Author Topic: Worse wedding you experienced/seen (Part 2)  (Read 158019 times)

elarose

  • Guest
Re: Worse wedding you experienced/seen (Part 2)
« Reply #220 on: November 13, 2012, 10:30:04 am »
Super agree with you sis ishop -- wag gutumin ang guests.. :) Importanteng hindi magutom ang guests dahil kahit gaano kaganda o kabongga ang wedding mo yun ang maaalala nila, ang nagutom sila sa wedding. At kahit gaano kaganda din ng program mo sa reception, kapag gutom ang guests, hindi rin sila magiging attentive.

Nung wedding ko last February, yan talaga ang concern namin. 11am ang wedding ko, so most probably yung mga guests ang last na kain nila ay early morning pa. Then ang reception ko ay 1pm, so by that time talagang gutom na sila. What we did aside sa salad ay nag add on kami ng nachos na pwedeng kainin ng guests while waiting. Para kahit papano mabawasan na ang gutom nila. Then sa program naman, after our grand entrance, first dance na agad namin then father & daughter dance followed by mother and son dance. after that kainan na. Then habang kumakain AVP tapos yung traditions. Nung time na ng games, halos tapos na sila kumain. Kaya everybody happy. Hindi sila nagutom at natapos ang program namin na walang nag alisan na guests. :)

Staying_me

  • Guest
Re: Worse wedding you experienced/seen (Part 2)
« Reply #221 on: November 13, 2012, 02:41:43 pm »
hindi nyo mapipigil ang guests kung mag eat and run, actually nasa sa couple yan e, kung gaano kayo ka love ng mga guests nyo, for sure it will show kung kaya nila tiisin ang gutom at haba ng program nyo, kaya nila tiisin yun if they are truly close sa inyong couple. we had our wedding last oct 20, no major problems encountered naman, kung meron mang konting flaws, di na halata ng guests yun. 2:30 ang wedding, 5pm start ng program, entrance lang at first dance then kainan na agad. oo may nag eat and run, ito yung mga oldies na guests namin, I don't feel bad kasi sa simbahan naman e nandun na sila. At wala namang tipong pumunta lang sa reception, tapos eat and run pa. yung mga umuwi ng maaga e present na sa simbahan pa lang, then yung mga nag stay until closing (yes, until closing as in naka empake na ang caterer at yung table nalang nung mga natitirang guests ang hindi pa naitatabi) sila naman yung mga reception time lang dumating.
And yes very important yung pagkain, kasi yan ang maaalala nila, ngayon nga pag nakakasama namin yung mga guests, ang bati lagi, "grabe ang sarap ng pagkain at ang dami!" yun naman talaga ang goal namin e. Simpleng wedding at masarap na food  ;D   wag nyo rin kalimutan yung pika pika para naman kahit papano e may makain sila habang nag iintay sa inyo

Another thing na naaalala ng guests, solemnity. It's a good thing na namaintain namin na maging solemn ang kasal namin. At ang mga guests, yun ang comment, "napaka-solemn ng kasal nyo, kitang kita na mahal na mahal nyo ang isat isa". Yup solemn pero hindi boring. Now, we can say na successful ang wedding namin.

Back to topic. Hindi naman to worst, eto lang medyo pumalpak sa wedding namin. Tagaytay wedding kami, bawal ang flying lantern pero sa tigas ng ulo namin ni hubby tinuloy pa rin namin. kaya ayun susko, kung san san pumunta yung lantern kasi sobrang lakas talaga ng hangin at kung san san yung directions. Merong lanterns na sumabit sa puno (buti nalang merong mga kuya dun na sumungkit bago pa kami makasunog  ;D ) yan lang naman yung pumalpak

saybelle

  • Guest
Re: Worse wedding you experienced/seen (Part 2)
« Reply #222 on: November 13, 2012, 03:18:58 pm »
regarding eat and run guests, nangyari samin ito sa wedding namin last oct 26, sineperate ko pa naman yung guests ko sa guests ni hubby, so after eating nagulat na lang ako na halos wala na nakaupo sa side ni hubby, pinipilit ko na lang intindihin na lahat sila ay galing pa cavite, (antipolo wedding kami) pero it hurts pa rin to think na isang gabi lang naman yun, may service naman sila (we provided service vans for them) but still hindi nila nagawang mag-stay, and these are close relatives ha. sabi naman sakin ni hubby, kasi daw di daw sanay yung mga taga sa kanila na may program. akala nila after eating, tapos na. pagpasensyahan ko na lang daw. haaay.

