Hi ladies! naku super saya ko yesterday. Eto kwento muna ako.
nakuha ko na yung suit ni h2b. haha! ang aga diba? then sinukat ni h2b, wow nakakatuwa, tumaba na sya! kasi sumikip yung last na sukat nya. or baka maliit lang talaga yung pag kagawa nila? super nakakatawa pa kasi di ako marunong mag suot ng neck tie, and tulad ng sabi ni hubby ni sis
blueflame sa SDE nila, mainit nga daw ang suit! 3 piece ba naman diba? sabi ni din ni h2b, sana nag barong nalang din sya. bwahaha! so ayun, tinago ko na yung suit nya. and then, pinakita ulit sakin yung gown ko, babaguhin pa, kasi lalagyan ng tali sa likod, kasi medyo lumuwang. pumayat ata ako. haha! pinakita narin sakin yung veil na gagamitin, ay cathedral veil! baka di ako magkasya sa mini cooper. hihi! binibigay na nga rin sakin yung wedding gown ko kahapon, pwede ko na raw kunin. kaso naman, ang aga pa. baka may pag asa pa na lumiit ako. hehe.
pinasukatan ko narin ang 2 ko BM, and ang galing nila mag design. actually yung nag design is tomboy. and nakakabilib talaga sya. nakuha yung peg namin ng vintage na pang 1950's. ngayon, mga BM's ko, iniisip nila, mag chucks daw sila sa wedding ko. kulay pink. hhhm. ano sa tingin nyo ladies? di ba nasobrahan naman sa pag ka offbeat? inayos narin namin ni h2b yung mga invitations na ipapadala sa Nueva Ecija (side ni h2b) and yung mga invtations na ipadala sa US. ganto pala kapag malapit na, iba na ang feeling.
judessec - sis, i think depende sa design and kung anong klase ng paper ang gagamitin. yung sakin digital printing, 35 pesos. wow, edible escort card! yummy naman non sis. baka mamaya, magulat yung mga ibang guests, nawala e.card nila, yun pala may ibang kumain. hehhe.
wife2be - sis, i definitely agree with you! halos lahat ng RTW talaga naka tube cut, pero buti nalang nga, nung nakuha ko na damit is di talaga sya tube. even my friend, na nakakita, more tanong sya sakin kung san ko daw nakuha yung design, kasi ang ganda daw ng details sa likod, and parang ginawa ko daw peg ni Judy Ann/kate middleton. haha! sabi ko lang, secret, di nya alam na RTW. hehe. buti nalang talaga, yung mga RTW dun sa shop, nagkasya sakin, except yung isang sinukat ko na serpentine cut, tapos symmetrical yung style. ganto sya sis.
http://bloggingb2b.blogspot.com/2011/11/wedding-gown-checked.html (3rd picture).
dun kasi sa Rosy's, di yung mga typical na RTW na puro tube lang. pero syempre, di ko pinost dyan yung gown ko. hehe.
sis naman, ikaw/ tayo pinakamaganda sa wedding day natin, at wow, ang sweet ni h2b!!!
cerenity_18 - sis, that's nice to know na okay na ikaw. di ata talaga mawawala ang Valentines bug effect na yan!

talaga sis, nag blog na ikaw? asan na ang link? yung nasa wedsite mo ba? binabasa ko yung last Friday, nikikilig naman ako sa mga posts mo dun! regarding DIY, naku, icheck mo ang
weddingchicks.com. nakakatuwa mga monogram dun sis!
akin_dc - ang alam ko, sa ibang culture sis, bawal talaga ang fake. not sure lang kung dito sa Pinas eh ganon din talaga. pero ang pearl, di daw talaga maganda yun, kaso sign daw yun ng teardrop. pero alam ko yung bilog na pearl okay lang daw, basta wag nga cut ay teardrop.

