watch now

Author Topic: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 2)  (Read 116975 times)

GeRi Sp!cE

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 2)
« Reply #440 on: March 26, 2012, 03:42:57 pm »
Andito pa din ako sa house hindi pa ako nagpapa-admit kasi hindi pa nga humihilab tiyan ko at super lapit lang ng house namin sa hospital. Pero sabi ni OB baka daw bukas pa ako manganak. Sana nga po Lord at ikakasal pa kami bukas sa civil. Grabe sobrang photofinish! Kaloka!

@sweetsorrow: Insist on what you want sis because buhay mo at ni baby ang nakataya dito. Ikaw ang manganganak at hindi siya. Sana pag isusugod ka na sa hospital eh doon ka dalhin sa hospital na gusto mo at hindi sa gusto niya.

seTHer

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 2)
« Reply #441 on: March 26, 2012, 03:57:35 pm »
^hahaha what time ba kasal mo sis. baka pamadaliin mo pa yung magkakasal sa inyo nyan :D

sweetsorrow

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 2)
« Reply #442 on: March 26, 2012, 04:04:05 pm »
nakapag-usap na kami ni hubby. galing siya sa HR ng company namin, inadvance kasi namin ang bonuses namin para may budget para sa panganganak ko, na ang gusto niya ipangbayad nalang sa lupa.

sabi niya humihingi daw hr ng receipt after ko manganak. sabi ko stick to the plan nalang kasi ang ayos ayos na ng usapan at nakapagplano na ko. natanong ko na din OB ko sa hospital fees at nakaset na mind ko.

sabi niya pabago bago na naman daw ng plano. nag-away nga kami. sabi ko siya ang magulo. at hindi siya ang manganganak kaya huwag siyang manggulo ng plano. huwag na huwag niya lang ipipilit ang gusto niya. naku talaga naman.

ang problema ko nalang is where to stay after giving birth, gusto kasi niya sa calamba ako, makikipagsiksikan ako sa in laws ko. wherein ang dami kong gamit na dito na dadalhin doon baka mamix with his pamangkin's clothes and stuff.

ayoko pa naman sa lahat ang pinapakelaman ang gamit ko. at aba, ang binili kong cloth diaper, humihingi kapatid niya kahit daw dalawa. 9 pa nga lang ang cloth diaper ko dito from alva at sunbaby. tapos gusto bigay na.

pati manual breast pump ko, na in case walang saksakan, gagamitin ko, aba pinangako na din sa kapatid niya. wala kasing work kapatid niya kaya tuloy bigay ng bigay ng gamit.

 >:(

Andito pa din ako sa house hindi pa ako nagpapa-admit kasi hindi pa nga humihilab tiyan ko at super lapit lang ng house namin sa hospital. Pero sabi ni OB baka daw bukas pa ako manganak. Sana nga po Lord at ikakasal pa kami bukas sa civil. Grabe sobrang photofinish! Kaloka!

kaya mo pa ba sis? kung keri mo pa naman, go lang. huwag lang mamayang madaling araw ka magkaroon ng contractions, baka sa hospital ka mag-I DO.  ;D

Faithfaith

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 2)
« Reply #443 on: March 26, 2012, 05:19:52 pm »
Just want some suggestions sa inyo mga sis..

I am planning to change my OB.  Dapat pa ba?  I am on my 29th weeks.  Well, mabait sya.. ok naman sya, mukha lang syang masungit..  pero ewan ko ba.. kung kelan 29th weeks na ko tsaka ko pa maiisipan na magpalit ng OB.  1st reason ko, parang lagi akong nagpapakilala... hindi ba nya ko tanda?  pero pag sinabi ko na ako yung working sa ganong establishment which is may kakilala din sya... sabi nya kasi sakin kanina.. naiba daw kc itsura ko.. nagkakwentuhan pa nga kami last check up ko which is first time nangyari, 2nd reason ko.. I asked her kung puedeng makuha number nya, sabi dun na lang daw sa no. ng secretary nya at sa local nila sa hospital.  Magiging komportable kaya akong manganak sa kanya??? gusto ko sana yung may doctor patient relationship.. katulad nung sonologist na nag ultrasound sakin.. yung alam mong may connection kayo...Haiissttt....... well, may na search akong OB same hospital din.. subukan ko kaya??? ayy ewan... bahala na..

