watch now

Author Topic: how to tell your husband na he needs to work...  (Read 10338 times)

patchuchai

  • Guest
Re: how to tell your husband na he needs to work...
« Reply #20 on: June 24, 2012, 04:48:56 pm »
hi sis!

share ko lang story nung ka-close ko pa si officemate. ang sistema, they got married may work si hubby, eh dalawang magkapatid lang si hubby both male. so doon na tumira sa parents nila si officemate at hubby. kaso nawalan ng work si hubby, mabuti si wife meron, hinayaan na lang muna ni wife si hubby para makapahinga, eh kaso 1 year na wala pa daw nahanap noon, at tipong hindi naghahanap. merong binigay na work kumpare nila, kaso nabigla siya hindi daw pala nagpakita sa first day. ang panggastos nila, nakikishare sila sa gastusin sa bahay. well off naman iyong brother niya, kaso may sakit wife ni hubby at parang siya ang naging errand boy, bibili ng oxygen etc. kaso doon lang na-realize ni wife (2 kids na sila) gusto ng bumukod ni wife, kaso ayaw ni hubby. dumating sa point na tinanong ni wife ano ba daw pangarap niya sa buhay para sa kanila, sagot ba naman daw ni hubby, uwi na lang tayo sa probinsiya at magtanim tayo ng mga gulay atleast fresh ang mga iyon, tapos ang mga bata marami namang schools na public atleast makakaiwas sila sa gulo dito sa manila. Grabe!  ang taas ng pangarap ni officemate sa mga anak niya, tipong sinanay niyang mag-english pag pumupunta sa office. to the point nag-aaway na sila, may time na bumalik na siya sa kanila dala mga bata, sabi nga niya kung hindi lang dahil sa mga bata hihiwalayan na talaga niya. her husband is bum! wala na nga daw work hindi pa maasahan sa bahay, maghapon lang daw nagkukumpuni ng computer, pag-uwi niya ni hindi man lang daw mapunasan mga bata. until now sila pa rin, during company activities sinasama niya husband. sabi ko nung magkasintahan pa lang kayo, hindi niyo ba na-di-discuss mga ito, what if? sagot niya kapag inlove hindi daw nila na tackle ganoong issues saka never niyang naisip na ganoon si hubby. hope this will be a lesson to everyone, before you commit, dapat mahabang interview gawin natin.

k_heart

  • Guest
Re: how to tell your husband na he needs to work...
« Reply #21 on: June 29, 2012, 03:56:42 am »
Nakow, very tricky ito.Medyo sensitive talaga.
I have a lot of staff (women), na walang trabaho ang mga hubby nila. medyo mahirap ngang sabihin na Hoy mister pwede po bang maghanap ka na ng trabaho kasi hirap na hirap na ako????
At kahit gaano ka sweet ang tono, parang ganun pa din ang magiging dating sa mga lalake.
At least mukhang ok na si TS sa hubby nya.
Yung isa kong staff, na nahihirapan din sabihin sa hubby nya na please work, did the next best thing, ginawa na lang na talgang house husband si mister, baby sitter at driver nya. we'll at least di na nila kailangang magbayad sa driver at yaya. malaki naman yung sweldo nung staff ko kaya ok na arrangement nila as of now.

adonis69

  • Guest
Re: how to tell your husband na he needs to work...
« Reply #22 on: June 30, 2012, 05:35:28 pm »
 Curlyhair,  Ok din husband mo sana makita niya nahihirapan ka wag na siyang mag bisyo na sigarilio etc.baka magkasakit pa siya sa paninigarilio dagdag pa sa gastos/pahirap sayo. Di naman palagi stable ang business niya dapat mag trabaho din siya para may monthly income tapos sideline nalang niya business.Ako nga single pero OFW pa ako dito sa middleseast nagsisikap mag save ng pera & mag pundar ng properties para kapag nag retire na ako sa philippines may income pa ako.Convince mo husband mo na kailangan niya stable income para makatulong siya sa family ninyo

rics

  • Guest
Re: how to tell your husband na he needs to work...
« Reply #23 on: July 11, 2012, 03:01:10 am »
at one point during our married life, dumaan din kami sa ganito.
while i was working, i expected him to look for work, to apply. pero ako pa yung naghahanap ng trabho para sa kanya. if i tell him to send his resume to this company, hindi naman ginagawa agad.

just very recently, nandito nanaman kami sa ganitong predicament. not that he is not looking for employment, pero hindi lang swerte makahanap talaga ng work. he is medyo complacent din kasi, sobrang kampante. while ako, though i am working, worried kung hanggang saan aabutin ang natitira naming pera with all the expenses. yes - he is called for interviews, but he would have unrealistic hopes that he will get the job only to find out na hindi pala. kung baga, he counts the chicks even before the egg hatches. ako ang nadi-dissapoint eh. sinasabihan ko nga siya, huwag kang umasa masyado, kasi baka hindi ka naman matanggap dyan. mapili pa sa trabaho eh willing naman ako mag adjust or even re-locate kung kinakailangan.

xenos54

  • Guest
Re: how to tell your husband na he needs to work...
« Reply #24 on: July 12, 2012, 04:13:42 pm »
naku hindi ko ata carry yung partner na walang pangarap sa buhay..
mawawalan ako ng gana at bilib sa kanya..
my SO may pangarap naman siya at hard worker talaga siya..
pero minsan may pagka-passive nga lang..
compared sa akin na medyo agressive sa mga ganitong bagay..
what i learned is help ko siya i-push..
i-encourage and everything.. but at the end of the day..
yung may katawan pa din naman ang masusunod..

 

Latest Stories

Load More Stories
Close