^naku kakahiya ishare sis, basta makapag picture lang ok na

sis wala kaming naprepare na iti nun kasi biglaan yung naging decision na pumunta ng isla,wala sya sa original plan namin dahil sobrang layo from iloilo city, meron lang kaming ginawang list ng must-visit places na nakuha namin online kaso eto lang ang napuntahan namin:
- balbagon island
- "tangke" saltwater lagoon - eto ang pinaka famous attraction sa gigantes
- cabugao gamay island - dito masarap mag swimming, tapos pwede ka rin umakyat sa mga rock
formation para mas makita mo yung view ng dagat
- sicogon island - nasa gitna sya ng dalawang dagat, yung isang side kalmado tapos sa kabila grabe
lang ang laki ng alon, dito na kami inabutan ng sunset
- bantigue sandbar - sabi nung brother ni sir joel i forgot his name lang, dito nila dinadala yung
guests nila for breakfast, nagse set-up lang sila ng chairs and tables then dito
na ise-serve yung prinepare nilang food.
pagdating naman sa island hopping tour sis, wala naman kayong magiging problema kasi napaka efficient nilang magkapatid, sabihin nyo lang sa kanila kung ilan days kayo mag stay sa isla then sila
na bahala sa inyo. i think 2k pa rin naman ang singil nila for a whole day tour. (10pax kami, 200 each).
sa food naman, ang ginawa namin, pagdating sa estancia dun na kami namili ng malalaking bottled mineral water, bigas, plastic cups, chips, bread. since may dala na kaming bigas, ulam na lang ang chinarge nila sa amin, ang sinerve nila sa amin nung dinner eh grilled scallops, sizzling scallops, breaded pusit(eto sobrang masarap) plus fish(di ko alam kung anong tawag dun) for only P400 since 10pax kami, tig 40 pesos lang ang share namin nung dinner tapos kami na lang daw ang bahala kung magkano ang ibibigay namin dun sa nagluto and maghuhugas ng pinagkainan namin.
sa accommodation: P200/night/pax, walang aircon dun saka puro deskfan lang ang nakita ko nung time na andun kami pero mahangin naman so carry lang.
wala rin signal sa isla kaya mahirap matawagan on the spot si sir joel, yung celfone nya nakasabit dun sa itaas ng puno para lang makareceive ng text messages kaya pag nakausap nyo na sya itanong na lahat ng pwedeng itanong.
super nag-enjoy kaming lahat sa experience na ito dahil di crowded yung lugar, as in kami lang ang bisita sa carles nung time na yun, sobrang linaw at linis ng tubig as in makakasabay mo pa yung mga fish na mag swim, yung mga corals kitang-kita mo, as in maeenjoy mo fully yung place pero di mabigat sa bulsa.