We use cookies to ensure you get the best experience on FemaleNetwork.com. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.
Remember Me
Oops! Sorry!
A message has been sent to
johnjones@gmail.com
Click on the link in the email to set a new password.
Click on the link to activate your account.
5 days nag-labor sis? Parang ikamamatay ko naman ang sakit hehe! May plan na pala kayo sis, mahirap naman pa-iba iba lalo ng doctor.
^^^nursing bras sa SM meron Gigi Amore na brandbinders sa mercury may sariling shelf. Persona ang brand. pag nakita mo, ipakilala mo sa kausap mo di nya alam tinda nya haha!
Mga sis!!!! nagpa-check ako kanina! 3 cm na daw ako at need na ma-admit. pero mataas pa daw si baby kaya umuwi muna ako and prepared my hospital bag. Prediction ni ob mamayang gabi tatawagan ko na siya na masakit na tiyan ko. Bukas pa kasi civil wedding namin nakiusap ako baka pwede after ng wedding na lang ako mag-pa admit. Sana bukas pa humilab tiyan ko! waaaah!
wow ilang days lang dami ko ng backread. hindi na ko masyado nakakapag-login sa GT umuwi din kasi kami ng laguna nung weekends.pa-vent out naman ng inis ko..March 25 nanganak na ang asawa ng brother-in-law ko. sa calamba nanganak, sa lying-in midwife lang nagpaanak. pinagmamalaking 750 lang ang binayaran nila.5 days naman naglabor ang bilas ko, at pinunta sa public hospital ng March 24 ng gabi pero pinauwi din kaagad, kasi wala daw reservation at mukhang hindi pa talaga manganganak.10am March 25 tumawag ng kumadrona, kaso hindi successful dahil bitin daw umire pero lalabas na talaga ang baby. 11:30 sinugod sa lying-in after 1 hour, baby out na. 6.5lbs.simula noon, si hubby iniinsist na doon nalang ako manganak. sobrang naiinis ako kasi ang ganda na ng birth plan ko tapos ipipilit niya na doon na dahil wala pa daw 1000 pesos ang babayaran.ano nalang sasabihin ko sa OB ko dito sa Antipolo? paano kung magkaproblema hahayaan niyang mamatay ako o anak ko? inis na inis talaga ako.pinagmamalaki pa ng bilas ko na pag-inom daw niya ng salay o lemon grass ang dahilan kung bakit mabilis nailabas ang baby niya. okey naman ako sa pag-inom ng salay. pero proven ba na effective talaga? at walang problema? itatanong ko talaga ito sa OB ko mamayang check-up namin.sa pagbili ng gamit ni baby, naisip ko may mga kulang pa pala ako, hangers at cabinet. ewan ko ba kung bakit biglang inisip ni hubby na huwag nalang at gamitin nalang kung ano ang meron kami.asar talaga ako. kasi naman huwag niya ako icocompare sa kapatid niya at asawa nito na walang trabaho. sa kanya na nga galing ang salitang..."bakit ko ibibili anak ko ng mga gamit sa divisoria eh nagtatrabaho naman ako?" eh ngayon bakit mo ipipilit na mag-lying in ako sa calamba kung may pangbayad ka naman.inis talaga!