watch now

Author Topic: Puerto Prinsesa, Palawan thread 16  (Read 107980 times)

pinklilac

  • Guest
Re: Puerto Prinsesa, Palawan thread 16
« Reply #160 on: March 02, 2012, 02:10:27 pm »
^ sis.online ka ba nagpa book?

AlwaysFresh

  • Guest
Re: Puerto Prinsesa, Palawan thread 16
« Reply #161 on: March 02, 2012, 03:23:43 pm »
Hello! Has anyone stayed at Flower Island? I saw their site while looking for resorts in Palawan.
This is their site: http://www.flowerisland-resort.com/index.php

Just wanted to know if it's a good place to stay:D

huit

  • Guest
Re: Puerto Prinsesa, Palawan thread 16
« Reply #162 on: March 02, 2012, 03:29:30 pm »
sis parehong maganda ang room nila based sa mga pictures na nakita ko, ang catch kasi sa marianne inn nasa town proper and may breakfast na while ang gohotel cheaper ang rate.

Di ko kase lam if san okay mag stay dahil literal na overnight lang kame. mga late afternoon na dating namin from El Nido tapos ang flight back to Manila namin is 1:00 PM so iniisip ko ano mas worth it considering yung time na pag stay lang namin. =/ Ano mas malapit sa airport?

yikee

  • Guest
Re: Puerto Prinsesa, Palawan thread 16
« Reply #163 on: March 02, 2012, 04:14:28 pm »
^^^ yes sis, online booking  ;)

pinklilac

  • Guest
Re: Puerto Prinsesa, Palawan thread 16
« Reply #164 on: March 02, 2012, 04:39:04 pm »
^thanks sa reply sis.. i tried online pero nasa 800 plus yung rate na nag appear kayadi ko tinuloy. how did u get the 388?

pinklilac

  • Guest
Re: Puerto Prinsesa, Palawan thread 16
« Reply #165 on: March 02, 2012, 04:43:13 pm »
Hello! Has anyone stayed at Flower Island? I saw their site while looking for resorts in Palawan.
This is their site: http://www.flowerisland-resort.com/index.php

Just wanted to know if it's a good place to stay:D

OMG! ang ganda ng resort!! mukha lang mahal  :(

a_recruitment

  • Guest
Re: Puerto Prinsesa, Palawan thread 16
« Reply #166 on: March 02, 2012, 05:20:17 pm »
sis sa gohotel din kami mag stay, san ba may malapit na kainan para makapagbreakfast sa area?

nung papunta kami for dinner sa kinabuchs from goHotel may nakita ako na parang tapsi place pero need pa din mag-trike papunta dun. kami kasi di na nag-breakfast, may baon lang kaming snacks tapos on the way papuntang UR may stopover naman na tindahan, bili lang kami ng chips & mga bread.  :)

kami din naka book sa go hotel pero for June pa naman.. 388++ per night lang. mga ilang minutes papuntang kinabuchs ang go hotel mga sis? tia

same with kalui, around 20mins. singil sa amin ng trike Php 60 one way pero dahil nagpahintay na kami nagbayad kami ng 200  :)

babybubot

  • Guest
Re: Puerto Prinsesa, Palawan thread 16
« Reply #167 on: March 02, 2012, 07:34:57 pm »
^ah ok tapsihan pwede na kay hubby yun hehe basta wag lang gutom. Nakapagtry ka ng mangrove paddle boat sis?

yikee

  • Guest
Re: Puerto Prinsesa, Palawan thread 16
« Reply #168 on: March 02, 2012, 10:19:01 pm »
sis pinklilac parang kagaya kase ng pag nagbu-book ng flight sa cebupac, pag medyo maaga ka nakapag book, maaabutan mo yung murang base fare.. parang ganon din sa gohotel.. mga 2nd week of Feb ko ata na-book yun non, so that time open pa yung 388 na bracket.. sayang nga e, di ko pa inabot yung 88 ata yun or 188 na rate nila..  :)

