watch now

Author Topic: di ko na alam gagawin ko...  (Read 10944 times)

snowflakes

  • Guest
di ko na alam gagawin ko...
« on: February 18, 2012, 10:42:59 am »
im here in the states pero im jobless kase kaka panganak ko lang. yung family ko sakin lang umaasa sa pinas. nung first 2 years ko kase monthly ako nagpapadala para sa kanila so natigil ng nawalan ako work. in short, super hirap sila now. yung tubig at kuryente they need 4K a month para don lang. wala pa food. di ko alam na ganon na pala kalaki bayarin sa pinas ng kuryente at water. in short, my mom always cry for help, but what can i do? yung 2 brother ko may sakit pareho, yung isa jobless yung isa naman nag leave sa work kase nga sick sha. so they really need money.
ano ba gagawin ko mga sis... di na ko makatulog sa pag iisip sa kanila. tapos palage ako galit dito sa bahay pati tuloy si baby napapag butungan ko na ng galit ko. madali ako magalit at maines. siguro kase wala ko magawa para sa kanila. nadadala ko yung emotion sa buhay ko dito.
si hubby di ako binibigyan ng pera kaya kahit humiram ako di ako papahiramin para sa pamilya ko.

freelancer_babe

  • Guest
Re: di ko na alam gagawin ko...
« Reply #1 on: February 18, 2012, 10:57:46 am »
Aw! That's quite a heavy situation sis.

Is your problem sa financial side ba? Kung paano mo isu-sustain ang family mo sa Philippines? Or kung paano mo i-ko-convince ang hubby mo to ask financial help?

pinklilac

  • Guest
Re: di ko na alam gagawin ko...
« Reply #2 on: February 18, 2012, 11:00:44 am »
hi sis.. sorry to hear bout your dilemma.
nakakalungkot man pero may mga kapamilya talaga na medyo abuso. hindi kase nila alam kung ano talaga ang buhay sa ibang bansa. sis, alagaan mo sarili mo at si baby. mahirap ang sitwasyon mo kase nasa ibang lugar ka.
wala rin ako makitang pedeng solusyon since mahirap talaga pag walang work. i remember yung kapitbahay ko na may NZ hubby. super tipid niya ang budget para makapag padala kahit konti sa pamilya.
explain mo sa pamilya ang kondisyon mo.at kamo babawi ka na lang pag nakapag work ulit.
ingat and God bless you.

rianne_mallows

  • Guest
Re: di ko na alam gagawin ko...
« Reply #3 on: February 18, 2012, 01:44:39 pm »
@snowflakes

what to do? NOTHING.. it's high time your bros learn to fend for themselves.. THE HARD WAY..
its also high time to make your mom realizena hindi mo obligasyon buhayin yung mga bums na yun..

naawa ako sa baby mo... siya kawawa dito.. siya dapat iniintindi mo ngayon hindi kung anumang drama sa buhay ng pamilya mo..

saka huwag ka maguilty .. eh sa wala eh... hindi ka naman umiire ng pera.. hayaan mo na lang muna sila... kuryente? tubig? eh di hayaan mo maputol..  food? meds? hayaan mo magbenta ng gamit.. or magsangla.. or manghiram sa ibang kamag-anak.. huwag mo pasanin ang daigdig ;)

hindi ka madamot... sadyang wala ka lang din ngayon... huwag mo sila intindihin.. matatanda na yan.. matigas na buto niyan.. mabubuhay na yang mga yan.. kung mga pulubi nga nakakaraos maghapon eh, sila pa kaya?

asikasuhin mo muna anak mo.. mas kailangan ka niya kesa sila.. hindi deserve ng anak mo masigawan dahil lang stressed ka sa angkan mo..

aquacharly

  • Guest
Re: di ko na alam gagawin ko...
« Reply #4 on: February 18, 2012, 02:24:07 pm »
Naka maternity leave ka lang,  wala ka nang madukot na pera?
That indicates financial irresponsibilty on your part.

