done with our 4D/3N tour in PP c/o sis Tiara, many thanks sis!
i am happy and satisfied sa puerto pension, mababait ang staff nila and malinis lagi ang room,
may napansin lang kami sa mga waiters ng mga restaurant na kinainan namin, we ate at Ka lui, Bilaot palayok and dun sa tribu restaurant ng puerto penson, hindi sila attentive sa mga customers nila, makikita mo sila nagkukwentuhan lang sa counter, you need to get their attention pa several times para lumapit sayo, yung sa puerto pension naman, 3 days kaming nagtitipid sa coffee without knowing na refillable pala coffee dun, ilang beses ako nag order ng extra loaf and fried rice, nakikita nila na wala ng laman yun cup, pero hindi man lang maging pro active sa guest kung gusto pa namin ng coffee, nung last day namin, manager ang nag serve , tapos nung wala ng coffee sinabi nung manager na bottomless ang coffee namin, nagulat kami, sabi ko 3 days na kami nag titipid ng coffee wala man lang nagsabi sa inyo na refillable pala, naasar talaga kami nun, kasi pareho kaming coffee addicts, sana try din nila mag smile

Sa honda bay naman, halos isang island na lang din ang mapupuntahan which is Pandan, kasi ang pambato reef , its a platform na naka float, halfday kami dun, 7 kami na guest 2 foreigners, habang nag swimming kami, yung ibang mga guest na kasabay namin, nakikita namin na ina assist ng boatman nila, gina guide sila kung saan madaming fish, yung kasama namin nang hiram ng floater dun sa isang boatman , ang sabi sa kanya dapat daw sa boatman namin kami humiram, kasi trabaho daw nila yun, tamad daw boatman namin, kaya ayun sinundo namin yung boatman and natutulog dun sa sari sari store hehe pag serve ng lunch , 7 pcs ng chicken (thigh part), isang malaking fish at 5 pcs na ensaladang talong, tapos shrimps, hindi kami nakakain ng chicken kasi ubos na ,i was expecting nga na madami yung serving kasi madami kami tapos malalaki yung ibang kasama namin, kaso bitin,sa pambato reef naman 30 mins lang kami dito, ang lakas kasi ng alon and malakas din ang ulan kumikidlat pa kaya umahon na agad kami.
Sa UR naman 10:30am ang permit namin, 9am na nasa go hotels pa lang kami, kaya super bilis na ng van, nagreklamo nga yung 2 singaporean na may back pain, kasi sobrang bilis daw, since maaga daw ang permit dapat daw inagahan ang pick up, then sabi nung guide namin pag maaga daw kami na tapos sa UR, we can take some pictures along the way, kasi yung ibang tourist nakahinto sila sa isang view deck taking pictures, natapos kami sa UR ng 1pm, 1:30 nasa Sabang na kami, sabi nung guide 30 mins kayanin namin bilisan mag lunch kasi may 2 guest pa daw na ihahatid sa sakayan pa El Nido, tapos sabi nung isang kasama namin, gusto namin mang ugong rock and mangrove tour, sabi nung guide, pasensya na pero wala na daw oras, kaya ayun bitin na naman kami
Pinaka gusto kong guide si Darryl for city tour ang bait nya ang asikaso talaga nya kaming lahat kahit di kami magkakakilala, sa sobrang gusto sya ng mga guest every hatid sa hotel may tip sila ng driver , kasi nice talaga nila.
Pinaka nag enjoy kami sa Bay cruise, with seafood buffet and firefly watching, subliminal ang feeling pag pasok ng boat sa mangrove area then makikita mo yung fireflies, sobrang romantic din kasi ang daming stars that night and half moon pa, kaya ang ganda talaga, then yung dinner winner sya, isang family nag aasikaso sa inyo and hindi tinipid ang food, ikaw ang su surrender sa dami ng seafoods na hinanda nila, kaya highly recommended to, better than ihawig firefly daw to.
yung last day namin since wala na kami magawa gusto lang namin mag swimming nagpunta kami sa Pristine beach resort, its a public beach 20 pesos lang ang entrance mas mahal pa bayad namin sa tricycle, 200 pesos drop and pick up na yun, ang ganda ng beach nila considering na public yun, kaso dont expect na maganda ang cottage, kasi bamboo lang yun na parang nasisira na, kaya yung things namin sinabit na lang namin sa mangrove trees and swim na kami for 2 hrs, ,mas madami pa nga foreigners kesa locals na nag swim dun and safe sya, hindi malalim ang dagat.
malapit lang ang puerto pension sa palengke, 6am namalengke na kami, at wow talaga sa seafoods,yung crabs na nabili namin live crabs pa sya, 200 per kilo,at ang tataba nya, yung lapu lapu 200 per kilo din, yung shrimps, 180 per kilo kaya bumili kami ng 3 kilos.
5:30pm ang flight namin pabalik via airphil, hindi na kami mag book sa airlines na to, everytime na lang lagi delayed, imagine dumating ang plane ng 9pm, naka alis kami ng 9:30pm kasi may inaayos pa daw, dumating kami dito sa Manila ng 10:30pm. grabe ang hassle talaga, kung alam lang namin na ganun ka delayed ang flight, sana nag ikot pa kami, yung pinakain samin Jolibee 39ers, tapos di pa sila nag aanounce kung anong oras talaga ang dating ng plane. Buti na lang hindi nasira yung mga seafoods namin at buhay pa din yung crabs.

overall happy parin kami kahit medyo may mga nangyari na nakaka dissappoint, next time mag El nido naman kami.