Author Topic: Life - right after getting married...  (Read 74093 times)

happyfemme

  • Guest
Re: Life - right after getting married...
« Reply #120 on: March 20, 2012, 12:41:13 pm »
Me too! I love weekends! ME & HUBBY DAY (SATURDAY) + ME, HUBBY & BABY DAY (SUNDAY) = HAPPY WEEKEND!

@sis paperless - im a follower of your story, buti naman at nahimasmasan na si [textspeak!] mo, at buti nakapag-usap kayo. Alam mo sis, totoo yung sinasabi mo na may nagagawa ka at na e-experience mo lang nung time na nag asawa ka na never mo pa nagagawa/ experience nung single ka pa.

@sis yaskulet - gusto ko yung nagbi-bike kayo ni hubby, kulang nalang may tumutugtog na love song pwede nang pang MTV.

Thanks mga sis sa mga advice niyo about my friend's issue sa pagpapaaral ng wife niya sa sister niya. Actually naka-usap ko si friend over the weekend, hubby and I visited him sa house ng parents niya. Si friend lang ang nandoon, wala si wife nagpunta sa family naman niya. Pina read ko pa sa kay friend yung mga posts niyo.

While si friend, hubby and I were talking about his problem eh umeksena na si mother niya, meya-meya pati ang sister. These are the words they said: (ang name ni friend Carter, si wife Mau)

"Bakit naman kung saan nag asawa na sila ni Carter eh pinasan na ni Mau sa kanya ang pagpa-aral ng kapatid ni Mau? Eh dati namang hindi sila mag-asawa eh magulang ni Mau ang nagpapa-aral sa kapatid niya"

"Hindi ko pinalaki ang anak ko para lang magtrabaho sa pangtuittion ng kapatid ni Mau."

"Kami ngang mga magulang niya hindi humihingi sa kanya dahil alam naming kailangan ni Carter unahin ang pamilya niya dahil nagsisimula palang sila"

"Ang hinahanap ni Mau eh hindi asawa kundi isang tao na makakapag patupad ng mga gusto niyo at pangarap niya. Paano naman ang gusto at pangarap ng anak ko?"

Naku mga sis, naipit talaga ako. As in nagtitinginan lang kami ni hubby, dahil parang kami ang nahihiya at naiipit sa family issues nila. Si Carter naman parang tulala at parang nahahati between sa family niya at kay Mau.

Hanggang sa lumalabas na ang mga issues na hindi na dapat naming marinig like:

"Hindi pa naman handang mag-asawa si Carter eh, pinilit lang ni Mau"

"Sunud sunuran lang yan kay Mau kaya tuloy hindi siya maka tanggi sa mga gustong ipagawa sa kanya ni Mau"

Never ending mga sis ang ratratan, ang ginawa ko pina-ring ko cell ni hubby. Kunwari may tumawag erpats niya. Pag labas namin ng house nila sabi ni hubby "pinag-pawisan ako doon ah".

Mahirap talaga mag decide kapag pumapasok na sa picture ang mga inlaws or any member of the family ng bawat mag-asawa.




yaskulet

  • Guest
Re: Life - right after getting married...
« Reply #121 on: March 20, 2012, 12:56:52 pm »
^korek sis pag may nakakakita samen na naka bike para daw kami koreans! hahaha!

Re: issue about pag papaaral: mahirap at maselan na topic kasi yan sis, dapat sabihin ni friend mo sa asawa nya kung ano nafifeel nya and yung totoong situation. wag pilitin kung di kaya. ipaunawa mabuti, mag asawa na naman sila so I guess dapat nag kakaintindihan sila and mauunawaan ang isa't isa. buti na lang mabaet si hubby ko, kung di baka nasa ganyang situation din ako, naku! sabagay, di naman ako mag aasawa kung alam ko ganun ugali ni hubs or di muna kami magaasawa hanggat di tapos sis sister. dapat din kasi before sila nag asawa, napag usapan nila yan.

