Author Topic: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 2)  (Read 144421 times)

cutiemom5775

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 2)
« Reply #500 on: August 03, 2012, 04:05:47 pm »
napaka interesting ng topic na to marami akong natututunan  ;)
wala pa naman akong nababalitaang kabit ni hubby pero siguro kapag nahuli ko hindi ko rin alam ang gagawin ko mahirap din magsalita ng tapos. Napansin ko rin based sa kwento ng mga friends kong naka experience ng ganito na sobrang lakas daw ng loob ng mga kabit na yan at sila pa ang matapang! Sana wag naman silang manira ng pamilya!!!

L.B.

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 2)
« Reply #501 on: August 03, 2012, 04:16:45 pm »
^^kumalat yung vid na to noon sa FB. kahit ako yung misis, talagang mabubugbog ko siguro yung kabit. pag-uuntugin ko sila ng asawa ko, haha. ang masaklap lang dito sa vid, yung kabit ang hinabol nung lalake.. tsk tsk! ang kapal eh no.

^ a oo sa FB ko pala nakita yun! sinabi mo pa! mukahang namili na yung guy eh..single pa ko, pero kung mangyari sakin yun ewan ko lang baka kung ano magawa ko..

crystalclear

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 2)
« Reply #502 on: August 03, 2012, 09:29:34 pm »
sis, so can relate to this. before we got married, that was my stand. sabi ko lahat matitiis at muapapatawad, except infidelity. fast forward to our first year of marriage, uncovered his transgression, forgave. moved on to have our first child, he was again unfaithful. again, when i was pregnant with our 3rd child. at present, more possible than not na may kabit na naman siya. his cellphones and laptop are all locked (with passwords).

why am i still here? i stay for my children. because although he is a terrible husband, he is a good father. my children love him dearly. i think na at least ako lang nasasaktan. alam kong mali pero that is how i feel.

as much as the kabit gets a lot of flak for being immoral, so does the martyr wife. my bff said na dapat mangudngud na ako sa sahig para magising :-). my girlfriends umiwas na dahil ayaw na makisama sa husband ko ( di na nila matiis daw na ginaganito ako). pero gising na gising nga ako e. masakit na masakit, its not something that you get used . its a painful awareness that i carry with me. i am more conscious of it than anything.

when i watched the movie Eat, Pray,Love, i cried.  julia roberts' character in that movie, just dropped everything to find herself. i dream of running off  somewhere far like italy , being free. then i see my children and wonder where that would put them. so i stay.

i have a mini bag packed with all my essentials. i imagine that moment when i just pick up my bag and leave all these.


mamapeew

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 2)
« Reply #503 on: August 04, 2012, 11:06:27 am »
^sis, damang dama ko yung pain mo from your story. I pray that this will not happen to me. Baka ganyan din gawin ko because my daughter means everything to me and her dad means everything to her. Sana wag dumating yung panahon na maging ganun din husband ko. Madali nga lang sabihin na di ako papayag na gawin yun sa akin or iiwan namin sya pero pag andun na, ang iisipin mo talaga yung anak mo more than yourself. I admire your strength sis. Pero minsan may hangganan din yan. Like what i said in my previous posts dito sa thread, my mom stayed because of me kaso away sila ng away. In the end, i was more traumatized. Yun lang naalala ko sa kabataan ko, wala na akong maalala na naging happy family kami. Even after my dad passed away, bitter pa rin mom ko and damang dama ko yun kasi ako lagi nya akong kasama. :(
« Last Edit: August 04, 2012, 11:21:06 am by mamapeew »

jenybasti

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 2)
« Reply #504 on: August 04, 2012, 04:22:09 pm »
sabi nga ng pinsan ko nung nalaman nyang may kabit si partner ko at nakita pa ang fb named after sa kanila ng kabit nya w/ plenty of their pics together di nya napigil minessage nya.ako daw someday makaka move on,pero mga anak namin hinding hindi :(

mercibeaucoup

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 2)
« Reply #505 on: August 06, 2012, 05:24:45 pm »
^^kumalat yung vid na to noon sa FB. kahit ako yung misis, talagang mabubugbog ko siguro yung kabit. pag-uuntugin ko sila ng asawa ko, haha. ang masaklap lang dito sa vid, yung kabit ang hinabol nung lalake.. tsk tsk! ang kapal eh no.