^^ sis thank you, note ko na yung fare sa trike.. dati kase sa balai inato kami e, malapit lang sa kinabuchs at ka lui

pinklilac

  • Guest
Re: Puerto Prinsesa, Palawan thread 16
« Reply #169 on: March 02, 2012, 11:05:00 pm »
^thanks sis..will try ulit

aipaguio

  • Guest
Re: Puerto Prinsesa, Palawan thread 16
« Reply #170 on: March 03, 2012, 11:26:06 am »
mga sisses fullybook ang underground river ng april 13 and 14, baka meron sa inyo papunta dito ng ganyang date, mahirap makapasok sa UGR at fullybook na
Naku! Bakit naman ganyan ang UGR? Ang layo pa e fully booked na agad! Kailangan na magpabook!

~tiArA~

  • Guest
Re: Puerto Prinsesa, Palawan thread 16
« Reply #171 on: March 03, 2012, 06:03:32 pm »
naku sis aipaguio bugso kasi ang mga turista ngayon, nakakangarag talaga lalo na kung hindi early booking nakakaawa hindi makapasok sa UGR at wala ng available slot

lakwatsa

  • Guest
Re: Puerto Prinsesa, Palawan thread 16
« Reply #172 on: March 04, 2012, 12:57:32 am »
just got back from PPS! thank you sis Tiara sa pag arrange ng tours at sa sobrang sarap na buttered shrimps! Winner talaga! :D

para sa mga sis na pupunta, here are some tips:
1. Robinson's will have a soft opening daw in May. kapitbahay lang ni gohotel si robinsons :)

2. para sa magpupunta at magsstay sa gohotel in the coming days, wag kayo bibili ng coffee/noodles dun sa lobby ng gohotel. ang mahal, presyong eroplano. 50 pesos yun cup noodles at 50 pesos yun 3 in 1 na coffee! nitry kasi namin one time. di na rin kasi kami nakapunta dun sa Elmer's Pares Plaza dahil palaging late kami nagigising hehe. pwede naman magpadeliver na lang kayo sa Jollibee kaso nga lang dun kayo sa labas/lobby/designated areas kakain kasi bawal kumain sa loob ng room. :)

3. mahal yun charge nun mga trike na nag aabang dun sa gohotel. 60 pesos going to bayan. lakad na lang kayo ng konti dun sa highway at magpara na lang kayo from there. 50 pesos na lang dun. kaninang umaga nun papunta kami ng market, since ambilis ni kuya guard mag assist at tumawag ng nag aabang na trike, so sige sumakay na kami dun papunta ng palengke since alam naman namin na 60 yun rate nila. pagdating sa jollibee palengke, inabot ko 100, abang ako ng sukli. aba sabi ba naman ng driver 100 daw ang charge nila dun. syempre umangal kami dahil alam namin na 60 lang tapos sa highway e 50 lang. ayun sinuklian nya ako.

may isang beses din na pupunta kami ng kalui so nag abang kami sa highway at di kami sumakay dun sa mga nag aabang sa labas ng gohotel. nakita ko yun isang trike lumabas sya at pumunta sa min so tinanong namin magkano. 60 daw. sabi namin 50 lang. aba ayaw pumayag. e di wag. bumalik sya dun sa gohotel na pila nya. tapos nun yun next na trike na napara namin ayun 50 lang hehe.

first time namin sumakay ng trike from the highway nagtanong kami magkano going to badjao seafront. yun unang napara namin kami pa ang tinanong magkano daw binibigay namin. syempre sabi namin wala kami idea. so sya nagpresyo. 100 daw drop off rate. 250 pag nagpahintay. wow ang mahal. sabi ni ate sa gohotel 50 lang drop off e. so yun ang basis ko. then may nabasa ako 150 w/ waiting time. yun next na napara namin, ewan kung weird sa math si kuya. 100 daw pag nagpahintay. sa kanya kami sumakay. after namin kumain sa gohotel nawawala si kuya, naghatid pala ng ibang pasahero. anyway, binigyan ko sya ng 150 instead 100 kasi kahit ako nalayuan sa distansya ng gohotel to badjao hehe.

