Author Topic: Worse wedding you experienced/seen (Part 2)  (Read 157901 times)

katrinac

  • Guest
Re: Worse wedding you experienced/seen (Part 2)
« Reply #80 on: April 25, 2012, 09:47:06 pm »
jazzlawyer - i agree with you sis, maigi din na may negative comments para alam kung san mag improve diba. kaya dapat they should take it na talaga bang constructive criticism. ako pag nag hahanap ng supplier, i make sure to search for positive and negative comments about them. then tatanungin ko sila about din. pag masyado kasing positive, baka umasa ako masyado, tapos di naman pala ma meet nung expectations ko, parang mas masakit ata yun. :D

yndy

  • Guest
Re: Worse wedding you experienced/seen (Part 2)
« Reply #81 on: May 11, 2012, 02:37:05 pm »
Attended the wedding of hubby's cousin. Everything turned out well naman except sa venue na parang nagcocompete yung 2 wedding. Yung venue kasi has 2 open air venues side by side so parang nagsasapawan sa sounds, but hindi yun yung factor that it made the expericence bad... what made it bad was minulto kami sa venue.

We were about to go home na so we went to the washroom to freshen up. 2 lang ang cubicles sa washroom. I clearly saw na may pumasok dun sa isang cubicle and since may nakapila dun sa kabila pumila din ako. Napansin din pala ni SIL na may pumasok though hindi daw niya napansin kung lumabas kasi nakaside view siya dun sa door ng cubicle. More than 5 minutes kami naghintay SIL, me and the other lady na nakapila dun sa kabilang cubicle at kami na lang yung tao sa washroom, lumabas muna kami sa may bandang pintuhan para magpahangin. Nun may nakita kami papasok sa CR, balik kaming 3 kasi baka maunahan kami sa pila. Still sarado pa din yung cubicle, naguusap kami nun isang girl mentioning na ang tagal naman and she tried na itulak yung pinto ng cubicle na pinilahan ko, to her surprise wala tao, ganun din ginawa ko and wala din tao. We peed as fast as we can. Kami ng SIL ko magkasama sa isang cubicle sa takot. As in nagbantayan kami, then bilis namin lumabas. Nag uusap kaming 3 and we all swear may nakita kami pumasok and impossible na hindi namin makita lumabas kasi andun kami sa mismong pinto ng washroom.. ayun lang po... sorry napahaba ata

FOURever

  • Guest
Re: Worse wedding you experienced/seen (Part 2)
« Reply #82 on: May 11, 2012, 03:01:24 pm »
^grabe sis! Kinilabutan ako dyan.. kakaibang experience :x

twelve5

  • Guest
Re: Worse wedding you experienced/seen (Part 2)
« Reply #83 on: May 12, 2012, 02:08:15 pm »

10. Nagsasandok ng food para sa iyo sa buffet. Why bother mag buffet kung ganun? Mukha tuloy soup kitchen yung reception.


Whoa! I dont think having an assisted buffet should fall under worst* wedding experiences.

Servers are there for guests who are fond of taking more than their share (and later on end up not finishing up what they have on their plates - mga takaw mata ba) and to make sure that those in the end of the line still have something to eat when their turn comes.

Mas "valid" pa ang complaint kung naubusan ka ng food.    ;)


Edit: *worse
« Last Edit: May 13, 2012, 09:58:05 am by twelve5 »

aulivia

  • Guest
Re: Worse wedding you experienced/seen (Part 2)
« Reply #84 on: May 12, 2012, 02:50:49 pm »
This was a long time ago na. My cousin's wedding. Everything went smoothly dun mismo sa ceremony at reception, pero ka-table namin yung pamangkin ni bride, at ayun nagwawala na bakit daw sya pinilit mag-attend eh may school event sila. So yung nanay nya (sister of the bride), todo naman syang pinapagalitan. Pati yung cousin ko talagang asikaso sa kanila kasi nga ang gulo, during what should've been HER special day. Nakaka-stress lang panoorin!
« Last Edit: May 12, 2012, 02:52:50 pm by aulivia »

edaganda

  • Guest
Re: Worse wedding you experienced/seen (Part 2)
« Reply #85 on: May 12, 2012, 10:40:32 pm »
Meron akong "mga" weddings na naattendan na nakalimutan ng pari mag-announce ng "you may now kiss the bride" :(

mommy_lani

  • Guest
Re: Worse wedding you experienced/seen (Part 2)
« Reply #86 on: May 13, 2012, 04:28:46 am »
Meron akong "mga" weddings na naattendan na nakalimutan ng pari mag-announce ng "you may now kiss the bride" :(

hahaha!ganito din sa wedding ko sis...mas priority pa ni father na manghingi ng handa rather saying we could kiss now as a newly wed couple...ang nakakatuwa yung mga guset nalang sabay sabay nagsabi ng kiss hehe