izabelle

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 2)
« Reply #444 on: March 26, 2012, 05:37:25 pm »
sis sweetsorrow - as much as possible mas ok talaga if ospital manganak. i have nothing against lying in but if money is not an issue and for safety purposes, better sa hospitals..

i have heard and read a LOT of stories na may problema ang babies pag labas and dahil lying in lang nag give birth, hindi nabigyan agad ng immediate solution kasi kulang sa gamit.. di bale sana kung palaging ok ang baby e.. pero syempre we have to be ready sa lahat ng bagay. All of us hope and pray to have healthy and normal babies but we still have to be ready if may problema kaya dapat talaga as much as possible sa ospital manganak..

seTHer

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 2)
« Reply #445 on: March 26, 2012, 05:42:01 pm »
ay naku sis sweet, nakaka highblood yang sitwasyon mo ah! ako din naiinis sa ganyan lalo na pag naka set na ang mind ko. ano ba yang tinutuluyan mo ngayon hindi ka ba pwede mag stay muna dyan after manganak?

sarahsensible

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 2)
« Reply #446 on: March 26, 2012, 05:50:47 pm »
Ang hirap na umupo at tumayo...sakit ng puson at pempem ko whewww!! Kahit may maternity belt ang hirap na.

Yung wedding client ko sa 31, binigay ko na sa isa pang makeup artist.. hindi ko na kaya tumayo ng matagal.  :(

Cravings - hay naku lahat ng matamis kung kelan malapit na ako talaga manganak. Today, Crepe Samurai ng hotel intercon waaaa!!

Hospital Bag - kailangan ko na mag prepare nito, wala pang contraction pero sakit ng pempem at singit ko.

sis sweetsorrow - stick with the plan, tama ang ibang sisters natin..sabihin mo ayaw mo na mapadoble doble pa gastos dahil sa pag lying-in. Sis last time I checked yung Avon catalog walang Nursery Bra pero baka na miss ko lang sa bra section.

sis GeRi Sp!cE - may iba nga 3cm inaabot pa ng ilang days sis. Kasi ang 1cm pwede pa till 40 weeks LOL Congrats on your wedding sis. I Do I DO kana  ;D

sis mom.of.inchikoy - meron sa Mothercare sis yung Belly Bandit. Google mo din. Sis nakita mo yung collection ni Bianca Araneta? parang no need for Nursery Bras..ano brand ng Nursery Bra mo?

sis wengerts - may nursing bra pala Gigi Amore, I like that brand kasi they have really big sizes and affordable


mommyniuja

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 2)
« Reply #447 on: March 26, 2012, 08:29:52 pm »
Mga sis may mga dapat ba gawin para bumaba yung tiyan pag malapit na manganak? Dun sa eldest ko kasi sobrang taas pa ng tiyan ko nung pumutok yung water bag ko.

Problema ko ngayon ang taba-taba ko na, naiinis ako pag nakikita ko na ang laki na ng mukha ko. Ano ba mgandang snack para pag nagugutom tayong mga preggy hindi masyado nakakataba. Sabi sakin ni OB pwede daw ako crispy pata at lechon basta wag lang matatamis gaya ng fruits kasi mataas daw ang sugar, ang hilig ko pa naman sa mga sweets ngayon. Help please.

mikaela325

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 2)
« Reply #448 on: March 26, 2012, 08:59:04 pm »
^walk lang ng walk sis. Reason to go malling. Hehe.

Nursing bras - di pa ko bumili ang binili ko mga tube bras sa herbench. May mga nursing cover naman kasi ako. So baka pwede na yun. I wont bfeed naman in public. Pwede naman sa kotse just in case maubos ang baong expressed milk.

