watch now

Author Topic: Issues with my Mom...help pls!  (Read 16629 times)

freelancer_babe

  • Guest
Re: Issues with my Mom...help pls!
« Reply #20 on: February 22, 2012, 08:00:35 am »
Teka nga pala, tama ba na nasabi mong monthly mo sila pinapadalhan?

Mali yang ginagawa mo sis. Better STOP IT.

Magbibigay ka lang ng monthly if you are still living with your mom - as your share sa bahay.

Nakahiwalay naman kayo sa kanila so it is just right not to give any financial support. It's more appropriate to give money during occasions lang (at least once a year during Christmas). Balikbayan boxes will also have to come once a year din.

YOU HAVE TO DO THAT. Or else, it will ruin your finances and your family.

Again,

Alin ang pipiliin mo - maging mabuting anak, o maging mabuting asawa at ina sa anak mo?

azel

  • Guest
Re: Issues with my Mom...help pls!
« Reply #21 on: February 22, 2012, 08:04:04 am »
^^grabe sis nakakaloka ang nanay mo! this may sound harsh, pero may mabuting ina bang natitiis na may sakit ang anak at ni hindi mabilhan man lang ng gamot??? ganyan din ba sya sa iba mong kapatid? hindi binibilhan ng gamot o pinapagamot pag may sakit? hindi inaalagaan? wala talaga concern at all? hiyang hiya naman ako sa kanya na neighbor pa ang sumama sayo magpaopera! omg talaga!  >:(  kung ako nga di ko natitiis ang pamangkin ko e, tapos syang isang ina natitiis ang sariling anak???

sis, malaki na yun amount na pinapadala mo sa kanila. more than 10k? eh kaya na nila mapagkasya yun sa 1 month. actually you don't have to send them money at all dahil for sure hindi sila hikahos sa buhay considering may paupahan sila. passive income -- kumikita sila ng wala pagod. 20-25k a month kamo ang kinikita nila sa apts, that's more than enough. disenteng pamumuhay na yun. kung makaarte naman sila kala mo wala na makaen. bakit gano ba kamamahal ang kinakaen nila? magastos ba ang lifestyle nila? ginto ba presyo ng mga pangangailangan nila para kulangin pa sila? & to think na 3 lang sila ha.  susme! v :o ???

kung ako yan, napuno na ko. hello! hindi ako magpapakapagod magtrabaho para makapagpadala ng pera sa nanay ko na alam kong mapupunta lang lahat sa batugan kong kapatid. napakawalang buto naman ng brother mo sis. ang kapal ng mukha ha. naturingan nagtapos ng law!  >:(  nabanggit mo nakakakuha naman ng maganda trabaho na mataas ang posisyon, malamang decent salary din yon. pero inaayawan pa din. hay naku! ang tawag don.. isang dakilang tamad! ayaw magbanat ng buto dahil alam nya andyan lang si mother na bigay lang ng bigay ng perang pinaghirapan ng 1 nyang mabait na anak. 

lam mo sis, you're a very good daughter & sister. pero dahil sa sobrang kabaitan mo, inaabuso ka na ng sarili mong pamilya.  i suggest you show them na kaya mo din silang tikisin.  na hindi ka gatasan na pag kelangan nila ng pera, pag gusto nila ng pera ay bigay ka lang ng bigay.  explain mo ng maayos sa nanay mo na pinagsikapan mo marating kung nasan ka man ngayon & meron ka sarili pamilya na kelangan mo suportahan.  na kung kelangan ng tamad mong kapatid ng panggastos eh matuto syang magbanat ng buto! hindi yun para silang mga palamuning baboy.  & yun sis in law mo ha, isa din nuknukan ng kapal.  ni hindi nya i-convince yun asawa nya magtrabaho, & pagsumikapan ang sarili nila pamilya. hindi yun nakaasa pa sila sa mother mo. nakakahiya silang 2,naturingang mga tapos ng law!   >:( 

hay naku sis, hayaan mo matuto yong kapatid mo tumayo sa sarili nyang mga paa. alangan naman habambuhay mo sila susuportahan???  aba'y pwede ba ko magpaampon sayo? hehe joke lang.

