Day 2
10am - underground river tour na kami, from resort 10 mins walk lang papuntang wharf. included na sa hotel package namin yung tour so sila na lahat nag-asikaso. 6 kami sa boat. pagbaba may magpi-
picture sa inyo, nasa inyo kung kukunin nyo or hinde, 175 each yung pinakamaliit.
pagdating sa Underground, dami na waiting. may numbering sila dun kaya maayos naman ang paghihintay. 10 person capacity ng boat excluding the boatman, last time na pumunta ko 6 lang, so medyo nakalubog na talaga yung boat heheh tapos kung yung isang grupo kulang sila sa 10 pwede maki-ride yung iba. kami ni bf nasama kami sa ibang grupo, ok na rin para makapagpa-photo shoot na rin kami after.
ang tagal namin naghintay, 1.5hrs. ayun puro picture. naku wag na wag kayong magdadala ng plastic dun, katakot yung mga unggoy. brat na brat hehe palibhasa hinde sila sinasaktan dun kaya ang tatapang. meron guest may dala syang plastic, di na sya tinantanan ng unggoy, sinusundan sya kahit nilagay na nya sa bag yung plastic ayaw sya tigilan.
2:30pm nakabalik na kami sa wharf, sa wharf maraming pwede pagbilhan ng souvenirs, mura mga souvenirs dito.
3pm nasa resort na kami, we ate snacks (clubhouse sandwich na masarap and fries) lang na kasama sa underground tour kase 3:30pm ang schedule namin for ATV Jungle trail.
ATV Jungle Trail - di ko expect na sobrang mage-enjoy kami dito, the best ATV I've tried so far is yung sa Mt Mayon, Legaspi, this one naman enjoy din, though maliit yung trail but mahirap, plus the their ATV is manually operated. before that umulan kase kaya yung trail puro putik. there was a time na dumulas na ATV ko eh medyo malalim babagsakan ko, ayun super tulak si kuya guide and bf. naka-3 ikot kami, paglabas taong putik na kami...
after nun, nag-beach na kami sakto puro putik kami hehe, ganda ng sabang beach, naaalala ko yung dumaluan beach sa Bohol, mas maputi lang sand sa bohol. ang linis ng tubig sarap magbabad. nag-try kami mag-bodyboarding since kasama din sa hotel package yung mga non-motorized equipment. super enjoy din to...2hrs kami ng nag bodyboarding ni bf.
after ng beach, swimming naman sa pool. wala kong masabi sa pool ng Sheridan, malaki at maganda pool nila. sa dulo may pool bar. nag-pool basketball lang kami ni bf dito, di namin namalayan 7pm na pala.
8:30pm nag-dinner na kami, sarap ng dinner buffet ng hotel, sulit na sulit.
9:30pm - couple 30 mins stress massage naman, still kasama sa hotel package...bitin 30 mins.