watch now

Author Topic: Puerto Prinsesa, Palawan thread 16  (Read 108218 times)

pinklilac

  • Guest
Re: Puerto Prinsesa, Palawan thread 16
« Reply #300 on: March 20, 2012, 02:29:12 am »
^thanks sis.. :) :)

serendipity02

  • Guest
Re: Puerto Prinsesa, Palawan thread 16
« Reply #301 on: March 20, 2012, 06:44:21 am »
haaayy... sobrang nakakamiss ang puerto princesa palawan..
no regrets na dito ako naghoneymoon!!! ;D


itcha123

  • Guest
Re: Puerto Prinsesa, Palawan thread 16
« Reply #302 on: March 20, 2012, 08:28:32 am »
mga sis kamusta ang peace and order ngayon sa puerto princesa? were going there this coming thursday?  thanks

khymmmm

  • Guest
Re: Puerto Prinsesa, Palawan thread 16
« Reply #303 on: March 20, 2012, 08:48:38 am »
^ sobrang peaceful sa PP sis.. Ultimo prisoners nila mababait at accommodating..
They are one of the nicest bunch of people I've ever met. As in, hindi mapagsamantala, maalaga, palangiti at mahal na mahal nila yung lugar nila..

Saan ka makakakita nang nasunugan na squatters area, tapos pinatayuan ng mga sariling bahay, rent-to-own pero 1k/month lang, sakanila na yun in 25 years.. When it comes to cleanliness naman, sobrang disiplinado nila.. Tapos lahat ng tao dito may hanapbuhay.. Lahat kasi NAGTUTULUNGAN.. Kung ganito sa buong Pilipinas, siguro maunlad na talaga tayo..

I went there last weekend.. Nakakamiss! Babalikan ko talaga ito.. Pupuntahan ko naman yung ibang tourist destinations like Estrella falls at mga caves..  :)

Thanks sis Tiara for everything! No regrets talagang sa A&A Hotel kami nag-stay.. Sarap ng buffet breakfast at may "Underground river" sila sa loob ng hotel..haha! cool! Sensya na, maya't-maya tumatawag ako sayo nung nasa PP kami.. tee hee!! It was nice meeting you! :) :)
« Last Edit: March 20, 2012, 09:57:00 am by khymmmm »

charmed_gal

  • Guest
Re: Puerto Prinsesa, Palawan thread 16
« Reply #304 on: March 20, 2012, 09:47:17 am »