tapos dapat if you want to wear it, dapat daw bigay yun sayo, hindi ikaw yung bumili. pamamahiin nga naman! pero there's nothing bad naman if sundin natin. pero mind you, ako nga sinukat ko na wedding gown ko eh! haha!
augbride - i see sis.if i were given a chance naman sis, yung tipong malaki laki ang budget,mag papadesign din naman ako talaga. kaso pag may pinag tatanungan ako kung anong cut daw ba ang gown na guesto ko, super clueless ako! haha! and hirap na hirap ako maghanap ng design sa internet na gusto kong gawin peg. kaya, sabi ko bukod sa makakatipid eh, RTW na! yun nga, di parin sya typical na rtw gown. di ako pwede mag tube sa wedding ko, bawal sa church, tapos walang kakapitan. hehe!

sa baclaran to sis. and tama sis, hirap magpaliit ng arms.yan ang major problem ko. hehe.
chelle_peachy0524 - wow sis, maganda nga daw talaga dun sa pinto art museum! may mga nakita narin akong prenup photos dun.
kiz_me1109 - sis, get well soon ha! awww, nakakasad naman yung alterations. di ata talaga mawawala yan. yan nung fear ko sis, kaya sinabi ko talaga sa mananahi na april 26 ang wedding namin. para di talaga magahol. para just in case may kailangan gawin, di madadaliin diba? sana maayos na sissy.
sdee - wow sis, na excite naman din ako for you!!!

mas maganda yan, mag plan ng maaga. para ma price lock din.
ez4gotten - sis, namimiss na kita!!!
shooting_star - thank you so much sissy! naku, pag pinapanood ko yun, narealize ko, ang kulit ko pala talaga. haha! ang kenkoy lang talaga diba. nakita mo yung part dun na nag takip ako ng kili kili. hahaha! thank you sissy.
babyhoney - bakit sissy, wala pang date? re: band/acoustic. depende parin sa inyo sis. kami kasi kumuha ng quartet, kasi madaming oldies dun sa reception namin. heheh. pero honestly, gusto ko yung may pag ka romantic na dating, tsaka si mama kasi love na love nya ang quartet. so go na kami dun. isa pa, 2k nalang ang idagdag namin, if dadalin namin yung strings sa reception. sila din kasi tutugtog dun sa church eh. pero kung may sound system naman sis kayo na kukunin, i think enough na yun. patugtugin nyo nalang yung mga gusto nyo na love songs.
lanna_dyan - hi sis, namiss kita! sabi ni photographer/videographer, papalitan daw nya yung STD namin. este, gagawa sya ng ibang version. ilalagay nya yung fave song ko. hahha. kasi yung nilagay na kanta dun, ako din ang pumili, kaso kasi si h2b ang may fave non. actually yun ang first dance namin. alternative. haha! pero nakahanap kami ng instrumental. tama sis, mas maganda nga yung hilig natin eh ma incorparate sa wedding day natin diba? and tama, less than 100 days!!! 96 days. hehe . balitaan mo kami kung ano manyari sa design ng gown ha.
blueflame - sis, di ba pwede masilip na ang rates ng WC? hihi! excited na ako. mwah! as in atat much! hahah
chubbycheeks17 - yup sis, buti nalang tinanggap ang CENOMAR. and next na aayusin namin is yung baptismal ni h2b. typan nalang kaya namin.? sis, i talked to h2b, mukhang ayaw nya yung peg ko na topper. pagbibigyan ko na, sino ba naman kasi may gusto sa hello kitty. buti nalang nga pumayag sya na magbitbit ng hellokitty during our prenup session. haha! ay ganon, so documents muna before reservation? mas okay nga yung ganon sis, kasi yung mga ibang couple, nagkakaprob din sa pag submit ng documents eh. in your case, the earlier, the better nga, besides, roughly 7 months yun pag sinumbit mo ang documents mo. kaso nga lang, yung iba, 6 months lang ang validity eh. need daw ba complete na ang documents bago ka makapagreserve? eh pano ang marriage license? hehe. at may TMU nanaman? hehe. kamusta na pala yung lakad mo last Sat? naayos na ba sis?
Marigie - sis, thank you po! okay na din kasi yung misalette. namin. ni layout ko na kaya back to back na sila. hehe! dumugo nga utak ko kaka ayos din pati. kaya yun, photocopy na namin naka back to back. sarap makita yung misalette. pinakita ko kay mama, nalululuha daw sya. ikakasal na daw talaga ako. haha!
Happy preps sa lahat!