watch now

Author Topic: Cebu/Mactan/Bantayan Guide [Thread 13]  (Read 111847 times)

nicolle

  • Guest
Re: Cebu/Mactan/Bantayan Guide [Thread 13]
« Reply #120 on: March 28, 2012, 09:53:07 am »
sis rocky thanks ;) sige kontakin ko sya pag malapit na travel date ko

ilovedlc

  • Guest
Re: Cebu/Mactan/Bantayan Guide [Thread 13]
« Reply #121 on: March 29, 2012, 05:30:48 pm »
mga sis how much na b ang lechon ngayon sa rico's and cnt? magpapabili sana ako sa friend ko sa april 1 ang uwi niya.  TIA!

rocky

  • Guest
Re: Cebu/Mactan/Bantayan Guide [Thread 13]
« Reply #122 on: March 30, 2012, 08:16:01 am »
^yong rico's 390 sis, zubuchon naman nakabili ako sa airport para sa friend ko 490. :)

bukas na flight ko, sana hindi maulan 8)

ilovedlc

  • Guest
Re: Cebu/Mactan/Bantayan Guide [Thread 13]
« Reply #123 on: March 30, 2012, 12:21:24 pm »
thanks sis

fearich

  • Guest
Re: Cebu/Mactan/Bantayan Guide [Thread 13]
« Reply #124 on: March 30, 2012, 04:26:22 pm »
^yong rico's 390 sis, zubuchon naman nakabili ako sa airport para sa friend ko 490. :)

bukas na flight ko, sana hindi maulan 8)

pareho tayo sis bukas na rin flight nmin sa cebu derech kami sa hotel stella to leave r luggage :)

sana open na ang zubochon sa mango 1 10am para makapag foodtrip kami agad.... ;D

foxy_girlfriend

  • Guest
Re: Cebu/Mactan/Bantayan Guide [Thread 13]
« Reply #125 on: March 30, 2012, 08:36:48 pm »
mga sis sa pupunta ng oslob ito mga tips ko:

1. pwede palang wag magbayad ng lifevest. meron provided na free for use kaso konti lang. pag naubusan kayo magrent na lang kayo lalo pag weekend. (nasama namin sa boat yung 2.5 year old daughter ko pero we have to rent a small life vest for her pero 30 pesos lang).

2. tama yung sabi ni sis riandrew wag niyo na ideclare na magsnorkel kayo or may dalang camera. wala naman nagchcheck. additional payment lang kasi.

3. wag na kayo magstay sa resort para wala ng entrance fee na 50-70pesos per head. may shower rooms naman din malapit sa "seminar area" ng whale watching. 5pesos per use lang.

4. nagbrunch kami sa mga kainan malapit sa "seminar area" since konti tao doon muna kami tumambay.

5. I suggest you try to go there on weekdays para konti tao. we arrive at 8am pang 150 kami sa logbook and after ng seminar diretso na agad sa butanding. pag weekends daw umaabot ng 1000+ ang tao.

6. Wear rash guard na long sleeved and leggings hehe if bababa kayo ng bangka.
Ang kati ng tubig. May dikya daw kasi sabi ng boatman. wala naman ako nakita underwater. pero parang may mga langgam na kumakagat sa kin. hindi siya comfortable. after ko naman umahon wala na. i didn't apply anything and walang redness or rashes. Kahit ganun yung tubig marami pa rin bumaba.

7. Magdala ng underwater cam. Manghiram kayo or bumili kayo ng disposable. Ang ganda magpicture underwater with the butanding.

8. If magstay kayo overnight sabi ng guide, yung mga resort don nagooffer na ng overnight accom. kami we stayed at lagunde beach resort. mga 15mins by bus up to the butanding point. may country home lodge na malapit sa sign going to tumalog falls. siguro 5-10mins away na lang yun.




nicolle

  • Guest
Re: Cebu/Mactan/Bantayan Guide [Thread 13]
« Reply #126 on: March 30, 2012, 09:56:03 pm »
sis yan oslob ba ay malayo sa mactan airport? tia

ilovedlc

  • Guest
Re: Cebu/Mactan/Bantayan Guide [Thread 13]
« Reply #127 on: March 30, 2012, 10:00:44 pm »
I am so excited to have my cebu lechon.  ;D

foxy_girlfriend

  • Guest
Re: Cebu/Mactan/Bantayan Guide [Thread 13]
« Reply #128 on: March 30, 2012, 10:41:52 pm »
^^yes sis. mga 3 to 4H. from south bus terminal mga 2-3H. pero convenient na ito kasi aircon bus sasakyan mo and pagbaba mo beachside na.