Day 3
Honda bay island hopping

Pick up time namen 7am, as usual breakfast included sa Marianne inn, they served porkchop, egg and tocino. Mas masarap porkchop ko today compared nung lunch ko sa first day, sarap ng marinade! 6pax kame sinundo sa Marianne ng van, then we pick up 2pax sa A&A hotel, another 2 pax sa casa fuerte, medyo matagal couple na sinundo namen sa Casa fuerte kaya nasilip namen casa fuerte. Maganda din sa casa fuerte, you can have your meal outside your room, tapos open door nipa hut ang set up nila ng dining area outside. Going to Honda bay, may tinigilan kame na rental ng shoe gear and snorkeling gear. Shoe gear is 150, snorkeling is 100 ang rental. Dito na rin kme bumili ng bread para pakain sa fish. May mga underwater cam case din sila di ko lang sure how much ang rental. Feeling ko racket ito ng mga tour guide and may kita sila dito sa rental place na ito. Malapit lang ang port going to Honda bay, from Marianne mga 45 minutes lang. pag dating namen sa port, si tour guide na din nag asikaso ng boat namen going to pandan island.  Kaya ko nasabi na racket ng tour guide unang rental na pinuntahan namen kase pag dating ng port madami pa rental ng shoe gear and snorkeling gear, shoe gear dito 100 lang, pero di ko nakita ang quality ng shoe gear, mas mura ng 50 bucks. Going to pandan island dala na ni tour guide mga food namen pang picnic  (included sa package). Ang ganda sa pandan island. Pag dating dito si tour guide na nag asikaso ng picnic area namen, may massage area din dito sa mga gusto mag pa massage along the beach. Ang linis ng beach tapos kahit wala ka pa bread may mga lumalapit na sayo na fish. May area lang kung san pede mag snorkeling dito. 2 times nga ako nakagat ng fish, napagkamalan ata bread ang legs ko hehe. Pasaway moment ko dito, nakakita ako ng starfish, as in ang lake! Mas malaki pa sa kamay ko tapos color orange sya. Akala ko fake ang starfish na nakita ko. Edi kinuha ko dinala ko sa cottage namen.  Sinita ako ng tour guide namen “ ma’am totoo po yan ibalik nyo sa dagat! Kase after 5 minutes mamatay ang star fish! Sabi ayoko ibalik uwi ko na lang! pasaway lang talaga! Kase naman ang tigas ng starfish muka talagang ornament lang! pag nakita daw ako sa airport na may dala star fish ma charge ako ng 20k! so binalik ko na kagad! Sa beach area sa harap ng nipa hut namen bawal mag swim kase mabato, pero pumunta pa din kame kase ang daming baby starfish! Kakatuwa pag nilagay mo sa kamay mo naglalakad talaga sila! Mga boatman namen galling na mga photographer, ang daming post mga tinuturo samen para mukhang inside the shell ka, meron din may dala ka malaking beer! Ang kulet lang  ng mga pix namen kaya binigyan na lang namen tip mga boatman. May mga crabs, clams and buko juice din na nag lalako. Our group bought 2 kilos of crabs, 500 bucks. Hindi masyado malaman mga crabs na nabili namen. Fresh buko juice 25 each. Lunch was served, bbq liempo, fish, veggies, squid. Lahat inihaw, sad to say na over cook squid namen, makunat na ang squid. After lunch dapat next stop namen is snake island, pero sarado ang snake island ngayon. Ginawa daw research center kaya bawal daw pumunta. Next stop is pambato reef. May floating raft kayo pupuntahan. Sandal lang daw kame dito mga 30 minutes lang. tip lang isuot ng fit ang mga lifevest para hindi mahirap mag swim. Bawal dito magpakain ng fish. Mag snorkel kayo dito, pasama kayo sa boatman nyo para sila maghila sa inyo habang nag snorkel kayo. Ingat lang at baka matapakan nyo mga corals kase malalaki talaga. Di ko masyado na enjoy dito kase medyo makulimlim nung nandito kame sa pambato reef. Di malinaw mga makikita mo sa baba. Going back to port na kame, 15-20 minutes din. Mga kasama namen may flight na sila pabalik ng manila ng 5pm kaya dito na sila naligo. Ang problema mahina ang tubig sa port for shower kaya hindi rin sila nakaligo. Kaya ang van na sinakyan namen pinatungan na lang ng plastic mga seats kase basa kame lahat. Sa hotel na lang kame naligo lahat.

That night gusto sana namen mag dinner sa kalui, pero sarado ang kalui pag Sunday. So nagorder na lang kame sa Marianne. And take note sa menu ng Marianne last call of order pag dinner ay 6pm, kase bibilhin pa nila sa palengke ang order nyo. We ordered sinigang na hipon, hindi masyado maasim pero ang sarap talaga ng seafood dito sa Palawan! Fresh na fresh. After dinner gusto namen mag simba ng cousin ko that night, punta kame sa cathedral, pamasahe 10/pax. Last mass na nila ang 7pm hindi na kame umabot and nag pray na lang kme….

Corny kase ng pinsan ko gusto ko sana gumimik on our last night kaso ayaw naman nya… sa mga gusto gumimik ask na lang kayo kung san pwede kase hindi ko lam san ang night life dito kung meron man… our flight is next day pa kaya nakapahinga kame mabuti bago bumalik ng manila
Hay ang saya sa Palawan hindi lang puro dagat Makita mo… may animals, may food na masasarap, may natures wonder… mababait din mga tao… marerelax ka talaga…

Thank you sa mga fellow gts madami talaga ko nakuha na tips dito, kaya eto nagshashare din ako para makatulong…

Karamihan pala ng kasama namen nakuha deal nila sa metrodeal, and kwento kwentuhan namen during our trip gulat sila sa package na nakuha namen. 4d/3n with tours na kase (underground, city tour and Honda bay). Sa metrodeal airfare, 3d/2n with underground tour lang. sila pa nag asikaso ng iba nila pupuntahan.