mslcgrey

  • Guest
Re: Worse wedding you experienced/seen (Part 2)
« Reply #223 on: November 13, 2012, 08:33:30 pm »
siguro what future brides can do to minimize eat and run guests is to invite guests who are truly close to them. usually kasi yung mga ganyang guests eh yung hindi naman talaga friends ng couple but ng parents nila. so hindi talaga sila interested sa program ng couple.
also, avoid the long wait for the food sa reception. if matagal pa before iseserve yung food, have snacks or pica-pica and drinks kahit juice or iced tea for the guests. also, have activities that will keep them busy.

crystal_gale

  • Guest
Re: Worse wedding you experienced/seen (Part 2)
« Reply #224 on: November 13, 2012, 08:55:24 pm »
Yan din kinakatakot ko...yung pag may program walang makikipagcooperate or mageat and run lang so pag ayan na yung games wala na tao. So I've decided na wala na lang games ekek, just the giving of messages by the parents and the cutting of the cake and toast lang. After that, formal picture with all the guest then eat na. Para at least tapos na lahat before magkainan haha :)

Worst event I've attended eh yung ang onti ng dumating na guest. Ang panget kasi tingnan na more than 4 tables ang walang laman..tapos during the program kanya kanya ng daldalan ang mga guest and walang nakikinig sa MC... :(

missFB

  • Guest
Re: Worse wedding you experienced/seen (Part 2)
« Reply #225 on: November 14, 2012, 01:02:54 pm »
Nung wedding namin, sinadya talaga naming maigsi lang ang program kasi ayaw naming mainip at magutom ang mga bisita...  :) 

for me, kahit gaano nyo ka-close yung ikakasal maiinip at maiinip ka rin talaga at syempre magugutom pag OA na sa haba ang paghihintay at ang program .  ;D kaya isa ito sa iniwasan namin ni hubby noon.

immy

  • Guest
Re: Worse wedding you experienced/seen (Part 2)
« Reply #226 on: November 14, 2012, 01:56:00 pm »
Natatawa ako sa mga kwento dito mga sis! I am so glad na kahit sa province yung wedding namin last month eh sobrang ganda ng kinalabasan. I guess tama kayo na pag yung mag asawa yung nag finance ng wedding, for sure maayos lahat. Kami kasi ni hubby, we made sure na hindi magmukhang fiesta and wedding. May mga kamag anak na nagtampo pero we didn't care na. Kami naman yung gumastos and pumili ng mga guests. LOL

Well, so far yung worst wedding na napuntahan ko was two years ago yata. Ninang mom ko so ako isinama nya sa wedding. Okay lang yung church. halatang simple lang. Wala masyado decoration, etc pero pagdating sa reception since outdoor sya by the pool, ok sana kaso umulan bago magstart yung program kaya ayun super putik.  :(   4 inches yata heels ko nun. grabe bumabaon talaga sa putik. yung laylayan ng gown ng bride color gray na sa sobrang lublob sa putik. Haaaay. disaster!

whitelady17

  • Guest
Re: Worse wedding you experienced/seen (Part 2)
« Reply #227 on: November 15, 2012, 03:02:05 pm »
regarding sa eat and run guests, here's is what I did.. 2 weeks prior sa wedding namin, I posted about how the wedding preparation goes, like don't get mad at us if you are not invited, its just that we have budget that we are working with...then enter ko ang mga eat and run, for the invited guests, please do your share sana huwag naman eat and run etc, explained that not all of my family and friends are invited and that we chose them to be part of it so sana maintindihan nila ang hirap ng preps.

Our wedding is at 9am, ang reception around 11:30 na nag start alam na alam namin na gutom na sila, so pag entrance namin, first dance namin and dito palpak ang song grrr, iyong entrance song na napili ko hindi na play, dapat iyong Forever ni Chris Brown, hala ang tinugtog iyong collide, na freeze ako for about 15 seconds, ayoko talaga pumasok walang choice pati sa sde ko kitang kita ang expression ko na maling song hahaha. We cut the song early kasi baka may magsabit na ng pera, ayoko ng money dance sa kasal ko eh.

At first, isang waiter lang nag aasists sa amin eh hala nasa 100 guests ang andoon, nagalit na ang friend ko sa coordinator ng resto na 100 pax tapos 1 waiter lang. Biglang dumagsa ang waiters, ayun na serve na ang food.

