Author Topic: Worse wedding you experienced/seen (Part 2)  (Read 157837 times)

andylhen

  • Guest
Re: Worse wedding you experienced/seen (Part 2)
« Reply #60 on: April 19, 2012, 01:55:43 pm »
sis chubbycheeks17 yes meron.. 9:30 start ng mass.. pagbaba namin sa parking, may mga ninang.. kaya alam namin na may kasal.. 9:20 nagstart na ang marching... tee hee!.. todo tingin ko sa bride... hirap na hirap sa gown niya.. kulang nalang bitbitin niya yung gown hanggang altar.. bad ko talaga.. pati may extension pa yung pilikmata niya.. para tuloy siyang sasali sa pageant.. hindi yung blushing bride.. (forgive me Lord...)

yung mass is not the personalized wedding mass.. kasi naman parang siningit lang ni father ang kasal.. masayang part lang is madaming pumalakpak nung na announce na silang husband and wife...

sis mommy_lani buti pumayag ka.. hehe.. kung ako kung taga saan ako, dun ako pakakasal or kung saan ko gusto.. tee hee!.. pero that's for me lang po.. san naman ang wedding reception and preps nyo nun?

chubbycheeks17

  • Guest
Re: Worse wedding you experienced/seen (Part 2)
« Reply #61 on: April 19, 2012, 02:53:42 pm »
andylhen - first time ko lang nalaman na puede pala isabay yun wedding sa sunday mass. ang pro nun for the p/v is puno yun church sa mga shots nila which will definitely look so nice sa mga pix. tee hee! ;D nakakatuwa din yun madaming pumalakpak for the newlyweds ;D

chiclet_24

  • Guest
Re: Worse wedding you experienced/seen (Part 2)
« Reply #62 on: April 20, 2012, 10:13:30 am »
Naku sis Chaze dapat meron kang gawin para mabawasan ang gate crashers at bitbit. He he he pwede kayang mag hire ng bouncer?

Kung sa bahay ninyo ang handaan, mahihirapan kang mag paalis ng gate crasher pero kung sa isang hall or sa ibang venue, kailangan mo lang e magpadagdag ng konti. Kung 100 heads, dapat prepare mo siguro mga 130 extra na yung 30.

Yung wedding ko, for 100 na yung pinacater ko at 80 lang ang invited e taob ang pagkain. As in simut. Although nabusog naman sobra yung guests. Pero kahit na.

I agree sis chaze... one provincial wedding na nattendan ko ganyan may cater sila in a certain venue para maiwasan ang mga gatecrasher ang ginawa nila sa venue ang chosen 100 then the rest of the baranggay idinirect sa haws ni bride nag pakatay ng baboy dun at nagpaluto at dun sila pinakain so [textspeak!] mga nakashorts at nakaslippers dun pumunta at kumain while the entourage, the family and the close friends sa venue with caterer haha 

kittenchi17

  • Guest
Re: Worse wedding you experienced/seen (Part 2)
« Reply #63 on: April 20, 2012, 03:31:51 pm »
I want to share mine as well kayo na lang ang magjudge kung worse ba ito pero mostly kasi ng experience nyo nakakarelate ako.

Maid of honor ako sa isang kasal, kaya lang days before the event nagkasakit ang close relative namin so hindi ako masyadong makapag focus sa kasal saka ang alam ko ok na lahat sabi ng bride kasi tintutulungan ko naman sya sa preparation months before the wedding.

Before ang usapan namin dun na lang ako sa amin mag pa make up since hindi naman nya libre ang make up at hindi ko afford ang make up artist nya. Ok lang naman sa akin yun since ako din ang sumagot ng gown ko na may problema din kasi palpak ang pagkakatahi ng mananahi niya, so ang ending three days before the wedding nag rent ako ng ibang gown.

A day before the wedding nagtext sa akin ang bride para sa itinerary 3pm ang kasal 11am daw ang pictorial so sabi ko ok 10am dun na ako sa venue kung saan siya mag prepare. Nagkainitan kami ng bride.... (sad to say) kasi ang gusto nya pala e maaga ako sa preparation venue mga 8am... mali din ako kasi sumagot ako ng parang sarcastic na "8am andiyan na ako ng naka gown tapos naka make up tapos 3 pm ang kasal?" So fault ko yun feeling ko. Matapos ang mahabang discussion sinabi ko sa kanya sabihin mo yung gusto mong ipagawa hindi yung nanghuhula ako so ayun nagkasundo kami na pupunta ako ng 8am dun sa preparation venue tapos magbabayad na lang ako sa make up artists nya, so ok na.