Tama si RIANNE MALLOWS -  your priority is your family and your  good health. 
Atchaka -- ano naman ma accomplish mo sa pag init ng ulo mo?
Sa ka busy ng buhay sa States,  save your energy. 
Atchaka it is so destructive for family  relationships na tapunan mo ng init ng ulo  mga batang  blameless.   

IF this were just an emergency -- your husband will surely help.
Hindi ka pautangin kasi. -- hindi ka nagbabayad?
Or kasi nagsawa na sya sa pagsandal sa yo ng family  mo?
Nasa lugar sya, either way.
Atchaka.  -- he did not marry you to support 3 adults in the Phils.   

Mga  yan dito,  they must learn to stand on their own 2 feet.
Alam mo, sa totoo lang, madaming trabaho dito. Kaya lang inaayawan.  Puro reklamo. Eh what do you expect but to start at the bottom? 

Ano magagawa mo? Wala. Until you get back to work and have your own money.
Unless you borrow money there, or sell off your jewelry. 
Siguro eto na ang time matauhan mga kapatid mo.

Kung short ang pera,  sabi ng lola ko bumaluktot ka.
Marami nabubuhay sa less than  4thou for utilities. 
Parang financially irresponsible din family mo.  Walang savings.  Hindi nagtitipid.  Inaasahan ka para sa basics na koryente at tubig.   

So yon, take care of yourself so you can go back to work  agad.
You know why your husband is tight, and how tight he can get with you.
Whatever  the reason, the more you should  become financially empowered. 
Hwag ka papayag na tumanda ng ganyan.  Take care of yourself. 




kettlekorn28

  • Guest
Re: di ko na alam gagawin ko...
« Reply #5 on: February 18, 2012, 03:33:27 pm »
Naku sis, kawawa naman ang baby mo. Wala syang kinamuwangan sa problem mo. Actually, di mo na dapat pang problemahin ang pamilya mong naiwan dito sa Pinas. Sa totoo lang, sapat na yung 2 years na pagsuporta mo sa kanila eh. Napakadakilang anak at kapatid mo naman, pero syempre lahat may limitasyon.

Alam kong mahirap ang buhay dyan kasi nakikita ko yun sa mga friends at relatives ko na halos di na nagpapahinga para lang kumita ng dolyar. Tama lang ang hubby mo na wag ka ng bigyan ng pera. Pinaghihirapan nya yun eh. Para yun sa inyo, tapos ibibigay lang nya sa family mo. Malamang naumay na sya sa pagtulong sa family mo.

How old is your mom na ba? Di na ba nya kaya makakapagwork? Yung brother mo na may sakit, gaano na ba kalala ang kondisyon nya para di makapagtrabaho? I think masyado sila naging dependent sa padala mo.

Sana man lang naging considerate at sensitive ang mom mo. Alam naman nya na wala kang trabaho. Sana di na lang sya dumadaing sayo. Di ba nila kayang dumiskarte on their own? Hay sis, hayaan mo na silang matuto.

snowflakes

  • Guest
Re: di ko na alam gagawin ko...
« Reply #6 on: February 19, 2012, 10:51:04 am »
thanks mga sis... tama parang nagiguilty ako kase di ako makatulong. pero wala na talaga ko maitutulong. kase bago pa lang ako dito nag work na ko agad pero di yung work sa profession ko kaya maliit lang kita ko. at kahit maliit kita ko nagpapadala ko sa kanila at yun ang dahilan kaya wala akong ipon. aside from the fact na ni singko wala binibigay sakin asawa ko eversince kaya ako lahat nabili ng gamit ko at kelangan ko. meaning wala ako ipon.

Naku sis, kawawa naman ang baby mo. Wala syang kinamuwangan sa problem mo. Actually, di mo na dapat pang problemahin ang pamilya mong naiwan dito sa Pinas. Sa totoo lang, sapat na yung 2 years na pagsuporta mo sa kanila eh. Napakadakilang anak at kapatid mo naman, pero syempre lahat may limitasyon.