VShe

  • Guest
Re: Worse wedding you experienced/seen (Part 2)
« Reply #87 on: May 13, 2012, 05:08:59 pm »
Walang kiss the bride? Ang kulit haha

jazzlawyer

  • Guest
Re: Worse wedding you experienced/seen (Part 2)
« Reply #88 on: May 13, 2012, 07:09:14 pm »
Meron akong "mga" weddings na naattendan na nakalimutan ng pari mag-announce ng "you may now kiss the bride" :(

Hi sis! nangyari din yan sa friend ko.  ;D as in umalis na yun pari di alam ng couple ano gagawin nila  ??? buti nalang bumalik yung pari din dun niya sinabi. that was a funny moment kasi lahat kami natigilan at nagpause saglit  :P

lableemom

  • Guest
Re: Worse wedding you experienced/seen (Part 2)
« Reply #89 on: May 14, 2012, 05:01:56 pm »
Wedding ng cousin namin sa province. This was in mid 90's pa. Lol! Hindi ito actually disaster pero nakakaasar na nakakatawa.

Una, during the exchange of vows, break-up song lang naman ang background. Huh?! Nagkatinginan kami ng ate ko, kaya pala, kanta kasi ng favorite singer ni cousin. Buti na lang magaling yung soloist, sa boses na lang kami nagfocus ni ate.

Sa reception, hindi lang buong baranggay nila ang nagpuntahan. May mga gatecrashers na taga ibang town pa talaga. Kaloka, nakatawid pa ng ilog ang balita ng kasalan! Lol! In fairness, prepared yung family ng cousin namin. Lunch and dinner ang pakain, although non-stop ang cooking sa kanila. Yun nga lang nakakaumay kasi puro karne ang ulam. May banda, ayos! Okay naman sila although yung mga tinutugtog ay yung mga tipong last 2 years pang sumikat sa Manila, haha! Yung tita ko nag-announce lang naman na pwede nang simulan ang sayawan at kung kami ang gustong isayaw (mga piling 4 na babae, haha!), magbayad muna ng P5 sa mag-asawa. Buset! Paki-imagine po yung palakpak ng nagtatawag ng kalapati. Ganun lang naman ang palakpakan ng mga bisita!

AltaVida

  • Guest
Re: Worse wedding you experienced/seen (Part 2)
« Reply #90 on: May 15, 2012, 09:01:14 am »
^ hehe natawa ako sis sa puro karneng ulan.. hehe yung tipong iba-iba lang ng cut yung karne pero iisa ang lasa ng sarsa.. :)

ako naman sa wedding ng friend ko.. nakakasad kasi one of my best friends ko siya.. kaso wala ako dito nun sa manila to help her sa preps.. nakakaloka lang ang number of guests nila.. ang reserved nila is 250, pagdating ng bisita since walang registration, hindi na-filter ang ibang hindi imbitado.. andamin bata, tapos ang daming service na van kasi naman pala parang pinasundo pa ng byenan niya yung mga kamag-anak sa batangas.. at nag instant set up ng 12 na 10 seaters.. ganon karami ang extra guests niya.. yung family ni bride, andun sa isang mesa sa sulok na hindi na natatamaan ng ilaw ng venue.. tapos nung dinner time na, since hindi hawak ni emcee yung mic, pumunta sa harap yung mga tita nung groom at nag-announce ng bentahan.. okay lang yun sige kung tradition nila, pero kasi nakakahiya na para silang nagroll call sa mga mesa, pilit na pinapabili yung mga tao.. na hanggat hindi raw ubos yun eh hindi sila aalis dun sa gitna.. kaya tuloy yung mga tao siguro sobrang asar para matapos na lang, bumili na rin.. 200 naman kasi ang 2 pirasong suman..