Sis sweet - right dont agree kasi mas safe talaga sa hospital at mas kumpleto.

Sis faith - I think ok lang basta bring all your records and lab tests sa new ob. Ayoko din ng ganun na parang di ka natatandaan. Kaya ko din pinalitan yung ob ko dun sa first baby ko kasi ba naman minamadali akong umire since madaling araw akong nanganak. Panay kwentuhan pa sila nung nurse kakadistract kaya. Kaya dito sa 2nd ko changed hospital and ob ako. I like her kasi she is really concern with her patients.

Rant ko naman is yung yaya ng toddler ko. Kung kelan ako full term saka biglang need umuwi sa kanila. Eh holy week pa naman kaya lahat ng pwede kong asahan like my siblings and in laws nasa vacation din. Sana wag pa ko manganak next week at di ko alam saan iiwan si baby. Di naman pwede isama sa hospital.

sweetsorrow

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 2)
« Reply #449 on: March 26, 2012, 09:18:16 pm »
next checkup na namin ni OB after holy week na, 37 weeks na kami noon. pero sabi niya April 10 nalang daw. she'll be out of the country yata for the holy week.

magkaaway kami ni hubby, kasi naman hinirit na naman ang panganganak ko, sa Calamba nalang daw para daw mapagawa ang sasakyan, mapa-aircon ang kwarto, at makapagbayad sa lupa na hinuhulugan namin.

iniinsist pa pag-inom ng LEMON GRASS na wala naman scientific study na makakabuti sa pregnancy. bakit kasi hindi ko natanong sa OB ko kanina.

tapos icompare daw ba ako sa asawa ng kapatid niya, inumin ko na daw at huwag na maarte, tignan ko daw asawa ng kapatid niya 750 lang ang ginastos.

sabi ko nga sana pala sa Divisoria nalang din tayo namili ng gamit para magtipid. then while browsing sa net for Cloth Diapers,dahil im planning to buy more, sabi ba naman tigilan ko na daw pagtingin tingin ko ng diaper dahil walang pera.

ayon nagkukulong siya sa kwarto ngayon at hindi ako kinakausap. kung pwede lang magwala. napaka-insensitive niya.

basement kasi ang inuupahan namin dito sa Antipolo, walang way para mapaarawan si baby paglabas niya kaya gusto niya doon na ako sa Calamba para makipagsiksikan sa bahay ng nanay niya. nakakasama ng loob. kung buhay lang sana nanay ko o tita ko hindi ko siguro poproblemahin ito.


sis faith kung hindi ka comfortable, change OB na, basta may records ka naman. nakakainis ang mga OB na walang paki. bumibisita ka na nga, hindi ka pa matandaan, what more kung tawagan mo o itext diba.. dapat alam niya lahat ng kwento mo.. ako naka-apat akong OB bago ako makahanap ng okey na OB. kaya naiinis ako sa asawa ko na gusto manganak ako sa midwife lang.

seTHer

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 2)
« Reply #450 on: March 26, 2012, 09:26:09 pm »
^there's no way talaga mapaarawan si baby sis? di ba kayo pwede lumabas sa umaga or something. hirap talaga ng nakikisama kasi until now problema ko yun :D ang mahirap pa nyan eh kung kelan lalabas na ang baby nyo saka magkaka issue ng mga ganyan

sweetsorrow

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 2)
« Reply #451 on: March 26, 2012, 09:36:27 pm »
^meron naman, kaso daanan kasi ng jeep at tricycle ang nirerent namin dito kaya natatakot ako ilabas si baby para paarawan. hindi ko tuloy alam kung saan ako after manganak. gusto kasi niya sa Calamba para daw mabantayan din ako. kaso ayoko naman doon dahil nandon na nga ang kapatid niya at asawa nito na parehas walang trabaho.

