of course not! do you expect your kids na palitan ang diapers mo at punasan ang wetpaks mo pag tanda mo? have you asked them? p00cha! di sumagi sa isip ko nga yan. (buti na lang i have sisters na matitibay ang sikmura)

so ano, pabayaan na lang natin ang mga matatanda? pagdamutan na lang natin kung kaya naman natin magbigay? monetary and material things lang ba kaya ipamahagi natin sa kanila?
pero kultura ng Pilipino yan na pangalagaan natin ang mga magulang (at nakakatanda) sa atin pag mga inutil na sila, mga dugyot at mga ulyanin na sila. kaya nga
walang HOME FOR THE AGED sa Pilipinas eh. (wag gawing eksampol ang Golden Acres sa Kyusi kung di alam ang patakaran dun)
at talagang hindi assurance yan na kahit magpawis ka pa ng dugo sa pag aruga ng mga bubuwit mo, aalagaan ka rin sa pagtanda mo ng mga yon. wishful thinking lang yan... singilin mo na lang si Bathala pag nagkita kayo sa Nirvana kung inalipusta ka ng mga anak mo pag tumanda ka na.
(if you have watched the year-end special of XXX, makita nyo kung paano minaltrato ng anak ang nanay nila na nagaruga at nagpaaral sa kanila... kinulong ba naman sa kulungan ng aso at pinapalo pa ng walis)
mga sis, do you know Cong Farinas? ...are you familiar with that technology sa Germany (pa lang) na PAMPA? pampabata, pampalakas, pampakinis... don't you know na pinadala nya ang mga German doctors dun sa Ilokos para lang tarakan ang nanay nya na 91yrs old? ganyan nya kamahal at ini-spoil ang nanay nya. at makita mo naman si lola, parang 20yrs younger.
GIVE TIL IT HURTS?... linya yan ni (Blessed) Mother Theresa of Calcutta. something na, kung magbigay ka sa kapwa mo, yung tipong isusubo mo na lang, ibigay mo pa dahil mas kailangan nya. yung tipong nagsisisi at nanghihinayang ka later on sa binigay mo.
kaya sis
lonelymiss28, you're doing the right thing.
yung nainis ka kasi ang mga vitamins pinamigay ni erpat mo? try to see the bright side of it.
- di nya kailangan mga yon kasi mas gusto nya Agua de Pataranta
- maraming tao napasaya/nakinabang dun, lumakas at kahit papano humaba siguro ang buhay.
- di nasayang yon (on his part). PRICELESS ang ilang sincere "Thank Yous" sa mga nabigyan nya
- di mo man alam, siguradong naging bida ka... "galing to sa unica hija ko na nasa Canada"
yung 15k di nagamit sa pampabunot ng ngipin?
- baka kulang kasi nabawasan ng limang piso, ibinili ng chocnut ng apo nya
- baka kinabukasan namatay ang kapitbahay nyo at nagbigay ng abuloy?
- baka namasko/birthday ng kinakapatid mo kaya binigyan nya ng pambili ng panghanda?
alam mo sis, kung tutuusin, WALA KANG PROBLEMA. mas matindi ang kaso ng isang sis natin dito, hers is a real/heavy problem
kung problema mo ang pag manage ng pera na pinapadala dito sa Pinas, sya walang pera na maipadala
if you have a part time job, sya jobless
if you have a loving hubby, ung4s ata ang napangasawa nya
if your brothers ay tamad, her bros are sickly
...at may inaalagaan pa syang infant.
GOOD LUCK sis! sa dinami-dami ng payo dito, ikaw pa rin mag desisyon bandang huli. you know your family better than we all do here. you know how much resources do you have.
ldrwifey, ilang taon na ba si popsy? pasaway talaga pag matanda na ano? my father was diabetic, pero ang favorite nyang panghimagas is a spoonful of brown sugar. nahuli minsan ng sis ko eh, patago pa pag pinapak.

but when he died (pati na mga aunts ko na sumunod), walang umiyak (sa aming mga 2nd gen) dahil nagsisisi. they died happy. they know na di sila pinabayaan, na ginawa namin ang abot ng aming makaya at maibigay.
tandaan nyo mga sis. obserbahan nyo ang mga sibs nyo, pag namatay ang isa sa parents nyo... kung sino ang pinakamalakas humiyaw/umiyak, sya yung may pinakamaliit na nagawa/contribution while your parents were still alive. tested and proven ko na yan personally. ilang lamay at libing na kaya napuntahan ko para mag tong-its at makilibre sa kape.