Paperless

  • Guest
Re: Life - right after getting married...
« Reply #122 on: March 20, 2012, 01:26:37 pm »
@happyfemme: Intindihin na lang natin si mother sis, baka siya ang hindi pa talaga ready na mag asawa ang anak niya hehe... about sa pagpapaaral sa kapatid ng soon to be wife ng friend mo, si friend mo naman talaga ang makakapagsabi if kaya ba nilang suportahan iyon. of course hindi madaling mag yes, magastos magpaaral and mahirap mapasubo di ba tapos hindi pala kaya ng budget so kailangan talaga upuan iyan and tiyakin na kakayanin nila... saka ang importante pa, maluwag sa loob niya iyong pagtulong na gagawin niya kasi if hindi naman, much better na huwag na lang kasi baka pagmulan pa ng problema iyan. Naimagine ko sis yung kalagayan ninyo during the visit, baka pinawisan ako ng butil butil kapag ganyan hehe

@yaskulet: kakakilig naman ang weekend ninyo ni hubby mo sis parang movie :D btw sis, i've tried mernels cake, di ba sa LB siya nabibili?

yaskulet

  • Guest
Re: Life - right after getting married...
« Reply #123 on: March 20, 2012, 03:04:17 pm »
^may point ka sis re: sa pag papaaral issue. now mas na rerealize ko how lucky am I to have my hubby. very supportive and mahal nya ang mga kapatid ko and mga magulang ko. maya pag uwi ko mag papasalamat ako ng bongga sa hubby ko :)

yes sis, sarap ng mernel's cake! as in! :D

missy16

  • Guest
Re: Life - right after getting married...
« Reply #124 on: March 21, 2012, 12:10:49 pm »
pa join!..balikan ko ito pag may mas mahabang time :)

FrogPrincess

  • Guest
Re: Life - right after getting married...
« Reply #125 on: March 22, 2012, 12:39:06 am »
Re: in-laws issue

In my honest opinion, diba "ideally" pag married na dapat pinapabayaan na ng magulang, or any family member for that matter, na magdecide on his own(and respect his decisions of course)?
And diba dapat once married, you are man(or woman) enough make your own decisions, and stand up for it?

So at any given situation, you both, as a couple ang "boss" of your own life as husband & wife.

Though i know in our culture, this is such a difficult practice since we are so close to our family na kahit may sarili nang pamilya di maiwasang maging involved pa rin ang parents & siblings or the entire clan.

blueflame

  • Guest
Re: Life - right after getting married...
« Reply #126 on: March 22, 2012, 07:41:03 am »
haba ng backread ko. huhu!  :'(

Dhee-Dhee - pina-ayos ko na yung TIN ko dito sa HR namin since pinag-extend naman nila ako. grrr! ang layo din kasi, pupunta pa ko sa muntinlupa eh cubao area ko. tamad mode lang. :) i hope so too sis na maging maayos relationship ko with my inlaws in case mag-stay na sila dito. they're about to buy a house somewhere sa south so sounds like they will be going home soon. on being SAHW - inggit much! namimiss ko na manuod ng teleserye sa gabi! di na rin ako nakakapanood ng balita sa gabi! on plans when i was still single nagawa ko naman na halos lahat ng gusto kong gawin nung single ako. ang gusto ko lang naman gawin na ayaw ni hubby is mag-trekking sa mt. pinatubo at umakyat sa kung saan-saang bundok.

bleucharmz22 - hi sis! TOE bride ka ba? hay sarap i- reminisce ng weddings natin noh?

carmichael18 - hi sis! ako rin feeling ko di na ako nagiging mabuting housewife sa kanya kasi minsa wala akong time na ipagluto ng food si hubby. eh ang lakas pa naman nun kumain! pareho kaming night shift and i really hate waking up early to prepare food.  so usually nakakapag-luto na lang ako pag-uwi namin galing sa office, magluluto ako ng dinner namin (lunch para sa mga taong may normal na trabaho). it's a good thing hubby's independent. pag wala akong naluto, pupunta na yun ng carinderia para bumili ng lutong ulam namin. usapang call center, kaya ako nagresign sis dahil ang hirap na ng promotion dito. tapos our company was bought by another call center so daming changes with management. at feeling ko nakaka-bobo na trabaho ko dito! paulit-ulit na lang that’s why resigned. pare-pareho pala tayong galing call-center nila sis yaskulet, Dhee-Dhee. i can't wait till my last day on april 6th!

paperless - career ang pagbackread ko sa post mo sis hoping that your situation will improve. re washing machine, kung ako din sa yo sis, di ako bibili ng washing machine. makikipagmatigasan ako. magpapa-laundry na lang ako! re sa sinabi ni manang, coming from a parent, she has a point sis but i don't agree with her 100%. being PIL, you should always show them respect eh like yun pagdaan sa house nila pag umuuwi ka kasi nakakatanda sila and sa kanila kayo nakatira, pati na yung hindi pagsagot sa kanila pag may naririnig ka. I know that your hubby is pressured right now pero wala rin ibang makakatulong sa yo kundi sya, he should understand because you’re hurting and mahirap din for you yung situation dahil ikaw ang nakikisama sa kanila. what manag said is based on a MIL’s POV and  what we are sharing here is also based on our POVs as a manugang na nakikisama sa pamilya ng mga asawa natin. you don’t have to love them sis, just continue respecting them na lang despite their shortcomings. take your time to heal.