lol. this gave me an idea...fantasy lang naman na magbuo ng samahan na parang ala npa. buo ng isang group tapos may mga hitman...no, they will not kill, mambubogbog lang naman. magsusumbong ang mga wifey at after investigation bubugbugin ang mga kabit hanggang tumigil sila...hihi.  :P

stylishmomy

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 2)
« Reply #506 on: August 07, 2012, 03:15:21 pm »

lol. this gave me an idea...fantasy lang naman na magbuo ng samahan na parang ala npa. buo ng isang group tapos may mga hitman...no, they will not kill, mambubogbog lang naman. magsusumbong ang mga wifey at after investigation bubugbugin ang mga kabit hanggang tumigil sila...hihi.  :P

if only possible yang idea mo sis, Im sure marami ang magpa member hahaha

happyfemme

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 2)
« Reply #507 on: August 08, 2012, 02:27:29 pm »
meron akong kilala sis, bading siya... willing daw siya makipag sabunutan sa kabit... kayang kaya daw niya... may fee siya at as long as babayaran daw ang bail niya kapag kinulong siya hahahaha...

well actually parang usapang napagtripan lang, pero sabi niya willing daw niyang gawin para sa kaibigan niya.

sa mga sis natin dito who sacrificed a lot, swallowed their pride, setting their dreams aside just to keep their family whole despite of things... saludo ako sa inyo. I pray that soon enough may the Lord grant you the chance to find yourself and be able to reach your own dreams.

hugs and kisses :)

potpotpo

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 2)
« Reply #508 on: August 08, 2012, 08:57:11 pm »

^^ sis saan ka sa abroad..may kilala din kasi akong ganyan e,kasama namin dati sa bahay...paguwi nila ngduty free muna sila namili ng pasalubong sa kanya kanyang pamilya then hiwalay na paglabas  :-X


crystalclear

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 2)
« Reply #509 on: August 09, 2012, 01:53:45 pm »
this thread made me cry. sisters, i know how you feel. yung parang binuhusan ng malamig at mainit na tubig upon discovering na may kabit si mister. in my case, it has happened so many times. iba't ibang eksena.

i pray for you and myself. because i know the loss of self confidence, sleepless nights at kapraningan
 na nararamdaman natin.

i thank you for sharing your stories. it brings relief to unburden ourselves by telling our stories, but i know that is also painful to relive those moments. ako nga, hindi maikwento mga detalye pa.

ipapasa ko lang advise ng friend ko, " pwedeng magluka lukahan, wag lang tuluyang maloka". Be rational. the tendency kasi ay magwala, awayin si mister, sugurin si kabit. lahat yan nagawa ko na, pero nangyari pa rin uli.

this time, im keeping my sanity. i'm building a life of my own, working outside (dati kasi sa business lang namin ako). nag iipon at nag iisip ng mapagkakakitaan pa. making friends and reconnecting with
old ones. it is empowering. i think that when i'm ready to go, may "sarili" na ako.

pray for me too  :)







Dhee-Dhee

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 2)
« Reply #510 on: August 09, 2012, 09:13:30 pm »
 ^i'll pray for you sis.. we, your GT sisters are always here for you. :)

jenybasti

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 2)
« Reply #511 on: August 10, 2012, 03:21:20 pm »
ngayon kinukulit ako ni partner naghiwalay na daw sila ng kabit nya at patawarin ko na daw sya.dedma muna ko sa text at tawag nya.hindi ko alam kung anong gagawin ko.kung anong sasabihin ko sa kanya.pagkatapos ng mga nalaman ko.pagkatapos ng mga sakit na pinaramdam nya sakin.kaya ko pa ba syang tanggapin?siguro oo pero para kalimutan ko lahat,malabo.habangbuhay ko yata dadalhin to.ano sa tingin nyo mga sis??
I feel so brokenhearted reading this thread. 