ganon din nung nagmoney dance, yung mga tita rin ni groom ang nag-ala emcee para magroll call sa mga guests na hindi pa tumatayo at nagsasabit ng pera.. yung friend ko nahihiya sa boss niya, kasi in-announce pa talaga sa mic "o yung boss ni "bride" hindi pa bumili ng bibinka" hay kalowka talaga.. at hindi ito sa probinsya nangyari.. maintindihan ko pa kung ganon.. pero dito sa manila ngyari, kaya parang na-culture shock yung mga taga manila na guests...niyakap ko na lang friend ko pagtapos.. ako yung tumulong sa kanya sa reception and program - 2 kami ng isa pa namin friend, imagine niyo na lang yung reaksyon namin nung may umagaw ng mic sa host.. kulang na lang tumambling kami.. hehe

mamapeew

  • Guest
Re: Worse wedding you experienced/seen (Part 2)
« Reply #91 on: May 15, 2012, 09:14:31 am »
^OMG sis, ta-tumbling din ako malamang kung andun ako. Kawawa naman si bride. Nung binabasa ko nga story mo ang iniisip ko sa province e. At nagbenta pa ng bibingka at suman. Yung groom ba hindi natunaw sa kinauupuan nya. Sobrang dyahe naman yun!!  :-[

SakuraBride

  • Guest
Re: Worse wedding you experienced/seen (Part 2)
« Reply #92 on: May 15, 2012, 04:34:23 pm »
Grabe sis nakakaiyak naman yan.. ginawang palengke ang wedding.
Ang mahal ng benta ha. 200 sa 2 suman.

Staying_me

  • Guest
Re: Worse wedding you experienced/seen (Part 2)
« Reply #93 on: May 15, 2012, 06:06:41 pm »
^ kala ko rin sa probinsya

bubugirl

  • Guest
Re: Worse wedding you experienced/seen (Part 2)
« Reply #94 on: May 15, 2012, 06:45:50 pm »
SIS @AltaVida

HUWAAW!! masarap naman ba ang suman? hehe nakakahiya naman yun sa mga guests at lalo na sa boss ng bride.

siguro kung ako yung bride sinabihan ko si na si groom na paupuin na ang yung tita nya. hehe  :P

baliya15

  • Guest
Re: Worse wedding you experienced/seen (Part 2)
« Reply #95 on: May 15, 2012, 09:42:54 pm »
Hindi naman talaga worse, sablay lang. Kasala ng friend ko. Si groom ang kakanta ng wedding march kaso sa mismong march, sumablay ang mic, as in walang sounds. Nasira ata. super practice si groom before wedding tapos moment pa yun ni bride na magemote habang lumalakad.

kittykatt

  • Guest
Re: Worse wedding you experienced/seen (Part 2)
« Reply #96 on: May 15, 2012, 09:58:16 pm »
this happened years ago, at my cousin's wedding sa province.parang 3 weddings ata yung sabay sabay,so it was my cousin's group to march sa aisle,yung pinauna ba naman yung bride and groom then next na nag-march yung principal sponsors. hindi lang lakad kundi mabilis na lakad! ahahaha! it was so funny! ;D

AltaVida

  • Guest
Re: Worse wedding you experienced/seen (Part 2)
« Reply #97 on: May 15, 2012, 11:11:41 pm »
SIS @AltaVida

HUWAAW!! masarap naman ba ang suman? hehe nakakahiya naman yun sa mga guests at lalo na sa boss ng bride.

siguro kung ako yung bride sinabihan ko si na si groom na paupuin na ang yung tita nya. hehe  :P

ayaw nga namin tumayo saka mga friends ko kasi naman taga Cainta kami kung saan ang kinabubuhay ng mga tao ay paggawa ng suman at bibinka.. ultimo yung family ni bride may tindahan ng bibinka..  haha so umay na kami dun.. pero no choice, para matapos na lang.. naku hindi ko na knows kung paano ang eksena after ng wedding.. pero balita ko pinartehan pa ng MIL ni friend ko yung mga tita na nagbenta, galing dun sa mga napagbentahan...

wala kami magawa girl.. alam nang friend ko yugn plano na yun ng MIL at tita ni groom, kaya nung nag-uusap kami ng program with emcee - she instructed na wag isingit sa program yun.. kaya nung feeling siguro nila eh hindi sila makakabenta, ayun kinuha ang mic... hindi ko naman masisi yung emcee kasi ayaw naman niya magmukhang bastos kung papaupuin niya.. kasi pati si MOG ay ka join na nag-aannounce dun..