Mga 8.5k nagastos namen each ng pinsan ko
Airfare, packaged tour in Marianne, firefly watching, food, fare.
Di pa kasama sa 8.5k pasalubong kayo na lang bahala magbudget dito.
Sa mga pupunta sa Puerto princessa ma enjoy nyo talaga dito! Ang ganda talaga dito sa pilipinas!!! ;)

~tiArA~

  • Guest
Re: Puerto Prinsesa, Palawan thread 16
« Reply #305 on: March 20, 2012, 10:31:29 am »
mga sisses wag kayo magworry sa news na lumabas tungkol sa explosion, yung sumabog sa sabang wharf eh may isang mangingisda na pasaway, iniwanan yung dynamite na gagamitin sana nya sa pangingisda, nakita siguro na madaming bantay kaya ayun iniwan na lang kung saan yung dinamita nya, yun ang sumabog. hindi naman malakas ang pagsabog, mabuti na lang din at walang nasaktan. naglagay na din ng dagdag na security sa sabang in case may mga magtangka pa magdala ng kung anuman na pwede sumabog.

itcha123

  • Guest
Re: Puerto Prinsesa, Palawan thread 16
« Reply #306 on: March 20, 2012, 10:38:13 am »
thanks sa reply mga sisses, at least we know na we can relax and enjoy the beauty of PP, will be staying at Ysabelle Mansion.  sad nga lang di kasama si hubby huhuhu, bonding time naming magkakapatid yess, wala bantay hahahaha.

pinklilac

  • Guest
Re: Puerto Prinsesa, Palawan thread 16
« Reply #307 on: March 20, 2012, 10:44:15 am »
sis charmed_gal.thanks ulit for sharing. sipag mong magsulat hehe..

Sis tiara, buti naman at safe pa rin sa PP. see u soon ;)



sis itcha123 kelan punta mo PP? ysabelle din kame mag stay. sa 28th punta namin







babybubot

  • Guest
Re: Puerto Prinsesa, Palawan thread 16
« Reply #308 on: March 20, 2012, 11:01:21 am »
^^ good news yan, see you in 4 days sis TIARA :)
 weeh may underwater cam na kami gagamitin, sana maganda ang weather sa palawan at dito sa manila kasi paulan-ulan.

itcha123

  • Guest
Re: Puerto Prinsesa, Palawan thread 16
« Reply #309 on: March 20, 2012, 11:53:24 am »
sis pinklilac from March 22-24, kami sa PP. sayang di pala [textspeak!] mag meet... hope we can enjoy the beauty of Palawan. :)

charmed_gal

  • Guest
Re: Puerto Prinsesa, Palawan thread 16
« Reply #310 on: March 20, 2012, 11:57:29 am »
nakaleave pa ko today kaya may tyaga pa  magtype. sensya sa mahabang kwento ko 😝

~tiArA~

  • Guest
Re: Puerto Prinsesa, Palawan thread 16
« Reply #311 on: March 21, 2012, 11:19:19 am »
thanks din sis khymmm :-) balik kayo sa Palawan ha, visit el nido mageenjoy din kayo sobra

update lang mga sisses, fully book na ang Underground river hanggang April 22, 2012. paalala lang paulit ulit hehe magpa-book ng maaga para hindi madismaya at hindi masayang ang punta niyo sa Palawan

cristyles

  • Guest
Re: Puerto Prinsesa, Palawan thread 16
« Reply #312 on: March 21, 2012, 08:09:20 pm »
@Sis Tiara- Ang bilis ng mapuno ng UG tour, sis tiara i did text you after you've send me your number.

Naku pasaway pala talaga yung fisherman na sumabog ang dynamite near the UG.

@Sis charmed_gal - naku naexcite tuloy ako pumunta ng PP, sa april 30 na flight namin :D .

mac_cris22

  • Guest
Re: Puerto Prinsesa, Palawan thread 16
« Reply #313 on: March 22, 2012, 01:51:51 am »
hi sisses! any recommendations on hotels/inns with pools na affordable naman ang rate? thanks!