Since bantay ako sa hospital the night before the wedding medyo puyat at pagod ako pero inisip ko kasi nagcommit ako sa pagiging maid of honor so dapat gawin ko talaga to saka wala siyang WC, so call time 8am nakarating ako ng 8:30am hindi na ako ng breakfast kasi baka malate ako.

Pagdating ko sa preparation venue yung make up artists pa lang yung andun nag antay kami mga 9:30 wala pa si bride, so sabi ng make up artists unahin na lang muna kita kasi wala pa si bride. Dumating si bride 10 am kasi nag pick up pa sila ng flowers kasama si groom. Sa preparation venue ang nandun lang ako, make up artist, assistant ni make up artist, at bride. Napansin ko kusot ang wedding gown, sabi ko magpadala ng plantsa sa mga family members. 11am dumating ang family members may dalang plantsa... ako ang nagplantsa kasi hindi pa naman ako nagbihis. Feeling ko nakagawa ako ng mabuti ng oras na yun. Lunch time, binilhan ng food ang supplier hindi ako kasali hehe ok lang kasi si bride nga hindi rin kumain e, so ok na lang din. So pictorial na... sa may garden nadumihan ang gown ni bride sabi ng mother's bride wag na punasan kasi hindi kita pero nag insist ako kasi pangit tignan e so ayun kinusot ko yung gown binasa ko ng tubig galing sa mineral bottle.

Maganda naman ang kinalabasan ng wedding masaya ako para sa bride, nagyakap pa kami after ng reception tapos naiyak ako kasi feeling ko nagkamali ako na awayin siya a day before her wedding...

Pag uwi ko natuklasan ko na... nawawala ang gamit ko (hair iron saka yung charger ng cellphone ko), sabi ko ipa-review yung CCTV, ang sabi nya sakin 5 days after the wedding walang nakita sa CCTV. Ang hindi ko maintindahan nagalit sakin si bride kasi nagpost ako sa FB na "yung kumuha ng charger ko wag mo itapon yan mahal yan" sabi nya sakin yung post ko daw ay parang sinisisi ko siya sa pagkawala ng gamit ko. Hindi na ako nag explain hahaba lang ang usapan

Dahil sa payo ng mga officemate ko sabi nila magrequest ako na maview personally yung CCTV recording. So tinawagan ko yung preparation venue 2 months after nalaman ko hindi pala sila nagrequest na i-view ang CCTV camera, sad to say wala na rin silang kopya nun... so ok na lang din hindi ko na sinabi kasi baka magalit si bride na nag imbestiga ako.

Pasensya na haba ng kwento

mommy_lani

  • Guest
Re: Worse wedding you experienced/seen (Part 2)
« Reply #64 on: April 21, 2012, 07:28:47 am »

sis mommy_lani buti pumayag ka.. hehe.. kung ako kung taga saan ako, dun ako pakakasal or kung saan ko gusto.. tee hee!.. pero that's for me lang po.. san naman ang wedding reception and preps nyo nun?

ay naku sis!long story hehe tsaka yung both parents naman nag-usap regarding sa place so hindi narin ako kumontra...actually iniyakan nga to ng lola ko, yung binastos ni father hehe...kasi bakit nga daw pumayag yung papa ko na hindi sa place namin yung wedding. We dont have place kasi sa residential namin at maliit yung house to accomodate yung both relatives. Wala na kaming time maghanap pa ng affordable venue sa manila na malapit sa church and house. So the ending napagkasunduan na sa place nalang ni hubby. But we both decide at sya narin nag-insist na after 5 years pagbalik ng parents nya galing states we will have our wedding again syempre sa place ko na... Yun na ang naging plano. So di na ko umangal hehe

mommy_lani

  • Guest
Re: Worse wedding you experienced/seen (Part 2)
« Reply #65 on: April 21, 2012, 07:30:51 am »
sis kittenchi17,

i think may attitude problem si bride... yun lang ang napansin ko sa story mo.
Is she your bestfriend or what? parang ibang tao ka kasi kung ituring nya...

kikay_machine

  • Guest
Re: Worse wedding you experienced/seen (Part 2)
« Reply #66 on: April 21, 2012, 03:40:42 pm »
^^ Tama. Close ba talaga kayo ni bride? Kasi parang utang na loob mo pa ang pagiging Maid of Honor niya, e.

