watch now

Author Topic: Issues with my Mom...help pls!  (Read 16605 times)

ldrwifey

  • Guest
Re: Issues with my Mom...help pls!
« Reply #40 on: February 24, 2012, 02:37:08 pm »
sis priceless grabe wala akong masabi sa post mo.


Priceless

  • Guest
Re: Issues with my Mom...help pls!
« Reply #41 on: February 24, 2012, 02:58:59 pm »
Sis pasensya na at gigil ako sa mga enablers ng katamaran, self-pity, helplessness at taking advantage of others.


rianne_mallows

  • Guest
Re: Issues with my Mom...help pls!
« Reply #42 on: February 24, 2012, 07:57:17 pm »
haha... hindi naman sa minemenos ko yung situation pero natawa talaga ako sa post ni sis PRICELESS  ;D  two thumbs up!

i get justin's POV din naman.. lahat naman ng anak gusto ispoil ang magulang kung kaya din lang.. at kung may unlimited supply ka ng cash... i also would love to spoil my folks rotten kung kaya ko din lang...  pero kailangan bumalik tayo sa reality..  hindi na kaya ni TS yung demand ng parents niya...

lonelymiss28

  • Guest
Re: Issues with my Mom...help pls!
« Reply #43 on: February 24, 2012, 08:39:32 pm »
ldrwifey: Yes sis, 2007 huli kong uwi dahil mahirap kumuha ng live-in caregiver for 1 month lang at wala rin naman papayag mag-work dito ng butterfly schedule.
kaya nga lang ao nakauwi that time kasi si MIL, lumipat dito sa province namin pero 25 mins drive pa yung bahay nya.so sya muna nag-alaga (saka nakakalakad pa bunso ko nun).

priceless: napatawa ko ng malakas dun...

-pwede bang isama pagbebenta ng atay or kidney???

Ako rin sis, sobrang gigil ako sa mga tamad. nakakawala ng respeto pag ganyan ang tao. pero sa mga kapatid ko ang tanging tamad lang naman na nakikita ko eh yung si favorite yung iba naman masisipag kaso maloloko.

ella: thanks for the compliment. to tell you honestly, dito ko lang naririnig mga compliment na ganyan eh, saka sa asawa ko.

Tama ka na baka malayo na loob nila sa akin or mas lumayo na loob nila, pero sis, even if i wanted to come home sa pinas...its not that easy for me because of my son.

rianne: totoo na sa kahit maliit na paraan gusto talaga nating i-spoil magulang natin in my case since papa ko naman humahawak ng budget sa bahay kaya sa mama ko ako nagpapadala para meron din syang pangastos sa sarili nya kaso nga lang hindi hindi napa-prioritize kung ano yung importante.

example na scenario:

mom: anak, masakit ngipin ko, gusto ko magpabunot!

ako:o sige mama magpabunot ka, magpapadala ako this week. magkano ba pabunot???

mom: 15k!

ako: bat ang mahal??? di ba mga 500-1k lang pabunot sa pinas, parang dito na rin presyo ah.

mom: oo, kasi sa heart center ako magpapabunot kasi nga di ba may sakit ako sa puso, kung sa ordinaryo dentista lang yun baka yun pa ikamatay ko.

anak: o sige, this week, hintayin nyo na lang.

(bukod sa regular kong padala additional pa yun)

Two weeks passed.

ako: ma, nagpabunot ka na?

mom: hindi pa wala ako kasama eh, busy silang lahat. (i have 3 SIL na nakatira sa amin, walang trabaho.)

2 months passed.

ako: ma, nagpabunot ka na???

mom: hindi pa, churva (my name) kulang na kasi yung pangdentist ko eh, alam mo namang maraming gastos sa bahay.

3x nagyari ito, same ngipin. and would you believe until now di pa rin nakakapag pabunot mom ko.

2nd time, inutang ni favorite, last time pinambili ng gamot (daw). kung pwede nga lang maikahon dentista dito eh, nagawa ko na...kaso mga bagay na ganyan wala ka talagang magagawa.