on a serious note, sis you should make your stand. ipakita mo sa kanila na hindi pwede lagi ganon.  kasi kung lagi mo sila pagbibigyan, wala, they won't take you seriously.  ang tingin nila kasi sayo, isang malaking atm na laging may laman. hindi ka atm sis.  you're a wife & a mother, you have a family of your own who should be the focus of your everything (2nd to God of course).  they deserve that.  not your family here in the philippines na hindi marunong magpakita ng gratitude sa mga ginagawa mo for them.

if you'll just keep giving them money, mas lalo mo sila tinuturuan maging tamad & batugan.  isipin mo na lang na it's for their own good kung titikisin mo man sila dahil totoo naman. alam mo sa sarili mo na hindi naman talaga kawawa ang sitwasyon nila dito sa pinas. may pera sila. hindi lang sila responsable.  and sabi mo nga tatay mo ang humahawak ng kita nila, kung maayos naman humawak ng pera ang tatay mo, for sure may pampagamot naman ang nanay mo.

hay, i pray na mahipan ng mabuting hangin ang mother mo at tigilan na ang kalokohang ito. maawa naman sana sya sa daughter nya wala hinangad kundi mabigyan ng mabuting buhay ang pamilya nya.

be strong sis, hugs!  oo nga pala sis, tama si justin3, libre ang pagamot dito sa pinas ng TB kaya wag sila umarte noh! ???

magkano ipapadala mo? pwede na ang 2k! haha. kung gusto mo mas galante, 5k. pero more than 5k? hay naku sis, kurutin kita! haha biro lang..
« Last Edit: February 22, 2012, 08:48:56 am by azel »

tamarind26

  • Guest
Re: Issues with my Mom...help pls!
« Reply #22 on: February 22, 2012, 08:40:31 am »
Good morning sa inyo. Kakagising ko lang, log in agad sa GT para ma-update... l o l

Nalulungkot ako na naiinis sa nangyayari. May close friend akong similar ang story sa yo. Ang difference lang, dito siya sa Pinas nagwowork and siya ang bunso, siya pa ang breadwinner sa family nila kaya hayun, tumandang dalaga. Kayod kalabaw altho mataas na position niya ngayon sa isang multinational company and mataas din sweldo, di pa rin kasya. Kahit na iisang bahay lang sila ng nanay nya, nalulusutan pa rin siya sa pera, health ng mommy ang laging dinadahilan. Yung pera na bigay sa nanay pinapasa sa anak na favorite (who is jobless and has 3 kids sa iba't ibang babae). Tuloy pag nagkaron ng medical emergency, loan siya kaliwa't kanan. In short, nabaon siya sa utang. Naging joke na nga yung ampon issue pero it's true na anak talaga siya ng nanay niya kasi magkamukha sila.

Back to your story, ang hirap kasi sa ganitong sitwasyon, konsensya mo ang kalaban mo. Kahit alam mong may mali pero di mo matitiis mga mahal mo sa buhay. Paulit ulit nalang yung pangyayari until you reach the point of hating yourself kasi naging accessory ka na rin kung bakit sila tamad and abusado. You must learn when & where to draw the line. You're asking how much ba dapat ang ipapadala mo sa Pinas? Give only what you can afford to lose, wag simutin ang savings. Spare something for yourself and for your family esp sa child mo. He/she has special needs. Wag mo antayin na darating ang araw na ikaw na ang maubusan and magse-self pity ka nalang.

Cheer up and be strong for your own family in Canada. They need you most kesa yung nandito sa Pinas na di man lang nagmamalasakit sa yo. Di masama tumulong or magshare ng blessings pero no money is ever enough for a person who's not willing to help themselves.
« Last Edit: February 22, 2012, 08:46:53 am by tamarind26 »

rianne_mallows

  • Guest
Re: Issues with my Mom...help pls!
« Reply #23 on: February 22, 2012, 08:43:02 am »
@lonelymiss28  -  hay naku sis.. haba ng binackread ko... hindi ko alam kung maiinis, maaawa, o matutuwa ako sa iyo :(   dapat nag-invest ka na lang sa health card... kesa ganyan...

ang dami na magagandang advise dito... ano na ngayon plano mo?

lonelymiss28

  • Guest
Re: Issues with my Mom...help pls!
« Reply #24 on: February 22, 2012, 08:47:34 am »
Freelance: Sa tingin ko sis totoo sinasabi nila kasi di naman magsisinungaling brother ko sa akin (wala pa akong naging issue ng pagsisinungaling nya). Yung lahat kong kapatid OO, pero yung bunso di pa naman.

