watch now

Author Topic: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 2)  (Read 117168 times)

sarahsensible

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 2)
« Reply #420 on: March 25, 2012, 11:45:31 pm »
sis micci - sana Normal  ;) sa OB ko may tinda na sya agad na binder for 280php. Pero narinig ko Kris Aquino dati nung na CS sya sa Wacoal or Maidenform sya bumili. Pero ako CS or NSD I will get Belly Bandit, na meet ko yung girl na official distributor sa isang gig and mukhang promising.

sis GeRi Sp!cE - ang iced tea kasi puro sugar kaya siguro pinagbawal? naku pero ako dahil hindi ako GDM minsan naka refillable iced tea pa

sis wengerts - sarap ng iced tea lalo na pag ang init init!waaaa

sis seTHer - may officemate ako dati, payat sya. Simula nabuntis hanggang sa manganak na itago nya sa jacket nya. Mga 3-4 lang kami nakakaalam sa office. Nung nag maternity leave sya, ang dami nagulat na preggy pala sya LOL. Ilang weeks kana?

sis justineo - buti kapa nakapag pa maternity shoot ka na.. ako nag plano nung una pero parang natamad na ako. Excited pa naman ako i-airbrush yung maliliit na stretchmark sa tummy ko LOL

sis slovy naku buti na kwento mo yan, isa na yan sa magiging bilin ko agad bukod sa epid ako. Latch agad si baby and room-in na pag well naman para maka bfeed na.

sis mom.of.inchikoy and Mikaela325 - sana nga mag sale si cetaphil!

Nakabili na din ako ng Neosporin cream ko, yan ang gagamitin ko sa magiging sugat ko. Ang mga hospitals dito hindi nag poprovide ng peri-bottle so ako na lang gagawa sa sarili ko, atomizer na lang lalagyan ko ng Saline Solution para hindi drying. Wala pa din ako nabili Anion Napkin, baka maghanap na lang ako online.

mikaela325

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 2)
« Reply #421 on: March 26, 2012, 07:41:17 am »
Baby bump - pag bilog na bilog daw boy. Pag medyo flat sa gitna or palapad girl. Sa akin nagkatotoo naman. Pero yung lumalaki yung ilong di naman ako nagka ganun dun sa son ko.

Teas & coffee - pinagbawal ni ob coffee pero i still drink in little amounts. Ok naman so far mga lab results ko. Incompensate it na lang by drinking lots of water and buko juice.

Push - ang galing iba nga ang feeling ng pag push from the upper tummy than sa baba. Eto pala ang need ko ipractice.

Binders/girdle - i have both kahit nsd ako kasi used it pampaliit ng tummy din. Yung binder from mercury persona ang brand almost 1k yata bili ko dun may sizes sya. Yung girdle sa sm dept store forgot the brand nag fade na. Pero maganda sya naghahanap nga ako ng isa pa. Hanggang upper part ng belly kasi sakop nya. So parang girdle ang binder in 1 tapos di pa mainit material nya. Mas soft yung material sa may belly part pero tight enough pa din.

yung bump read sa what to expect series na may 3 ways how a woman carry a baby bump. May mataas, middle and low. Tapos pag malapit ka na manganak may "Dropping" of the baby kasi pag nakapwesto na sya sisiksik na sya sa pelvic part. Napansin ko naman yun sa eldest ko. This time around bumaba na din konti bump ko pero slight pa lang. Unlike before na hirap ako huminga kasi parang ang taas ng tyan ko

sarahsensible

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 2)
« Reply #422 on: March 26, 2012, 08:08:53 am »
^pano yun sis ipupush mo lang upper tummy mo?