4. seafood sa palengke - may stall dun na tomboy yun mga nagbebenta. sungit ni ate/kuya dun. nagtanong una tito ko ng lapu lapu na maliit kasi nakita nya kakarating lang tapos sinosort pa lang. 120 daw. e nagikot ikot pa sya kasi inuna nya hanapin yun pusit at saka kasi nagssort pa naman si ate/kuya dun.  tapos nun bumalik sya para bumili, aba 140 na daw. nun tinanong ni tito bakit kanina 120 lang. sagot ba naman. "kanina yun. ngayon 140 na!" with matching kasungitan hehe. labo. syempre di na kami bumili sa kanya. :D

medyo mahal din ang crabs ngayon. 300/kilo. even yun cashew mahal din. 440/kl ng fried. yan na yun pinakamurang natanong ko. yun roasted naman sa iba ako nakabili 580/kl.

5. kung sakaling group kayo sa isang booking tapos yun iba sa inyo e walang check in. tapos nagkataon nag enjoy kayo sa pamimili at mukhang mae-excess baggage na, pwede nyo itawag sa cebpac yun baggage reinstatement at least 4hrs before the flight. yun 15kgs reinstatement fee e 168 lang. pag kasi sa mismong check in counter ka na nagpalagay e 400+ na yun babayaran mo.

6. gohotel experience - ok naman sa gohotel. malinis yun room at masarap maligo sa shower nila haha! nagulat ako nun una sabi ko para san yun button e wala naman gripo hehe.

ang ayaw ko lang sa kanila e di pa masyado ma-alam yun mga naka duty sa counter. ni hindi nila alam na nag avail ako ng transfers. hindi yata nila nino-note dun sa record nila. weird!

ang nilagay kong comment for improvement nila e sana magkaron sila ng option for early check in especially sa senior citizens na guests nila. nainis kasi ako nun first day namin. kami lang ang naghihintay dun sa lobby. tapos tinanong ko kung pwede ba nila icheck baka ready na kahit isa sa dalawang rooms na binook ko para makapahinga na yun mga SC na kasama ko. puro rehearsed ang sagot na 2pm pa daw check in. sabi ko nga e bakit yun kasabay namin sa shuttle kanina nakapag check in na. tanungin ba daw ako anong name nun. malay ko kako basta nakita ko galing na sila sa taas so ibig sabihin may rooms na sila. tapos sumagot pa yun isa dun sa counter. may pa according to palawan association etc etc 2pm daw check in at yun ang sinusunod nila. tapos kesyo konti daw manpower nila at inuuna nila yun mga group bookings. dun ako nainis. sinagot ko nga. sabi ko alam ko naman na 2pm. ang sa akin lang nagtatanong lang ako at nakikiusap na baka pwede nyo icheck man lang kung may kahit isang room na available na para kahit pano yun mga matatandang kasama ko e makapahinga na since kami lang yun naghihintay dun. parang consideration lang. ayun, dun lang nila nicheck. 1:30pm nakacheck in kami.

7. souvenirs - sa Cora's na nga yata talaga pinakamura. kahit yun mga tshirt 85-90 pesos lang dun. nagkamali kami kasi napabili kami dun sa may stopover going to UR. 150 dun. laki ng difference. hehe.

ayan na muna for now. ang haba na nung post ko e. :D

babybubot

  • Guest
Re: Puerto Prinsesa, Palawan thread 16
« Reply #173 on: March 04, 2012, 01:30:17 am »
sis Lakwatsa super like ko tong post mo, dami ko nakuhang tips since gohotel din ang pag stay-an namin. Kakalungkot lang na may mga trike driver din na nagsasamantala. Buti pala sakto lang yung dating namin para makapag check-in sa hotel iwas sa pag-aantay.

