watch now

Author Topic: 2012 Brides *Part 12*  (Read 103283 times)

chelle_peachy0524

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 12*
« Reply #260 on: February 20, 2012, 06:03:12 pm »
mga sis, question.. do you think it's a good idea na mag inquire ako sa ibang couturier at ipaquote ang dress design ko? iniisip ko kasi parang gusto ko malaman kung same lang din kaya ang ichacharge sakin ng ibang couturier sa charge sakin ng current couturier ko.. (parang ang gulo ng sinabi ko..) hehe  ;D

wala namang problem kung magtanong tanong ka sa iba. kasi me iba talaga na mas mura o mas mahal ang charge and dedepende sa telang gagamitin. pero syempre kung doon ka magpapaquote sa me pangalan mas mahal dun hehe... sino ba ang couturier mo?

sdee

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 12*
« Reply #261 on: February 20, 2012, 08:01:55 pm »
sis babyhoney: sa mga weddings na nattend ko niplay nila yun while eating if may budget ka nman for that pwede ka na din mag add para naseserenade yung mga guest mo while there are eating :)

lanna_dyan

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 12*
« Reply #262 on: February 20, 2012, 09:08:24 pm »
tamad mode on a monday :D

sis akin_dc korek. kahit si sis chubbycheeks mukhang veil din yung naisip. maige na yung malinaw. kamusta na ang fabfoto? in fairness, overseas fax ahaha.. patawagan mo na lang kay h2b. baka busy lang sila, kahit yung mga cake suppliers di nagrereply e. nagpaquote ako sa bago kong design. i love cake boss. dun ka na rin mamili sis. re couturier, oo nga eh. nakakatakot. haay. tska naiimbyerna na ako sa kanya. hehe. tapos pato yung strings ko MIA di nagrereply. baket parang ang swerte ko sa suppliers, naman! korek sis, dapat DP ka na para may mafit ka na sa march. tingin ko lining lang talaga pag first fitting lalo na pag may beadworks kasi di na ma-aadjust pag na beadwork na. yup sis, ako almost every 3 months uwi. kalaban ko na lang yung bago kong work kung papauwiin ako hehe. regarding sa couturier mo, siya na ba talaga gusto mo? pwede naman kasi medyo kamahalan din ang quote ni couturier mo eh. pang tito boy kastner na yun e. sino nga uli couturier mo?

sis wife2be haha i traced it lang naman from the original sketch ni couturier, ang labo nya kasi kausap eh nakakafrustrate. re theme, di ko nga alam paano ko sya maeexecute hahaha. overseas ka rin sis? saan ka? kailang wedding mo sis? napag-iwanan kasi ako sa thread lately :D

sis marigie, oo nga. next weekend try ko umpisahan. naaalala ko last time nag-attemept ako magstart ng blog wala akong napala e haha

sis sdee.. korek something blue. yan madami ako nyan hehe. hahahaha kalokohan lang yung idea ko kasi according sa post ni si sis chubbycheeks kada "something" ay symbolic eh haha. pero no choice naman tayo pag wala talaga eh

sis meandmyhoney. ok ba hearts and bells? sila na kasi asa shortlist ko design wise. di ko alam taste, qualityu at customer service e?

sis chelle finally mukhang macoclose mo na ang prenup venue mo. exciting

sis babyhoney, depende sa trip. pwede rin naman cd na lang c/o lights and sounds.

goodnight everybody :D

katrinac

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 12*
« Reply #263 on: February 20, 2012, 09:47:53 pm »
Hi ladies! naku super saya ko yesterday. Eto kwento muna ako.