justineo

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 2)
« Reply #423 on: March 26, 2012, 08:15:59 am »
^sis turo ng ob ko last check-up namin inhale ka thru your nose, fill mo yung lungs mo ng air, mouth Closed tapos ire ka na concentrate sa tummy. Nalalaman daw ng doctors na tama kapag may tears o namumula ka at nanginginig yung cheeks. :)

sarahsensible

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 2)
« Reply #424 on: March 26, 2012, 08:25:13 am »
^diba ganyan yung pag nanganganak na, parang ganyan nung last time i gave birth eh habang yung ibang doctors pinupush yung tummy ko pababa? iba pa ba ito dun sa push na kailangan ipractice?  ;D

seTHer

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 2)
« Reply #425 on: March 26, 2012, 08:35:59 am »
@sis sarah: 34 weeks na kami sis :D

sarahsensible

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 2)
« Reply #426 on: March 26, 2012, 08:38:57 am »
^sis parang nung 34 weeks na ako hindi na ako pinayagan mag CAS sa IMW, pero try mo pa rin. Ang ginawa na lang nung OB checked for the fingers kung complete, yung palate etc... kasi daw malaki na ang 34 weeks. Pero try mo pa rin

sweetsorrow

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 2)
« Reply #427 on: March 26, 2012, 11:00:10 am »
wow ilang days lang dami ko ng backread. hindi na ko masyado nakakapag-login sa GT umuwi din kasi kami ng laguna nung weekends.

pa-vent out naman ng inis ko..

March 25 nanganak na ang asawa ng brother-in-law ko. sa calamba nanganak, sa lying-in midwife lang nagpaanak. pinagmamalaking 750 lang ang binayaran nila.

5 days naman naglabor ang bilas ko, at pinunta sa public hospital ng March 24 ng gabi pero pinauwi din kaagad, kasi wala daw reservation at mukhang hindi pa talaga manganganak.

10am March 25 tumawag ng kumadrona, kaso hindi successful dahil bitin daw umire pero lalabas na talaga ang baby. 11:30 sinugod sa lying-in after 1 hour, baby out na. 6.5lbs.

simula noon, si hubby iniinsist na doon nalang ako manganak. sobrang naiinis ako kasi ang ganda na ng birth plan ko tapos ipipilit niya na doon na dahil wala pa daw 1000 pesos ang babayaran.

ano nalang sasabihin ko sa OB ko dito sa Antipolo? paano kung magkaproblema hahayaan niyang mamatay ako o anak ko? inis na inis talaga ako.

pinagmamalaki pa ng bilas ko na pag-inom daw niya ng salay o lemon grass ang dahilan kung bakit mabilis nailabas ang baby niya. okey naman ako sa pag-inom ng salay. pero proven ba na effective talaga? at walang problema? itatanong ko talaga ito sa OB ko mamayang check-up namin.

sa pagbili ng gamit ni baby, naisip ko may mga kulang pa pala ako, hangers at cabinet. ewan ko ba kung bakit biglang inisip ni hubby na huwag nalang at gamitin nalang kung ano ang meron kami.

asar talaga ako. kasi naman huwag niya ako icocompare sa kapatid niya at asawa nito na walang trabaho. sa kanya na nga galing ang salitang..."bakit ko ibibili anak ko ng mga gamit sa divisoria eh nagtatrabaho naman ako?" eh ngayon bakit mo ipipilit na mag-lying in ako sa calamba kung may pangbayad ka naman.

inis talaga!


sweetsorrow

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 2)
« Reply #428 on: March 26, 2012, 11:09:33 am »
baby bump - ako daw parang busog lang, mataba kasi ako, kaya parang busog lang ako.

binder - saan banda sa mercury drug ito? kasi may mercury drug dito hindi naman alam ng tiga mercury kung anong binder ang pinagsasabi ko. and kung sa mall, saan banda makikita ang binder?

push - may pinapapanood akong video about labor signs and giving birth, kapag labor inhale ng malalim at exhale thru mouth, paulit ulit lang at nakafocus daw sa isang bagay, para hindi mo maiisip ang sakit. tapos meron paexhale lang ng exhale sounds like -hee hee hee hee.  then kapag push na, inhale exhale inhale then hold, tapos push. parang pagnagpupupu diba pinipigilan ang hininga.

bottles - ako naman binigyang ng mga hindi nagamit na bottles ng bestfriend ko kasi pure bf siya hanggang 2years old anak niya. kaya kapag nasa 6months na siya, saka na ako bibili ng avent.