nicolle

  • Guest
Re: Cebu/Mactan/Bantayan Guide [Thread 13]
« Reply #129 on: March 30, 2012, 10:52:35 pm »
naku sis ang layo pala,,manggagaling kasi sana ako from bohol mukhang di kakayanin ang 1day,...dapat pala ang kinuha kong ticket pabalik ng manila ay cebu-manila na [textspeak!] para di pagod sa byahe

Kitchen Goddess

  • Guest
Re: Cebu/Mactan/Bantayan Guide [Thread 13]
« Reply #130 on: March 30, 2012, 11:22:52 pm »
mga sis,

if oslob-bound, it's best to go to dumaguete (manila-dumaguete) first kasi mas malapit yun port ng sibulan sa oslob, cebu .. then from oslob, saka na lang kayo mag cebu city then mactan airport na :)


ps.. if taking bus (ceres) from cebu city to oslob, get any window seat sa side ng driver- best view of the sea :)
« Last Edit: March 30, 2012, 11:49:59 pm by Kitchen Goddess »

rocky

  • Guest
Re: Cebu/Mactan/Bantayan Guide [Thread 13]
« Reply #131 on: March 31, 2012, 10:09:16 pm »
dito na ako sa sugbutel, maganda weather kanina summer na summer. sana tuloy2x na. kumain uli kami sa casa verde & good news malapit na daw magkaroon ng branch sa trinoma. :P sleep ng maaga, 3am kami alis bukas papuntang oslob ;)

skylar-ddm

  • Guest
Re: Cebu/Mactan/Bantayan Guide [Thread 13]
« Reply #132 on: April 04, 2012, 12:04:32 am »
grabe yung issue ngayon about the butanding used as surfboard in a photo...  sana di ma-affect yung sa Oslob.  I want to go there someday.

foxy_girlfriend

  • Guest
Re: Cebu/Mactan/Bantayan Guide [Thread 13]
« Reply #133 on: April 04, 2012, 09:56:58 am »
^saw that sa news too. naku lalo ipipilit na istop yung whale watching sa oslob

chelvin26

  • Guest
Re: Cebu/Mactan/Bantayan Guide [Thread 13]
« Reply #134 on: April 08, 2012, 02:05:09 pm »
mga sis.. after backreading.. nakapag isip na ako na di na kami mag bantayan dahil sobrang layo.. baka sa portofino na lang kami. sa may mactan.. ok ba dun? gusto kasi ng tita ko is beach.. per who among you tried the papa kits and marina? ok ba dun? ayaw kasi namen ng hassle sa byahe at ngarag, any feedback sisseS?

rocky

  • Guest
Re: Cebu/Mactan/Bantayan Guide [Thread 13]
« Reply #135 on: April 09, 2012, 10:21:33 am »
Hi mga sis! Kababalik ko lang kahapon galing cebu. Ito IT namin:

March 31
Check-in Sugbutel
Dinner at Casa Verde


Konti lang tao sa Sugbutel kaya hindi gaanong maingay. Yong promo na 149 yong kinuha namin pero nilagay kami sa isang kwarto kaya mas safe yong gamit. Isa sa reason kaya gusto ko lagi mag-stay don kasi malakas yong wi-fi. May TV sa lobby bawat floor kaya pwede kayong manood don & may vending machine na rin sa gilid, mga chichirya & coffee. ;) Since may exclusive room na sila, hindi na mixed dorm. Magkahiwalay na yong male & female.

Lahat kami masaya sa Casa Verde. Kasi mura na masarap pa & ang laki talaga ng serving. Makulet pa yong nag-serve sa amin, si Erlinda. Good news! Malapit ng mag-open ng branch sa Trinoma. :-*

April 1

Whaleshark watching & Tumalog Falls (Oslob)
Tingko Beach (Alcoy)