nakuha ko na yung suit ni h2b. haha! ang aga diba? then sinukat ni h2b, wow nakakatuwa, tumaba na sya! kasi sumikip yung last na sukat nya. or baka maliit lang talaga yung pag kagawa nila? super nakakatawa pa kasi di ako marunong mag suot ng neck tie, and tulad ng sabi ni hubby ni sis blueflame sa SDE nila, mainit nga daw ang suit! 3 piece ba naman diba? sabi ni din ni h2b, sana nag barong nalang din sya. bwahaha! so ayun, tinago ko na yung suit nya. and then, pinakita ulit sakin yung gown ko, babaguhin pa, kasi lalagyan ng tali sa likod, kasi medyo lumuwang. pumayat ata ako. haha! pinakita narin sakin yung veil na gagamitin, ay cathedral veil! baka di ako magkasya sa mini cooper. hihi! binibigay na nga rin sakin yung wedding gown ko kahapon, pwede ko na raw kunin. kaso naman, ang aga pa. baka may pag asa pa na lumiit ako. hehe.

pinasukatan ko narin ang 2 ko BM, and ang galing nila mag design. actually yung nag design is tomboy. and nakakabilib talaga sya. nakuha yung peg namin ng vintage na pang 1950's. ngayon, mga BM's ko, iniisip nila, mag chucks daw sila sa wedding ko. kulay pink.  hhhm. ano sa tingin nyo ladies? di ba nasobrahan naman sa pag ka offbeat? inayos narin namin ni h2b yung mga invitations na ipapadala sa Nueva Ecija (side ni h2b) and yung mga invtations na ipadala sa US. ganto pala kapag malapit na, iba na ang feeling.  ;D

judessec - sis, i think depende sa design and kung anong klase ng paper ang gagamitin. yung sakin digital printing, 35 pesos. wow, edible escort card! yummy naman non sis. baka mamaya, magulat yung mga ibang guests, nawala e.card nila, yun pala may ibang kumain. hehhe.

wife2be - sis, i definitely agree with you! halos lahat ng RTW talaga naka tube cut, pero buti nalang nga, nung nakuha ko na damit is di talaga sya tube. even my friend, na nakakita, more tanong sya sakin kung san ko daw nakuha yung design, kasi ang ganda daw ng details sa likod, and parang ginawa ko daw peg ni Judy Ann/kate middleton. haha! sabi ko lang, secret, di nya alam na RTW. hehe. buti nalang talaga, yung mga RTW dun sa shop, nagkasya sakin, except yung isang sinukat ko na serpentine cut, tapos symmetrical yung style. ganto sya sis. http://bloggingb2b.blogspot.com/2011/11/wedding-gown-checked.html    (3rd picture).
dun kasi sa Rosy's, di yung mga typical na RTW na puro tube lang. pero syempre, di ko pinost dyan yung gown ko. hehe.
sis naman, ikaw/ tayo pinakamaganda sa wedding day natin, at wow, ang sweet ni h2b!!! :)

cerenity_18 - sis, that's nice to know na okay na ikaw. di ata talaga mawawala ang Valentines bug effect na yan! :) talaga sis, nag blog na ikaw? asan na ang link? yung nasa wedsite mo ba? binabasa ko yung last Friday, nikikilig naman ako sa mga posts mo dun! regarding DIY, naku, icheck mo ang weddingchicks.com. nakakatuwa mga monogram dun sis!

akin_dc - ang alam ko, sa ibang culture sis, bawal talaga ang fake. not sure lang kung dito sa Pinas eh ganon din talaga. pero ang pearl, di daw talaga maganda yun, kaso sign daw yun ng teardrop. pero alam ko yung bilog na pearl okay lang daw, basta wag nga cut ay teardrop. :) tapos dapat if you want to wear it, dapat daw bigay yun sayo, hindi ikaw yung bumili. pamamahiin nga naman! pero there's nothing bad naman if sundin natin. pero mind you, ako nga sinukat ko na wedding gown ko eh! haha!

augbride - i see sis.if i were given a chance naman sis, yung tipong malaki laki ang budget,mag papadesign din naman ako talaga. kaso pag may pinag tatanungan ako kung anong cut daw ba ang gown na guesto ko, super clueless ako! haha! and hirap na hirap ako maghanap ng design sa internet na gusto kong gawin peg. kaya, sabi ko bukod sa makakatipid eh, RTW na! yun nga, di parin sya typical na rtw gown. di ako pwede mag tube sa wedding ko, bawal sa church, tapos walang kakapitan. hehe! :D sa baclaran to sis. and tama sis, hirap magpaliit ng arms.yan ang major problem ko. hehe.

