Author Topic: pano ba mahalin ang sarili?  (Read 20861 times)

slurpee

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 92
pano ba mahalin ang sarili?
« on: February 17, 2012, 08:15:59 pm »
hi girls. diba laging sinasabi na para mahalin ka ng iba, mahalin mo muna ang sarili mo? medyo hindi ko gets ito eh. im single since birth, at although most of the time i like doing things alone (i do my errands alone, sometimes i watch movies alone, etc) minsan nalulungkot din ako na wala akong makasama to do stuff, wala akong someone to talk to after a long day, ganyan ganyan. i'd like to think i'm a good catch naman (pasensya na ha kung nagbubuhat na ng bangko hehe), may itsura naman ako, well-educated at disente. a guy friend once said na ako daw yung type na pinapakilala sa magulang. tahimik at mukha nga lang akong suplada at first so tinatry ko talaga ngayon na mag-smile palagi. the thing is, parang walang interesado sakin at all. as in wala talaga :( so iniisip ko lang, ano ba itong sinasabi nila na mahalin muna ang sarili para mahalin ka ng iba? lately yan lagi ang pinagmumuni-munihan ko. hehe.

rianne_mallows

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 778
Re: pano ba mahalin ang sarili?
« Reply #1 on: February 17, 2012, 09:10:01 pm »
hi sis.. how to love yourself?... mukang ok ka naman eh...  i think that phrase applies more on those who are in a relationship already.. na tipong sa sobrang pagmamahal sa partner eh nakakalimutan na ang sarili..

sabi mo nga ok ka naman... ikaw kamo yung tipong pinapakilala sa magulang...

question ko muna sa iyo...

1. ano work mo? may mga work kasi na mahirap na talaga makakita ng partner... like teachers ganun...   iba kasi yung environment..  hirap makakakita ng single guys

2. assess mo yung males sa social circle mo... are they attached na?  baka kaya awala kasi walang available? so you have to meet new peeps kesa naman may sabit ..

kwento ka pa sis
hindi naman ako masamang tao
sadyang kapag nasasabi ako ng totoo
tumatama at tumatagos sa pagkatao mo

|:AyemZia:|

  • sweet - transparent - hopeless.romantic
  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 111
  • love me as i am or get lost!
Re: pano ba mahalin ang sarili?
« Reply #2 on: February 18, 2012, 04:22:49 am »
^i agree sis rianne_mallows! feeling ku nga sa mga in a relationship siya more applied kase i've been there myself, plenty of times. :(

advice ku naman sis slurpee, try mung makipagsocialize more. tama c sis rianne_mallows, baka hindi ka mashadong nakakameet ng single and available guys. :) mingle galore na! :D
“You have to kiss a lot of frogs before you find your prince” - E.L. James, FSoG
"Many leaves, one tree. We're all individuals, but we're still connected. No 1's alone." -RONIN, Epic
"Js bcos u haven't seen sumting doesn't mean it's nt der" -BOMBA, Epic

slurpee

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 92
Re: pano ba mahalin ang sarili?
« Reply #3 on: February 18, 2012, 07:41:46 am »
tama kayo mga sis, wala nga akong nakikilala masyado. i go out with my friends, as in isang sabihan lang go agad ako. i also travel a lot pero wala talaga akong nakikilala! siguro nga dahil ang dating ko eh suplada. pero hindi naman ako suplada, mahiyain lang talaga ako sa hindi ko kakilala. kaya nga effort talaga ako na mag-smile palagi.

rianne_mallows

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 778
Re: pano ba mahalin ang sarili?
« Reply #4 on: February 18, 2012, 08:27:39 am »
here's what i suggest you do to broaden your social circle ng hindi naman parang trying hard makakita ng lalaki..