35 weeks na kami, ang stronger na ang pains ko sa pelvic, SPD. :( kaya ang hirap maglakad.

hospital bag - wala pa din.

nursery bra - anong brand ang okey?

justineo

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 2)
« Reply #429 on: March 26, 2012, 11:11:15 am »
5 days nag-labor sis? Parang ikamamatay ko naman ang sakit hehe! May plan na pala kayo sis, mahirap naman pa-iba iba lalo ng doctor.

wengerts

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 2)
« Reply #430 on: March 26, 2012, 11:25:22 am »
^^^ ibalik mo sa kanya yung sinasabi nya. nagtatrabaho ka bakit ka mag lying in? saka nakakastress yung 5 days naglabor? wth! buti hindi napano ang anak nya. ikwento mo din yung incident recently na may mga kumadronang dumagan sa isang buntis thinking na nakakatulong sila sa pag ire ng mommy. ang ending patay ang baby! kung kaya nyo financially sa hospital manganak dun na kayo sa tried and tested ng MARAMI.

nursing bras sa SM meron Gigi Amore na brand
binders sa mercury may sariling shelf. Persona ang brand. pag nakita mo, ipakilala mo sa kausap mo ;D di nya alam tinda nya haha!

sweetsorrow

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 2)
« Reply #431 on: March 26, 2012, 11:41:49 am »
5 days nag-labor sis? Parang ikamamatay ko naman ang sakit hehe! May plan na pala kayo sis, mahirap naman pa-iba iba lalo ng doctor.
kasi humihilab na ang tiyan niya last week pa daw. tapos nagpacheck-up pero hindi in-IE. sa ultrasound chineck lang kung gaano kabigat na ang baby, pag dating sa public hospital, hindi pa din na-i.e., pinaglakad-lakad at pinauwi. hindi nga niya alam kung ilang CM na siya, wala daw tumitingin. ano ba 'yan, palibhasa sa center at public siya nagpapacheck, kung kailan nalang abutan. kung nagkaproblema kaya sa panganganak niya ipipilit pa rin kaya ng asawa ko ang lying-in? asar kasi ako. dahil magkasunod lang kami, parang pinagmamalaki nila na nakatapos at nakahinga na ang bilas ko. at ako hinihintay naman nila kung papano. paano kapag CS ang end up ko? edi i failed sa mga mata nila. hay. ayoko na tuloy magstay doon after ko manganak. feeling ko lahat papaki-alaman.

alam niyo naman sa province at mga sabi-sabi diba. wala naman actually mawawala kung sumunod, pero kung wala pang scientific proof, ang hirap sundin. lalo na kung hindi naman totoo mga pamahiin. hay.

^^^
nursing bras sa SM meron Gigi Amore na brand
binders sa mercury may sariling shelf. Persona ang brand. pag nakita mo, ipakilala mo sa kausap mo ;D di nya alam tinda nya haha!

LOL! sis akala kasi binder na pangpilay.

GeRi Sp!cE

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 2)
« Reply #432 on: March 26, 2012, 11:47:20 am »
Mga sis!!!! nagpa-check ako kanina! 3 cm na daw ako at need na ma-admit. pero mataas pa daw si baby kaya umuwi muna ako and prepared my hospital bag. Prediction ni ob mamayang gabi tatawagan ko na siya na masakit na tiyan ko. Bukas pa kasi civil wedding namin nakiusap ako baka pwede after ng wedding na lang ako mag-pa admit. Sana bukas pa humilab tiyan ko! waaaah!

mom.of.inchikoy

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 2)
« Reply #433 on: March 26, 2012, 12:07:32 pm »
^ goodluck sis. pray pray pray :) balitaan mo kami ha...

nursing bra- ako sis may mga magagandang nursing bra ako nabili na multiply sellers. medyo mahal lang, pero madali sya makabit and tanggal w/ three fingers lang. yun ang ginagamit ko kapag nasa labas ako ng bahay. actually kahit hindi na ako nag bf nagagamit ko  pa din sya as ordinary bra. dito sa bahay i use avon nursing bra kasi mura lang.

sis sarah - saan pwede makita yung gusto mong binder/girdle?