baka gamitin pa mga gamit ng anak ko at paki-alaman pa ko sa pagpapalaki ng bata. kaya naiinis ako. usapan kasi lilipat sila mag-asawa sa side ng babae pagkapanganak. since walang trabaho, ayun sumiksik sa nanay ng asawa ko.

tapos gusto pa ng asawa ko doon din ako. eh dalawa lang kwarto doon. saan naman ako sisiksik diba. alangan naman paalis ko nanay at tatay niya sa kwarto nila.

naiinis ako. kung kailan malapit na saka sinisira plano ko.

slovy

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 2)
« Reply #452 on: March 26, 2012, 10:07:36 pm »
^naku sis hirap naman ng situation mo na yan. baka mapaanak ka ng de-oras nyan ha? try to convince pa rin your hubby sis, yung palambing lang hehe, wag kang sumuko hanggang di sya pumayag, I'm sure bibigay din yan. wag yung galit ka rin baka lalo mainis. Sabihin mo natatakot ka lang kasi kung sa kumadrona ka manganak. Hindi ka 100% sure sa safety nyo. Yung about naman sa tutuluyan mo after giving birth, wala ka na siguro talaga magagawa dun. Sabihin mo na lang dun sa mga inlaws mo, walang pakialaman ng gamit ha? hehe joke lang. Pero sis pwede mo ngang sabihin yun, it sounds masama pero maigi na yung ganun kesa masanay sila sis. Sa totoo lang mahirap talaga situation mo, kung ako nasa katayuan mo, di ko rin keri yan.


Para bumaba si baby, walking is the best. Proven and tested ko na yan. Pero mas maigi yan pag term na talaga. Ilang weeks ka na sis mommyniuja?  :)

Sis faithfaith, tama magpalit ka kung di ka komportable sa kanya. Mahirap yang lagi kang nagpapakilala. Hehe. naalala ko first OB ko, lagi sinasabi nun kelan nga LMP mo? kaloka. kaya ayun, naghanap ako ng iba.

Sis Geri Spice, best wishes nga pala para wedding bukas. Sana hindi muna labas si baby during ceremony, sumakto sana pag tapos ng kasalan. Exciting yan sis ahh! ayos din yun, wedding anniversary tapos bday ni baby. Isahang celebration na lang. Balitaan mo kami sis ha?  :)
« Last Edit: March 26, 2012, 10:09:25 pm by slovy »

mikaela325

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 2)
« Reply #453 on: March 26, 2012, 10:20:32 pm »
Best wishes sis geri. :)

No no din sa amin both ni hubby ang makisama. Eversince nakabukod talaga kahit rent lang ng apartment. This year bought a land na banawe area. Pagpatayo naman ng house next project. Hirap kasi makisama kahit pa kasundo mo kasi di maiiwasan talaga ang conflicts. Lalo na pag walang work. Di naman sa pagdadamot but resonsibility nila anak nila.

Mga sis anong after care nyo post delivery? Ilang days kayong di naliligo? Nagpapahilot ba kayo? Naglalanggas ba kayo ng sugat for nsd? Yung pagbabad ng pempem sa lukewarm water w/ dahon?

cassiopeia

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 2)
« Reply #454 on: March 27, 2012, 01:16:31 am »
sis sweetsorrow

OA na si hubby mo ha, nakakainis naman pati diaper tinitipid, dapat handa sha na tao yung baby nyo at hindi bagay o parang kotse na pwede tipirin sa gas. mas lalo na wag sa midwife kung kaya naman ng budget sa OB, sabi ko nga syo, sa OB ko mura lang less than 15k lang, depende din yan sa hospital kasi kaya mataas rate ng ibang OB.

wag ka payag na kahati mo pa yung magasawa na walang work,, asahan mo pag nagsama kayo, yung pambibili ng milk ni baby baka utangin pa nila.

sarahsensible

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 2)
« Reply #455 on: March 27, 2012, 02:23:31 am »
After Care NSD may thread dito nyan sis.. search mo na lang

Never ko pa na try ang bayabas. Ako kahit nung sa 1st ko pa lang, pinapayagan talaga ako ng OB ko maligo agad. Although, nasasayo pa rin yan sis.