2am wake up call then 3am kami nakaalis ng Sugbutel. 3:30am kami nakasakay ng bus sa South Terminal maya2x puno na kaya umalis kagad. Non-aircon yong nasakyan namin, 150 fare. Hehe! 5 pesos lang difference nila ng aircon. Dahil mabilis ang takbo ng bus, 6am nasa Oslob na kami. Don kami bumaba sa may signage na whaleshark watching pero may bayad pala pag dumaan ka sa resort. Kaya ginawa namin naglakad pa kami & may nasalubong kaming naka-green shirt. Si Lemuel yong nag-guide sa amin sa walang entrance. Mabait sya, in-assist nya kami para kumuha ng number & nakakatuwa kasi #55 kami. To think na Sunday yon & holy week pa, ini-expect namin matagal pa hihintayin namin. 300 yong whaleshark watching. Di na namin dineclare yong underwater cam kasi nga wala namang nagchi-check saying din yong 100 na sisingilin sa inyo. Pag nag-snorkeling kayo plus 20 pero sabi ni Mang Calixto magiging 200 na daw yon mula Lunes Santo. May libreng lifevest yong NGO pero wala na kaming naabutan kaya nag-rent na lang kami, 30 pesos. Saglit lang naman yong orientation tapos dinala na namin yong mga gamit kila Mang Calixto. Pwede ring makigamit ng CR nila, 5 pesos ihi & 10 naman pag shower. 7am sakay na kami ng bangka, since walo kami yong isang bangka 6pax ang sakay tapos kami ng isang friend ko nasa kabilang bangka. Mas ok yong bangkero namin kasi tinitingnan nya kung nasan yong SPOTTER tapos susundan namin yon kaya may mga shot ako ng butanding na super lapit lang. Nong una nakakatakot kasi feeling ko sasakmalin nya ako. Hehe! Dapat 30 minutes lang talaga pero mabait sila kuya inabot kami ng 45 minutes. Hindi na kami nagbanlaw since pupunta pa kami ng falls. After ng whaleshark watching kumain muna kami.

8am papunta na kaming falls. Si Mang Calixto na rin naghanap ng habal2x papuntang Tumalog Falls, 100 each bayad namin. Grabe ang ganda ng falls, sulit syang puntahan. Mas clear sana water nya kung hindi umulan nong mga nakaraang araw.

10am balik na kami sa highway para mag-abang ng bus papuntang city. Bumaba kami sa alcoy para puntahan yong Tingko Beach, 70 pesos yong minimum fare ng ceres aircon. Public beach sya kaya walang bayad. Nakakatuwa kasi ang puti ng sand. Sa highway may accommodation don, sa kanila na kami nagpaluto ng lunch. Nasa 600 lang binayaran naming lahat.

Pupunta pa sana kami sa Osmeña Peak kaso biglang umulan. Sabi ko wag na lang kasi baka masayang lang punta namin & wala din kaming makita sa taas.

Maya na lang uli yong continuation ng kwento ko, medyo mahaba-haba pa yon. Hehe! ;D

ilovetigger

  • Guest
Re: Cebu/Mactan/Bantayan Guide [Thread 13]
« Reply #136 on: April 13, 2012, 04:00:33 am »
dito na ako sa sugbutel, maganda weather kanina summer na summer. sana tuloy2x na. kumain uli kami sa casa verde & good news malapit na daw magkaroon ng branch sa trinoma. :P sleep ng maaga, 3am kami alis bukas papuntang oslob ;)

wow! sa Trinoma magkakaron na ng Casa Verde! that's good news pero parang in a way gusto ko nasa Cebu lang siya para bang something uniquely cebu. Pero still, Brian's ribs is just an MRT away soon!

rocky

  • Guest
Re: Cebu/Mactan/Bantayan Guide [Thread 13]
« Reply #137 on: April 13, 2012, 09:27:56 am »
^sana sis mapantayan nila yong service & quality ng food sa cebu. sana din pag nakilala na sila ng bongga dito sa manila wag silang magtaas ng price :)

ito na yong continuation ng kwento ko. ;)

April 2
Bantayan

6am kami nakasakay ng bus sa North Terminal papuntang Hagnaya, 150 fare (aircon). Stopover ng 15 minutes sa Carmen & Bogo. Madaming ginagawang kalsada ngayon sa Bogo kaya mabagal yong bus & aircon dapat sakyan nyo kasi maalikabok. :-\

9:30am nasa Hagnaya Port na kami & alis na kagad yong ferry. 1 hour yong byahe, 150 pamasahe. Pagdating sa Sta. Fe Port walang sumundo sa amin na staff ng Budyong. Inaasahan namin yon kasi kasama yong transfer sa accommodation. Ni hindi man lang kami in-inform na wala. Kung hindi pa kami magtetext hindi nila sasabihin na walang driver & magtrike na lang kami. Don na ako nag-start ma-highblood sa Budyong. >:( Pagdating namin sa resort nagreklamo ako, humingi sila ng pasensya & pag check-out na lang daw kami ihahatid wala ng bayad. So na-settle na yong issue. Pagdating naman sa front desk, mali2x yong reservation, in-insist ko na lang kung ano yong tama then pumayag naman.