Alam kong mahirap ang buhay dyan kasi nakikita ko yun sa mga friends at relatives ko na halos di na nagpapahinga para lang kumita ng dolyar. Tama lang ang hubby mo na wag ka ng bigyan ng pera. Pinaghihirapan nya yun eh. Para yun sa inyo, tapos ibibigay lang nya sa family mo. Malamang naumay na sya sa pagtulong sa family mo.

How old is your mom na ba? Di na ba nya kaya makakapagwork? Yung brother mo na may sakit, gaano na ba kalala ang kondisyon nya para di makapagtrabaho? I think masyado sila naging dependent sa padala mo.

Sana man lang naging considerate at sensitive ang mom mo. Alam naman nya na wala kang trabaho. Sana di na lang sya dumadaing sayo. Di ba nila kayang dumiskarte on their own? Hay sis, hayaan mo na silang matuto.

60 na mom ko, may sari sari store sha pero laging walang laman kase nauubos yung pinag bilan sa pangkain nila. yung mga kapatid mababait sila pero medyo tamad nga at walang ambisyon sa buhay. pero sila yung mga lalaking sobrang bait na kapatid at anak.

Naka maternity leave ka lang,  wala ka nang madukot na pera?
That indicates financial irresponsibilty on your part.

Tama si RIANNE MALLOWS -  your priority is your family and your  good health. 
Atchaka -- ano naman ma accomplish mo sa pag init ng ulo mo?
Sa ka busy ng buhay sa States,  save your energy. 
Atchaka it is so destructive for family  relationships na tapunan mo ng init ng ulo  mga batang  blameless.   

IF this were just an emergency -- your husband will surely help.
Hindi ka pautangin kasi. -- hindi ka nagbabayad?
Or kasi nagsawa na sya sa pagsandal sa yo ng family  mo?
Nasa lugar sya, either way.
Atchaka.  -- he did not marry you to support 3 adults in the Phils.   

Mga  yan dito,  they must learn to stand on their own 2 feet.
Alam mo, sa totoo lang, madaming trabaho dito. Kaya lang inaayawan.  Puro reklamo. Eh what do you expect but to start at the bottom? 

Ano magagawa mo? Wala. Until you get back to work and have your own money.
Unless you borrow money there, or sell off your jewelry. 
Siguro eto na ang time matauhan mga kapatid mo.

Kung short ang pera,  sabi ng lola ko bumaluktot ka.
Marami nabubuhay sa less than  4thou for utilities. 
Parang financially irresponsible din family mo.  Walang savings.  Hindi nagtitipid.  Inaasahan ka para sa basics na koryente at tubig.   

So yon, take care of yourself so you can go back to work  agad.
You know why your husband is tight, and how tight he can get with you.
Whatever  the reason, the more you should  become financially empowered. 
Hwag ka papayag na tumanda ng ganyan.  Take care of yourself. 


sis wala na ko work talaga hinde ako naka maternity leave. wala din ako ipon dahil na rin sa mga needs ko at family ko nung una pa lang ako nag work. di ko man lang naisip na mag ipon at yun ang pagkakamali ko. i asked my hubby kung pwede na nga ko mag work ulit ayaw nya naman. so i have to wait 2-3 years pa.  :-\

Aw! That's quite a heavy situation sis.