We prioritize ang food for our guests, so kabado rin ako na baka madami na mag eat and run, and it was nice thing that our close friends serves as our hosts talaga, impromptu games etc. energetic na lahat ng guests kasi nakakain na, and after ng program proper madaming natirang food, hehe nag annouce na ako na kanya kanyang bitbit na sila, rambulan na :p ayos na sa amin yun kasi tapos na ang program and reception.

Our Sde showed that it was not a perfect event, may palpak, and kuhang kuha sa vid, but at the end of the day married life is like that it is not perfect, we just have to deal with it and accept the fact that no matter how hard we worked for it, along the way meron at merong palpak na lalabas, that what makes the preparation all worth it, ang ups and downs.

Back to topic Kinaiinisan ko lang is, ang isang "friend"ko na maka demand talaga eh super. Our guests attire is all white, then biglang nag message si friend na kesyo ang asawa niya eh hindi daw nag susuot ng white na damit at white pants etc, sa sobrang inis ko eh, sinabihan ko na siya na utang na loob a week prior sa wedding alam mo naman kung gaano ka busy ang linggong ito for us, please lang wag mo na dagdagan pa. Sige kung gusto niyang maging star of the day eh d wag siya sumunod sa dress code namin.

After our wedding, lahat ng friends and relatives ko nag enjoy sa event namin, its like hindi sila maka move on from our event which is good thing for us, except for this friend, again nag message sa akin, na bakit daw late na nag start, 9am ang kasal pero sa invitation namin is 8am. So I explained to her na hindi na na move kasi iyong priest hindi na available etc, in a nice way pa nga and joke pa ako. Sabay sumbat sa akin na nagutom daw siya sahil buntis siya nag panting na ang tenga ko, sinagot ko na siya na hello kung alam mo mabilis ka magutom at buntis ka sana nag baon ka ng food mo. At buti nga sa reception namin pag dating mo meron kang chips and nuts na makakain agad while waiting sa pag dating namin, sabi niya eh maski na nagutom rin ako sa reception ninyo tagal ninyo dumating.. Highblood galore na ako, sinagot ko na si friend na, mas matagal nga kami nag antay dun sa reception ng kasal ninyo before ni chips and nuts wala nga kayo nai serve, buti nga sa reception namin meron eh sa inyo wala. Ayun tumigil...sobrang nalulungkot ako na of all people siya pa ang gumaganito sa amin, sa akin its like lahat para sa kaniya eh competition between us. Before she mentioned to me na yan ikakasal ka na, malamang mas bongga ang kasal ninyo.. when I informed hubby about it after ng reception namin nagulat siya kasi it is a challenge daw from my friend na higitan namin ang kanila.

Well sabi ng lahat ng guests masaya and okay ang kasal namin, just what we prayed pati reception energetic talaga. Then boom, pinalabas ang SDE, I think majority ng aming mga guests, eh first time naka attend ng wedding na may sde so lahat ng attention niya nasa screen talaga, super tahimik tapos may mga crowd reactions.

While si friend wala man lang maririnig na praise sa kaniya, kung hindi puro bakit ganito ganyan etc..hindi na talaga kami nag expect ng magandang comment from them.

flighty_phoe

  • Guest
Re: Worse wedding you experienced/seen (Part 2)
« Reply #228 on: November 15, 2012, 03:16:18 pm »
naisip ko tuloy if pwede lagyan yung invitation ng "never eat and run" :)) parang yung monetary clause lang na accepted na sin ngayon sa invitations :D

immy

  • Guest
Re: Worse wedding you experienced/seen (Part 2)
« Reply #229 on: November 15, 2012, 04:38:34 pm »
naisip ko tuloy if pwede lagyan yung invitation ng "never eat and run" :)) parang yung monetary clause lang na accepted na sin ngayon sa invitations :D

LOL  ;D

Sa wedding ng bestfriend ko ngyari rin yung eat and run. Pagdating sa part na magsasayaw at magkakabit ng money sa couple, paglingon namin grabe yung 15 tables yata na occupied ng lahat ng visitors naging 3 - 4 tables nalang ang may tao! Hindi pa puno! As in kawawa yung couple. Kaya nung wedding ko, we made sure talaga na walang mag eeat and run! Sobrang galing ng emcee namin at ng coordinators. Pina close muna namin photobooth while on going yung program tapos lahat talaga attentive sa program at tinapos nila.  :)

xoxojoy

  • Guest
Re: Worse wedding you experienced/seen (Part 2)
« Reply #230 on: November 15, 2012, 06:17:08 pm »
Nakakatakot yung mga eat and run.. sana wag mangyari samin yun..
back to topic. hindi naman worse pero sana wag mangyari samin yung kamukha nung kasal nung pinsan ko. nakalimutan ni father na sabihing you may kiss the bride. ;D funny lang kasi bumalik pa ulit si father para sabihin yun. ;)

tabbru

  • Guest
Re: Worse wedding you experienced/seen (Part 2)
« Reply #231 on: November 15, 2012, 08:19:51 pm »

Sa wedding ng bestfriend ko ngyari rin yung eat and run. Pagdating sa part na magsasayaw at magkakabit ng money sa couple, paglingon namin grabe yung 15 tables yata na occupied ng lahat ng visitors naging 3 - 4 tables nalang ang may tao! Hindi pa puno! As in kawawa yung couple.