5days labor - halos ganyan din nangyari sa mom ko ng pregnant sya sakin. wala sila money noon. 7 days sya palipat lipat. then when they tried sa veterans hospital, pina uwi din sya. somewhere sa manila sya nanganak nun.

cravings - ano cravings nyo sis? pansin ko this past 2weeks, halos every hour or 1.5hr gutom nanaman ako. alternate salty and sweet. gustong gusto ko na matikman ang magnum. parating nauubusan ako sa grocery.




sweetsorrow

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 2)
« Reply #434 on: March 26, 2012, 12:18:16 pm »
Mga sis!!!! nagpa-check ako kanina! 3 cm na daw ako at need na ma-admit. pero mataas pa daw si baby kaya umuwi muna ako and prepared my hospital bag. Prediction ni ob mamayang gabi tatawagan ko na siya na masakit na tiyan ko. Bukas pa kasi civil wedding namin nakiusap ako baka pwede after ng wedding na lang ako mag-pa admit. Sana bukas pa humilab tiyan ko! waaaah!

gusto sumabay ni baby mo sa wedding niyo. kausapin mo muna si baby. baka hindi na mapinta face mo tomorrow dahil sa sobrang sakit.

nursing bra -  naghahanap ako ng avon dealers dito sa amin, balak ko doon magorder. :)

cravings - sweets, pero hindi ako masyadong malakas kumain ngayon, parang walang gana.

cassiopeia

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 2)
« Reply #435 on: March 26, 2012, 12:59:56 pm »
wow ilang days lang dami ko ng backread. hindi na ko masyado nakakapag-login sa GT umuwi din kasi kami ng laguna nung weekends.

pa-vent out naman ng inis ko..

March 25 nanganak na ang asawa ng brother-in-law ko. sa calamba nanganak, sa lying-in midwife lang nagpaanak. pinagmamalaking 750 lang ang binayaran nila.

5 days naman naglabor ang bilas ko, at pinunta sa public hospital ng March 24 ng gabi pero pinauwi din kaagad, kasi wala daw reservation at mukhang hindi pa talaga manganganak.

10am March 25 tumawag ng kumadrona, kaso hindi successful dahil bitin daw umire pero lalabas na talaga ang baby. 11:30 sinugod sa lying-in after 1 hour, baby out na. 6.5lbs.

simula noon, si hubby iniinsist na doon nalang ako manganak. sobrang naiinis ako kasi ang ganda na ng birth plan ko tapos ipipilit niya na doon na dahil wala pa daw 1000 pesos ang babayaran.

ano nalang sasabihin ko sa OB ko dito sa Antipolo? paano kung magkaproblema hahayaan niyang mamatay ako o anak ko? inis na inis talaga ako.

pinagmamalaki pa ng bilas ko na pag-inom daw niya ng salay o lemon grass ang dahilan kung bakit mabilis nailabas ang baby niya. okey naman ako sa pag-inom ng salay. pero proven ba na effective talaga? at walang problema? itatanong ko talaga ito sa OB ko mamayang check-up namin.

sa pagbili ng gamit ni baby, naisip ko may mga kulang pa pala ako, hangers at cabinet. ewan ko ba kung bakit biglang inisip ni hubby na huwag nalang at gamitin nalang kung ano ang meron kami.