Is your problem sa financial side ba? Kung paano mo isu-sustain ang family mo sa Philippines? Or kung paano mo i-ko-convince ang hubby mo to ask financial help?

financial sis, kase malabo naman ma convince asawa ko to help me.

never ako tinulungan ng asawa ko regarding my family kaya di ko masasabing nagsawa na sha kakatulong sa amin. i know hinde naman nya obligasyon kami pero kung ako ang nasa katayuan nya kahit pautangin ko asawa ko gagawin ko. pero kung ako di binibigyan maski singko pamilya ko pa kaya?  :'( nakakalungkot lang kase nakapangutang na mami ko sa lahat ng kamag anak namin, kabigan at kapitbahay. at ako nahihiya sa ginagawa nya.
alam mo naman mga tao sa pinas iba tingin sa mga nasa ibang bansa. akala marami kaming pera. at masamang anak lang ako.
ano ba dapat ko sabihin sa kanila na di sila masasaktan? sharp kase tongue ko at ayoko na sila saktan pa. kase pagbaba ko ng phone ako rin naman nagi guilty sa sinabi ko.

aquacharly

  • Guest
Re: di ko na alam gagawin ko...
« Reply #7 on: February 19, 2012, 11:36:14 am »
Ano yan, he does not give you money at all?  How will you provide for your needs?   That's why you must insist you will work.

May tempo green card ka na?  Naka 2 years ka na since issuance of that tempo green card?  Be sure he files 3 - not 2 - docus within the 2 years, or else ... Linoloko ka nyan. 

jesrora

  • Guest
Re: di ko na alam gagawin ko...
« Reply #8 on: February 20, 2012, 01:37:01 am »
Hi snowflakes, american ba ang husband mo or pinoy din?

Well, for me, di obligasyon ng husband magprovide for my relatives/extended family but its his obligation to provide for me and our baby if I am not working. Medyo off yung di ka nya binibigyan ng panggastos kahit para sa anak nyo lang.

Pero regarding sa problema mo be straight with your mom and brothers - wala ako pera, kakapanganak ko lang. Para magsink in sakanila na kailangan nilang magtrabaho OR magtipid.

4k for utilities only is big na kung kuryente at tubig lang yun.

Ano din pala sakit ng brother mo? Dapat ba bed rest? Your other siblings - dapat kumilos para sa mom mo and for him not you, you've done your part and you are post partum. Wag kang maguilty you need to take care of your baby and yourself from now on.

snowflakes

  • Guest
Re: di ko na alam gagawin ko...
« Reply #9 on: February 20, 2012, 05:33:58 am »
Ano yan, he does not give you money at all?  How will you provide for your needs?   That's why you must insist you will work.

May tempo green card ka na?  Naka 2 years ka na since issuance of that tempo green card?  Be sure he files 3 - not 2 - docus within the 2 years, or else ... Linoloko ka nyan. 

immigrant na kami when we came here. YES he doesnt give me money at all. pero i have credit cards to buy for my baby. binabayaran nya cards pero no money for me.

filipino hubby sis.. hinde matatanngap sa work brother ko kase nakakahawa sakit nya. nakakahiya kase sabihin dito sis. pero on medication sha now. yung isa naka leave lang sa work naoperahan kase.

snowflakes

  • Guest
Re: di ko na alam gagawin ko...
« Reply #10 on: February 20, 2012, 05:35:33 am »
never ako nagka issue about sa pera, hinde ako waldas or gastador. ayaw lang talaga nya ko bigyan. at pag may pera ako kinukuha nya yun sakin.

marose17

  • Guest
Re: di ko na alam gagawin ko...
« Reply #11 on: February 20, 2012, 11:07:06 am »
^ Why is your husband like that?

I think you should be more concerned about the fact that your husband does not give you money at all and worse, gets your money pa.  It's not normal.  Saka mo muna problemahin ang fact na hindi ka makapagpadala ng money sa parents and brothers mo.

aquacharly

  • Guest
Re: di ko na alam gagawin ko...
« Reply #12 on: February 20, 2012, 11:56:05 am »
SNOWFLAKES,  better!  You are a co-equal of your husband in that land of unfair equality.  lol

I will share something with you... 1 of the reasons my husband decided we thrive here instead of there is because (he will not say it directly, but)  ang tatapang daw ng mga wives dyan.  (eh nang mag sabog daw si God ng katapangan and katarayan, nag cut in line pa daw ako with a big bilao, lol)