1. enroll in sports classses... madaming guys sa ganyan and madalas singles kasi madaming free time ang singles compared to married guys and those who are attached na.. maganda din ito for you..
syempre mas ok sana kung tipong martial arts, wall climbing, scuba, mga ganun... swimming ok lang din naman

2. mag gym ka.. madami din single guys sa ganyan.. again, good for your health

3. be active sa church ... believe it or not, madaming single guys din jan... at least maimprove ka pa spiritually

4.look for a new job - suggestion lang naman ito ha... apply for a higher position .. isipin mo, career advancement na, maiba pa yung environment and hopefully, makakita ka ng single..

5. if possible, mag-masters degree ka... malay mo, may future classmate mo pala si mr. right


well, if you want my advise to work, huwag ka magsama ng sabit ha... i mean, dapat mag-isa ka lang magsports, gym etc... kasi kapag may kasama ang girl, mas hirap ang lalaki lumapit.. may "bantay" kung baga... hindi makaporma ng maayos si lalaki... saka isa pa baka instead na sa iyo, kay friend maging interesado edi bokya na...

again, if hindi pa rin palarin makakita ng single, at least you did yourself good pa din kung gagawin mo suggestions ko
hindi naman ako masamang tao
sadyang kapag nasasabi ako ng totoo
tumatama at tumatagos sa pagkatao mo

ettevyvi

  • chic. quirky. hot.
  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 314
  • sweet upfront, deadly inside.
Re: pano ba mahalin ang sarili?
« Reply #5 on: April 29, 2012, 07:17:24 pm »
Mahalin mo ang sarili mo means, prioritize your wants. Wag mo munang isipin ang iba, sarili mo muna. ;)



^Yes. Exactly. :)
Doing things that will make you tick. :)
SIMPLE yet COMPLICATED.

aquacharly

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 3568
Re: pano ba mahalin ang sarili?
« Reply #6 on: April 29, 2012, 08:29:52 pm »
"single since birth". :).  Cute ka ha!

I think mahal mo na sarili mo.  You are taking good care of yourself, you enjoy your life, and you are confident.

Sa Multiple Choice ni RIANNE MALLOWS -- I'd go for the spiritual enrichment.  Singles for Christ, mga ganon.    Maka gets ka man or  not ng bf don  --  you will find a deeper dimension of self.





piatos

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 827
Re: pano ba mahalin ang sarili?
« Reply #7 on: May 08, 2012, 10:33:41 pm »
Alam mo sis yung kilala ko nagkaboyfriend kasi pareho silang choir.

blackgreen

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 2635
  • STAY if you're HAPPY, LEAVE if you're NOT.
Re: pano ba mahalin ang sarili?
« Reply #8 on: May 09, 2012, 12:35:36 am »
I think sis, ienjoy mo lang ang life. Don't think too much about singlehood.
Choose a job you love, and you will never have to work a day in your life - Confucius

rae

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1364
  • If it's a matter of preference, let it go.
Re: pano ba mahalin ang sarili?
« Reply #9 on: May 09, 2012, 01:08:52 am »
Baka di applicable sayo yung mahalin ang sarili na phrase. Applicable yun sa mga tao na walang respeto sa sarili nila, so yung mga tao around them tend to step on them.

Madami akong kilala na SSB din. Ang usual na napapansin ko sa kanila are one or many of the ff:
- hindi sila approachable
- or they come across as mayabang or mataas ang tingin sa sarili (not to be confused with confidence)
- or stuck-up sila
- or mukhang boring kasama
- or masyadong pakipot
- or mukhang high-maintenance (depends sa circle mo)

Pero mas madalas yung mukhang hindi approachable or hindi madaling makasama.

I suggest mag-add ka ng activities, wag yung mga party. Tipong, enroll sa cooking school, punta ka ng seminars re: personal finance, real estate, etc., basta activities na makaka-meet ka ng matinong lalaki.

Dont focus muna in looking for a bf. Focus on how you interact with men and how you handle yourself around them.
Backread and use the search button.