asar talaga ako. kasi naman huwag niya ako icocompare sa kapatid niya at asawa nito na walang trabaho. sa kanya na nga galing ang salitang..."bakit ko ibibili anak ko ng mga gamit sa divisoria eh nagtatrabaho naman ako?" eh ngayon bakit mo ipipilit na mag-lying in ako sa calamba kung may pangbayad ka naman.

inis talaga!

naku sis wag na wag ka papayag, parang nirisk mo narin safety ni baby nun, after waiting 9 months tapos sa pagtitipid lang sa kumadrona na.. mas maganda na safe ang baby kesa naman sa kumadrona, marami naman Ob jan na mura lang ang singil and normal delivery basta sure tayo na ok ang baby, ako sa first baby ko mga 12k lang normal delivery private rin naman OB ko, talagang mura lang kasi yung hospital mismo is semi private.


sweetsorrow

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 2)
« Reply #436 on: March 26, 2012, 01:49:33 pm »
^tama sis. knowing na nakunan na ako last year at gumastos ng 50k sa d&c.

kaya masama loob ko. kasi naman hindi na nga maayos kasal namin, dahil kasalang bayan pala naschedule ni hubby dati ang kasal namin. kaya nakasimangot ako sa picture ng kasal namin dati, at ang reception dito lang sa inuupahan namin.

tapos pati ba naman panganganak ko ngayon, titipidin pa din niya. hay naku. kaya naman kasi namin, pero iisipin niya kung saan makakamura. kasi may binabayaran pa kaming lupa ngayon. kaya gusto niya makatipid sa panganganak ko para sa lupa.

sama talaga ng loob ko.

seTHer

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 2)
« Reply #437 on: March 26, 2012, 02:21:02 pm »
ay naku sis stick to the plan. mahirap ang paiba iba ng decision! masama tayo ma stress! :)

sweetsorrow

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 2)
« Reply #438 on: March 26, 2012, 02:57:38 pm »
hindi talaga ako papayag na guluhin niya ang plans ko na. ayoko pa naman ugali ng asawa ko, pabago-bago ng isip.

slovy

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 2)
« Reply #439 on: March 26, 2012, 03:18:13 pm »
sis sweetsorrow, tama wag na wag kang pumayag, konsensyahin mo hangga't maaari, sabihin mo paano na lang kung may hindi inaasahang mangyayari? mabuti na yung dun ka sa sigurado kang safe ka. Baligtad si hubby mo at asawa ko, before kasi naisuggest ko kay hubby mag lying in ako kasi 10k lang painless pa. Di naman ako maselan din at mabilis ako manganak kaya feeling ko kayang kaya ko rin manganak sa lying in. May pagka kuripot din kasi ako konti. haha. Pero naku si hubby, ayaw na ayaw nya, nasermunan lang ako, bakit ko daw irisk ang buhay ko at buhay ni baby? dun ko napagtanto tama nga naman sya, kasi pag nanganak ka talagang ang isang paa mo nasa hukay. hindi mo alam ang posibleng mangyayari sayo. Kaya nakakapagtaka si hubby mo. Dapat yung panganganak hindi talaga tinitipid yun, cos life and death ang nakasalalay dun. Basta sis, ipilit mo ang desisyon mo, wag mo sundin si hubby mo.

Re baby bump: mababa na rin bump ko, andami na nakapansin even OB.

Cravings: ako naman gusto ko lagi palabok at zagu. like ko rin yung oishi chocolate popcorn. magnum ice cream, nakakain na ko pero hindi ko nagustuhan. or baka panlasa ko lang may mali kasi si hubby yum na yum sya eh. naka apat na stick pa nga ng classic.

Nursing bra: hindi pa ko nakabili kasi wala ako makitang maganda. pag after manganak na lang siguro. May nabili naman kasi akong regular bra na sa harap ang lock kaya pwede na siguro yun.

Baby Bottles: I bought Avent & Dr. Brown's. gusto ko matry pareho pero tig 2 packs lang binili ko baka kasi maging successful ang pagpaBF, sayang naman kung di magamit.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close