Hindi kami nag-aaway ng asawa ko about it kasi super bait talaga ng asawa ko kaya swerte ko talaga, saka di naman ako naghihingi sa kanya ng padala ko sa family ko sya nag kusang nagbibigay kung may ibibigay.

Saka ok naman kasi ang trabaho din nya and also SUPER matipid kaming pareho.

Hindi ko talaga alam kung ano pinagkakagastusan nila saka hindi nga sila nagma-mall eh puro sa palengke lang sila bumibili ng tsinelas yung sa tabi ng kalsada, kasi mura lang doon.

Mabait na mama ko sa akin mula ng andito ako, lagi na syang nag i love you sa akin.

Paborito nyang anak yung 2nd sa eldest kasi matalino yun talaga, kaso di sya masipag at matiyaga sa trabaho.

Iniisip ko nga sis bakit ganon mama ko sa akin...sabagay wala naman kasi maipagmamalaki sa akin dahil hindi talaga ako book smart at saka hindi rin ako kagandahan na babae, kasi mama ko maganda sya, noong kabataan nya kamukha nya si gloria romero.

Alam mo sis, nagpapasalamat ako kay Lord dahil hindi ako nakaranas ng hirap dito laging may tumutulong sa akin mula umpisa. Saka di kami nagkaka issue sa pera ng asawa ko dahil na rin siguro pareho kaming pala ipon at saka matipid (pero di kami nagugutom). Matipid in a way na damit namin ukay, etc.

Mga sis nabo-bother ako kasi pag mas maging malala ang sitwasyon ng mom ko or kunin sya ni Lord sobrang makokonsensya ako noon. Kaya nalilito ako.


azel

  • Guest
Re: Issues with my Mom...help pls!
« Reply #25 on: February 22, 2012, 09:00:17 am »
^e kung kay father mo na lang sis ipahawak ang kung ano mang amount ng papadala mo? maayos ba sa finances ang tatay mo?

nabasa ko ng onti yong thread about sa siblings mo, nabanggit mo don na nagsinungaling na din sayo dati si youngest bro mo about his papers na ok na lahat tapos hindi pa pala? so my history na din pala sis ng dishonesty...

lonelymiss28

  • Guest
Re: Issues with my Mom...help pls!
« Reply #26 on: February 22, 2012, 09:34:16 am »
Mga sis it took me a looooong time to open up about my mom. Nahihiya ako, naaawa sa sarili ko saka ayokong maging pangit ang tingin ng tao sa mama ko. 3 tao lang nasabihan ko about my mom saka dito sa gt. Nahihiya ako at naaawa sa sarili ko kasi di ba dapat pag mama, mahal ka, concerned sa iyo. Mga step kids ko nga makikipag patayan ako pag masaktan mga yun, Ilalaan ko lahat ng savings ko makatapos lang sila...di ko na experience yun eh!

Jesrora: Alam mo sis, kung kapatid ko lang masipag willing mag-abroad...grabeh sisiguraduhin ko na yayaman sya dito. kung kelangan nyang mag-aral ulit...pag-aaralin ko sila sa community college nga lang kasi mura dun. kahit ako pa mag-alaga ng anak nila tutal sa bahay lang naman ako para makaipon sila.

Freelance: Monthly ko sila pinapadalhan since 2002, na stop lang yun kasi i went to school for a year. Saka at that time may live-in caregiver kami na friend ko (sponsor sya ng asawa ko). So magastos kami noon.

Alin ang pipiliin mo - maging mabuting anak, o maging mabuting asawa at ina sa anak mo?

One thing im really sure is mabuti akong asawa at ina sa step kids ko. About sa mabuting anak di ko magagawa iyon malayo ako at ang tanging tulong ko lang talaga ay magpadala....may iba pa bang paraan na pwede nilang ma appreciate????

Azel: Same mama ko sa aming 3 (eldest, 3rd at ako). Pag may sakit kami hindi sya nabo-bother.

5K sis, seryoso???

Tamarind: no money is ever enough for a person who's not willing to help themselves.

korek, yan din sabi ng asawa ko dati.

