BEWARE IN BUYING PROMO TOUR AT ENSOGO
hi sis, i just want to share, for your infos na din, para hindi ito mangyari sa inyo
we bought the package tour on jan 2013 at ensogo at i think 26,500php. all in (airfare, hotel, tour) the name of travelling agency is FLAGS TRAVEL DIRECT.
we plan to go on april 2013.
nung feb, we called the agency to let them know the dates of our choice. then asking to email us the tour/itinerary. madalas no reply and acknowledgement kung natanggap ang email namin or question. parang palaging dedma.
march, we had an arguement regarding the travel confirmation , ticket and tour/itinerary dahil hindi pa rin na-email samin. we need to know when is our travel date to know our schedule dahil mag-leleave pa kami sa work. tapos siya pa yun galit dahil daw marami daw bumili ng promo sa kanila hindi daw niya matandaan lahat. of course i understand, my point is ako na nga ang nagreremind and follow up, pwede mo naman sabihin na ay nakalimutan ko, sige ill send it na to you... palagi siyang galit kausap. magulo. like sinabi niya na may ticket na kayo, nung sinabi ko na email me my ticket sasagot niya, wala pa nga kayong ticket. tapos hindi niya ko pinapasalita, palagi siya salita ng salita. ewan ko kung nagpopower trip dahil alam niya na wala na ko magagwa dahil bayad nako.
anyway, hanggang sa pag-gawa ng visa namin ang gulo kausaup ng may-ari, mabuti pa yun assistant niya and messenger hindi magulo kausap. sinabi pa nun messenger niya samin na, madami sila prob sa office kasi magulo yun may-ari.
so lahat ng inis, stress. pinabayaan ko na hindi ko na pinatulan, dahil hahaba lang.
nag-send na ng email ng ticket, hotel voucher, tour. date is on april 14-17 2013
nung wed april 10 nagtext siya na cancel flight na daw kami and wait for email ng rerouting, so i called and said na hindi ako magpapachange and tutuloy kami ng korea. sabi niya yun text message niya means if gusto ko pa-cancel o hindi. so ok na, i told her i dont want to change.
nung thurs april 11, i asked her kung PWEDE PA MAGCHANGE, she said ITATANONG KO PA. (kasi nga diba kahapon i said i dont want to change)
april 12 fri april 13 sat - no reply from her. so we thought, maybe hindi na pwede change, kaya go nalang korea
1AM ang flight namin, so we were at the airport at 10:30, ang daming tao sa check-in counter meaning madaming pupunta. nung turn na namin, the ground stewardess said wala name namin dun, please call your travelling agency or go sa cebu pac office.
when i called FLAGS TRAVEL DIRECT, she said "gabing gabi na pwede bukas ka nalang tumawag" then i said sorry kasi nasa airport ako now, hindi mahanp yun name namin, she said "NAGPA-CANCEL KAYO MAM" sabi ko hindi ako nagpa-cancel. then she said "wala na tayo magagawa mam, gabing gabi na, bukas nalang kayo tumawag" kakapikon diba?!!! so binaba ko na phone.
nung chineck ng cebu pacific ticket namin, hindi kami cancelled flight, our tickets were booked on april 11-14, so lumalabas no show kami sa cebu pac. pinakita ko ticket na binigay ng agency sabi ng cebu pac edited daw yun..
hay... sobrang haba na, sorry.
ayaw na makipagusap nun may-ari sa amin, ang kausap ko now is yun mabait na assistant niya. sobrang hassle....
ingat sa pagbili ng promo ha. =)