Day 3
Honda bay island hopping
Pick up time namen 7am, as usual breakfast included sa Marianne inn, they served porkchop, egg and tocino. Mas masarap porkchop ko today compared nung lunch ko sa first day, sarap ng marinade! 6pax kame sinundo sa Marianne ng van, then we pick up 2pax sa A&A hotel, another 2 pax sa casa fuerte, medyo matagal couple na sinundo namen sa Casa fuerte kaya nasilip namen casa fuerte. Maganda din sa casa fuerte, you can have your meal outside your room, tapos open door nipa hut ang set up nila ng dining area outside. Going to Honda bay, may tinigilan kame na rental ng shoe gear and snorkeling gear. Shoe gear is 150, snorkeling is 100 ang rental. Dito na rin kme bumili ng bread para pakain sa fish. May mga underwater cam case din sila di ko lang sure how much ang rental. Feeling ko racket ito ng mga tour guide and may kita sila dito sa rental place na ito. Malapit lang ang port going to Honda bay, from Marianne mga 45 minutes lang. pag dating namen sa port, si tour guide na din nag asikaso ng boat namen going to pandan island. Kaya ko nasabi na racket ng tour guide unang rental na pinuntahan namen kase pag dating ng port madami pa rental ng shoe gear and snorkeling gear, shoe gear dito 100 lang, pero di ko nakita ang quality ng shoe gear, mas mura ng 50 bucks. Going to pandan island dala na ni tour guide mga food namen pang picnic (included sa package). Ang ganda sa pandan island. Pag dating dito si tour guide na nag asikaso ng picnic area namen, may massage area din dito sa mga gusto mag pa massage along the beach. Ang linis ng beach tapos kahit wala ka pa bread may mga lumalapit na sayo na fish. May area lang kung san pede mag snorkeling dito. 2 times nga ako nakagat ng fish, napagkamalan ata bread ang legs ko hehe. Pasaway moment ko dito, nakakita ako ng starfish, as in ang lake! Mas malaki pa sa kamay ko tapos color orange sya. Akala ko fake ang starfish na nakita ko. Edi kinuha ko dinala ko sa cottage namen. Sinita ako ng tour guide namen “ ma’am totoo po yan ibalik nyo sa dagat! Kase after 5 minutes mamatay ang star fish! Sabi ayoko ibalik uwi ko na lang! pasaway lang talaga! Kase naman ang tigas ng starfish muka talagang ornament lang! pag nakita daw ako sa airport na may dala star fish ma charge ako ng 20k! so binalik ko na kagad! Sa beach area sa harap ng nipa hut namen bawal mag swim kase mabato, pero pumunta pa din kame kase ang daming baby starfish! Kakatuwa pag nilagay mo sa kamay mo naglalakad talaga sila! Mga boatman namen galling na mga photographer, ang daming post mga tinuturo samen para mukhang inside the shell ka, meron din may dala ka malaking beer! Ang kulet lang ng mga pix namen kaya binigyan na lang namen tip mga boatman. May mga crabs, clams and buko juice din na nag lalako. Our group bought 2 kilos of crabs, 500 bucks. Hindi masyado malaman mga crabs na nabili namen. Fresh buko juice 25 each. Lunch was served, bbq liempo, fish, veggies, squid. Lahat inihaw, sad to say na over cook squid namen, makunat na ang squid. After lunch dapat next stop namen is snake island, pero sarado ang snake island ngayon. Ginawa daw research center kaya bawal daw pumunta. Next stop is pambato reef. May floating raft kayo pupuntahan. Sandal lang daw kame dito mga 30 minutes lang. tip lang isuot ng fit ang mga lifevest para hindi mahirap mag swim. Bawal dito magpakain ng fish. Mag snorkel kayo dito, pasama kayo sa boatman nyo para sila maghila sa inyo habang nag snorkel kayo. Ingat lang at baka matapakan nyo mga corals kase malalaki talaga. Di ko masyado na enjoy dito kase medyo makulimlim nung nandito kame sa pambato reef. Di malinaw mga makikita mo sa baba. Going back to port na kame, 15-20 minutes din. Mga kasama namen may flight na sila pabalik ng manila ng 5pm kaya dito na sila naligo. Ang problema mahina ang tubig sa port for shower kaya hindi rin sila nakaligo. Kaya ang van na sinakyan namen pinatungan na lang ng plastic mga seats kase basa kame lahat. Sa hotel na lang kame naligo lahat.
That night gusto sana namen mag dinner sa kalui, pero sarado ang kalui pag Sunday. So nagorder na lang kame sa Marianne. And take note sa menu ng Marianne last call of order pag dinner ay 6pm, kase bibilhin pa nila sa palengke ang order nyo. We ordered sinigang na hipon, hindi masyado maasim pero ang sarap talaga ng seafood dito sa Palawan! Fresh na fresh. After dinner gusto namen mag simba ng cousin ko that night, punta kame sa cathedral, pamasahe 10/pax. Last mass na nila ang 7pm hindi na kame umabot and nag pray na lang kme….
Corny kase ng pinsan ko gusto ko sana gumimik on our last night kaso ayaw naman nya… sa mga gusto gumimik ask na lang kayo kung san pwede kase hindi ko lam san ang night life dito kung meron man… our flight is next day pa kaya nakapahinga kame mabuti bago bumalik ng manila
Hay ang saya sa Palawan hindi lang puro dagat Makita mo… may animals, may food na masasarap, may natures wonder… mababait din mga tao… marerelax ka talaga…
Thank you sa mga fellow gts madami talaga ko nakuha na tips dito, kaya eto nagshashare din ako para makatulong…
Karamihan pala ng kasama namen nakuha deal nila sa metrodeal, and kwento kwentuhan namen during our trip gulat sila sa package na nakuha namen. 4d/3n with tours na kase (underground, city tour and Honda bay). Sa metrodeal airfare, 3d/2n with underground tour lang. sila pa nag asikaso ng iba nila pupuntahan.
Mga 8.5k nagastos namen each ng pinsan ko
Airfare, packaged tour in Marianne, firefly watching, food, fare.
Di pa kasama sa 8.5k pasalubong kayo na lang bahala magbudget dito.
Sa mga pupunta sa Puerto princessa ma enjoy nyo talaga dito! Ang ganda talaga dito sa pilipinas!!!