Na mention ko ata sa isang thread, I bought Neosporin cream para sa sugat ko ( Sa tru Value lang meron and sa US ) Before alcohol with water lang after ko mag wash ng Betadine. Pero this time saline solution as per suggestion ng cousin ko na derma para hindi drying, ilalagay ko sa atomizer kasi hindi naman nag bibigay peri bottle hospitals dito

sis sweetsorrow pang ilang baby nyo na ba yan? kung ako yan baka magtampo ako ng bongga uuwi ako sa mommy at daddy ko magsusumbong ako!  >:(

sis mommyniuja ilang weeks kana ba? ang sex nakaka induce  ;) ask mo pa OB mo, aside from walking of course.

mom.of.inchikoy

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 2)
« Reply #456 on: March 27, 2012, 04:16:05 am »
^ sis dito mo yata na post re neosporin. Saang yrue value sis? Is this for tahi cs or nsd?

 Nursingbra - sis sarah parang 2  lang yung maganda kong nursing bra. Tapos yung iba puro yung tube ba yun, kasi ang habol lang naman easy access diba. I nursed my 2nd child anywhere. Kung saan kelangan. Mas nag invest ako sa nursing clothes and sa cover. hehe.

After care nsd - yup sis alam ko may thread dito for nsd and cs after delivery. Ako i follow gelai eh. Kaya 1month tago sa bahay, kasi no ligo. Wash pem warm water. Yung bayabas i only used it dn sa unang ligo ko. Pero i know a friend na on her 3rd week after manganak nsd, everyday may pumupunta sa kanya, hilot o massage na pinoy style and yung steam bath nya sa mga diff leaves. On the 7th day nun which is her 1month after manganak sya naligo.

Pansin ko mas sensitive talaga ang preggie especially kapag third trim na noh? Ganun din ako with my two pregnancies. Iyakin and may pinag iinitan na tao durng mga 8th month onwards. Ingat lang sis kasi yun dn nararamdman ni baby.

mommyniuja

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 2)
« Reply #457 on: March 27, 2012, 07:12:47 am »
Sis  sarahsensible and sis slovy, 27 weeks pa lang ako sis, weight gain ko is 8 kilos na. Dito ako province ngayon sobrang mahangin, kaya nakakatamad maglakad, di bale pagbalik ko ng kabihasnan talagang maglalakad ako ng maglalakad. Thanks sisses!


sarahsensible

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 2)
« Reply #458 on: March 27, 2012, 07:43:41 am »
sis mom.of.inchikoy - I think pwede both, any tru value sis. Kinuha ko yung with pain killer variant. Mukha ngang better mag tube..gusto ko din ng nice covers sis  ;) para i can bfeed anywhere

^27 palang pala eh  ;D


mom.of.inchikoy

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 2)
« Reply #459 on: March 27, 2012, 08:01:49 am »
sis mommyniuja, halos magkasunod pala tayo. 28weeks naman ako ngayon.

hospital bags - ngayon pa lang ako nag sisimula aysuin ang list. unahin ko si toiletries sabay sa groceries. hehe

sis sarah, sige check ko yun. pwede ba daw gamitin yun even nursing the baby? madami cover sis sa dept store mura lang. pero kapag nice na yung blouse mo na for nursing, hindi na ako gumagamit ng cover esp kapag hindi airconditioned yung area, papawisan lalo si baby sa cover.  punta nga ako sa mananahi ko sa bulacan on thursday, pa quote ako sa mga nursing blouse ko na nasira baka mas mura na sa kanya.

weird dreams - meron pa rin ba kayo nito sis? ako during 1st term, then nawala on the 2nd trim. tapos kagabi another weird dream. hindi nanaman tuloy ako maka tulog sa gabi.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close