CHLayson

  • Newbie
  • *
  • Posts: 10
Re: pano ba mahalin ang sarili?
« Reply #10 on: May 28, 2012, 01:00:39 pm »
mahalin mo sarili mo for me means, mag-aral ka muna ng maigi, pakalusog, maging respeto, then alam mo na kung pano magmahal ng  iba..
Signature edited.

sardonyxmemoirs

  • Newbie
  • *
  • Posts: 34
Re: pano ba mahalin ang sarili?
« Reply #11 on: June 03, 2012, 12:07:40 pm »
hi girls. diba laging sinasabi na para mahalin ka ng iba, mahalin mo muna ang sarili mo? medyo hindi ko gets ito eh. im single since birth, at although most of the time i like doing things alone (i do my errands alone, sometimes i watch movies alone, etc) minsan nalulungkot din ako na wala akong makasama to do stuff, wala akong someone to talk to after a long day, ganyan ganyan. i'd like to think i'm a good catch naman (pasensya na ha kung nagbubuhat na ng bangko hehe), may itsura naman ako, well-educated at disente. a guy friend once said na ako daw yung type na pinapakilala sa magulang. tahimik at mukha nga lang akong suplada at first so tinatry ko talaga ngayon na mag-smile palagi. the thing is, parang walang interesado sakin at all. as in wala talaga :( so iniisip ko lang, ano ba itong sinasabi nila na mahalin muna ang sarili para mahalin ka ng iba? lately yan lagi ang pinagmumuni-munihan ko. hehe.

SUPER NAKAKARELATE AKO. SUPER. To be honest, enjoy ko naman ang me time ko. Some girls just have to be with friends or bf palagi (kahit lunch or kahit mag-siCR nga lang!). Not me. My instinct is to be independent (though may mga friends din ako and we hang out occasionally). But sometimes it just gets to you--"Why am I alone?" or "Why does nobody want me?". Like you, feel ko naman I'm OK, sure, medyo mapimple and the teeth is big and uneven and all pero decent-looking naman at in fairness, madalas masipulan or mabati ng random guys sa street. Like you, mukha din daw akong suplada, so I try to smile more often and I consciously try to soften my face.  There are times na I feel like a confident, empowered femme fatale, especially when guys are staring at me in jeepneys or in malls (I kind of have a killer walk ;)). But pag nasa school ako, all the attention vanishes. It's as if I'm invisible, I don't exist in men's eyes. It's on those times that I feel very unlovable and ugly and insecure. Why?

rae

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1364
  • If it's a matter of preference, let it go.
Re: pano ba mahalin ang sarili?
« Reply #12 on: June 03, 2012, 08:07:38 pm »
I read somewhere na "the secret to become interesting is to be interested"

We cant expect people to just be interested in us. If you always prefer being alone, baka you also come across as someone na ayaw makasama ang iba. So why would they want to reach out to you?
Backread and use the search button.

sardonyxmemoirs

  • Newbie
  • *
  • Posts: 34
Re: pano ba mahalin ang sarili?
« Reply #13 on: June 05, 2012, 10:45:21 am »
@rae Ngayon-ngayon ko nga lang din narerealize na tama yan, sis. Kasi all my life, parang ang lagi kong naririnig, wag kang masyadong trying hard kasi nakakaturn off. Magiging sidekick ka, api-apihan, katatawanan. Kaya eto, sanay dumistansya. Pero siyempre wala naman akong K na maging snob, di ba? Di naman ako maganda or talented. Kaso ang hirap mag-effort, kasi mas masakit pag di ka pinansin.

runaway_bridesmaid

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 312
  • ces't la vie
Re: pano ba mahalin ang sarili?
« Reply #14 on: June 05, 2012, 10:58:59 am »
i have a friend who is exactly like you, ganyan din siya mag isip, "what's wrong with me, why am i still single" yan ang isip niya kaya bumababa ang self confidence niya to think na very successful siya sa career.

realidad ng buhay sa circle na kinabibilangan mo, konti na lang talaga ang good catch, either the good guys are married, in a serious relationship, or gay...yun ang reason, so dont think na something is wrong with you...