yaskulet - sana si hubby ko masipag kagaya ng hubby mo! madalas ako magalit sa kanya kasi madalas ako ang gumagawa sa bahay  - from linis sa banyo, luto, laba, linis, lampaso! Sya klaging dota at league of legend ang inaatupag pag nasa bahay. grrr! one time nagprepare ako ng food namin, ilang beses ko ng tinatawag hindi pa bumababa. oo lang ng oo pero hindi tumatayo fr the pc dahil sa dota. ending kumain ako mag-isa at nakapag-dabog ako kasi nakakainis talaga. nung kinonfront ko na sya, ang sabi lang "pagbigyan mo na ko sa dota please. wala naman akong ibang bisyo. di ako umiinom, di ako nambababae, di ako nagsusgal. dota na lang." hay... totoo naman. mabait din si hubby, super bait na minsan nabo-bore na ako kaya gumagawa ako minsan ng pag-aawayan namin.

serendipity02 - thank you for mentioning dota! this is sooo true!

begoy18 - alam mo sis, solusyon ni hubby sa paglalaba, binili nya ako ng washing machine, yun automatic para di na daw ako nagpipiga at mag-transfer ng damit sa mga timba at batya. sabi ko palusot lang nya yun para di na ko na ako huminigi ng tulong sa kanya sa paglalaba.

sarsingkit- i'm also having difficulty adjusting with our finances. 2 yrs kaming nag-live in ni hubby before we got married. hindi ako nag-share ng kahit anong expenses sa condo until we got after our wedding. super tipid mode na ngayon lalo na't hubby is really kuripot. as much as possible puro papasok ang pera. i cut my credit cards too. when i was single, laging shopping ako every weekend but now, the last time i shopped was end of feb pa yata. feeling ko deprived na ko sa luho ko.  :-\ but when it comes to household needs naman, laging nandyan si hubby. he'd rather spend on household items for my own convenience rather than buy shoes and bags dahil marami naman ako and di ko pa nagagamit yun iba.

serendipity02 - congratulations sis! same here, grabe din pressure ng relatives namin na magka-baby na. depress-depressan din drama ko nung nagka-period ako after our wedding. we got married last january 17th. hopefully on our honeymoon next week, makabuo na kami.

ishopnowfeelguiltylater - sis! nabibisita ka na rin dito!

FrogPrincess - i like what you said in keeping ourselves fresh kahit nasa bahay na lang tayo :) we shouldn't loose our vanity dahil mga misis na tayo. i think we should take care or ourselves more because we don't want our husbands na tumingin sa iba dahil napapabayaan na atin mga sarili natin.

kiz_me1109 - you're here na rin sis! i agree sa sinabi mo that everyday is a learning process

usapang pagluluto, ma-try nga yang pork kinamatisan! naiinis ako kasi 1st time kong nagluto ng beef broccoli kahapon, palpak! grrrr!

share ko lang po, i'm so looking forward to our honeymoon next week. bicol bound kami to hubby's hometown legazpi tapos mag-feeling survivor kami sa caramoan! yey! 2 months after wedding ngayon lang kami mag-oot ni hubby! baby dust! baby dust! sana 3 na kami pagbalik namin :)

have a great day everyone!

yaskulet

  • Guest
Re: Life - right after getting married...
« Reply #127 on: March 22, 2012, 11:18:02 am »
^sis enjoy your honeymoon! :) sana mga 3 na kayo pag balik nyo! :) though nasa callcenter ako sis, di ako night shift kasi nasa recruitment ako, pero super pagod din lalo pag hiring kasi wala ng oras uwi ko gat may applicants. Tapos may saturday pa kaming pasok pag super hiring, kaya less time with hubby. Sana nga tawagan ako ng inapplyan ko sa province namen, para I can experience the normal working hours.