Sometimes you can't blame the guests pag ganito. What if walang pera? Ang awkward kasi na hinihingan ka ng pera sa kasal. Para kang naa-ambush. Pag maliit pa ang sinabit mo, makakantiyawan ka pa.


immy

  • Guest
Re: Worse wedding you experienced/seen (Part 2)
« Reply #232 on: November 15, 2012, 09:31:07 pm »
Sometimes you can't blame the guests pag ganito. What if walang pera? Ang awkward kasi na hinihingan ka ng pera sa kasal. Para kang naa-ambush. Pag maliit pa ang sinabit mo, makakantiyawan ka pa.

Understandable yun sana sis kaso literal na pagkatapos kumain, isa isa sila nagsitayuan. hehe  :)

hanson15

  • Guest
Re: Madel's Cuisine Brides
« Reply #233 on: November 15, 2012, 11:36:56 pm »
sa tingin ko sis ok lang ang money dance basta yung mga gusto magbigay sila lang lumapit. yung naatendan ko kasi tinawag isa isa yung mga guest tapos inaanounce kung magkano binigay. so lumalabas na sapilitan. nangyari nagalisan mga guest dahil ayaw matawag

yezzi

  • Guest
Re: Worse wedding you experienced/seen (Part 2)
« Reply #234 on: November 18, 2012, 10:00:19 am »
my husband's cousin first the theme it looks like sa debut party :P then her (wedding) gown she almost tip over coz of the weight then comes her mother who don't know how to entertain guest, Imagine na late ang service namin naipit sa traffic at siya bilang ina ng ikakasal sana tinanong anong problema or bakit kame nalang ang naiwan sa labas ng simbahan at least sana naman she asked her relatives to give us a lift ending nagsariling sikap kame magtanong ::) and my in-laws hinintay nalang yung service namin, since malayo from church at wala ng kasabay, they decided to umuwi nalang kasi naligaw narin sila. And at the reception 4 hrs kame nag hintay ng food, some of the guest went home na kasi hindi na natiis ang gutom, they served us an appetizer after 2 hrs which is very limited lang at naubusan na nga plus tubig lang daw pwede haha! Kaya pala inabot ng 5hrs kasi nag pictorial pa sila. And when they arrived aba! may production pa as is sing and dance sila ::) :P so again we are forced to watch since after nun tsaka palang kakain ::) and the rest of the wedding is puro yabang na like sa price ng couple contest the winner daw will win a 3 nights in Bellarocca with the newly weds, so we pursue our Tita and her Hubby to join, and when they lost dun namin nalaman na isang box or cup lang pala ang price, naglapasalamat pa tita namin dahil natalo sila ;D I just didn't get why they have to brag the misleading prize. ???

ending after the dinner nag-uwian na mga tao, napagod kakahintay ng food out of 250 guests "daw" na invited, I think ang nasa reception lang is 100 and nung nakakain is 40 nalang ::)


I posted this last august and one na yung kasal sa January (1st week) until now meron parin huhuhu kinonect pa sa breaking dawn ang wedding nila with matching publish again ng picture nila nung kasal  :-X

Staying_me

  • Guest
Re: Worse wedding you experienced/seen (Part 2)
« Reply #235 on: November 19, 2012, 12:10:03 pm »
kami walang money dance,
yung couple's first dance namin, iniemphasized namin sa emcee na hindi yun money dance, kaya nung ini-announce na ng emcee yung first dance namin, idinuktong nila na "let's give this wonderful moment to the couple" parang ganyan hehe
saka kasi may monetary note na kami sa invitation, kung mag money dance pa kami, baka may masabi na ang mga guests, gets?  ;D

showermist

  • Guest
Re: Worse wedding you experienced/seen (Part 2)
« Reply #236 on: November 19, 2012, 01:13:37 pm »
I attended a wedding a amonth ago naman. Sa community hall ginanap. So I am not expecting naman na kabonggahan yung wedding. But mygas! It's the most uncoordinated wedding I've been to!