pinklilac

  • Guest
Re: Puerto Prinsesa, Palawan thread 16
« Reply #174 on: March 04, 2012, 09:09:46 am »
sis babybubot, sis lakwatsa pala..hehhee nag enjoy ako basahin yung post mo. hmmp kaasar naman mga mapagsamantalang trike drivers na yan. eh ayaw ko pa naman kapal muks ;D ;D
dami ko nabasang good reviews tungkol sa mga tao sa PP na kesyo mababait at fair pag dating sa presyohan. sana naman ay hindi masira ng mga iilang tao lang.
buti nalang  ganda feedbacks kay sis tiara..

grabe naman si kuya/ate na yun..LOL 


sis babybubot
« Last Edit: March 04, 2012, 12:00:51 pm by pinklilac »

aipaguio

  • Guest
Re: Puerto Prinsesa, Palawan thread 16
« Reply #175 on: March 04, 2012, 09:27:57 am »
Sis lakwatsa, super helpful nga nitong post mo! Sa go hotel din kasi kami magstay at may kasama din akong senior at bata. Goodluck naman sakin di ba?! Ang mahal din pala ng crabs ngayon sa PP kapresyo na halos dito sa manila. Gusto ko pa naman sana bumili nga madami! Hehe!

lakwatsa

  • Guest
Re: Puerto Prinsesa, Palawan thread 16
« Reply #176 on: March 04, 2012, 10:22:37 am »
welcome mga sis! oo kainis nga minsan yun mga trike drivers pero hindi naman lahat. meron naman mga alam mong honest talaga. meron pa nga nagcharge lang sa min 12pesos each hanggang gohotel e. pero 50 na rin binigay ko. pero karamihan nga e kung alam na turista ka, talagang mag ooverprice sila. kaya before kayo sumakay, dapat agree muna sa presyo. :)

sis aipaguio, oo nga e. dati nakabili kami 240 lang tapos puro babae. mga natira lang sa mga ineexport nila. ngayon wala e. ang konti ng nagtitinda tapos 250-300 nga. lalaki at bading lang. kahit yun tiger prawns medyo mahal 600 daw natawaran namin 550. actually sa SM 495 lang hehe. pero habol na lang e yun freshness :D

sa lapu lapu naman 250 ang kuha namin per kilo. eto yun mga tipong isang piraso e halos half hilo na agad. pag yun maliliit, 120-140 per kilo yun.

sis babybubot, ayos yan kung sakto kayo sa check in time. at least di maiinip yun yung once na kasama mo hehe. yun sa min nga ok lang naman talaga maghintay til 2pm. kundi ko lang talaga nakita yun kasabay namin sa shuttle na galing sa taas e di ako magtatanong sa kanila kung talaga bang hindi pa pwede mag check in. nun sabay sabay kasi kami dumating sa gohotel at kinakausap ko yun staff about sa baggage na ipapatabi ko, sila yun nagtanong about early check in so natandaan ko sila. actually on the spot lang din sila nag avail ng transfer at room. kami itong nakabook ng parehong room at transfers in advance (at may welcome sign dun sa airport) tapos feeling ko kami pa na low priority. hehe

angel_kulit

  • Guest
Re: Puerto Prinsesa, Palawan thread 16
« Reply #177 on: March 04, 2012, 02:20:06 pm »
hello baka meron kami makakasabay dito mar8-12. mar8-10 el nido kami then mar 11-12 pps naman. nag-back out kasi 2 namin kasama eh nagpareserve na ako ng van.