That is the country where Pinoy husbands, mostly, get boinked!  coz wives really have the opportunity to race to advancement alongside their husbands.   (The job market and the potential is so wide and varied, take advantage of it SNOWFLAKES.)  and double boink!  they find out that they gotta share with the household chores and child rearing even if they are the only ones with a job.  That's life in the USA, welcome... boink, boink, boink, boink.  lol
Sabi nga ng 1 BFF kong male,  ang tapang daw nya dito sa Pinas.  Pagdating dyan, ang tapang daw ng Mrs nya...mas malakas pa daw kumita, atchaka ang kanyang 2nd job daw eh driver of the Mrs.  samantalang dito, mag jeep or taxi sya kung walang driver.   lol  boink!

Fine, he wants to be super tight-fisted with his money, pwes... fully recover your health, then scan what jobs you can get.  Meron, marami, even with the recession on-going.  Hwag ka lang maarte expecting a position like what you had here.   You gotta start all over again.   
Fine, let him be.  BUT get  yourself to the point where you are making your own money. Tapos ikaw naman hwag magpa utang and give to him, kahit gumulong gulong sya.

Walang magbabantay ng bata?  hello, darling, America na yan.  He is equally obligated  to care for the kids as you have the equal right to pursue a career outside the home.   
Or if you should decide you should care for the kids -- that it is best, pwes you are entitled to an allowance.   May monetary value and compensation yang being a home manager ha.

Credit cards?  Puede ka bang buy ng buy tapos return mo for cash?
That is 1 old way of making kupit. 
Pwes, ayaw mag bigay, pwes it is your time   to make kupit.
O sige, batuhin ako... but what is one to do with a selfish husband?
But well, let us be realistic, making kupit harks back to early history as long as there is a madamot man with a woman living together... as old as the oldest profession, IMO  :)

Hay naku. SNOWFLAKES,  andyan ka na, make the most of it.
Kelangan tumapang tapang ka,  lalo na ryan hindi ka puede batukan.  lol
Atchaka, you are both immigrants,  hindi ka umaasa sa goodwill ng citizen-hubby  for your legal stay.
Why did you go to the Land of the Free, the Land of Unfair Equality, the Land of the Possible, etc etc etc   kung magmukmuk ka lang? 
You have an exciting life ahead of you, grab it.   

(Pag kumikita ka na at nagbakasyon ka dito sa Pinas,  please give a sandwich and bottle of water to a street child ha?  Do not give money.  Thanks)

pinklilac

  • Guest
Re: di ko na alam gagawin ko...
« Reply #13 on: February 20, 2012, 11:59:18 am »
^ very well said sis.. nag ejnoy ako basahin post mo..

snowflakes

  • Guest
Re: di ko na alam gagawin ko...
« Reply #14 on: February 21, 2012, 05:49:03 am »
thanks mga sis... yun nga problema ko eh duwag ako sa lahat ng bagay, paano nga ba maging matapang at makapal ang mukha? hanggang ngayon sunod sunodan pa rin ako sa gusto ng asawa ko. ayaw nya ko mag aral ng driving kahit anong pilit ko. di ko alam kung bakit. basta napansin ko lang din ayaw nya may pera ko sa katawan ko. inuubos nya. nung nag wowork ako hati kami sa lahat ng gastusin sa bahay. ako sa phone, cable and grocery kahit 1/4 lang ng swedlo nya sahod ko. sha sa upa sa house at car. tapos nung nawalan ako ng work nagalit sha bakit wala akong ipon maski singko. parang wala akong ginastos noh? for two years ako lahat yun. lahat ng credit cards naka name sakin. kase mas nabibigyan ako ng line kesa sa kanya. ngayon kung di nya mabayaran yun credit ko masisira. at ayoko mangyare yun.
ewan ko ba san ako kukuha ng tibay ng dibdib para magawa ko mga gusto ko. i want to be independent pero parang ang hirap. duwag nga eh! hahahaha
as for my family naman, alam nila sitwasyon ko dito na wala ko pera at di ako makakahinge sa asawa ko. kung nabasa nyo unang post ko noon pa sa ugali ng asawa ko kahit siguro kayo di nyo na ita try manghiram. di ko alam bakit ganon mga kapatid ko, mashadong mamas boys. may asawa na naka dikit pa rin sa mami ko. mami ko naman maawain. ayaw iwan at paalisin. ayun sha ang nammobrelema.