Rianne: Sis, dito sa canada libre pagamot, doctor, operasyon plus may health card kami so 80% off ng gamot.

ang dami na magagandang advise dito... ano na ngayon plano mo?

Sinabi ko na sa asawa ko sitwasyon ni mama. Sabi ng asawa ko magpadala na lang daw ako ng 4 times a year ng 25 to 30k, pero yun lang daw dahil kahit malaki or maliit yun ubos at ubos din.

Azel: Sis, dad ko alcoholic so mahirap pahawakan ng pera.

Grabeh sis, nakalimutan ko pagsisinungaling ni youngest bro ko ah...OO nga noh....(napaisip ako dun ah).

Mga sis may extra 12k ako sa pinas kelangan ko pa ba magbigay ulit??? ano sa tingin nyo??? Balak ko kasi nagpadala bukas ng 25K eh.

ldrwifey

  • Guest
Re: Issues with my Mom...help pls!
« Reply #27 on: February 22, 2012, 09:45:00 am »
sis i suggest do everything now na maipagamot ang nanay mo and after that WAG KA NANG MAGPADALA NG PERA

ayan ang pinakabest gawin. hindi naman sila naghihirap kasi may paupahan sila, ngayon kung nilulustay ng tatay mo yung pera pang-inom i think problema nilang mag asawa yun. matatanda n lahat ng kapatid mo, and for sure alam n ng magulang m ang ginagawa nila.

pinapahirapan mo lang ang sarili mo, you cant help your family if ayaw nilang tulungan ang sarili nila.

rianne_mallows

  • Guest
Re: Issues with my Mom...help pls!
« Reply #28 on: February 22, 2012, 09:56:04 am »
@lonelymiss - what i meant was, healthcard for your parents... dapat pala noon pa nakapaginvest ka na sa ganun.. pero malabo na ito ngayon

i agree with dashee and ldrwifey... WAG KA NA MAGPADALA  ...

hindi lang naman ikaw ang anak ng parents mo.. madami kayo.. you did your part.. sila naman muna

lonelymiss28

  • Guest
Re: Issues with my Mom...help pls!
« Reply #29 on: February 22, 2012, 10:05:12 am »
dashee: Thanks sa infoa baout sa tb sis. I will keep that in mind. About sa spending ng mom ko, di ko nga alam kung ano pinagkakagastusan nya dahil if i ask naman kung may binili laging wala. One time she said na may natirang 6k sa padala ko and binili nila ng 2nd hand cellphone (2 na cell nya). kasi daw luma na yung isa. Saka sobra naman daw yun sa padala ko.

About sa panloloko, alam ko naman na lokohan na lang eh, pero pamilya mo yun eh, di sila ibang tao. kaya nga sis, ang hirap mag-open up kasi pamilya mo yung involve hindi yung kilala mo lang.

Yung kapatid ko na favorite tapos na sya ng law, 28 yrs old syang nagtapos then 29 syang nag work. Nag suggest ako noon na mag-work sya kasi school nya starts at 5pm from FEU, kaso ayaw mama ko kasi di makaka concentrate sa studies. Actually naka 4 na courses syang iba-iba dahil laging nagbubulakbol but inspite of that favorite pa rin sya. Saka parents ko talaga nag-paaral sa kanya dahil nasa pinjas pa ako noon. Yung bunso kong kapatid ang pinag-aral ko from highschool to college.

About sa pagiging mabait, i dont really consider myself as mabait, pero sobrang naaawa talaga ako sa family kaya ko nagagawa yun.

Ang kinasasama sobra ng loob ko ay yung may pambili ng gamot ayaw bumili, or may gamot naman ayaw uminom. Kung tutuusin pwede naman iwasan kaso sobrang self inflicted na yung nangyayari eh.


rianne: sorry, di ko naintindihan about sa health card. actually nag inquire na ako noon pero mahal dahil that time diabetic na dad ko at mom ko may issue na sa puso (may taba daw yung puso nya, at kelangan daw yun operahan).
« Last Edit: February 22, 2012, 07:31:08 pm by lonelymiss28 »

liyapot

  • Guest
Re: Issues with my Mom...help pls!
« Reply #30 on: February 23, 2012, 05:26:09 pm »
hindi na pwede sa healthcard ang parents mo..wala na tatanggap kasi senior sixtycents na sila at may pre-existing conditions pa.. if ever meron ang taas ng babayaran mo...

