hi sis!
share ko lang story nung ka-close ko pa si officemate. ang sistema, they got married may work si hubby, eh dalawang magkapatid lang si hubby both male. so doon na tumira sa parents nila si officemate at hubby. kaso nawalan ng work si hubby, mabuti si wife meron, hinayaan na lang muna ni wife si hubby para makapahinga, eh kaso 1 year na wala pa daw nahanap noon, at tipong hindi naghahanap. merong binigay na work kumpare nila, kaso nabigla siya hindi daw pala nagpakita sa first day. ang panggastos nila, nakikishare sila sa gastusin sa bahay. well off naman iyong brother niya, kaso may sakit wife ni hubby at parang siya ang naging errand boy, bibili ng oxygen etc. kaso doon lang na-realize ni wife (2 kids na sila) gusto ng bumukod ni wife, kaso ayaw ni hubby. dumating sa point na tinanong ni wife ano ba daw pangarap niya sa buhay para sa kanila, sagot ba naman daw ni hubby, uwi na lang tayo sa probinsiya at magtanim tayo ng mga gulay atleast fresh ang mga iyon, tapos ang mga bata marami namang schools na public atleast makakaiwas sila sa gulo dito sa manila. Grabe! ang taas ng pangarap ni officemate sa mga anak niya, tipong sinanay niyang mag-english pag pumupunta sa office. to the point nag-aaway na sila, may time na bumalik na siya sa kanila dala mga bata, sabi nga niya kung hindi lang dahil sa mga bata hihiwalayan na talaga niya. her husband is bum! wala na nga daw work hindi pa maasahan sa bahay, maghapon lang daw nagkukumpuni ng computer, pag-uwi niya ni hindi man lang daw mapunasan mga bata. until now sila pa rin, during company activities sinasama niya husband. sabi ko nung magkasintahan pa lang kayo, hindi niyo ba na-di-discuss mga ito, what if? sagot niya kapag inlove hindi daw nila na tackle ganoong issues saka never niyang naisip na ganoon si hubby. hope this will be a lesson to everyone, before you commit, dapat mahabang interview gawin natin.