marose17

  • Guest
Re: di ko na alam gagawin ko...
« Reply #15 on: February 21, 2012, 08:30:20 am »
^ I am sorry to say it but your husband wants to control you.  Really!  Even driving ayaw ka niya matuto?  Matindi ang problema niya ha.

Do something about your situation.  Empower yourself by working or having a home-based business or work.  Try odesk if you want to earn while at home.  May thread dito sa GT about Odesk, look for it.

mom_G

  • Guest
Re: di ko na alam gagawin ko...
« Reply #16 on: February 21, 2012, 09:32:48 am »
^^sis, you do have a bigger problem than your family back home asking for help.  yan ang husband mo who is controlling you and ang pagiging sunud-sunuran mo.  you should learn to speak up and fight for what you want to do.  if not, then that will be the story of your life.  wala tayong magagawa if ayaw ka nya bigyan ng money para sa family mo pero, ayaw ka nya matutong mag-drive?  that is ridiculous! ano mangyayari pag lumaki ang baby nyo and you have to pick him/her up from school or sa mga activities nya.  hindi naman porke ang asawa mo yung kumikita, siya na ang magdidikta kung ano ang pwede and hindi mo pwedeng gawin.  excuse me, hindi ka niya katulong!  hope you find the courage to stand up for yourself :)

freelancer_babe

  • Guest
Re: di ko na alam gagawin ko...
« Reply #17 on: February 21, 2012, 09:41:28 am »
Sana mafigure out mo ang root cause kung bakit ganun ang treatment ng husband mo. Bakit kaya?

Only then na makikita natin kung ano ang best course of action. Kasi if not, then everyone replying to this thread would just be plainly advices - puro trial and error lang ang gagawin mo, and wait and see which one works.

Is it because takot sya na baka malagpasan mo siya sa accomplishments nya?

Is it because takot sya na makahanap ka ng ibang lalake?

Takot din ba sya na baka mapa-barkada ka?

Takot siya na mapahamak ka?

Gusto lang nya yung traditional family lifestyle, na yung wife ay nasa bahay lang despite na nasa US kayo?

May tinatago kaya ang husband mo kaya ayaw kang palabasin?

May ugali siyang maging too possessive, jealous much?

Dahil ayaw ng husband mo na ang pinaghirapan nyang pera ay ibibigay mo lang sa mga kamag-anak mo sa Pinas?

Because you aren't good at handling finances?

Is it a combination of two or more reasons?

---

I see na may personal issues ka sa sarili mo. TAKOT KA. That's probably one big obstacle you have to overcome. Walang kwenta rin lang ang magagandang advices ng mga sissies natin dito if you can't really try to find ways to defeat that in yourself. Kalaban mo rin ang sarili dito. Ikaw lang ang makakagawa nito and not other people.

What would you do if your husband had decided to leave you and your kids? Or left you already in this world (wag sana)? Sa situations na yan, BAWAL NANG MATAKOT. As early as now you have to get used to being independent. BE BRAVE. Do it - for the sake of your kids, please!

Dahil sa takot na yan:
- your mother and brothers are too dependent on you. Ginagamit nila ang TAKOT mo para sila makahingi sa iyo.
- nagsasamantala rin ang husband mo. Gagamitin rin nya ang TAKOT mo para magawa niya ang gusto nya.
- when your kids would finally grow up, possible rin gagamitin rin nila ang TAKOT mo to have their way.

