branded bags, shoes & clothes
- Di ko talaga ma-gets kung bakit may ladies' bag na more than 5k. Pinakamahal ko na bag ay 3k, pero netbook naman ang nilalagay ko so yung safety netbook ang binili ko hindi yung brand. I bought a pair of branded running shoes na 3k din, pero dahil mas nakakatakot ma-injure ang paa eh bumili na ako ng proper running shoes. Sa clothes naman, sobrang bilis ko mag-sawa sa damit kaya napa-impractical ang bumili ng mamahalin, saka kahit naman simple lang damit ko hindi naman ako artista na kailangan lagi naka-porma.
junk food
- Lalo na kung anak ko nagpapabili. Sayang na sa pera, pangit pa sa katawan.
gym membership
- Sa bahay may elliptical machine naman kami saka pwede naman sundan yung exercise videos sa YouTube.
make-up & brushes
- Basta makahanap ako ng right shade for me, pwede na yun. Saka nagtatanong ako sa make-up artist friend ko kung anong brand na mura ang maganda para sa skin ko.
atm fees
- Eto sobrang sayang kung withdraw ng withdraw kung saan-saan lalo na kung hindi same bank.
jewelry & expensive watch
- Since I was a kid, I'm not used to wearing jewelries. Malikot kasi ako, parang lalaki so kapag nasira o nawala pinapagalitan pa ako, kaya hindi na lang. Hanggang ngayon, kahit alukin ako ni hubby ng mamahalin na relo ayoko pa rin.
cosmetic surgery
- The heck with this! Super sayang sa pera, papalaguin ko na lang yung pera para sa anak namin magiging mas masaya pa ako.
expensive slippers (havs, ipanema, etc.)
- Sa isip ko, tsinelas pa rin yan. Ang bilis pa masira. Bumili man ako ng fitflop pero dahil naman yun may back problem ako saka almost one year na araw-araw ko suot hindi pa rin nasisira.
fake items sa tiangge
- Lalo na yung halatang-halata, mga LV, Chanel etc. Saka sa hitsura kong ito halata na fake ang dala ko kasi hindi naman ako mayaman talaga. Kaya binibili ko lang yung tama lang ang presyo para sa akin.
branded baby clothes & shoes
- Konting tumbling lang ng baby eh hindi na kasya yung damit at sapatos sa kanya. Nung baby pa anak namin, puro regalo ang mga damit nya, pambahay lang ang binili namin. Nung nagsisimula na siya maglakad saka lang kami bumili ng medyo mahal na shoes kasi takot kami na ma-aksidente yung binti at paa nya dahil semplang ang shoes.
liquor & cigarettes
- Hindi ako umiinom at hindi rin ako naninigarilyo. Back in highschool nung nagsisimula na mag-smoke ang ilan sa amin, I calculated the expenses of a smoker versus the amount of my allowance, ayun na-realize ko na hindi naman kailangan so hwag na. Sa liquor naman, konting tikim lang (sigruo dalawa higop lang) sa mga baso / bote ng friends tapos balik na ako sa non-alcoholic drink ko. Like junk food, sayang na pera, pangit pa sa katawan.