anyway, lahat nasabi na nila..magaganda ang kanilang suggestions..
matanong ko lang po..
mahilig ba magsugal ang mommy mo? may mga friends ba sya na nagca casino?
patok na patok kasi sa mga senior sixty cents ang resorts world dito..
baka doon napupunta ang pinapadala mo monthly

Priceless

  • Guest
Re: Issues with my Mom...help pls!
« Reply #31 on: February 23, 2012, 10:28:44 pm »
Utang na loob, sis lonelymiss, WAG KANG MAGPAPADALA NG PERA!!!!

Tiisin mo please. Para sa sarili mo, sa asawa mo at sa mga anak mo. The last thing you want is masumbatan ka nila dahil nagpapaka t---a ka sa mga so called pamilya mo sa Pilipinas. I don't want to be harsh pero yun ang tingin nila sayo, at alam nilang madali ka nila uuto-utuin.

So nagwoworry ka dahil pano kung may mangyari sa mom mo? Sis, sa totoo lang, lahat naman tayo may kanya kanyang kapalaran. Sa mga sinabi mo, hindi ka naman nagkulang sa tulong sa kanila. So kung lumala ang sakit nya dahil hindi nya ininom ang mga gamot, or hindi sila marunong mag budget ng pera nila pambili ng gamot, desisyon nila yun na pabayaan ang sarili nilang katawan. Kahit singko mo, walang maitutulong kung sila mismo ayaw tumulong sa sarili nila at papabayaan nila ang katawan nila.

Ano kaya kung umuwi ka sa pilipinas sandali para makita mo nang husto kung ano ang pinagkakagastusan nila? May mga kilala akong galing Amerika na umuuwi ng Pilipinas na walang bitbit na pera except for balikbayan box na puno ng pinaglumaang damit, ukay ukay, at sabon at vitamins. Siguro dapat mong iconsider yun - pero kung umuwi ka man, make sure na may Roundtrip kang ticket and also wala kang dalang pera, except for pambayad mo ng sarili mong gastusin. And discipline yourself na wag mong papamigay yung pera mong pang personal expenses mo.

I hope na sana tatagan mo ang loob mo, wag magpadala sa mga acting acting lang dahil hindi ka tumutulong sa kanila by making them dependent on you at sinasanay mong maging tamad sila.

lonelymiss28

  • Guest
Re: Issues with my Mom...help pls!
« Reply #32 on: February 23, 2012, 11:29:47 pm »
liyapot: I already inquire about sa healthcare nila a long time ago, pero sabi sa akin mga 20+k monthly ang babayaran. Its way too much for my budget kasi that time nagpapadala ako sa mom ko then nag-papaaral pa ako ng kapatid.

About vices, I dont think so. kasi hindi naman umaalis si mom ko eh kundi sa talipapa lang na malapit sa bahay, if ever alam ko na may pinagkakagastusan di naman ako magtatanong kung san napunta pera, pero di ko talaga alam.


priceless: Sis priceless ang opinion hehe, actually you have a point, yun nga sobra kong pinag-sisisihan ngayon yung kung magpadala ako malaki. SANA MAGING LESSON SA IBA ITO.

Ngayon ko lang na-realize na mali yun. saka sa ginawa ko, nawala yung appreciation nila sa hard work kasi it was given to them for free without lifting a finger.

Sana rin dati ko pa naisipan mag post ng experience ko na ito dito sa GT, sana narealize ko ng maaga...I LEARNED A LOT FROM THIS EXPERIENCE....and of course from all your opinions. Para akong nahampas sa ulo ng troso.