Sis crystalclear, I don’t know where you’re taking all that strength to stay.

Unfortunately, dito sa abroad, rampant ang mga ganyan. Ewan ko ba pano nila naisip gawin yun eh lahat ng sakripisyo nila bilang OFW para sa family nila diba? tapos dito sa abroad, parang mga binata at dalaga, nakalimutan ang family. Siguro sa isip nila enough na yung nagpapadala sila ng pera. Meron nga kaming kilala dito, sabay nagbakasyon sa pinas tapos naghiwalay nalang sa airport to spend their vacation with each of their families. Tsk!

yan din ang di ko talaga magets.nag abroad sya para samin ng mga anak nya tapos ganyan ang ginawa nya.halos sya na mismo sumira sa pamilya namin.talagang di man lang inisip mga anak nya :(

sixteen16

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 2)
« Reply #512 on: August 10, 2012, 05:17:47 pm »
hindi naman talaga kay hubby dapat tayo magalit.. kundi don sa girl.. kung alam naman nilang may asawa at makakasira sila ng pamilya/relasyon.. umpisa pa lang dapat umiwas na sila.. alam naman nating lahat na mahina ang mga lalaki sa tukso so maiintindihan pa natin. talagang may babae lang talaga na abutan lang ng pera e hihiga na at maghuhubad. yun lang kasi ang way para makuha / maakit nila ang lalaki.

nakakalungkot naman ang mga nababasa ko dito.. lakasan nyo lang ang loob nyo..

smoothie

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 2)
« Reply #513 on: August 10, 2012, 06:15:18 pm »
^actually sis, it's the other way around for me. mas galit ako sa lalaki kasi sila yung may pamilya, sila yung mas matanda (sometimes), alam na nila na masama ang gagawin nila still tutuloy parin nila. ang mga lalaki ang may choice kung gusto nila ipagpagtuloy yun or hindi.

granted natutukso ang lalaki pero hindi excuse yun para mambabae sila.

usanaph

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 2)
« Reply #514 on: August 10, 2012, 07:33:35 pm »
I'm one of you mga sis. Ilang mos pa lang asawa ko sa abroad may iba na agad. Never nmen pinagawayan ibang babae nung nandito pa sya. Almost 8 yrs na kme with a 2 yr old daughter. Married na din kme at alam daw un ng kabit nya. Ang hirap kasi never ko naisip n mngyayari pa pala to samen. Prang ibang tao na sya. Hindi ko alam kung panu kinakaya ng konsensya nila ng kabit niya yung gnwa nila samen ng anak ko. Madame n ko sinakripisyo, up until now wlang may alam sa side ko kung ano na ngyri samen. In a way prang eto pa din ako trying to protect him s mga sasabhin s knya ng pamilya ko. Alam ko mabait asawa ko pro mahina sya. I can never forgive him for giving us up para lang s isang babae na accdng to him eh hnde sya inaaway at mabait sa knya. I'm not the perfect wife pero ive never done anything to hurt him. We were just the usual married couple na minsan ngaaway, nagbabati, ngtatampuhan, ngkakaayos. I begged him na piliin kme pro mas pinili nya un. Our marriage was never perfect just like everyone else's. His excuse was hindi n daw kme ngkakaintndihan or hnde n daw sya masaya. We were ok before he left. He said he left because he wanted a better future for us. Tpos ngbago n bigla. Ilang mos n kme di nguusap. He wanted us to talk and be ok with each other. Sorry but i wont take that s***. Ginusto mo yan. Deal wth it. Ganun nman ako madali kausap. You're free to decide pero panindigan mo. Ive decided n din and it wasn't worth it. My kid deserves a better father. Hindi yung makasarili. I regret begging him. Wala ko kasalanan s kanya, hndi ako dapat ngmakaawa. I felt like I died pero naisip ko, hindi ako ang nawalan. I have my daughter. One day we'll find someone who will complete our family. Alam ko pagsisisihan nya gnwa nya pero I wont be there anymore to pick up after him.
« Last Edit: August 10, 2012, 07:40:09 pm by usanaph »