chelle_peachy0524 - wow sis, maganda nga daw talaga dun sa pinto art museum! may mga nakita narin akong prenup photos dun.

kiz_me1109 - sis, get well soon ha! awww, nakakasad naman yung alterations. di ata talaga mawawala yan. yan nung fear ko sis, kaya sinabi ko talaga sa mananahi na april 26 ang wedding namin. para di talaga magahol. para just in case may kailangan gawin, di madadaliin diba? sana maayos na sissy. :)

sdee - wow sis, na excite naman din ako for you!!! :) mas maganda yan, mag plan ng maaga. para ma price lock din.

ez4gotten - sis, namimiss na kita!!!

shooting_star - thank you so much sissy! naku, pag pinapanood ko yun, narealize ko, ang kulit ko pala talaga. haha! ang kenkoy lang talaga diba. nakita mo yung part dun na nag takip ako ng kili kili. hahaha! thank you sissy.

babyhoney - bakit sissy, wala pang date? re: band/acoustic. depende parin sa inyo sis. kami kasi kumuha ng quartet, kasi madaming oldies dun sa reception namin. heheh. pero honestly, gusto ko yung may pag ka romantic na dating, tsaka si mama kasi love na love nya ang quartet. so go na kami dun. isa pa, 2k nalang ang idagdag namin, if dadalin namin yung strings sa reception. sila din kasi tutugtog dun sa church eh. pero kung may sound system naman sis kayo na kukunin, i think enough na yun. patugtugin nyo nalang yung mga gusto nyo na love songs. :)

lanna_dyan - hi sis, namiss kita! sabi ni photographer/videographer, papalitan daw nya yung STD namin. este, gagawa sya ng ibang version. ilalagay nya yung fave song ko. hahha. kasi yung nilagay na kanta dun, ako din ang pumili, kaso kasi si h2b ang may fave non. actually yun ang first dance namin. alternative. haha! pero nakahanap kami ng instrumental. tama sis, mas maganda nga yung hilig natin eh ma incorparate sa wedding day natin diba? and tama, less than 100 days!!! 96 days. hehe . balitaan mo kami kung ano manyari sa design ng gown ha.

blueflame - sis, di ba pwede masilip na ang rates ng WC? hihi! excited na ako. mwah! as in atat much! hahah

chubbycheeks17 - yup sis, buti nalang tinanggap ang CENOMAR. and next na aayusin namin is yung baptismal ni h2b. typan nalang kaya namin.? sis, i talked to h2b, mukhang ayaw nya yung peg ko na topper. pagbibigyan ko na, sino ba naman kasi may gusto sa hello kitty. buti nalang nga pumayag sya na magbitbit ng hellokitty during our prenup session. haha! ay ganon, so documents muna before reservation? mas okay nga yung ganon sis, kasi yung mga ibang couple, nagkakaprob din sa pag submit ng documents eh. in your case, the earlier, the better nga, besides, roughly 7 months yun pag sinumbit mo ang documents mo. kaso nga lang, yung iba, 6 months lang ang  validity eh. need daw ba complete na ang documents bago ka makapagreserve? eh pano ang marriage license? hehe. at may TMU nanaman? hehe. kamusta na pala yung lakad mo last Sat? naayos na ba sis?

Marigie - sis, thank you po! okay na din kasi yung misalette. namin. ni layout ko na kaya back to back na sila. hehe! dumugo nga utak ko kaka ayos din pati. kaya yun, photocopy na namin naka back to back. sarap makita yung misalette. pinakita ko kay mama, nalululuha daw sya. ikakasal na daw talaga ako. haha!

