo sis, solusyon ni hubby sa paglalaba, binili nya ako ng washing machine, yun automatic para di na daw ako nagpipiga at mag-transfer ng damit sa mga timba at batya. sabi ko palusot lang nya yun para di na ko na ako huminigi ng tulong sa kanya sa paglalaba.
sarsingkit- i'm also having difficulty adjusting with our finances. 2 yrs kaming nag-live in ni hubby before we got married. hindi ako nag-share ng kahit anong expenses sa condo until we got after our wedding. super tipid mode na ngayon lalo na't hubby is really kuripot. as much as possible puro papasok ang pera. i cut my credit cards too. when i was single, laging shopping ako every weekend but now, the last time i shopped was end of feb pa yata. feeling ko deprived na ko sa luho ko.

but when it comes to household needs naman, laging nandyan si hubby. he'd rather spend on household items for my own convenience rather than buy shoes and bags dahil marami naman ako and di ko pa nagagamit yun iba.
serendipity02 - congratulations sis! same here, grabe din pressure ng relatives namin na magka-baby na. depress-depressan din drama ko nung nagka-period ako after our wedding. we got married last january 17th. hopefully on our honeymoon next week, makabuo na kami.
ishopnowfeelguiltylater - sis! nabibisita ka na rin dito!
FrogPrincess - i like what you said in keeping ourselves fresh kahit nasa bahay na lang tayo

we shouldn't loose our vanity dahil mga misis na tayo. i think we should take care or ourselves more because we don't want our husbands na tumingin sa iba dahil napapabayaan na atin mga sarili natin.
kiz_me1109 - you're here na rin sis! i agree sa sinabi mo that everyday is a learning process
usapang pagluluto, ma-try nga yang
pork kinamatisan! naiinis ako kasi 1st time kong nagluto ng beef broccoli kahapon, palpak! grrrr!
share ko lang po, i'm so looking forward to our honeymoon next week. bicol bound kami to hubby's hometown legazpi tapos mag-feeling survivor kami sa caramoan! yey! 2 months after wedding ngayon lang kami mag-oot ni hubby! baby dust! baby dust! sana 3 na kami pagbalik namin

have a great day everyone!