Yong ibang kasama ko nag-inland tour gamit habal2x bale 50 pesos per hour rent nila. Ako naman since second time ko na, nagpaiwan na lang ako & tumambay sa beach.

Nag-inquire kami sa Budyong kung magkano paluto sabi 150 per kilo. Namalengke kami ng pang-dinner. Naloka ako sa kanila nong magpapaluto na kami. 1 kilong isda na tinola 150 singil, 1 kilo isda na inihaw 150 din singil kahit uling lang gamit tapos ¼ na pechay sa amin pa yong sahog na tuna 150 din ang singil & mas malupet yong 1 kilo na bigas 150 din ang singil. Nagreklamo kami sa owner ang sabi lang mahal ang gas. Haaaayyy! Nong pinapaserve namin sa dining area nila sabi may charge din daw. Grabe bawat kilos may bayad, pero hindi na kami siningil sa venue kasi hindi naman daw namin alam. Pwes, hindi na kami uulit kumain don. Mas mura pa sa mga restaurant sa labas. :o

Mura yong rate nila kaya sa kanila kami nagpabook, pero yong natipid namin eh mapapamura ka naman sa dami ng aberya. Yong CR madumi pa yong bowl kaya pinalinis ko uli. Ok lang sa amin fan room kaso 4pax kami & isa lang ang fan tapos mababa pa yong ceiling, yong pwesto pa namin dikit masyado sa pader kaya hindi makapasok ang hangin kahit buksan ang bintana. Yong isang kasama namin sa labas na lang natulog kasi hindi nya talaga kaya ang init. :-\

Kinabukasan ng umaga kami nag-island hopping. Namalengke muna kami para don kami sa Virgin Island mag-lunch. Yong staff ng Budyong ang nag-arrange ng tour, 1000 yong rent namin good for 6pax. Hilantagaan una naming pinuntahan saglit lang kami don kasi hinihingan kami ng entrance fee na 300. Tapos gusto sana naming mag-snorkel sa marine sanctuary pero ayaw pumayag ng owner. Wala na kaming ibang mapuntahan kaya derecho na ng Virgin Island, yong entrance pala don first 5 person 100 each tapos yong extra pax 50 per head na lang, nagrent din kami ng cottage 100 plus another 50 pesos para sa lutuan & plato.

2nd time ko na sa VI & mas nag-enjoy ako ngayon kasi maghapon kami don. Ang ganda ng cloud, sand & kulay ng dagat. Sobrang linis ng tubig & madaming fish kahit sa gilid lang. 8)

Nong pauwi na kami, nagpadaan pa muna kami sa Sugar Beach para check yong place. Mas fine nga yong sand pero mas maganda pa rin yong beachfront sa Budyong & Kota.

Pumunta kami sa palengke ng Bantayan nong hapon para bumili ng danggit, 25 pesos pamasahe sa trike. Di na kami bumili kasi ang mahal din, 440/kilo ng danggit & 650/kilo ng pusit. Prob pa kung bibili kami hindi sya vacuum sealed kaya malakas ang amoy & ayaw na rin naming magbitbit kasi pupunta pa kami ng Camotes.

Sakaling bumalik uli ako ng Bantayan… Hindi na uli ako mag-stay sa BUDYONG!!! Napakapanget ng service nila, as in wala silang pakialam sa guest. :-[

witch_goddess

  • Guest
Re: Cebu/Mactan/Bantayan Guide [Thread 13]
« Reply #138 on: April 13, 2012, 11:17:43 am »
^sad to hear about your experience in Budyong sis...good move talaga ng pumunta kami ng Bantayan doon kami sa Kota nag stay. at nakatipid pa kami doon kasi we brought stove at kaldero para gamiting panluto at walang charge sa extra use of electricity! ahaha siguro hindi lang kami nahuli ;D

rocky

  • Guest
Re: Cebu/Mactan/Bantayan Guide [Thread 13]
« Reply #139 on: April 13, 2012, 11:59:41 am »
^wala bang website kota sis?

 

Latest Stories

Load More Stories
Close