Anyway, naloka naman ako sa mga bad stories dito. At least, alam ko kung ano yun mga dapat maiwasan.  ;)

kittenchi17

  • Guest
Re: Worse wedding you experienced/seen (Part 2)
« Reply #67 on: April 22, 2012, 03:43:34 pm »
@mommy_lani alam mo sis iniisip ko nga yan ngaun e, ang alam ko hindi sya ang bestfriend ko pero siguro bestfriend ang tingin nya sakin, saka nakakahiya naman sabihin na ayoko maging MOH kasi hindi naman ikaw ang bestfriend ko. Saka first time ko rin kasi maging maid of honor kaya super excited ako hindi ko na naisip na baka nga hindi ako bagay maging MOH nya

@kikay_machine feeling ko dati close naman kami, hindi ko alam kung anong nangyari sa kanya o sa akin o sa aming dalawa. Minsan iniisip ko nga yung iba kayang bride ganun din ba ginagawa nila sa mga abay nila?

mistiqshannen

  • Guest
Re: Worse wedding you experienced/seen (Part 2)
« Reply #68 on: April 23, 2012, 08:02:18 pm »
We had this wedding, friend ko din yun groom and bride. Ok naman ang kasal nila. Super ganda nga ng set up e. super happy nga sila sa service namin na kinabukasan nag aya pa ng lunch treat nila kami. It was and out of town wedding. They even gave us tag isang gift pack from Body shop. Kami lang ang inabutan hehe...

Ang Palpak
1. This venue was sikat naman pero not sure if madalas sila sa wedding. Basta sikat sya and ang palpak.. This is a venue kasi na me membership churva. Tapos me event ang mga members ng lugar na ito on the same day as my friend's wedding. Nauna naman sila nagbook pero since members ng lugar na ito ang me event its like something related to race na guest pa si paquiao hehe..

So nangyari walang waiter na nag aasist samin. 3 lang ata nakita ko. Yun F&B manager never kami inassist. yun VIP nakakain na lahat ng guests wala pang food. Kasi walang waiter andun lahat sa kabilang event. Pumasok na yun kasama ko sa kitchen nagsisigaw na sinigawan pati AE kasi yun VIP mamamatay na sa gutom.

2. Nagmamadali iligpit ng mga naiwan waiter yun sa buffet kasi nga gusto lumipat dun sa kabilang event. Kaya tinayuan ng isa namin kasama yun buffet walang liligpit hanggang di namin sinasabi manigas sila... Nag sorry naman ang AE pero what was done is done na.. magsorry man sila..

Tapos ang prestigious ng lugar nila.. mayayaman mga tao pumapasok dun pero sa araw na iyon yun aircon wala super init..

3. yun photo/video nya. napapamura na kami sa buwiset. Buti yun nag assist sa groom na kasama namin marunong sa photography sya na nagdirect sa kung anong shot dapat gagawin nun PV. kasi si PV na main PV din dun sa kabilang event ayos at team 2 nya pinadala nya sa wedding ng friend ko na palpak. As in.. pati yun couple gusto umiyak sa palpak. yun SDE patse patse pumalakpak pa yun isa videographer after maplay yun SDE nya inaangat ang sarling bangko. Kahit ako kaya ko gawin yun ginawa nya sa MOVIEMAKER.

Proud pa sila ipromote samin yun photobooth nila.. na nagbibilang ng 1,2, 3 tsaka magshot as in personal na bibilang yun tao dun para magshot wala kasi monitor yun photobooth cam lang and printer at monitor na nakaharap sa nagtatao para makita nya yun ginagawa nya.

The next day, nagsabi yun couple samin kinausap daw nila after the wedding via call yun main photog na me ari kasi yun usapan nga malabo. tapos binabaan na sila ng phone later on... super sisi sila sa kinuha nila PV.

Kaloka ito... Pero nairaos padin namin ng maayos ang kasal. kami nalang nakaramdam ng palpak... aside sa PV at VIP table...

mistiqshannen

  • Guest
Re: Worse wedding you experienced/seen (Part 2)
« Reply #69 on: April 23, 2012, 08:05:36 pm »
at eto yun kasal na ang hirap makipag cooperate pati mga waiters nila. sobra... kasi ang focus andun sa kabila gosh!

jazzlawyer

  • Guest
Re: Worse wedding you experienced/seen (Part 2)
« Reply #70 on: April 23, 2012, 09:04:45 pm »

Sis thats really sad. If I were the bride, I would blog all about what happened, narrate everything and  name all the suppliers who ruined my wedding. Its a once in a lifetime event that should never be taken for granted.