Ok mga sis, this is now my final decision...I still have 12k na nasa youngest brother ko, so I will tell them na yun na ang gamitin...and then thats it....Di muna ako makikipag communicate sa kanila at maghihintay na lang ako ng balita. Hopefully hopefully hopefully pag na experience nila ang walang maasahan...maisipan nilang mag-ipon for the rainy days. Ill keep my fingers cross.

azel

  • Guest
Re: Issues with my Mom...help pls!
« Reply #33 on: February 24, 2012, 02:01:03 am »
^hay buti naman sis medyo natatauhan ka na kundi untog na kita! hehe joke lang. nakakaawa naman kasi sis yun ginagawa nila sayo, sobra na.  tama lang yan.  oh may 12k pa pala kay bro eh, ok na un.  minsan talaga kailang natin matuto tikisin kahit kapamilya natin para mauntog din sila. so you can make your point. ginawa ko na yun dati eh, though medyo iba situation. pero umepek naman. dati deadma ang say ko sa bahay kahit na ako ang breadwinner (take note: bunso pa ako, lurkey!) nong tinikis ko sila, ayun! natauhan na dapat nila iconsider din ako.

good luck to you sis. stand firm on your ground. focus ka muna sa own family mo, they deserve that. be happy, don't worry too much. pray for them always na lang. hugs!  ;)

Priceless

  • Guest
Re: Issues with my Mom...help pls!
« Reply #34 on: February 24, 2012, 07:00:10 am »
Hi sis lonelymiss

I hope talaga for your sake na makaya mo the next few days na matiis na wag makipag communicate. Yes, mabuti na yung magpigil ka muna na wag tumawag or mag text back sa kanila. Hindi sa tinuturuan kitang mag-lie, pero sabihin mo nalang na wala ka nang pera at wala ka nang mapaghuhugutan pa ng pera dahil yung savings mo nagamit mo na kakabigay sa kanila.

You need to hold them (especially your mother) accountable for their actions. Malalaki na sila. Kung ayaw niyang magpunta sa ospital, or uminom ng gamot, or sumunod sa doctor, wala kang magagawa. Mabuti pang ipangbayad mo ang pera mo sa isang professional wrestler para igapos ang nanay mo at isubo at ipalunok ang mga gamot sa kanya.

I suggest kausapin mo yung bunso nyo or kung sino man ang pinaka responsable dyan sa bahay no, na busy ka, marami ka ding problemang kailangang asikasuhin dyan para sa pamilya mo, na hirap ka din sa buhay, na mahirap ang buhay dyan sa Canada na hindi lang basta winawalis ang pera sa kalsada.  Baka naman kasi nung inaaya mo yung mga kapatid mo na pumunta dyan, ang picture na binuild up mo sa kanila ay sobrang pagkaganda ganda at dali ng buhay dyan - which is not really bad as a strategy to interest them to go there. Pero siguro natanim na sa imagination nila na madali lang dumating ang pera sayo.

Kaya good na umiwas ka muna, sabihin mo na kailangan mong mag hanap ng pera muna para makaipon ulit, na wala ka nang maipapadala sa kanila, etc.



justin3

  • Guest
Re: Issues with my Mom...help pls!
« Reply #35 on: February 24, 2012, 07:08:19 am »
oyyst! Ampooooon! ;D ;D ;D

aba, wala pang 5 days, dumami na ang miron dito sa thread mo sis ah. 200+ na ang reviews. hot topic na to. :D

aba, lahat kampi sa yo. almost similar mga advices.
guy's POV lang sis. ibahin ko na tono ko. after i browsed some of your posts, napagtanto ko na sa 4 kayong magkakapatid, ikaw lang yung nakakarangya ang katayuan sa buhay. (di naman big deal na part time lang job mo dyan di ba?)at higit sa lahat, you're so lucky to have a loving, good-providing hubby... malas lang kasi nagkaroon ka ng malditang MIL. ;D

no doubt, ika'y isang uliran at mapagmahal na anak. keep it up!

binabawi ko na ang sinabi ko at sasalungat ako sa mga payo ng mga sis dito. ikaw naman ang masusunod bandang huli.

GIVE UNTIL IT HURTS! remember, sariling kadugo mo yon, kapuso at kapamilya. di naman ibang tao pinaglalaanan mo ng biyaya nyo ng hubby mo.
sadyang may problem lang siguro sa paghawak ng pera. at ikaw naman, astang taga Commission on Audit, gusto mo malaman kung ano pinagkagastusan, kaya ayan, nalulurkey ka dyan. ;D

spoil your folks. swerte mo nga to have them both pa. di naman aabot ng 100yrs old sila.