Happy preps sa lahat! :)
« Last Edit: February 20, 2012, 10:43:24 pm by katrinac »

akin_dc

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 12*
« Reply #264 on: February 20, 2012, 10:37:30 pm »
sis chelle and lanna, costura grafica.. si Ms. Tessa.. starting pa nga lang din sila.. hindi pa sila ganun katagal yata sa business.. mabait naman sya, pero parang namamahalan nga ako.. hehe.. ewan ko kung talagang ganun ba kamahal talaga ang tela or what..

btw, sis lanna, train pala dapat ang term dun.. mali pala ako.. hahaha, trail ako ng trail.. ;D sorry.. re  fabfoto, ayun tinawagan na ni h2b kanina, tas nakausap na nya si Ms. Shirleen, hindi nga daw nakapagbukas ng email last week, kaya check nalang daw nya email nya this week.. nabusy nga siguro.. :) san yun cake boss sis? :D nang matanong nga :D

sis katrina, nako yun din ang reklamo nun sakin ni h2b, kaya mas gusto nya sana mag barong.. kasi daw mainit ang suit.. naconvince ko lang mag suit :D hehe, pero 2pc lang. ayaw nya na magvest kasi di naman daw magagamit after.. hay nako sobrang practical lang.. hehe.. re sukat ng gown, nako nanay ko nga panic mode nun sabi magffitting ako. hahaha, isusukat ko daw? sabi ko pag final na yun gown, hindi ko na isusukat :D 

babyhoney

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 12*
« Reply #265 on: February 20, 2012, 11:02:37 pm »
ay naku sis katrinac  wala pa din kami date hanggat walang canonical interview..arte ng church ayaw magpapencil book..pero open pa naman [textspeak!] date na gusto namin which is june 16, sa sat pa ang sched namin ng interview..naghalfday kanina c h2b para mumuha ng cenomar namin sa NSO, ayun sa thursday na makukuha..dapat daw kasi sa interview may dala na cenomar...parang di na nga need ng band... thanks sis kat...galing mo talaga ikaw na...pahiram ako ng boots mo nung pre-nup, yung pink hehe...just kidding :)

mas type ko ang suit for grooms kasi un na ang usi ngayon :) tsaka para di mukhang matanda diba? tingin nyo...

happy preps..

good luck to me wala pa din gano update..kahit yung hotel di ko pa finalize :(

katrinac

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 12*
« Reply #266 on: February 20, 2012, 11:46:00 pm »
babyhoney - ay ganon ba sis? naku, eh pano kapag may nakakuha na pala ng slot non? pero teka, na check nyo na ba sa church nyo if available pa yung June 16 sis? anong church nyo ulit sis? naku sis, yung prenup shoes ko, pinahiram sakin ni sis chubbycheeks yun. hhhm, i guess sis, depende parin talaga sa nagsusuot ata yun. kasi si h2b, nung nagsuot naman ng barong, di naman nagmukhang matanda. haha! or baby fez lang sya? :D  depende parin kasi sa theme nyo yun sis. ang peg ko kasi vintage, kaya nag suit si h2b. then we're planning na sa reception, vest nalang.

akin_dc - hay naku sis, actually yung una talaga, dapat barong sya. kasi mas tipid naman talaga. pero nung nagsukat sya ng barong, he decided na suit nalang.so nag pagawa kami ng suit, pero nagulat sya kanina, nung sinukat nya, 3 piece pala yun. sabi nya, naku patay, ang init! haha! eh nung kinuha pa naman namin na package sa churhc namin yung walang AC. ang laki kasi ng price difference eh. 5k din. eh 1 hour lang yun, sayang naman!  :D
 pero isip namin, sa reception, vest nalang talaga sya.actually sis, babalik kami sa shop next week.papabago namin yung pang loob, ang liit kasi eh.

at natuwa pa ako, kasi yung neck tie ni h2b, kasi pink and brown talaga. haha
« Last Edit: February 21, 2012, 12:04:09 am by katrinac »

babyTracey

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 12*
« Reply #267 on: February 20, 2012, 11:57:11 pm »
sis katrinac change outfit ba kau ni h2b sa recep?