And baka mag file pa ako demand letter to reimburse a portion of what has been paid and probably file a case for damages.

katrinac

  • Guest
Re: Worse wedding you experienced/seen (Part 2)
« Reply #71 on: April 24, 2012, 03:39:03 am »
hello mga sis, may nakapag attend na ba sa inyo ng may kasabay na wedding? kasi may kasabay kami na wedding, though mauna sila. 2PM sila, then kami ni h2b, 4PM ang start. eh ang nilagay ko sa invitation is an hour before our wedding ceremony.  ;D eh syempre, meron naman di mawawalan ng mga early bird na guests, so pagdating nila sa church, may kinakasal pa. allowed ba sila mag stay sa loob ng church kahit may ongoing na kasal? :)
kugn ako kasi ang papipiliin, mas gusto ko sana na wala talaga kaming kasabay eh. baka mag start na ang wedding namin, tapos sila, di pa tapos :( or mag pack up.

chubbycheeks17

  • Guest
Re: Worse wedding you experienced/seen (Part 2)
« Reply #72 on: April 24, 2012, 07:08:05 am »
kittenchi17 - sis, naawa naman ako sau sa kwento mo. how ungrateful that bride is! so after ng wedding, you two had a fall out na?

mistiqshannen - super hassle naman ang ginawa ng mga suppliers na yun sa wedding you shared :( sana man lang pinrep nung venue/AE yun couple na may makakasabay na event yun wedding nila para somehow, nagkaroon sana ng plan B. super naneglect yun wedding when in fact, puede sana naminimize yun stress kung nagkaroon ng proper communication to the couple which they rightfully deserve. about dun sa p/v, ka-tie-up ba yun nung venue kaya sila din ang nagcover nung event ng mga members?

katrinac - sis, i think allowed naman magstay ang mga guests nyo sa loob ng church kahit na may kinakasal pa. hindi na naman nila yun mapapansin especially kung sa bandang likod naman ng church magstay ang mga guests mo. for some guests, baka hindi rin sila comfy mag-stay habang may kinakasal pang iba so baka some will wait na lang inside their cars if they will bring one. sis, nacheck nyo na ba if the 2pm wedding has only reserved an hour dun sa church? kasi some couples for the purpose of picture taking opt to reserve 2 hours.

SakuraBride

  • Guest
Re: Worse wedding you experienced/seen (Part 2)
« Reply #73 on: April 24, 2012, 12:33:35 pm »
mistiqshannen

Tama si sis jazzlawyer, kung ako yan ibblog ko talaga yan at titirahin ko sa supplier's ratings. hahah Katulad nung nakuha ko photobooth. Wala kwenta. Di namen alam gagawin namen kase wala monitor. Nalilito kame kumilos. hahah Konti lang tuloy nagpapics kase di sila mukhang photobooth. Nalugi talaga kame.

sis-sis

  • Guest
Re: Worse wedding you experienced/seen (Part 2)
« Reply #74 on: April 24, 2012, 04:07:46 pm »
i think my worst experience was during my wedding when i overheard one of my guests say that my photo booth is sooo gasgas and boring because all other weddings he's attended has one huhuhu :-[

jazzlawyer

  • Guest
Re: Worse wedding you experienced/seen (Part 2)
« Reply #75 on: April 24, 2012, 06:23:24 pm »
i think my worst experience was during my wedding when i overheard one of my guests say that my photo booth is sooo gasgas and boring because all other weddings he's attended has one huhuhu :-[

I have a photobooth too sis. Even if I find it very common na, I still booked them. I collect all the photobooth pics since it boomed. I must say I find it really cute when I had them in 1 album.