Priceless

  • Guest
Re: Issues with my Mom...help pls!
« Reply #44 on: February 24, 2012, 09:55:39 pm »
Mahiwagang tanong:

Bakit pag mga bata, ayaw nating i-spoil, at inis ang mga tao sa mga spoiled brat, samantalang ang mga matatanda okay lang i-spoil, at maging brat?







lonelymiss28

  • Guest
Re: Issues with my Mom...help pls!
« Reply #45 on: February 25, 2012, 06:03:18 am »
priceless: oo nga noh...

justin3

  • Guest
Re: Issues with my Mom...help pls!
« Reply #46 on: February 25, 2012, 06:58:48 am »
kasi nga mga amoy-lupa na ang mga yan, malapit nang kunin ni Lord, kaya pagbigyan nyo na... sige kayo, tatanda rin kayo. ;)
kung gusto ng bawal, pagbigyan nyo. kung gusto kumain ng litson subuan nyo. kung gusto ng alak, bilhan mo ng isang long-neck araw-araw para mapaaga. kung mamatay man, at least happy sila.

at sakaling mamatay man yung mga pasaway at walang silbi na mga matatanda na yan, di kayo mag-iinarte at iiyak-iyak sa harap ng kabaong at magsisisi na, sana, kesyo, if only, blah, blah, blah... too late na yan, magdasal na lang kayo na sa pagtanda nyo di rin kayo balewalain at itataboy ng mga supling nyo. ;D

ldrwifey

  • Guest
Re: Issues with my Mom...help pls!
« Reply #47 on: February 25, 2012, 07:23:48 am »
well on lonelymiss' case hindi niya naman binabalewala ang magulang niya diba.

ako lagi kong inaaway papa ko kung kain ng kain ng mga bawal, lagi nyang sagot sakin mamamatay din daw naman siya so bakit siya pinipigilan kumain. sinasagot k talaga sige gusto mong mamatay ng hindi nakikita ang mga magiging apo mo, ayaw mong magretire sa pinas at pasabong sabong n lang iniintindi mo? eh di ayun biglang natitigil s pagkain at naghahanap ng prutas! minsan kasi kailangan din untugin ang mga magulang natin. after ng latest annual check up nila this year ayun nadagdagan n naman problema niya sa katawan and we found out that he needs an operation, alam mo sabi samin "kasi kayo hindi niyo binabantayan pagkain ko, gusto niyo na siguro akong mamatay" ay ang kulit ng father dearest ko!!  ;D

Priceless

  • Guest
Re: Issues with my Mom...help pls!
« Reply #48 on: February 25, 2012, 11:32:03 am »
Kahit anong gawin natin sa mga anak natin, kahit patambling tambling pa tayo, kumain ng apoy, tumapak sa bubog at kung ano ano pa, para lang mapasaya natin at mabigay natin ang luho ng ating mga anak (at mga magulang) hindi ibig sabihin nito, pagtanda nila, na makikita nilang may obligasyon silang alagaan tayo sa pagtanda natin. Yan na nga ang sinasabi ko, kapag ba ini-spoil natin ang mga magulang natin, umaasa tayo na ang kabayaran nito ay aalagan tayo at iispoil din ng mga anak natin???

Sabi nga ng nanay at tatay ko, buti sana kung direchong tigok ang dala ng lechon at taba, sigarilyo at alak...Pano kung magkasakit ka muna, o ma stroke? Ikaw pa ang nagcause ng sobrang sakit at hirap na pagdadaanan ng magulang mo - at ang hirap at sakripisyo ng mag-aalaga sa kanila (dahil of course, kailangan mong magtrabaho para may ipampapagamot ka sa kanila).