sis babyhoney san church niyo? tuloy ba kau sa GEH?

super nice ng pictures ng mga BBBs dun sa GT group natin  :D kainggit! BEAUTIFUL talaga ;)

sis wife2be sweet sweet naman ni h2b mo  ;) ako din gusto ko na magdiet last dec ko pa sinasabi na magddiet na ko pero takaw much pa rin, di ko alam kung ano maganda gawin to lose weight pero nagsuggest yung isang secondary sponsor ko BANANA diet daw. ang gagawin mo lang e wala ka kakainin iba but banana! yung saba ah, kaumay noh? pero super effective naman sa kanya, want to try pero ibahin ko ng konti, kakain ako ng breakfast then lunch and dinner banana na lang with lots of water. simulan ko later pag uwi ko ng haus sana magawa ko lalo na't malapit na ang pre-nup namin  ;D si h2b kase maliit na tao e payatot kaya effort dapat ako magpapayat. kung ako nagddiet siya naman pinapataba ko! binibilhan ko pa ng vitamins  ;D kaya natin yan sis.

sis blueflame yung misalette mo hindi ba siya back2back?

sis chubbycheeks hindi pa ba nadadagdagan ang photos ng tmu mo? hehe ako excited makita yung kinalabasan ng mga tmu  mo e ;)

sis kiz_me1109 parang super nasstress ka ngayon ah, hope everything is okay na, saw your table #s pala an nice! tska yung doughnut tower ang galing! pano mo nagawa yun? ;)

iniisip kong mag make-up on my own sa pre-nup namin, kahit na free ang pre-nup make-up ng hmua ko, mag ttrial din ako ng sarili kong make-up with my secondary sponsors para makita nila kung okay lang yun look ko carry ko kaya?  ;D

tom makuha na namin ML namin ni h2b, then diretso kami kuha baptismal & confirmation cert then CENOMAR, ngayon lang nkapag leave e kaya dapat magawa namin lahat yan tom. on wed naman canonical na then diretso kami GEH para sa mga changes na gagawin namin sa contract. then diretso kami stonehouse after nun check namin kung okay yung place kase baka di na namin kunin yung rooms sa geh kung malaki aabutin ng corkage namin. at last stop namin on wed ay yung invites papa lay-out na kami!  ;) excited much tapos after nun go to work na ko sana magawa namin lahat yun ;D

katrinac

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 12*
« Reply #268 on: February 21, 2012, 12:03:37 am »
babyTracey - sis, actually pinagiisipan ko pa yan eh. kaso gusto ko sana ma enjoy ang wedding gown ko sana. kaso medyo mahaba yung trail ng gown ko eh. pero di naman super haba. hehe. and ang gusto ko sana, sa church, naka veil ako. then sa reception, bird cage veil. bagay kasi yung bird cage dun sa gown ko. same tayo, si h2b pinapataba ko rin. haha! sis. yung room sa stonehouse maganda. yung bridal suite nila. nakita ko pics ni sis lenierose, dun sya wedding preps. ang ganda din! kami dina din kumuha ng room sa GEH, kasi biruin mo pa, pag nag picture and nagdala ng photographer sa room, may extra charge pa! waah. kawindang lang.

babyTracey

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 12*
« Reply #269 on: February 21, 2012, 12:12:02 am »
^oo nga sis yun nga pati p/v may corkage tska malaki-laki rin yung corkage ng suppliers meal, kinompute ko na kase nasa mga 22 sila so malaki rin yun. sana nga available pa yung sa stonehouse dun kase may common living room na may kitchen pa o diba wala pa corkage kaya mas makamura talaga ;) parang gusto ko nga rin magchange outfit yung parang sa kasal ni bella sa breaking dawn  ;D tapos honeymoon namin private island din sarap mangarap!

carmichael18

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 12*
« Reply #270 on: February 21, 2012, 01:02:24 am »
hello beautiful ladies!!!