Gasgas and boring probably to because the subject is also boring (ang sama ko lang  ;D)

katrinac

  • Guest
Re: Worse wedding you experienced/seen (Part 2)
« Reply #76 on: April 24, 2012, 09:39:10 pm »
maeimee - thank you sis! medyo na kampante ako. kasi last na sched kami for that day. though may 7pm pa dun na available, pero i doubt na may kukuha ng time na yun. too late na masyado. hehe! buti nalang pala mas nauna kami, at di kami mahahassle sa picture taking.

sis-sis - sis naku, nakaka lungkot naman kung ganon ang mga comment. i don't get it why nung mga ganyan na tao need pa ipadinig or i comment mismo sa wedding day. sana keep it to themselves nalang "muna"; or make sure na wag marinig ng couple. hehe.  ang hirap mag plan ng wedding, and di biro talaga. and super sakit kapag we hear not so good things about our wedding day. samin din photobooth kami, and i don't think gasgas parin sya! besides, almost everyone nag eenjoy naman dito.

chubbycheeks17 - thank you sis! though nakita ko naman sa guidelines ng church na 30 minutes lang ang alloted na time for pictorial. exclusively for entourage lang daw kasi. so pag ang tapos ng mass eh 3:00, dapat 3:30 wala na sila dun. for sure, may mga early birds talaga (like you sissy) haha! LOL, so most likely makita mo yung wedding before wedding ko. hehe. IMY big time!

chubbycheeks17

  • Guest
Re: Worse wedding you experienced/seen (Part 2)
« Reply #77 on: April 24, 2012, 10:20:51 pm »
katrinac - dadating na lang ako on time. wahahahaha! ;D amishoo too sissy!  :-*

AltaVida

  • Guest
Re: Worse wedding you experienced/seen (Part 2)
« Reply #78 on: April 24, 2012, 11:57:04 pm »
mistiqshannen

Tama si sis jazzlawyer, kung ako yan ibblog ko talaga yan at titirahin ko sa supplier's ratings. hahah Katulad nung nakuha ko photobooth. Wala kwenta. Di namen alam gagawin namen kase wala monitor. Nalilito kame kumilos. hahah Konti lang tuloy nagpapics kase di sila mukhang photobooth. Nalugi talaga kame.

naku sis sana ganon kadali na magblog na lang at isiwalat ang palpak ng isang co-supplier sa wedding... it happened to us before but we are okay now, i'd say we've put the past behind us, pero yung experience hindi maganda.. ng dahil sa isang blog...

kumbaga sa amin, as former brides - last year lang kami kinasal eh, parang nakasanayan na namin magbigay ng review sa ibang suppliers to help other b2bs.. pero siyempre hindi naman lahat ganon ang interpretasyon sa ginawa naming pagsulat... kaya maiintindihan ko si sis mistiqshannen kung hindi niya idisclose ang name sa forum... maraming suppliers ang lurkers..  ;D hehe...  hindi katulad sa kabilang forum, na para lang talaga sa soon to weds ang posts... :)

jazzlawyer

  • Guest
Re: Worse wedding you experienced/seen (Part 2)
« Reply #79 on: April 25, 2012, 04:11:57 pm »
naku sis sana ganon kadali na magblog na lang at isiwalat ang palpak ng isang co-supplier sa wedding... it happened to us before but we are okay now, i'd say we've put the past behind us, pero yung experience hindi maganda.. ng dahil sa isang blog...

kumbaga sa amin, as former brides - last year lang kami kinasal eh, parang nakasanayan na namin magbigay ng review sa ibang suppliers to help other b2bs.. pero siyempre hindi naman lahat ganon ang interpretasyon sa ginawa naming pagsulat... kaya maiintindihan ko si sis mistiqshannen kung hindi niya idisclose ang name sa forum... maraming suppliers ang lurkers..  ;D hehe...  hindi katulad sa kabilang forum, na para lang talaga sa soon to weds ang posts... :)

Sis hindi naman talaga sisiraan. Parang inanarrate lang yung nangyari sa wedding. Everything naman is based on statement of facts to which we're entitiled to voice out.

MAy iba lang kasi na suppliers na parang nananakot daw (like in one thread here). If they think they are not guilty, there are so many mediums to defend themselves. Itstead of getting affected, suppliers should do something to improve their service. We're here naman not to ruin them if they did something at our wedding. We're here to voice out our concerns para di na maulit sa iba. On how the suppliers would appreciate the situation, well its theirs na yun. di na din natin control yun

I have a friend who is a well known wedding supplier who told me that he wants to read negative feedbacks for them to improve for the better.

just my 2 cents  ;)
« Last Edit: April 25, 2012, 04:23:55 pm by jazzlawyer »

Latest Stories

Load More Stories
Close