jamberryknots

  • Guest
Re: Issues with my Mom...help pls!
« Reply #49 on: February 25, 2012, 01:17:13 pm »
hi sis lonelymiss! i feel for you kasi we're on the same boat..
at i know kahit sabihin ng lahat ng tao na wag kang magpadala..you still will..
kamusta na ang mama mo..i agree with one of our sisters here na as much as you can ibigay mo [textspeak!] kaya mong tulong for this "medical emergency" kasi pag tiniis mo kalaban mo lan [textspeak!] konsensya mo..
after that review mo ng mabuti ang expenses nila
if you need advice sa current prices ng mga bagay bagay you can ask here sa mga sisters natin dito kasi obviously you have no one you can trust at home
then icompute mo ulit at yun ang ipapadala mo
if you're decision is to still send her money
pero i have a feeling na you still will
mahirap ang tiisin sila..
so for me since mahirap silang tiisin at magpapadala ka pa din naman eh ipadala mo lang [textspeak!] tama..at least clear ang conscience mo na you did everything na dapat mong gawin...
tight hug sis!

justin3

  • Guest
Re: Issues with my Mom...help pls!
« Reply #50 on: February 26, 2012, 04:24:09 am »
of course not! do you expect your kids na palitan ang diapers mo at punasan ang wetpaks mo pag tanda mo? have you asked them? p00cha! di sumagi sa isip ko nga yan. (buti na lang i have sisters na matitibay ang sikmura) ;D

so ano, pabayaan na lang natin ang mga matatanda? pagdamutan na lang natin kung kaya naman natin magbigay? monetary and material things lang ba kaya ipamahagi natin sa kanila?

pero kultura ng Pilipino yan na pangalagaan natin ang mga magulang (at nakakatanda) sa atin pag mga inutil na sila, mga dugyot at mga ulyanin na sila. kaya nga walang HOME FOR THE AGED sa Pilipinas eh. (wag gawing eksampol ang Golden Acres sa Kyusi kung di alam ang patakaran dun)

at talagang hindi assurance yan na kahit magpawis ka pa ng dugo sa pag aruga ng mga bubuwit mo, aalagaan ka rin sa pagtanda mo ng mga yon. wishful thinking lang yan... singilin mo na lang si Bathala pag nagkita kayo sa Nirvana kung inalipusta ka ng mga anak mo pag tumanda ka na.
(if you have watched the year-end special of XXX, makita nyo kung paano minaltrato ng anak ang nanay nila na nagaruga at nagpaaral sa kanila... kinulong ba naman sa kulungan ng aso at pinapalo pa ng walis)

mga sis, do you know Cong Farinas? ...are you familiar with that technology sa Germany (pa lang) na PAMPA? pampabata, pampalakas, pampakinis... don't you know na pinadala nya ang mga German doctors dun sa Ilokos para lang tarakan ang nanay nya na 91yrs old? ganyan nya kamahal at ini-spoil  ang nanay nya. at makita mo naman si lola, parang 20yrs younger.

GIVE TIL IT HURTS?... linya yan ni (Blessed) Mother Theresa of Calcutta. something na, kung magbigay ka sa kapwa mo, yung tipong isusubo mo na lang, ibigay mo pa dahil mas kailangan nya. yung tipong nagsisisi at nanghihinayang ka later on sa binigay mo.


kaya sis lonelymiss28, you're doing the right thing.
yung nainis ka kasi ang mga vitamins pinamigay ni erpat mo? try to see the bright side of it.
  -  di nya kailangan mga yon kasi mas gusto nya Agua de Pataranta
  -  maraming tao napasaya/nakinabang dun, lumakas at kahit papano humaba siguro ang buhay.
  -  di nasayang yon (on his part). PRICELESS ang ilang sincere "Thank Yous" sa mga nabigyan nya 
  -  di mo man alam, siguradong naging bida ka... "galing to sa unica hija ko na nasa Canada"

yung 15k di nagamit sa pampabunot ng ngipin?
  -  baka kulang kasi nabawasan ng limang piso, ibinili ng chocnut ng apo nya
  -  baka kinabukasan namatay ang kapitbahay nyo at nagbigay ng abuloy?
  -  baka namasko/birthday ng kinakapatid mo kaya binigyan nya ng pambili ng panghanda?


alam mo sis, kung tutuusin, WALA KANG PROBLEMA. mas matindi ang kaso ng isang sis natin dito, hers is a real/heavy problem
kung problema mo ang pag manage ng pera na pinapadala dito sa Pinas, sya walang pera na maipadala
if you have a part time job, sya jobless
if you have a loving hubby, ung4s ata ang napangasawa nya
if your brothers ay tamad, her bros are sickly
...at may inaalagaan pa syang infant.

