^^grabe sis nakakaloka ang nanay mo! this may sound harsh, pero may mabuting ina bang natitiis na may sakit ang anak at ni hindi mabilhan man lang ng gamot??? ganyan din ba sya sa iba mong kapatid? hindi binibilhan ng gamot o pinapagamot pag may sakit? hindi inaalagaan? wala talaga concern at all? hiyang hiya naman ako sa kanya na neighbor pa ang sumama sayo magpaopera! omg talaga!

kung ako nga di ko natitiis ang pamangkin ko e, tapos syang isang ina natitiis ang sariling anak???
sis, malaki na yun amount na pinapadala mo sa kanila. more than 10k? eh kaya na nila mapagkasya yun sa 1 month. actually you don't have to send them money at all dahil for sure hindi sila hikahos sa buhay considering may paupahan sila. passive income -- kumikita sila ng wala pagod. 20-25k a month kamo ang kinikita nila sa apts, that's more than enough. disenteng pamumuhay na yun. kung makaarte naman sila kala mo wala na makaen. bakit gano ba kamamahal ang kinakaen nila? magastos ba ang lifestyle nila? ginto ba presyo ng mga pangangailangan nila para kulangin pa sila? & to think na 3 lang sila ha. susme! v

kung ako yan, napuno na ko. hello! hindi ako magpapakapagod magtrabaho para makapagpadala ng pera sa nanay ko na alam kong mapupunta lang lahat sa batugan kong kapatid. napakawalang buto naman ng brother mo sis. ang kapal ng mukha ha. naturingan nagtapos ng law!

nabanggit mo nakakakuha naman ng maganda trabaho na mataas ang posisyon, malamang decent salary din yon. pero inaayawan pa din. hay naku! ang tawag don.. isang dakilang tamad! ayaw magbanat ng buto dahil alam nya andyan lang si mother na bigay lang ng bigay ng perang pinaghirapan ng 1 nyang mabait na anak.
lam mo sis, you're a very good daughter & sister. pero dahil sa sobrang kabaitan mo, inaabuso ka na ng sarili mong pamilya. i suggest you show them na kaya mo din silang tikisin. na hindi ka gatasan na pag kelangan nila ng pera, pag gusto nila ng pera ay bigay ka lang ng bigay. explain mo ng maayos sa nanay mo na pinagsikapan mo marating kung nasan ka man ngayon & meron ka sarili pamilya na kelangan mo suportahan. na kung kelangan ng tamad mong kapatid ng panggastos eh matuto syang magbanat ng buto! hindi yun para silang mga palamuning baboy. & yun sis in law mo ha, isa din nuknukan ng kapal. ni hindi nya i-convince yun asawa nya magtrabaho, & pagsumikapan ang sarili nila pamilya. hindi yun nakaasa pa sila sa mother mo. nakakahiya silang 2,naturingang mga tapos ng law!
hay naku sis, hayaan mo matuto yong kapatid mo tumayo sa sarili nyang mga paa. alangan naman habambuhay mo sila susuportahan??? aba'y pwede ba ko magpaampon sayo? hehe joke lang.
on a serious note, sis you should make your stand. ipakita mo sa kanila na hindi pwede lagi ganon. kasi kung lagi mo sila pagbibigyan, wala, they won't take you seriously. ang tingin nila kasi sayo, isang malaking atm na laging may laman. hindi ka atm sis. you're a wife & a mother, you have a family of your own who should be the focus of your everything (2nd to God of course). they deserve that. not your family here in the philippines na hindi marunong magpakita ng gratitude sa mga ginagawa mo for them.
if you'll just keep giving them money, mas lalo mo sila tinuturuan maging tamad & batugan. isipin mo na lang na it's for their own good kung titikisin mo man sila dahil totoo naman. alam mo sa sarili mo na hindi naman talaga kawawa ang sitwasyon nila dito sa pinas. may pera sila. hindi lang sila responsable. and sabi mo nga tatay mo ang humahawak ng kita nila, kung maayos naman humawak ng pera ang tatay mo, for sure may pampagamot naman ang nanay mo.
hay, i pray na mahipan ng mabuting hangin ang mother mo at tigilan na ang kalokohang ito. maawa naman sana sya sa daughter nya wala hinangad kundi mabigyan ng mabuting buhay ang pamilya nya.
be strong sis, hugs! oo nga pala sis, tama si justin3, libre ang pagamot dito sa pinas ng TB kaya wag sila umarte noh!

magkano ipapadala mo? pwede na ang 2k! haha. kung gusto mo mas galante, 5k. pero more than 5k? hay naku sis, kurutin kita! haha biro lang..