Sis, try niko's cabanas :)

purple_girl

  • Guest
Re: Puerto Prinsesa, Palawan thread 16
« Reply #314 on: March 22, 2012, 02:15:31 am »
^thanks sis!

babytalk83

  • Guest
Re: Puerto Prinsesa, Palawan thread 16
« Reply #315 on: March 22, 2012, 10:24:47 am »
had a wonderful 5-day vacay in PP. we stayed in sunlight guest hotel. super friendly ng staff and they will always greet you pag nakikita ka nila. their breakfast buffet is super sulit and complete. walking distance din sya sa palengke.

resto review:

ka lui - we ordered their set meal which includes 2 prawns, fish roll in coco cream, pakbet, grilled tuna, lato and 2 cups of rice. sobrang nagustuhan ko yung fish roll nila kasi malasa at malapot yung gata. fresh yung grilled tuna at yung pakbet nila masarap din, not the usual luto ng pakbet dito sa manila. we had additional order na fish cordon bleu which was equally delicious tsaka guyabano shake & iced tea. overall satisfied ako at syempre plus points ang ambience. we ate here ng lunch kaya na-appreciate ko yung lugar. i'll give them a 9 rating :)

balinsasayaw - we ordered 1/2 bird's nest, salted rice platter, sweet & sour fish, balinsasayaw express. nothing special sa bird's nest, parang knorr soup lang. i liked their salted rice platter parang combination ng salted fried rice & yangchow ng north park. take note lang, this serving is super huge kaya kung dalawa kayo pwede nyo orderin yung half. kasi dito sa manila nauubos nameng  dalawa yung mga yangchow serving pero sa balinsasayaw madami talaga. ok din yung sweet & sour fish kasi medyo madami yung fish fillet na kasama. i liked their balinsasayaw express. gata siya na sweet & spicy. my fiance loved their green mango shake. sa kanila yata ang cheapest shake for P49/glass. kasi sa ka lui P65 yata tapos sa kinabuch P75 yata. ok din yung place very native ang dating. i'll give them an 8 rating kasi medyo matagal dumating ang food.

kinabuch - sa lahat ng nakainan namen sila yung pinakamabilis na nagserve ng food. we ordered croc adobado, sizzling seafood sisig, shanghai rice, iced tea slush and pineapple-banana shake. first time ko kumain ng crocodile meat and for me it just tasted like pork. sabi depende daw sa pagkakaluto yun. the seafood sisig was ok for me but sabi ni fiance malansa daw ang pagkaluto. medyo sensitive ang panlasa nya sa seafood kasi. shanghai rice was so-so lang. for me, di sya bagay sa naorder nameng mga ulam. hehe...i'll give them a 7.5 kahit mabilis ang service, nothing special sa kinain namen

tiki bar - walang tamilok sa kinabuch so nagpunta kami dito. sabi kasi ni sis tiara meron din sila. pagpasok mo super assist sila sayo papuntang table, pero pag-oorder ka na, wala kang matawag. pano lahat sila naka-abang sa entrance. their food is much expensive kasi yung tamilok sa kinabuch P135 pero sa tiki bar P150. mas mukha tong bar talaga kesa sa kinabuch kaya di ko sya nagustuhan. ayoko kasi ng maingay at madilim. hehe...nagtake-out lang kami ng tamilok kaya di ko alam ano lasa ng food nila but i wont eat here kasi nga di ko gusto ang ambience. for that, 5 lang rating ko