Msfi

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 2)
« Reply #515 on: August 10, 2012, 09:50:06 pm »
^ i agree with you, kahit sino ang lumapit at mang-akit isali pa ang miron sa paligid na mahilig mambuyo, kung ang lalaki ang iiwas walang kasalanan na mangyayari. All they need to do is say "NO", mahirap ba yun?

mamapeew

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 2)
« Reply #516 on: August 10, 2012, 11:47:24 pm »
Pareho lang siguro sila mga sis. Kung matino at may delicadeza din ang babae, hindi rin siguro papatol sa may asawa kahit anong panunuyo gawin sa kanya. Iba't ibang sitwasyon mga sis, pare-parehong resulta. Paninira ng pamilya at kawawang mga anak (kung meron man).

its.ezra

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 2)
« Reply #517 on: August 11, 2012, 08:24:07 am »

Hello everyone! Can't help but read all the posts from this thread.. I just want to share my story, as a  wife, and as a mistress. I know there would be some of you na magagalit and all but I'll just give it a shot.

This happened almost 6-7 years ago. You see, like everyone else, I'm married. At first, sobrang happy and smooth nung relationship namin. Before we got married, I've heard a lot of warnings na from my friends. Babaero daw. Mahal ko eh, so I took the risk.

I got pregnant 6months after we tied the knot. Sobrang happy. Iniisip ko, mali sila. Di sya babaero, he made me feel na AKO lang and I believed him.

On my 7th month, while cleaning his closet, I saw this simcard. Out of curiosity, chineck ko. I found out na he's having an affair. Pilit ko pinaniwala sarili ko na I'm ok. Pero di talaga, ayoko lang ma-stress since I'm also preggy during that time. Nakalimutan ko lahat.. Actually, pinilit ko. Para sa magiging anak ko.

After I gave birth, ok na ulit.. not until I found out na he's having an affair. With my friend.. Masakit. Di ma explain yung sakit. Gusto ko sila patayin pareho. But dahil nga mahal ko, kinalimutan ko lahat. Pinilit kong ayusin kung ano yung nasira. Which I thought, ay naayos nga. Stupid me.

Naging super nice, lambing nya. Akala ko good boy na si loko. As usual, napaniwala nya naman ako.

Maraming beses pa yun. And it came to a point na sinasaktan nya na ko. Oh well, sinasaktan nya naman talaga ko eversince.. Not only mentally, but also physically. Tiniis kong lahat yun.

Siguro napagod na ko, one morning, gumising ako na ayoko na. Naipon lahat ng galit ko. Naging cold na ako. Ayoko na.

Then, HE came into my life..

Sya yung guy na nagparamdam sakin na importante ako.. Tinulungan nya ko para makalimot. He made me feel special. Syempre ako naman, thankful. At first, platonic pa relationship namin. Parang sya yung naging bestfriend ko. Siguro sobra kaming naging at ease na isa't isa.. Nag open up na rin sya sakin. And yes, he's married.. with kids. He told me na on the rocks na rin sila ng wife nya.. I asked him why, he said nasasakal na daw sya plus sobrang nagger nung wife nya. I told him na normal lang yun.. I asked him baka naman kasi may ginagawa syang bad kaya ganun. Oh well, sabi nya napilitan lang naman daw sya pakasalan yung girl.. napikot. Pero aminado naman sya na napamahal na rin sya sa wife nya after they got married. Kaya nga nasundan pa yung anak nila.