jhandee

  • Guest
Re: Puerto Prinsesa, Palawan thread 16
« Reply #178 on: March 05, 2012, 08:39:52 am »
done with our 4D/3N tour in PP c/o sis Tiara, many thanks sis!
i am happy and satisfied sa puerto pension, mababait ang staff nila and malinis lagi ang room,
may napansin lang kami sa mga waiters ng mga restaurant na kinainan namin, we ate at Ka lui, Bilaot palayok and dun sa tribu restaurant ng puerto penson, hindi sila attentive sa mga customers nila, makikita mo sila nagkukwentuhan lang sa counter, you need to get their attention pa several times para lumapit sayo, yung sa puerto pension naman, 3 days kaming nagtitipid sa coffee without knowing na refillable pala coffee dun, ilang beses ako nag order ng extra loaf and fried rice, nakikita nila na wala ng laman yun cup, pero hindi man lang maging pro active sa guest kung gusto pa namin ng coffee, nung last day namin, manager ang nag serve , tapos nung wala ng coffee sinabi nung manager na bottomless ang coffee namin, nagulat kami, sabi ko 3 days na kami nag titipid ng coffee wala man lang nagsabi sa inyo na refillable pala, naasar talaga kami nun, kasi pareho kaming coffee addicts, sana try din nila mag smile  :D

Sa honda bay naman, halos isang island na lang din ang mapupuntahan which is Pandan, kasi ang pambato reef , its a platform na naka float, halfday kami dun, 7  kami na guest 2 foreigners, habang nag swimming kami, yung ibang mga guest na kasabay namin, nakikita namin na ina assist ng boatman nila, gina guide sila kung saan madaming fish, yung kasama namin nang hiram ng floater dun sa isang boatman , ang sabi sa kanya dapat daw sa boatman namin kami humiram, kasi trabaho daw nila yun, tamad daw boatman namin, kaya ayun sinundo namin yung boatman and natutulog dun sa sari sari store hehe pag serve ng lunch , 7 pcs ng chicken (thigh part), isang malaking fish at 5 pcs na ensaladang talong, tapos shrimps, hindi kami nakakain ng chicken kasi ubos na ,i was expecting nga na madami yung serving kasi madami kami tapos malalaki yung ibang kasama namin, kaso bitin,sa pambato reef naman 30 mins lang kami dito, ang lakas kasi ng alon and malakas din ang ulan kumikidlat pa kaya umahon na agad kami.


Sa UR naman 10:30am ang permit namin, 9am na nasa go hotels pa lang kami, kaya super bilis na ng van, nagreklamo nga yung 2 singaporean na may back pain, kasi sobrang bilis daw, since maaga daw ang permit dapat daw inagahan ang pick up, then sabi nung guide namin pag maaga daw kami na tapos sa UR, we can take some pictures along the way, kasi yung ibang tourist nakahinto sila sa isang view deck taking pictures, natapos kami sa UR ng 1pm,  1:30 nasa Sabang na kami, sabi nung guide 30 mins kayanin namin bilisan mag lunch kasi may 2 guest pa daw na ihahatid sa sakayan pa El Nido, tapos sabi nung isang kasama namin, gusto namin mang ugong rock and mangrove tour, sabi nung guide, pasensya na pero wala na daw oras, kaya ayun bitin na naman kami


Pinaka gusto kong guide si Darryl for city tour ang bait nya ang asikaso talaga nya kaming lahat kahit di kami magkakakilala, sa sobrang gusto sya ng mga guest every hatid sa hotel may tip sila ng driver , kasi nice talaga nila.

Pinaka nag enjoy kami sa Bay cruise, with seafood buffet and firefly watching, subliminal ang feeling pag pasok ng boat sa mangrove area then makikita mo yung fireflies, sobrang romantic din kasi ang daming stars that night and half moon pa, kaya ang ganda talaga, then yung dinner winner sya, isang family nag aasikaso sa inyo and hindi tinipid ang food, ikaw ang su surrender sa dami ng seafoods na hinanda nila, kaya highly recommended to, better than ihawig firefly daw to.

yung last day namin since wala na kami magawa gusto lang namin mag swimming nagpunta kami sa Pristine beach resort, its a public beach 20 pesos lang ang entrance mas mahal pa bayad namin sa tricycle, 200 pesos drop and pick up na yun, ang ganda ng beach nila considering na public yun, kaso dont expect na maganda ang cottage, kasi bamboo lang yun na parang nasisira na, kaya yung things namin sinabit na lang namin sa mangrove trees and swim na kami for 2 hrs, ,mas madami pa nga foreigners kesa locals na nag swim dun and safe sya, hindi malalim ang dagat.


malapit lang ang puerto pension sa palengke, 6am namalengke na kami, at wow talaga sa seafoods,yung crabs na nabili namin live crabs pa sya, 200 per kilo,at ang tataba nya, yung lapu lapu 200 per kilo din, yung shrimps, 180 per kilo kaya bumili kami ng 3 kilos.