caterpillar-girl

  • Guest
Re: Worse wedding you experienced/seen (Part 2)
« Reply #98 on: May 16, 2012, 01:56:09 pm »
One of the worst weddings na napuntahan ko is a beach wedding. Inulan ng husto yung wedding :( Nung start ng ceremony palang, umaambon na. They still proceeded with the ceremony there. Tapos as the ceremony went on, ayun bumuhos na ang ulan PERO tuloy pa rin ang ceremony. Basang basa kaming lahat doon, kanya kanyang bukasan nalang ng payong. Eh yung iba walang payong, nakisilong nalang kung san. Bale mga less than 20 people nalang yung natira sa ceremony. The rest of us just viewed it from the nearby cottages. Yung isang grupo nga ginamit nalang na payong ang isang surfboard na dapat sana e part of the reception decor. Pati yung bride and groom basa rin.

Nag cocktails kami dun sa isang covered area na maliit at madilim, na yung mga tables kahoy lang na may plastic cover. Thank god tumigil ang ulan in time for the reception, although by then basang basa na yung mga tables, chairs, utensils, flowers, LAHAT. When we sat down, basa yung mga upuan namin so tinanggal nalang namin yung mga covers ng seats. Eh yung seats, monobloc chairs lang. Di na ganong kasing ganda. Tapos yung mga utensils namin at mga baso, kami pa nagpunas gamit kung ano mang tissue ang mahagilap namin. Syempre kasi yung table napkins basa na rin so wala na ring silbi.

Wala talagang plan B of any sort. Yung mga coordinators walang prepared na payong for the couple (wag na nga yung mga guests e, at least yung couple man lang). Walang tents na back up. Iniisip namin, e what if it didn't stop raining? Saan tayo kakain? Doon sa covered area nga na parang mukhang dirty kitchen na ewan? It's a bit sad. Kaya advice ko siguro to you brides to be, always have a plan b lalo na pag outdoors ang event nyo.

shenggay

  • Guest
Re: Worse wedding you experienced/seen (Part 2)
« Reply #99 on: May 16, 2012, 03:24:22 pm »
Eto naman sa cousin ko na wedding. Eto yung mga palpak na nakita ko:

1. Yung caterer nila, sila na din ang bahala sa flowers sa church at entourage. Okay naman yung flowers ng ento, isa kasi ako sa SS, so sabi ko, maganda. Kaso, yung flowers sa church, ibang kulay kesa sa motif nila. Ang motif kasi nila is hot pink and purple, tapos yung flowers sa church, yellow! - We found out na ni-recycle nung caterer yung flowers. Bale may event daw yung caterer nung umaga, na yellow yung motif, tapos ayun, dinala sa church nung pinsan ko nung afternoon.

2. Buffet style yung ginawa nila sa guests pero sa amin na abay and principal sponsors, nilagyan ng food sa table namin. Sobrang tagal bago kami nabigyan ng food. Tapos na kumain yung ibang guests, saka pa lang dumating yung food namin. Tapos, hindi pa lahat nadala sa table namin. After the wedding na namin nalaman na meron palang pasta at mga deserts.

3. Nag-rent sila ng projector kasi 3 yung ipapalabas nila. bale 2 avp at isang sde. Pagkatapos i-play nung first avp, saka nagkainan. Tapos, after kumain ng guests, hinanap namin yung projector - wala na, tinakbuhan na sila.

4. Nagkagulo yung mga tao sa souvenirs. Kami nung MOH yung gumawa. Pero, ate nung bride yung nag-distribute. Ayun, parang palengke lang, dinumog si ate.

5.  After makuha makakain, sobrang konti na lang yung natirang guests. Kami-kami na lang yung naiwan. Ang estimate ko eh there were 250 guests. Pero parang ang natira eh 30-40 na lang.

6. Message ng parents ni groom "Alam ko may sarili na kayong pamilya, pero, wag mo naman kaming pagdamutan sa pera". Ayos! Talagang sa mic pa sinabi. hehe

7. Pahabol pa... Yung honeymoon nila, kasama yung parents nila, which is okay lang naman. Ang hindi okay eh ayaw magsolo nung mother ni groom sa room, ayaw din sumama sa parents ng bride. Kaya ayun, bad trip yung pinsan ko kasi kasama nila sa room yung MIL nya during her honeymoon.  :-\


 

Latest Stories

Load More Stories
Close