Paperless

  • Guest
Re: Life - right after getting married...
« Reply #128 on: March 22, 2012, 12:07:19 pm »
@blueflame Hi sis, grabe effort mo sa pagbackread hehe THANKS!!! mother ko is from cam sur, and from my lola's house, tricycle na lang going to Sabang, di ba doon ang sakayan papuntang Caramoan? Madalas kami magswimming doon noong bata pa kami. I really really hope na maging super enjoyable ang honeymoon ninyo sis... and sana talaga makabuo na kayo pagbalik  ;) how long kayo magstay doon sis and how much ang budget? parang naiinggit naman ako hehe wala parin kasi kaming honeymoon parang nag isip tuloy ako na magbakasyon sa lola ko this holyweek.

blueflame

  • Guest
Re: Life - right after getting married...
« Reply #129 on: March 22, 2012, 02:36:22 pm »
yaskulet - naku magdilang anghel ka sana sis! kahit 4 pa kami pagbalik! nag-jogging na nga ako para mahaba ang resistensya. chozzz! i started a events coordination team early this month. hirap talaga ko mag-adjust sa oras kasi both partners ko day job sila pareho. after my resignation take effect, try ko muna magpaka-bum ng buong april, hoping na marami kaming bookings. but eventually, hanap din ng work kasi di naman stable kita sa ganun. we just have it as a part-time job kasi nagustuhan namin talaga pag-plan nung mga kanya-kanya weddings namin.

yaskulet - career talaga sis! nasanay lang sa 2012 brides thread. haha! ayaw pahuli sa mga chikka! yes sis, sa sabang nga sakayan papuntang caramoan. kala ko nga di na ako makakahanap ng room namin kasi summer na and mag-holy week na rin. but luckily we found one! package na kinuha ko para di na hassle P5200 each for 3D/2N stay complete na yun with food, accommodation, boat rental and land transfers. sana nga sis ma-enjoy namin tong trip na to! wala kasi talaga kaming naging trip ni hubby nung 2011 dahil nagiipon for the wedding. salamat sis!

bleucharmz22

  • Guest
Re: Life - right after getting married...
« Reply #130 on: March 23, 2012, 12:39:23 pm »
sis blueflame,yes! TOE bride ako! march 19, 2011 to be exact. and im so happy na sila ang kinuha namin. habang tinitingnan ko yung mga pics namin natutuwa pa rin ako.  :)

enjoy your honeymoon!  ;D

Dhee-Dhee

  • Guest
Re: Life - right after getting married...
« Reply #131 on: March 23, 2012, 11:17:15 pm »
Kamusta mga sis? Ngayon lang ulit ako nakadalaw kasi naging busy sa paghahanap ng pagkakakitaan. ;D

yaskulet: naimagine ko yung pagba-bike nyo, ang sweet! :)

happyfemme: hala, napag usapan tuloy ang hindi dapat.. na carried away siguro si mother dear. buti open yung anak nya sa kanya, kasi hindi naman lahat ng anak sinasabi sa nanay kung anong "situation" ang meron sila lalo na kung makakasira yun sa asawa nila.. kung sabagay, pwedeng super close lang talaga sila.

paperless: wow sis! happy ako for you.. at last, naging ok na rin at nangyari na yung gusto mo. sana tuloy tuloy na yan. remember, andito lang kami para magbasa ng kwento mo. :)

blueflame: adventurous ka pala sis.. hubby ko naman gusto mag bungee jumping, kaso parang hindi ko keri saka parang mahal. ;D hala, pina extend ka pala sa office nyo sis. may lilipatan ka bang company sis or mag SAHW ka? naku, naiinip na nga ako dito sa bahay, hindi rin naman ako palaging makalabas dito kasi wala naman akong pupuntahan. eto nga nag aapply apply ako online kasi hindi ko alam kung kelan pa ako tatagal, hahaha. though ok lang naman din dahil hindi ako gahol sa oras lalo na pag pinagluluto ko si hubby kaso iba pa rin yung may sariling pera. sana makahanap ako ng job na malapit lang dito. enjoy sis sa honeymoon nyo. great deal yung nakuha nyo ha. :)

yaskulet

  • Guest
Re: Life - right after getting married...
« Reply #132 on: March 24, 2012, 12:22:52 pm »
^sis buti ka pa SAHW! :) Inggit talaga ako! :( Ako super busy as in, laging past 10 na uwi ko. And dahil super hiring kami, need namen magpalit ng shift every week, 10-7pm and 12nn-9pm. Affected na talaga ang married life ko sa work ko na to. :( Okay lang sana kung sobra sobra yung pera na kita ko, eh kulang pa sa expenses namen dito sa manila (pera kasi ni Hubby daretso agad sa savings eh).