Basta yun lagi naming topic.. advice dito.. advice doon. Nakakatuwa lang. Lagi mo kausap. lagi mo kasama. Hanggang sa na-fall na kami sa isa't isa. Kung ano yung gusto ko mararamdaman na dapat husband ko nagpapakita, sya ang pumuno. Ako din naman sa kanya. Perfect relationship kung iisipin, pero hindi eh. Alam namin may maapakan kaming tao.. Family ko at family nya. Sobrang mahirap, at masakit. Dumating yung point na tinatawagan na ko ng wife nya. Na guilty ako. Ang hirap eh. Kaya pinilit ko na ayusin na lang ang pamilya ko. At ganun din sya. Mutual decision. Pero mahirap din, mahal ko na kasi. But para sa ikatatahimik ng lahat, kailangan na namin i-give up kung ano meron samin.

I tried to act normal.. na parang wala lang. Not until I found out na may babae na naman asawa ko. And this time, mas hard na. They're exchanging racy text messages. Talking about their recent sexcapades. Plans kung kelan ulit sila magkikita para mag check in. Alam nyo yun, yung nanginginig ka habang binabasa mo yung messages. Gusto ko magalit, pero na guiguilty ako.. Kasi nga ginawa ko din ma inlove sa iba. Ayoko maghugas kamay..

Pero di na nagiging harmonious ang pagsasama namin. Lagi kami nag aaway, binubugbog ako.. May instance pa nga na binugbog ako nyan sa harap ng family at friends nya. Impyerno talaga buhay ko sa kanya. Sobra na to. I've decided to move out.

Then I saw HIM again.. He asked how I was, kamustahan. Siguro andun pa rin yung love na naramdaman ko sa kanya, kasi iba yung happiness nung nagkausap ulit kami. I told him na umalis na ko samin.. Sya rin daw. Niyaya nya ko na tumira kami sa isang bahay. And I agreed.

Right love at the wrong time yung nangyari samin.. We decided na maghiwalay before dahil alam naming mali. At alam naming di magiging tama yung ganito. Hanggang ngayon kami pa rin.  Alam na ng wife nya yung tungkol sakin at alam din ng husband ko yung tungkol sa kanya. May mga ka-relasyon na rin yung mga dati naming partners. Annulment is on it's way. Pinag iipunan pa namin at ng mga ex partners namin yun. Wala pa kaming anak, at choice namin yun. Pag naayos ang lahat, tsaka namin yan paplanuhin.

Sorry medyo mahaba, sana wag nyo ko i-judge. :( Alam ko namang mali yung ginawa ko. Pero aaminin ko sa inyo, mas naging masaya kami ngayon. At yun din ang nakikita ko sa mga ex partners namin..




rc1023

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 2)
« Reply #518 on: August 11, 2012, 12:42:09 pm »
been back reading posts here.. kinda gulat lang ako kase ang kakapal ng face ng mga kabit na yan!! over talaga! maka-asta sila pa ang legal wife!?  the F nga nman... well as for me, i dont have any experiences on this and hopefully i won't have in the future..

just posting to quote cristine reyes from No Other Woman 'Ano ba mas mahirap kalaban? yung p*tang mahirap o yung p*tang mayaman?' which goes to say walang social standards ang pagiging kabit because at the end of the day, pag ngdecide pumatol yan sa may asawa, pare-pareho lang na p*ta yang mga yan.. nagkalat talaga sila sa mundong ibabaw! galing manira ng pamilya, di na natakot kay God at sa karma...
« Last Edit: August 11, 2012, 12:44:02 pm by rc1023 »

Cheesecak3

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 2)
« Reply #519 on: August 11, 2012, 02:00:26 pm »
I agree, dapat ang lalaki talaga marunong may say ng NO. Kahit pa maraming mang akit pero kung sila may disiplina at pagpapahalaga sa pamilya, hindi sila papatol.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close