badjao seafront - kung hanap nyo ay friendly people, don't eat here. we came here lunch time and we we're asked kung may reservation kami, i said no kasi wala naman talaga. ang alam ko lang sa ka lui nagpaparserve. so sabi dun daw kami sa pinakadulo kahit half lang ng resto ang occupied. wala na silang available table for small group so we tried na ihiwalay yung table. nilapitan kami ng isang waiter asking again if we have a reservation and i said "wala" tapos sabi nya saglit lang daw. we we're just standing kasi may isang group na feeling namen matatapos na kumain. yung kalbo na cashier/manager lumapit at binigyan kami ng table for 2, sabi ko 3 kami kasama yung driver ng van. sabi ko order muna kami while waiting for the other group na matapos sabi nya matagal pa daw kasi may dessert pa sila so he just took my orders and left. another waiter came to us and transferred us to a bigger table at nagstart na sila magserve ng food. we ordered their seafood platter, molo soup, camaron rebosado, yangchow and shake. yung seafood platter nila may 3 tig-kalahating crabs, 1 grilled squid, 1 grilled fish, lato, small eggplant salad and a few small shrimps which was priced at P595. ang mahal nya for me considering mura lang ang seafood sa palawan tsaka grilled and steamed lang ang luto. camaron rebosado nila was fried lang like tempura with vinegar dip. yangchow was ok lang. take note, lahat ng nagserve ng food nakasimagot. if you are to ask me, i will only go back here coz of the place itself. but in terms of customer service and price of their meals, i'll say NO. for that, 4 lang ang rating ko sa kanila.

skybox - we ordered their ultimate nachos, classic 1/2 pound burger, strawberry milkshake and iced tea. we both loved their nachos. masarap din naman yung burgers nila pero medyo mahal for me. P195 yung classic half pounder nila with fries. medyo matagal ang service nila. i'll give them a 7.
« Last Edit: March 22, 2012, 10:29:44 am by babytalk83 »

babytalk83

  • Guest
Re: Puerto Prinsesa, Palawan thread 16
« Reply #316 on: March 22, 2012, 10:46:26 am »
pasalubong:

tiangge-tiangge - nakabili ako dito ng pearl earrings na 3 for P10. mga pangpasalubong lang naman so pwede na yun ;) i bought shirts (P85-P100) and bracelets na tig-P10. yung ibang items nila may discount na pagdating sa cashier

palengke - dito kami nakabili ng madami talaga. fried cashew kay lola aldana priced at P310/k. yung roasted cashew was P520 yata, ang mahal kaya di kami bumili. sa bandang dulo nakabili kami ng danggit (not the boneless) for P180/k, tuyo P100/k, chicharong pusit P400/k, labahita P150/k, dulong na dilis P100/pack

chinese empanda - walking distance to sa palengke malapit sa baguio ukay-ukay. P20/piece, i bought 1 box for P300/15pcs. i tried their pork adobo, chicken, tsaka ham & cheese. it's not the usual empanada na may gulay sa loob. kung ano yung flavor yun lang ang laman. mabigat sa tiyan yung tinapay mismo kasi makapal sya and medyo malagkit. masarap pag bagong luto

and the rest of our pasalubong nabili ko na sa bakers hill like hopia and crinkles.


karli_girl

  • Guest
Re: Puerto Prinsesa, Palawan thread 16
« Reply #317 on: March 22, 2012, 10:53:21 am »
Going here on july with my family c/o pal miles :)

che_21

  • Guest
Re: Puerto Prinsesa, Palawan thread 16
« Reply #318 on: March 22, 2012, 05:41:56 pm »
thanks din sis khymmm :-) balik kayo sa Palawan ha, visit el nido mageenjoy din kayo sobra

update lang mga sisses, fully book na ang Underground river hanggang April 22, 2012. paalala lang paulit ulit hehe magpa-book ng maaga para hindi madismaya at hindi masayang ang punta niyo sa Palawan

sis tiara tanung kolang panu ba kami makakapagpareserve sa underground river bali sa  april 24 ang dating namin

cristyles

  • Guest
Re: Puerto Prinsesa, Palawan thread 16
« Reply #319 on: March 22, 2012, 07:48:01 pm »
Oh my! naka receive ako ng email na fully book na ang Marianne Home Inn  :( . My world is shattered. I have no other options na pag stastayan namin ni Fiance. Sisses ano pa ba yung magandang mapag stastayan para sa amin na affordable like Marianne Home Inn? na something cozy at malalapit sa food trips at super maasikaso na staffs  :)

 

Latest Stories

Load More Stories
Close