mrsdee

  • Guest
Re: Life - right after getting married...
« Reply #133 on: March 25, 2012, 12:15:41 am »
at talagang nag-back read daw ako from page 1. 2011 bride here too, pero 2weeks lang kami nagkasama ni mister after wedding and we both went back abroad kaya LDR ang drama namin for now. Kaya siguro hindi pa rin nagsi-sink in ang role ko as a wife at talagang sobrang na-appreciate ko ang roles natin while reading about your stories about cooking, laundry and other wife duties hehe. 2months from now, we will be together for good at perhaps mas makaka-relate na ako. God-willing, hindi naman magiging issue ang IL's sa amin because we will settle abroad, far from both IL's hehe. My only fear na maging issue is breadwinner ako and still helping my family, though I'm hoping against hope na it will be a non-issue kasi I laid all my cards on the table na ito ang role ko sa family ko long before the marriage. What else, ayun, dahil sa mga stories dito, kinokondisyon ko na ang sarili ko sa maraming adjustments na mangyayari as soon as we cohabitate. Ang pinanghahawakan ko na lang is the husband is very devoted to our faith, and as long as we keep God in the center of our marriage, we will be able to cope 'pag dumating sa amin ang mga trials. Ano pa ba, same here sa mga nape-pressure about having babies. E paano nga makakabuo e LDR hehe, so that's one priority we will work on as soon as we live together.

mrs.S.

  • Guest
Re: Life - right after getting married...
« Reply #134 on: March 25, 2012, 01:21:32 am »
Ano ba dapat i-expect sa relationship as husband and wife? Pakiramdam ko kasi di ko alam mga dapat gawin as a wife... Yung role ba natin as girlfriend before is totally different from being a wife?

I was already pregnant when hubby and I married so mas focused na yung isip ko about my duties and responsibilities as a wife. Growing up, my mom was a full time home maker  and my dad was the provider so yun na talaga nasa isip ko. Understanding ko sa role ko is to take care of my family typical of the things na ginawa din ng mom ko. Hubby also understand his role as the provider and he is really good at it. So ako din I make sure na I am good at what I do in taking care of my boys. At first it will not sink in, kasi there was a time na feeling ko we were just playing house pero ngayon its just second nature.

mrsdee

  • Guest
Re: Life - right after getting married...
« Reply #135 on: March 26, 2012, 04:12:57 am »
Dhee-Dhee: hello sis, eto nga mukhang mangangapa ako pag-uwi ng Pinas kasi the husband wants hati ang time ng pag-stay sa side nya at sa side ko. met them only ONCE during the wedding but found them to be very low-profile people. I hope the first impression lasts, hehe. my SIL, wife of my brother, lives with my parents so pag umuuwi ako, medyo na-wiwitness ko yung setup and I think it really takes a lot of, what's the word, hmmm, "pakikisama". Not overfamiliar nor too civil. May boundaries pa rin kumbaga. Kaya nagkakaroon ng clash o friction kapag na-cross yung boundaries na yun. Ayyy, pag na-iimagine ko how my dad hates my SIL, isip ko pano kaya kung ganun din feelings ng father-in-law ko towards me? hehe.
« Last Edit: March 26, 2012, 04:16:45 am by mrsdee »

yaskulet

  • Guest
Re: Life - right after getting married...
« Reply #136 on: March 26, 2012, 01:27:13 pm »
@sis dheedhee: sa newly built building ako sis! :) haha! wow talaga sis, saan ka nag apply online? sa odesk ba?

yaskulet

  • Guest
Re: Life - right after getting married...
« Reply #137 on: March 26, 2012, 03:00:28 pm »
^hi sis! hindi doon ako sa tabi ng citibank, yung bagong building :) ay talaga, buti ka pa nakahanap agad sa odesk. gusto ko ding maging virtual assistant eh. hay sana SAHW na din ako, though si hubby malaki kita nya (homebased din siya, graphic designer).

Dhee-Dhee

  • Guest
Re: Life - right after getting married...
« Reply #138 on: March 26, 2012, 08:08:22 pm »
^sa odesk din ba hubby mo sis? meron din kasi naghahanap ng graphic designer dun. pag may extra time sya baka pwede nya isingit, sayang din ang $$$ diba. :) last year pa ako nag member dun sis pero nitong february ko lang naayos yung profile ko. marami rin ako applications na nadecline. karamihan kasi ngayon yung mabababa ang bids ang kinukuha. ahh, dun pala sa tabi ng citibank, kala ko officemates tayo eh.  ;D

yaskulet

  • Guest
Re: Life - right after getting married...
« Reply #139 on: March 26, 2012, 08:25:13 pm »
^may account siya sis doon, pero mas malaki bayad nya sa iba eh. :) dollars din naman sis kita nya, and hindi hourly base. per project ang bayad sa kanya. recently inenroll ko siya sa web designing and developing chuva for wordpress, para ma broaden ang knowledge nya since mas malaki kita sa wed developing. Invest lang kami sis sa new lappy nya para maka bongga na siya ng gawa. Gusto ko din mag home-base sis! Or mag business, so torn. :(

 

Latest Stories

Load More Stories
Close