Weakness mo kasi yan eh. I'm afraid it does you no good.

So alin ba ang pipiliin mo?

1) Matakot ka pa, and you'll risk your relationship with your husband. Unti-unti kang kakainin ng mga problema na yan until you can't handle things anymore and risk your sanity.

Matakot ka pa rin, and you'll end up penniless - kasi sinimut na lahat lahat ng mga kamag-anak mo sa Pinas ang dapat ay para sa iyo.

2) Be brave, and still probably risk your relationship with your husband. At least you can handle things, learn to solve problems by yourself and your sanity intact.

Be brave, and you'll end up saving. Help yourself first, then your own family (your husband and your kids). May sarili ka nang pamilya and they are your priority now. Your family in the Philippines just comes in second. Sa ngayon na wala kang work, wala kang ibibigay sa Pinas. You cannot help because you're deep in financial problems rin lang naman. Your kamag-anak would have to understand - if they don't, then it's their problem.

Choose. Now.
« Last Edit: February 21, 2012, 09:53:30 am by freelancer_babe »

snowflakes

  • Guest
Re: di ko na alam gagawin ko...
« Reply #18 on: February 21, 2012, 10:39:47 am »
^sis ang galing mo mag analyze and mag advice na rin. tama lahat ng sinabi mo. takot sha na maging independent ako dahil takot sha na di ko na sha kelangan. takot shang lumalabas ako kase takot shang makakilala ako ng iba, takot shang malagpasan ko sha dahil lage nya ko dinadown everytime na sinasabi kong babalik ako sa school at itong course ang gusto ko, ang sasabihin nya sakin "DI MO KAYA YAN!" bobo ang tingin nya sakin kase di ako nakapasa sa LET nung nasa pinas pa ko. mahina ang tingin nya sakin kaya ayaw nya pag drivin. sabi nya makakabangga lang daw ako at wala kaming pangbayad sa mababangga ko. (may insurance naman dito). marami shang out of this world na reasons na pinapalagpas ko na lang para walang gulo. kase kelangan lage shang panalo.
sa pamilya ko, nasabi ko na sa kanila dapat kong sabihin, problema lang naman eh nakukunshensha ko. ngayon nag iisip ako na singilin yung taong may utang sakin ng 1 taon na para lang mapadala sa mami ko. $500 din yung utang na yun at until now di na ko binayaran ng taong yun.
i want to be BRAVER hehe like sarah G. narinig ko lang yan. pero seriously totoo gusto ko maging matapang. dahil duwag nga ako at takot sa mundo. di ko alam san ko namana pagka duwag ko eh sobrang tapang ng mom and dad ko. kung nabasa nyo previous posts ko about sa nang away sakin dito at nang alipusta makikita nyo kung gaano ako kaduwag.
oo gusto ko simulan ngayon pero di ko alam kung paano. pipilitin ko mag aral mag drive kahit ayaw nya. at ipagpipilitan ko gusto ko. gagawin ko to para sa anak ko. at sa sarili ko.

pinklilac

  • Guest
Re: di ko na alam gagawin ko...
« Reply #19 on: February 21, 2012, 10:53:40 am »
^ i agree..magaling talaga mag advice yan si sis freelancer_babe...btw sis freelancer, psychologist ka ba or something? i admire you talaga.
nakaka relate naman ako sayo sis snowflakes tungkol sa family. ganyan din ako sa kanila pero ang maganda sa sitwasyon ko  eh very supportive sila at nagtutulungan talaga kame.
at pag dating naman sa sinasabi mo na DUWAG ka o TAKOT..yan din tingin ko sa sarili ko.. pero people who know me see me as a very brave person. dahil na rin siguro i was able to survive the biggest trial that came into my life..

i pray na malampasan mo lahat sis..

 

Latest Stories

Load More Stories
Close