Yung bride palakad -lakad na sa hall, hinahanap yung mister. Yung mister nasa kitchen/preparation area at tumutulong sa mga naglalagay ng food sa table. I had to 'rescue' para naman hindi maging 'waiter' yung groom sa mismong kasal nya. Nawala yung essence ng pagwelcome sa bagong kasal.

Tapos yung emcee--bisaya accent na parang naggi-game show--in English! Can you imagine how disastrous it is? Hindi maintindihan ng mga ibang lahi na guests.

Nung cake-cutting, si bride pa ang naghanap ng knife. Yung champagne flute hindi makita kaya ang ginamit yung plastic cup. May money dance pero hindi in-announce na ganun kaya ang bagsak aapat lang ang nagsabit. Mga magulang ng groom at bride. Tumakbo pa yung groom sa liquor store dahil kinulang ang wine. Ni hindi man lang nag offer yung ibang kamag anak nila to do this for them na lang.

Andaming palpak. Parang na-stress din mga bisita dahil sa dami ng kapalpakan. Hindi talaga coordinated.

pretinnes

  • Guest
Re: Worse wedding you experienced/seen (Part 2)
« Reply #237 on: November 25, 2012, 12:02:36 am »
my friend's wedding in tagaytay. 8am ang mass and lunch ang reception. grabe na stressed ako sa kanila. 3 am gising na sila and nag uunahan sa make up artists ang mga girls kasi mali late na sa church. 3 lang kasi make up artists na andun sa hotel. sa reception naman, ang open area na walang aircondition ang kinuha nila. tapos wala silang coordinator, mga friends lang ni girl ang punong abala. nag expect pa naman ako kaso tagaytay wedding.

ayieloveszavi

  • Guest
Re: Worse wedding you experienced/seen (Part 2)
« Reply #238 on: November 26, 2012, 04:03:55 pm »
i did a little backreading and saw so many posts re: 'eat and run' guests. as a coordinator/host, here's my view:

una, may mga tao talagang aalis at aalis after dinner, di maiiwasan yan. may kanya2 silang rason pero maraming factors naman para may matira sa program.

tama yung point na kung kakilala.ka-close mo yung mga ininvite mo, most likely they will stay. malaking factor ang host, sound system, program at ang couple.

kung magaling ang host mo, maaliw ang mga tao at hindi sila agad aalis. kung magaling din ang sound system mo at di sila naiirita sa tunog at nasisisyahan sila sa music, they will stay. pls dont put the dinner/lunch part sa pinakadulo just to hold the crowd. kawawa naman :( we usually do the intro and parade of the ento, grand entrance, traditions and first dance minsan sa umpisa then kainan na. tinatiming ang resume ng program at hindi mo papatapusin lahat kumain bago ka magresume. we usually allot 30 minutes sa kainan if 200 guests and below.

kung ang couple, sa simula pa lang ay nakita na ng mga guests na super fun, mageenjoy ang guests na magstay. like yung wedding namin last 24th sa pampanga, sa sobrang enjoy ng guests, pagdating sa games, messages etc after dinner nakatayo na sila at nakalapit sa may stage area kasi nageenjoy sa couple at sa program. may mga umuwi din talaga but ang importante is everybody happy.

jazzlawyer

  • Guest
Re: Worse wedding you experienced/seen (Part 2)
« Reply #239 on: November 26, 2012, 04:43:18 pm »
my thoughts about eat and run reception: depends on the program set by the couple. I observed sa lahat ng naattendan ko, ang mga reasons why guests stay are: fun program, gimmiks, and of course entertainment and booze for us this is our idea.

Yung entourage will dance sa entrance. I also hired Aisle 1401 to do a concept AVP which will be shown before we do our entrance. I told them na sana our love story na narrative and nakakatawa.  h2b and I are going to do a choreo dance during our entrance..  I told h2b na we should get a band and mobile bar/ liquor considering na yun din talaga hilig namin and our friends. I hired 3rd Avenue band and  Shakers big punch mobile bar (still thinking BIG time if we still get Margarush). No growing up AVPs for us. just a slideshow of on site pic and SDE. Tapos ng lahat, after party with 3rd avenue (dito ako excited kasi i told them gusto ko ng 80s music hehe)! 

While you hold your guests after ceremony before reception, we should have something in store for them.. I tough of photobooth (Flipbooks for us) and Candy buffet. Hopefully maging successful and maging fun siya  ;D

 

Latest Stories

Load More Stories
Close