Eto naman sa cousin ko na wedding. Eto yung mga palpak na nakita ko:
1. Yung caterer nila, sila na din ang bahala sa flowers sa church at entourage. Okay naman yung flowers ng ento, isa kasi ako sa SS, so sabi ko, maganda. Kaso, yung flowers sa church, ibang kulay kesa sa motif nila. Ang motif kasi nila is hot pink and purple, tapos yung flowers sa church, yellow! - We found out na ni-recycle nung caterer yung flowers. Bale may event daw yung caterer nung umaga, na yellow yung motif, tapos ayun, dinala sa church nung pinsan ko nung afternoon.
2. Buffet style yung ginawa nila sa guests pero sa amin na abay and principal sponsors, nilagyan ng food sa table namin. Sobrang tagal bago kami nabigyan ng food. Tapos na kumain yung ibang guests, saka pa lang dumating yung food namin. Tapos, hindi pa lahat nadala sa table namin. After the wedding na namin nalaman na meron palang pasta at mga deserts.
3. Nag-rent sila ng projector kasi 3 yung ipapalabas nila. bale 2 avp at isang sde. Pagkatapos i-play nung first avp, saka nagkainan. Tapos, after kumain ng guests, hinanap namin yung projector - wala na, tinakbuhan na sila.
4. Nagkagulo yung mga tao sa souvenirs. Kami nung MOH yung gumawa. Pero, ate nung bride yung nag-distribute. Ayun, parang palengke lang, dinumog si ate.
5. After makuha makakain, sobrang konti na lang yung natirang guests. Kami-kami na lang yung naiwan. Ang estimate ko eh there were 250 guests. Pero parang ang natira eh 30-40 na lang.
6. Message ng parents ni groom "Alam ko may sarili na kayong pamilya, pero, wag mo naman kaming pagdamutan sa pera". Ayos! Talagang sa mic pa sinabi. hehe
7. Pahabol pa... Yung honeymoon nila, kasama yung parents nila, which is okay lang naman. Ang hindi okay eh ayaw magsolo nung mother ni groom sa room, ayaw din sumama sa parents ng bride. Kaya ayun, bad trip yung pinsan ko kasi kasama nila sa room yung MIL nya during her honeymoon.