grabe nakakalula ang mga posts niyo! bongga sa haba! hehe :)

btw, great news from 2011 brides, sis kaice gave birth last Feb 17.. first GT baby ng 2011 brides.. and sis princessrio might give birth na rin soon... :) weeeee!!!  ;D ;D ;D

kaso ako eto, wala pa rin... kung ano-anong tambling na ginawa para magka-baby, but I guess in God's perfect time we will be blessed... :)

hi na lang sa lahat!

sis Kat, PM kita ha...

katrinac

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 12*
« Reply #271 on: February 21, 2012, 05:26:04 am »
carmichael18 - sis, isang major major na bonggang bonggang thank you talaga!!!  :-* :-* :-*
Congrats po sa kanila! and yung sayo sis, try lang ng try! :)


babyTracey - correct sis, laki ng corkage nila. hihi

blueflame

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 12*
« Reply #272 on: February 21, 2012, 06:31:53 am »
nakakaloka! 1 day lang nawala nobela na ang backread! tee hee!!


katrinac - oo! yung roll call ang isa sa pinagkakabalahan ko lately! tagal ng di nagagawa eh. dami ng bagong members so napapanahon ng ulitin. wala ng pag-asa roll call natin sa FB so ginawa ko na lang public yung document ko. hehe! re mark wearing coat - hay naku! ganyan lang sila pero pag nakita na nila sa video, matutuwa yan! sabi ni bebe nun lang sya naconvince na maganda ang coat! kaya wag na syang choosy! he won;t regret it, promise!

wife2be - i promise you sis, you won't regret getting Mac! di dahil friend ko sya but he's really good! magpa-TMU ka muna sa kanya sis para ma-try mo.  ;)

cerenity_18 - korek sis! oplan babby and booming business na talaga!

augbride - salamat sis! na-prioritize talaga ni Simoun yung gown ko and i'm thankful for that! Gowns and dresses are the major major stress talaga during our planning sissy! you can read more chikka on my blog sa suppliers review. i still consider myself lucky talaga kasi may time pa ko maghanap ng bagong supplier. Simoun is okay naman. nangarag nga lang siguro talaga sya dahil short notice. but the fact that he accepted the job, he should have delivered it as he promised. so wala talagang makakapagsabi na por que maaga ka nag-prep is wala ka ng magiging problem. minsan, kung kelangan malapit na wedding, saka pa dumadami!  :-\

shooting_star - thanks sa greetings sissy!

babyhoney - naku sis! anong date nyo na nga sa June? lagay ko sa next update.

kiz_me1109 and ez4gotten - march brides are super busy na!!! goodluck sisses!

lanna_dyan - yes sis! freedom na talaga to! efective date march 10. sabi ng HR kanina less than 30 days so meaning non- rehirable ako. told them i don't have any plans of going back there! hehe!

chubbycheeks17 - feeling ko wala ng tatalo sa yo sa pinaka-late na wedding of the year! we missed you too! kala ko magkikita pa tayo nung sunday.  :( but there will be next time!

Marigie - i was at the wedding expo last saturday at nakita ko sila bianca and kuya jepoy (head waiter) sila naka-tao sa booth ng patio. super hi and hello talaga kami! nakakatuwa sis kasi feeling ko we've made friends with them. ahaha! wow! christmas eve ka pala sis! noted yan sissy! bakit di talaga kita ma-add sa FB sis :( ilang beses na natin ni-try. huhuhu!  :'(

babyTracey - sis, hindi po back-to-back yun misalette namin. kasi nung time na yan, nagahol ako sa pag-layout dahil sa prob with the dresses. so i chose not to stress myself anymore! ahaha! at mas gusto kasi ni hubby yun ganyan eh. maybe because sya kasi pinagayos ko ng pages? mas madali for him. hehe!

carmichael18 - please tell sis kaice & doc neil isang malaking congratulations!!! ang kyoooot ni baby kate! very healthy girl! sino kaya susunod kay rio? hmmm... ikaw na kaya sis?