when was the last time you've been here ba? why don't you take a month o two vacation here muna? para lang makita kung saan pumupunta ang pinapadala mo, at nang ma-supervise mo na rin ang medication ni mama. (di biro ang TB pag pinabayaan)
isama mo ang special stepkid mo, pati na yung dalaga mo... baka madiscover pa ng Regal Films. ;D

It's More Fun In The Pilipins!... to have a family like yours.
isama mo na buong family mo dyan, except MIL. summer na, mag-Bora kayo dito. saka mo na intindihin ang gastos na yan... ibenta mo ang Subaro sa inggitera mong kapitbahay dyan para pamasahe nyo. ;D
 



lonelymiss28

  • Guest
Re: Issues with my Mom...help pls!
« Reply #36 on: February 24, 2012, 08:37:20 am »
azel: Good for you sis!!! sana ganon din kahinatnan nitong journey ko.

Priceless: Alam mo sis, di ako sure kung responsable yung bunso namin kasi grade 5 or 6 pa lang sya noong umalis ako, so di ko talaga nakilala character nya unlike iba kong brothers.

Totoong hindi madali ang buhay dito at kung ano man ang gustuhin mo ay kelangan pag-trabahuhan mong maigi iyon.

Noong inaaya ko sila sis na mag-punta dito, I told them what to expect naman here in canada. I also told them that I will do everything that I can para makapag-umpisa dito.

Justin3: Nag-iba ihip ng hangin bro ah...

nakakatawa nga eh, tinanong ko cousin ko from dubai kung may alam ba syang ampon ako...natawa lang sya at tinawag akong baliw.

Naisip ko na rin yan...kadugo ko sya, mama ko sya, mahal ko sya, respetado ko sya, nag-iisa lang sya sa buhay ko...naisip ko na lahat yan.

although siguro napapansin nyo na makwenta akong tao...alam ko approximate figure ng money na nabibigay ko...yun ay dahil super kuripot ako...lahat kwentado sa akin, dahil kinukwenta ko lahat ng natitipid ko. Pero pagdating sa pamilya ko di ko sila matiis.

Ang sobrang kinakasama ng loob ko ay yung...andyan na, may pera na...parang awa nyo na...bibili na lang ng gamot sa botika ayaw pa!!! or iinumin na lang hindi pa magawa!!! SAN KA PA!!!

parang tulad lang yan sa mga kapatid ko...andyan na papel, andyan na pera...ipapasa na lang yung documento sa canadian embassy...hindi rin ginawa!!!. Biruin mo 3 jobs, 7 days a week, partida full time pa ako sa 2 anak ko nun...paano ko nagawa???...time management.

Ano ba dapat kong ma-feel??? ...awa...asar...waaaaahhhhh!!!

2007 akong last umuwi ng pinas, hindi ako makauwi ngayon kasi nga yung anak kong bunso (special and very sensitive sa sound). so baka mapalabas kami ng di oras sa plane, but if pinagkaloob ng diyos na makapunta bunso kong kapatid dito, isasama ko talaga dalaga ko sa pinas.

Nag-settle down na rin si MIL ko ngayon, wine lang pala katapat nya eh.

Si neighbor, ayun inggitero pa rin.

ldrwifey

  • Guest
Re: Issues with my Mom...help pls!
« Reply #37 on: February 24, 2012, 10:29:06 am »
para palang teleserye ang life mo ngayon sister!

pero i still think medyo dedma mode muna for now. ipafeel mo lang n may konting distansya, para kahit papano mauntog din.

2007 k p last n umuwi? ay you need to book a ticket right now, grabe natiis mo yon? as much as pasaway ang family mo pamilya mo p rin yun.

Priceless

  • Guest
Re: Issues with my Mom...help pls!
« Reply #38 on: February 24, 2012, 11:20:56 am »
In this context, anong ibig sabihin ng GIVE UNTIL IT HURTS?