5:30pm ang flight namin pabalik via airphil, hindi na kami mag book sa airlines na to, everytime na lang lagi delayed, imagine dumating ang plane ng 9pm, naka alis kami ng 9:30pm kasi may inaayos pa daw, dumating kami dito sa Manila ng 10:30pm. grabe ang hassle talaga, kung alam lang namin na ganun ka delayed ang flight, sana nag ikot pa kami, yung pinakain samin Jolibee 39ers, tapos di pa sila nag aanounce kung anong oras talaga ang dating ng plane. Buti na lang hindi nasira yung mga seafoods namin at buhay pa din yung crabs. ;D

overall happy parin kami kahit medyo may mga nangyari na nakaka dissappoint, next time mag El nido naman kami.

lakwatsa

  • Guest
Re: Puerto Prinsesa, Palawan thread 16
« Reply #179 on: March 05, 2012, 09:30:26 am »
^wow sis mukhang ok nga yun bay cruise ha. magkano bayad nun per pax? :D

ako rin hindi na bumaba sa pambato reef. nasa dulo kasi nag park yun boatman namin. ang haba ng lalakaran e maalon at mahangin nun. buti pa yun isang boat nakasingit dun sa may unahan :(

naku yun boatman din na natapat sa min sa HB di rin aktibo. medyo may edad na kasi. may isang kasamang binatilyo sya yun nag assist during swimming. pero di mo na rin mahagilap minsan hehe. kasi yun mga camera tricks nakikita ko yun ibang groups yun boatman nila yun aktibo sa ganun. then buti na lang aware ako sa ganung mga tricks dahil natutunan ko sa boatman namin dati sa el nido so ako na lang nag picture sa mga young once. tapos nakita ako nun isang boatman dun. nag volunteer sya para may pic din daw ako. tapos sabi nya nasan daw ba yun boatman namin dapat daw kasi boatman yun gumagawa nun. hehe.

ako naman nainis ako sa bilao't palayok. lahat na lang ng order namin wala. wala daw lobsters ok fine. tapos yun kinilaw na tanigue aba wala rin. guyabano shake wala rin (buti pa sa kalui meron). melon shake wala rin. tapos yun sa boodle feast wala din daw laing. palitan na lang daw ng lato. sabi ko ayaw namin nun dapat gulay din palit nila. pakbet na lang sana kung pwede. di daw pwede kasi daw mas mahal yun pakbet. sabi ko nga e di bawasan na lang yun serving. ayaw di daw talaga pwede. tapos grilled tuna na lang daw ipapalit. susme pagkanipis nipis ng hiwa ng grilled tuna. tapos ang tagal mag serve. kami unang unang customers tapos nauna pang maserve-an yun ibang bagong dating na guests! tapos di pa na-take note yun order kong mango shake ha. nagulat ako at nauna pa mabigyan yun sa kabilang table.

delayed din flight namin sa cebpac. na-tyempo lang siguro kayo sis. pero nun saturday, ang on time lang e zest air (nasa MIA kasi sila) pero next na dumating e APX tapos PAL at cebpac parehong delayed. due to airport congestion daw kasi yun. pero buti na lang mga 40mins lang kami nadelay at nauna pa kami maka take off kesa sa PAL.

swerte nyo sis nakatyempo kayo ng murang crabs. yun mga natanong kasi namin mahal yun malalaki.  :(

 

Latest Stories

Load More Stories
Close