thanks po for your well wishes and interest with our new venture. di pa lang kasi pwede iannounce! baka magalit mga partners ko! tee hee!! pero kating-kati na akong i-reveal sa inyo!!! abangan na lang po sa march 4th!  ;)

sa mga naka-miss po ng EB last saturday, you can find the pics here - http://misternidimisisnikarl.blogspot.com/2012/02/its-fun-to-be-bbb.html

katrinac

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 12*
« Reply #273 on: February 21, 2012, 06:44:36 am »
blueflame - sis, na excite ako lalo sa matinding revelation na yan! parang super juicy ah!!! ♥ uwi na ako din. talk to you tomorrow. pahabol lang re: suit ni h2b: actually sis, nung sinukat na nya kahapon yung suit, feel na feel nya, rumampa sa bahay, at pinakita nya kay mama! haha! proud sya, pero init na init! LOL. ok lang naman diba pag sya nakasuit tapos mga GM naka barong?

hello sa lahat mga BBB's!!! Happy preps!!! ;)


blueflame

  • Guest

akin_dc

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 12*
« Reply #275 on: February 21, 2012, 01:57:40 pm »
sis katrinac, yun din naisip ko nuon kung mag 3-pc suit si h2b, vest nalang sa recep.. eh ayaw talaga. hindi ko na pinilit. hehe.. baka nga sis, nag ggain na h2b mo kaya sumikip na yun sukat ng damit nya! :D hihi.. hirap magpataba ng h2b! ;D yung necktie nya, gawa din ng tailor? :) re church ac, grabe ang charge ha.. 5k for 1hr? :o

sis blueflame, wow! March 4 na ang launching! :D nakakaexcite naman! :D daming talagang new sayo sis, congrats! ;D btw, nakakatuwa tingnan mga pics ng EB, nageevolve talaga.. parang nun una mga nene pa, mga single (but taken) ladies, hanggang latest sa mga misis na.. hihi.. ;D

congrats sa mga new mommies! :D sis carmichael, in the meantime, enjoy the process nalang daw  hehe ;) soon you'll be blessed with many many babies.. :)

update: mukhang i have to consider inquiring sa ibang dressmaker talaga.. sis chubbycheeks, thanks sa help nga pala sis. :) bilib na bilib talaga ako, fan mo na ko! ;D hihi..

tinawagan na ni h2b ang fabfoto kahapon, ayun.. nagsend na sila ng email kagabi, saka yung contract :D check ko nalang, tas resend ko ulit sa kanila.. :)

hello po sa lahat! :)
 

laine19

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 12*
« Reply #276 on: February 21, 2012, 02:01:04 pm »
Ibalik natin ang ROLL CALL!!!!!

I missed this much! hehe!

