regarding sa eat and run guests, here's is what I did.. 2 weeks prior sa wedding namin, I posted about how the wedding preparation goes, like don't get mad at us if you are not invited, its just that we have budget that we are working with...then enter ko ang mga eat and run, for the invited guests, please do your share sana huwag naman eat and run etc, explained that not all of my family and friends are invited and that we chose them to be part of it so sana maintindihan nila ang hirap ng preps.
Our wedding is at 9am, ang reception around 11:30 na nag start alam na alam namin na gutom na sila, so pag entrance namin, first dance namin and dito palpak ang song grrr, iyong entrance song na napili ko hindi na play, dapat iyong Forever ni Chris Brown, hala ang tinugtog iyong collide, na freeze ako for about 15 seconds, ayoko talaga pumasok walang choice pati sa sde ko kitang kita ang expression ko na maling song hahaha. We cut the song early kasi baka may magsabit na ng pera, ayoko ng money dance sa kasal ko eh.
At first, isang waiter lang nag aasists sa amin eh hala nasa 100 guests ang andoon, nagalit na ang friend ko sa coordinator ng resto na 100 pax tapos 1 waiter lang. Biglang dumagsa ang waiters, ayun na serve na ang food.
We prioritize ang food for our guests, so kabado rin ako na baka madami na mag eat and run, and it was nice thing that our close friends serves as our hosts talaga, impromptu games etc. energetic na lahat ng guests kasi nakakain na, and after ng program proper madaming natirang food, hehe nag annouce na ako na kanya kanyang bitbit na sila, rambulan na :p ayos na sa amin yun kasi tapos na ang program and reception.
Our Sde showed that it was not a perfect event, may palpak, and kuhang kuha sa vid, but at the end of the day married life is like that it is not perfect, we just have to deal with it and accept the fact that no matter how hard we worked for it, along the way meron at merong palpak na lalabas, that what makes the preparation all worth it, ang ups and downs.
Back to topic Kinaiinisan ko lang is, ang isang "friend"ko na maka demand talaga eh super. Our guests attire is all white, then biglang nag message si friend na kesyo ang asawa niya eh hindi daw nag susuot ng white na damit at white pants etc, sa sobrang inis ko eh, sinabihan ko na siya na utang na loob a week prior sa wedding alam mo naman kung gaano ka busy ang linggong ito for us, please lang wag mo na dagdagan pa. Sige kung gusto niyang maging star of the day eh d wag siya sumunod sa dress code namin.
After our wedding, lahat ng friends and relatives ko nag enjoy sa event namin, its like hindi sila maka move on from our event which is good thing for us, except for this friend, again nag message sa akin, na bakit daw late na nag start, 9am ang kasal pero sa invitation namin is 8am. So I explained to her na hindi na na move kasi iyong priest hindi na available etc, in a nice way pa nga and joke pa ako. Sabay sumbat sa akin na nagutom daw siya sahil buntis siya nag panting na ang tenga ko, sinagot ko na siya na hello kung alam mo mabilis ka magutom at buntis ka sana nag baon ka ng food mo. At buti nga sa reception namin pag dating mo meron kang chips and nuts na makakain agad while waiting sa pag dating namin, sabi niya eh maski na nagutom rin ako sa reception ninyo tagal ninyo dumating.. Highblood galore na ako, sinagot ko na si friend na, mas matagal nga kami nag antay dun sa reception ng kasal ninyo before ni chips and nuts wala nga kayo nai serve, buti nga sa reception namin meron eh sa inyo wala. Ayun tumigil...sobrang nalulungkot ako na of all people siya pa ang gumaganito sa amin, sa akin its like lahat para sa kaniya eh competition between us. Before she mentioned to me na yan ikakasal ka na, malamang mas bongga ang kasal ninyo.. when I informed hubby about it after ng reception namin nagulat siya kasi it is a challenge daw from my friend na higitan namin ang kanila.
Well sabi ng lahat ng guests masaya and okay ang kasal namin, just what we prayed pati reception energetic talaga. Then boom, pinalabas ang SDE, I think majority ng aming mga guests, eh first time naka attend ng wedding na may sde so lahat ng attention niya nasa screen talaga, super tahimik tapos may mga crowd reactions.
While si friend wala man lang maririnig na praise sa kaniya, kung hindi puro bakit ganito ganyan etc..hindi na talaga kami nag expect ng magandang comment from them.