^sana sis mapantayan nila yong service & quality ng food sa cebu. sana din pag nakilala na sila ng bongga dito sa manila wag silang magtaas ng price

ito na yong continuation ng kwento ko.

April 2
Bantayan6am kami nakasakay ng bus sa North Terminal papuntang Hagnaya, 150 fare (aircon). Stopover ng 15 minutes sa Carmen & Bogo. Madaming ginagawang kalsada ngayon sa Bogo kaya mabagal yong bus & aircon dapat sakyan nyo kasi maalikabok.

9:30am nasa Hagnaya Port na kami & alis na kagad yong ferry. 1 hour yong byahe, 150 pamasahe. Pagdating sa Sta. Fe Port walang sumundo sa amin na staff ng Budyong. Inaasahan namin yon kasi kasama yong transfer sa accommodation. Ni hindi man lang kami in-inform na wala. Kung hindi pa kami magtetext hindi nila sasabihin na walang driver & magtrike na lang kami. Don na ako nag-start ma-highblood sa Budyong.

Pagdating namin sa resort nagreklamo ako, humingi sila ng pasensya & pag check-out na lang daw kami ihahatid wala ng bayad. So na-settle na yong issue. Pagdating naman sa front desk, mali2x yong reservation, in-insist ko na lang kung ano yong tama then pumayag naman.
Yong ibang kasama ko nag-inland tour gamit habal2x bale 50 pesos per hour rent nila. Ako naman since second time ko na, nagpaiwan na lang ako & tumambay sa beach.
Nag-inquire kami sa Budyong kung magkano paluto sabi 150 per kilo. Namalengke kami ng pang-dinner. Naloka ako sa kanila nong magpapaluto na kami. 1 kilong isda na tinola 150 singil, 1 kilo isda na inihaw 150 din singil kahit uling lang gamit tapos ¼ na pechay sa amin pa yong sahog na tuna 150 din ang singil & mas malupet yong 1 kilo na bigas 150 din ang singil. Nagreklamo kami sa owner ang sabi lang mahal ang gas. Haaaayyy! Nong pinapaserve namin sa dining area nila sabi may charge din daw. Grabe bawat kilos may bayad, pero hindi na kami siningil sa venue kasi hindi naman daw namin alam. Pwes, hindi na kami uulit kumain don. Mas mura pa sa mga restaurant sa labas.

Mura yong rate nila kaya sa kanila kami nagpabook, pero yong natipid namin eh mapapamura ka naman sa dami ng aberya. Yong CR madumi pa yong bowl kaya pinalinis ko uli. Ok lang sa amin fan room kaso 4pax kami & isa lang ang fan tapos mababa pa yong ceiling, yong pwesto pa namin dikit masyado sa pader kaya hindi makapasok ang hangin kahit buksan ang bintana. Yong isang kasama namin sa labas na lang natulog kasi hindi nya talaga kaya ang init.

Kinabukasan ng umaga kami nag-island hopping. Namalengke muna kami para don kami sa Virgin Island mag-lunch. Yong staff ng Budyong ang nag-arrange ng tour, 1000 yong rent namin good for 6pax. Hilantagaan una naming pinuntahan saglit lang kami don kasi hinihingan kami ng entrance fee na 300. Tapos gusto sana naming mag-snorkel sa marine sanctuary pero ayaw pumayag ng owner. Wala na kaming ibang mapuntahan kaya derecho na ng Virgin Island, yong entrance pala don first 5 person 100 each tapos yong extra pax 50 per head na lang, nagrent din kami ng cottage 100 plus another 50 pesos para sa lutuan & plato.
2nd time ko na sa VI & mas nag-enjoy ako ngayon kasi maghapon kami don. Ang ganda ng cloud, sand & kulay ng dagat. Sobrang linis ng tubig & madaming fish kahit sa gilid lang.

Nong pauwi na kami, nagpadaan pa muna kami sa Sugar Beach para check yong place. Mas fine nga yong sand pero mas maganda pa rin yong beachfront sa Budyong & Kota.
Pumunta kami sa palengke ng Bantayan nong hapon para bumili ng danggit, 25 pesos pamasahe sa trike. Di na kami bumili kasi ang mahal din, 440/kilo ng danggit & 650/kilo ng pusit. Prob pa kung bibili kami hindi sya vacuum sealed kaya malakas ang amoy & ayaw na rin naming magbitbit kasi pupunta pa kami ng Camotes.
Sakaling bumalik uli ako ng Bantayan…
Hindi na uli ako mag-stay sa BUDYONG!!!
Napakapanget ng service nila, as in wala silang pakialam sa guest. 