- Kasi nga kahit anong laki ng padala ni sis Lonelymiss, kulang pa rin
- Tutal tatlo pa lang naman na jobs ang racket mo, bakit kaya di mo gawing lima, or anim. Baka naman natutulog ka pa sa gabi (or umaga), sayang din yung oras na yun. Dagdagan mo pa ang jobs mo para kumita ka pa ng mas maraming pera para sa pamilya mo
- Tutal hindi naman magagalit ang asawa mo, bakit hindi lahat nalang ng kinikita mo ibigay sa pamilya mo. Eh wala ka namang pangangailangan dyan tutal covered naman kayo ng Canadian Government. Kung wala kang ipon, dibale nalang marami namang homeless shelters dyan at mas maganda naman ang welfare system ng Canada.
- Kung ang asawa mo ay foreigner, lalo pang maiintidihan nya yan, tutal tingin naman sa ating lahat na Pilipino, once you marry one, you feed the whole village.
- At wag mo na ring pag aksayahan ng pagod at pagiipon ang mga anak at step children mo sa ngayon. Tutal nung maliit ka naman, hindi ka ginastusan at pinansin ng magulang mo, so balang araw, pag ikaw ang nangailangan, siguradong maalala ng mga anak at step children mo kung gano ka kabait na anak sa mga magulang mo at instantly magiging ganun din sila.
- Wag mo nang kwentahin kung san napunta yung pera mo, kasi kung kuripot ka sa sarili mo, hindi naman ibig sabihin kailangang magtipid at magkuripot din ang mga magulang mo sa mga pangangailangan nila... Eh ano kung sila may mga apartment na pinauupahan at ikaw kailangan mo ng tatlong jobs to make ends meet? Swerte lang nila yun - malas mo lang. Baka balang araw manalo ka ng lotto pwede kang bumili ng apartment na papa upahan mo. O talaga ngang kailangan mo pa nang dalawa pang trabaho na idadagdag sa pagkakakitaan mo.
- Ay nga pala, yung computer mo na panggamit mo sa GT at ang mga gamit ng mga anak mo, ang mga mwebles nyo sa bahay, pwede mo nang ipambenta - kasi mapapagkakitaan din yan...

Isip pa ako ng paraan para kumita ka ng pera - kasi mahirap yung walang limit ang pangangailangan ng Pera.

ella

  • Guest
Re: Issues with my Mom...help pls!
« Reply #39 on: February 24, 2012, 02:29:14 pm »
^hahahha! natawa naman ako sa iyo sis!

sis lonelymiss28, grabe! taas kamay ko sa iyo! sobra, napakadakila mong anak! pero alam mo bihira na ngayon ang ganyang klaseng anak. pero I know where you stand, since wala ka dito sa pinas kaya yung obligation mo para sa nanay mo eh thru financial mo na lang dinadaan pero yun nga lang, di  nila pinapahalagahan ang paghihirap mo.

alam mo feeling ko nga, kaya nauubos yung pera na pinapadala mo is binibigay ng mother mo yun sa mga kapatid mo. lahat naman sila siguro nakikinabang dun pero mas malaki lang siguro yung sa favorite niya. and since di naman nila pinagpaguran yung perang yun at alam nila na next month eh magpapadala ka kaya ayun, ubos ubos biyaya. tama yung mga sis natin dito at naisip mo na rin na wag muna magpadala at sana naman eh magising sila sa katotohanan na kelangan na nilang magbanat ng buto at wag umasa lang syo.

wag kang maguilty if hindi mo muna sila matutulungan financially, isipin mo na lang na tinuturuan mo lang silang mamuhay na walang inaasahan. buti na lang talaga at napakabait ng asawa mo. at habang di ka nagpapadala sa inyo, isave mo na lang muna jan yung dapat na ibibigay mo sa kanila para in case na may medical emergency needs sila eh meron ka pa rin naman maibibigay.

I agree with the suggestion of our sis and bro here na magbakasyon ka muna dito para makipag bonding sa kanila. usually kasi pag matagal ka na nawalay sa pamilya mo tapos pag umuwi ka dito iba ang feeling parang di mo na sila kilala. kaya siguro wala silang pakialam syo kasi malayo na ang loob nila sa iyo.

dont worry sis, kahit di ka muna magpadala sa kanila naging mabuti ka namang anak at kapatid eh! temporarily lang naman ang di mo pag padala sa kanila, until marealize nila na wag umasa kahit kanino. at hopefully ay umayos naman sila. if that will happen, puwede ka na ulit magbigay sa kanila kung kinakailangan lang.  ;)

Take care sis, yung hubby and children mo muna ang asikasuhin mo diyan.
« Last Edit: February 24, 2012, 06:24:09 pm by ella »

 

Latest Stories

Load More Stories
Close