juice406   7-Jan-12
cind3r3lla   7-Jan-12
riaenvodka   11-Jan-12
ninaceline   14-Jan-12
blueflame   17-Jan-12
dishwalla   22-Jan-12
vincris16   28-Jan-12
ylronchar   5-Feb-12
shoptart1103   6-Feb-12
lhenn_08   8-Feb-12
michiness   11-Feb-12
martiella   12-Feb-12
mystique   12-Feb-12
alkris   18-Feb-12
martiella   February 2012
mcdz1-Mar-12
kiz_me1109   9-Mar-12
ez4gotten   10-Mar-12
shooting_star    10-Mar-12
Abbyccruz    17-Mar-12
angielle07   20-Mar-12
xam32324-Mar-12
baobei00     8-Apr-12
meandmyhoney   14-Apr-12
rei_ricci   16-Apr-12
mitchie29    18-Apr-12
chelle_peachy0524   19-Apr-12
kopiniypeh    28-Apr-12
ishi90210     5-May-12
menggay16     5-May-12
soontobe   5-May-12
hitgirl00   7-May-12
deseree12   12-May-12
ava_camille    13-May-12
gabby_13    14-May-12
mawchan    19-May-12
katrinac   26-May-12
itsrizzi   26-May-12
blushing.margarita      31-May-12
babyhoney   June 2012
princeszheng   9-Jun-12
purpleazalea    17-Jun-12
sansai     18-Jun-12
angelmyst    23-Jun-12
reservoirdogs     30-Jun-12
whitelady     July 2012
08joan08    7-Jul-12
chicklet1982   7-Jul-12
justineo     8-Jul-12
patchi2012   18-Jul-12
LycheeMartini   21-Jul-12
ladyblossoms_14   11-Aug-12
augbride   20-Aug-12
bluish_buff    25-Aug-12
akin_dc    8-Sep-12
La Belle     14-Sep-12
tboupt27    16-Sep-12
glitzyniwyam   6-Oct-12
ishopnowfeelguiltylater   8-Oct-12
heartbreaker_Rae   6-Nov-12
little_princess   10-Nov-12
laireyes   10-Nov-12
kookzklai     18-Nov-12
chiclet_24    24-Nov-12
toodee    24-Nov-12
midnite_sun   November 2012
darchua1230    1-Dec-12
androidk    3-Dec-12
andylhen    8-Dec-12
prettyliciousme    8-Dec-12
aiyayil    10-Dec-12
prettymamie   12-Dec-12
health.gal    12-Dec-12
mari_mar   12-Dec-12
lanna_dyan     14-Dec-12
dec212012   21-Dec-12
Judessec     22-Dec-12
cerenity_18   23-Dec-12
chubbycheeks   29-Dec-12
Marigie   December 2012
qtpurple04    December 2012
lucky m+d     December 2012
rhed     December 2012
sharks   December 2012
sweetescape    December 2012
prehtsel14   2012

waaah! sis blueflame pa-join  ;D ;D ;D laine19: 20-May-2012

michiness

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 12*
« Reply #277 on: February 21, 2012, 02:14:03 pm »
BBBs, namiss ko kayo... :D Di na ako makapagbackread. Busy sa hubby at sa tambak na work load. hehe... I would like to thank you guys for everything. This support group is indeed the best. Dami namin nakilalang friends thru GT and we are really, really thankful. :D Our wedding, 10 days ago, was indeed a success! It wasn't perfect, kasi may minor glitches. But everything was handled accordingly. Everyone who attended were all praises sa wedding namin. From the church, to reception venue, set-up, food, etc... It was a great wedding daw. ;) Kaya yung 1 year of preparation at stress, yung "pakikibaka" namin sa streets ng Divisoria at Quiapo, etc, it was all worth it. ;) Prayer is really powerful. Let go and let God ika nga. God is good all the time. He was the one who made that day the most memorable one.

So I would like to share our suppliers' ratings. Di pa tapos actually, tee hee!... Installment muna. But eventually, I'll post naman if may nadagdag pa. :D

http://www.momentville.com/michbaet/suppliers_ratings 

babyhoney

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 12*
« Reply #278 on: February 21, 2012, 03:23:46 pm »
sis blueflame sa sat pa namin malalaman yung date after ng canonical but open pa naman yung gusto namin date which is june 16 :)

laine19

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 12*
« Reply #279 on: February 21, 2012, 03:24:43 pm »
Utang na Updates:

Misalette: Typing-Done; Printing-Pending - Gawa pa ko design
Wedding Gown: Yey final na design; sisimulan na nila tahiin
Maid of Honor & Bridesmaid: Confirmed na din design  ;D
Videographer: we are working on our concept, wait ko na lang feedback ni h2b
OTD Wedding Coordinator: KTG - Im working on the checklist that they sent!

Lights & Sound - I got rates from:
1RejectKrew
2Stohnenky
3Circuit1 - Available in Metro Manila only
4Sensitivity
Weighing options pa to cut cost, then most probably Stohnenky avail ko.

Florists - I got rates from:
1Ysabela
2RCJC
Still waiting for the other quotes to decide. medyo madami din pala details na need for flower arrangements buti na lang di na kasali un sa reception   ;)

Invites: Checking the timetable of Twenty o Four kung kaya sa sched since they will be out of the country on May 2012.

Strings: Di pa ko start magcheck with vendors!


 

Latest Stories

Load More Stories
Close