GOOD LUCK sis! sa dinami-dami ng payo dito, ikaw pa rin mag desisyon bandang huli. you know your family better than we all do here. you know how much resources do you have.


ldrwifey, ilang taon na ba si popsy? pasaway talaga pag matanda na ano? my father was diabetic, pero ang favorite nyang panghimagas is a spoonful of brown sugar. nahuli minsan ng sis ko eh, patago pa pag pinapak. ;D
but when he died (pati na mga aunts ko na sumunod), walang umiyak (sa aming mga 2nd gen) dahil nagsisisi. they died happy. they know na di sila pinabayaan, na ginawa namin ang abot ng aming makaya at maibigay.

tandaan nyo mga sis. obserbahan nyo ang mga sibs nyo, pag namatay ang isa sa parents nyo... kung sino ang pinakamalakas humiyaw/umiyak, sya yung may pinakamaliit na nagawa/contribution while your parents were still alive. tested and proven ko na yan personally. ilang lamay at libing na kaya napuntahan ko para mag tong-its at makilibre sa kape. ;D






lonelymiss28

  • Guest
Re: Issues with my Mom...help pls!
« Reply #51 on: February 26, 2012, 05:18:26 am »
My mom passed away this morning, cardiac arrest. Lahat ng katanungan ko nasagot na rin. Hiniling ng mama ko na isang araw lang ang burol then libing na, so sa monday ang libing.

I called the hospital 10 times in a span of 4 hours (lagi napuputol ang linya). I was in the line when they try to resuscitate her, when they just wait for the machine to stop, I even talk to her doctor and she said that they will try try it more last time they they have to stop because her body could not take another one.

My mom was with my 2 2nd cousin and our kasambahay. It happened so fast no one thought that its going to be her last. kaya none of my brothers was with her at that time.

May her soul rest in peace!!!

Pinakamalakas umiyak eldest brother ko.

justin3

  • Guest
Re: Issues with my Mom...help pls!
« Reply #52 on: February 26, 2012, 05:49:45 am »
I'm sorry to hear that sis. may she rest in peace. :(

mom_G

  • Guest
Re: Issues with my Mom...help pls!
« Reply #53 on: February 26, 2012, 05:57:56 am »
^^my condolences, sis.

rianne_mallows

  • Guest
Re: Issues with my Mom...help pls!
« Reply #54 on: February 26, 2012, 06:23:28 am »
my condolences sis... may she rest in peace

lonelymiss28

  • Guest
Re: Issues with my Mom...help pls!
« Reply #55 on: February 26, 2012, 07:28:21 am »
thanks!!!

freelancer_babe

  • Guest
Re: Issues with my Mom...help pls!
« Reply #56 on: February 26, 2012, 08:12:52 am »
Sorry to hear that too, sis!  :'(

Priceless

  • Guest
Re: Issues with my Mom...help pls!
« Reply #57 on: February 26, 2012, 08:32:31 am »
Condolences, sis. But live with the peace of mind that you did all you can; and that not a single cent of your money could have saved her because it was her fate, her life, her choices, her path.

cosmochick

  • Guest
Re: Issues with my Mom...help pls!
« Reply #58 on: February 27, 2012, 10:04:41 pm »
so sorry for your loss sis.

Naka relate ako sa mga posts mo and sa mga advices. I am going through the same thing kasi. No matter how much ipadala mong pera, it will always be kulang. And ikaw pa masama kung kulang padala mo.

hugs hugs sis.

azel

  • Guest
Re: Issues with my Mom...help pls!
« Reply #59 on: February 28, 2012, 12:34:06 am »
so sorry to hear that sis.  :'( at least you gave everything you can to help. but then ganon talaga eh.  be strong.  look at the brighter side na lang.. pangit man pakinggan/ sabihin sa panahong to, at least ngayon di ka na mamomroblema sa mga padala ek-ek na yan.

how are you? hugs!

 

Latest Stories

Load More Stories
Close