pansin ko sa mga class e & d people, konti lang ang single girls, kasi sa kanila maraming lalaki, kahit panget at masama ugali nakakapag asawa kaagad kasi nga sa level nila guys are everywhere...at alam ko di ka naman mag se settle sa guys from that level no,

Signature edited.

rae

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1364
  • If it's a matter of preference, let it go.
Re: pano ba mahalin ang sarili?
« Reply #15 on: June 05, 2012, 12:11:47 pm »
@sardonyxmemoirs, I'm currently helping a friend kasi, who has the same problem as you. And the way you told your story, ganyang-ganyan din sya.

Ngayon, may project kami to help her get passed it. Ang una palang na ginagawa namin is for her to have a pleasant face. I know, it sounds weird. Pretty naman sya, pero she always looks sad, or frowning, or disinterested, or poker-faced. So ang unang goal namin is to change her facial expression to reflect her true self.

Di naman kelangan naka-smile palagi. Kelangan lang pleasant-looking face. Tipong medyo wide-eyed, uplifted ang eyes, yung face na "mukhang ready for something good that's gonna happen" na parang the universe has something good in store for you.
Backread and use the search button.

bookworm_ako

  • Probationary
  • Posts: 9
Re: pano ba mahalin ang sarili?
« Reply #16 on: June 05, 2012, 04:57:25 pm »
Love yourself means accept everything about yourself. When you say na "di ka maka attract, maganda ka naman", feeling ko di mo pa na achieve yung loving yourself, kasi umaasa ka pa sa iba to make you happy.

Love yourself. Be happy with everything you do. Whether you are by yourself or with friends, just be happy. Di mo kailangan ng bf para maging masaya. Kasi pag yan ang ginawa mong basihan, you are technically saying that you are incomplete. You are NOT.

You have to love yourself and be complete as a person. BFs are just icing on the cake, they are not the main ingredient to make a cake.

sardonyxmemoirs

  • Newbie
  • *
  • Posts: 34
Re: pano ba mahalin ang sarili?
« Reply #17 on: June 07, 2012, 07:58:43 pm »
@sardonyxmemoirs, I'm currently helping a friend kasi, who has the same problem as you. And the way you told your story, ganyang-ganyan din sya.

Ngayon, may project kami to help her get passed it. Ang una palang na ginagawa namin is for her to have a pleasant face. I know, it sounds weird. Pretty naman sya, pero she always looks sad, or frowning, or disinterested, or poker-faced. So ang unang goal namin is to change her facial expression to reflect her true self.

Di naman kelangan naka-smile palagi. Kelangan lang pleasant-looking face. Tipong medyo wide-eyed, uplifted ang eyes, yung face na "mukhang ready for something good that's gonna happen" na parang the universe has something good in store for you.

Ay naku super sinusubukan ko yan ngayon, sis! Kasi last month lang may nabasa akong body language book (free pdf!). Yun yung screensaver face na tinatawag. Tinatry kong baguhin siya. Tinatry kong mag-smile constantly, di naman yung freaky smile ng mga baliw. Yung slight smile lang, sinasanay kong relaxed ang face ko. I guess makikita ko kung may effect when I start college next week. :)

rae

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1364
  • If it's a matter of preference, let it go.
Re: pano ba mahalin ang sarili?
« Reply #18 on: June 08, 2012, 12:33:20 am »
^ Kahit di smile. Basta lifted face lang, bright eyes.

Tapos practice good posture and dont look down. :P

Do that while working on issues you might not know about just as our sis in the above ^^ post mentioned :D
Backread and use the search button.

sardonyxmemoirs

  • Newbie
  • *
  • Posts: 34
Re: pano ba mahalin ang sarili?
« Reply #19 on: June 10, 2012, 12:20:58 pm »
@rae Yeah, super nag-work on din ako sa posture ko this summer break, I think malaki na rin naman ang improvement dun. Thanks sa advice. :D

 


Latest Stories

Load More Stories
Close