Hello everyone! Can't help but read all the posts from this thread.. I just want to share my story, as a wife, and as a mistress. I know there would be some of you na magagalit and all but I'll just give it a shot.
This happened almost 6-7 years ago. You see, like everyone else, I'm married. At first, sobrang happy and smooth nung relationship namin. Before we got married, I've heard a lot of warnings na from my friends. Babaero daw. Mahal ko eh, so I took the risk.
I got pregnant 6months after we tied the knot. Sobrang happy. Iniisip ko, mali sila. Di sya babaero, he made me feel na AKO lang and I believed him.
On my 7th month, while cleaning his closet, I saw this simcard. Out of curiosity, chineck ko. I found out na he's having an affair. Pilit ko pinaniwala sarili ko na I'm ok. Pero di talaga, ayoko lang ma-stress since I'm also preggy during that time. Nakalimutan ko lahat.. Actually, pinilit ko. Para sa magiging anak ko.
After I gave birth, ok na ulit.. not until I found out na he's having an affair. With my friend.. Masakit. Di ma explain yung sakit. Gusto ko sila patayin pareho. But dahil nga mahal ko, kinalimutan ko lahat. Pinilit kong ayusin kung ano yung nasira. Which I thought, ay naayos nga. Stupid me.
Naging super nice, lambing nya. Akala ko good boy na si loko. As usual, napaniwala nya naman ako.
Maraming beses pa yun. And it came to a point na sinasaktan nya na ko. Oh well, sinasaktan nya naman talaga ko eversince.. Not only mentally, but also
physically. Tiniis kong lahat yun.
Siguro napagod na ko, one morning, gumising ako na ayoko na. Naipon lahat ng galit ko. Naging cold na ako. Ayoko na.
Then, HE came into my life..
Sya yung guy na nagparamdam sakin na importante ako.. Tinulungan nya ko para makalimot. He made me feel special. Syempre ako naman, thankful. At first, platonic pa relationship namin. Parang sya yung naging bestfriend ko. Siguro sobra kaming naging at ease na isa't isa.. Nag open up na rin sya sakin. And yes, he's married.. with kids. He told me na on the rocks na rin sila ng wife nya.. I asked him why, he said nasasakal na daw sya plus sobrang nagger nung wife nya. I told him na normal lang yun.. I asked him baka naman kasi may ginagawa syang bad kaya ganun. Oh well, sabi nya napilitan lang naman daw sya pakasalan yung girl.. napikot. Pero aminado naman sya na napamahal na rin sya sa wife nya after they got married. Kaya nga nasundan pa yung anak nila.
Basta yun lagi naming topic.. advice dito.. advice doon. Nakakatuwa lang. Lagi mo kausap. lagi mo kasama. Hanggang sa na-fall na kami sa isa't isa. Kung ano yung gusto ko mararamdaman na dapat husband ko nagpapakita, sya ang pumuno. Ako din naman sa kanya. Perfect relationship kung iisipin, pero hindi eh. Alam namin may maapakan kaming tao.. Family ko at family nya. Sobrang mahirap, at masakit. Dumating yung point na tinatawagan na ko ng wife nya. Na guilty ako. Ang hirap eh. Kaya pinilit ko na ayusin na lang ang pamilya ko. At ganun din sya. Mutual decision. Pero mahirap din, mahal ko na kasi. But para sa ikatatahimik ng lahat, kailangan na namin i-give up kung ano meron samin.
I tried to act normal.. na parang wala lang. Not until I found out na may babae na naman asawa ko. And this time, mas hard na. They're exchanging racy text messages. Talking about their recent sexcapades. Plans kung kelan ulit sila magkikita para mag check in. Alam nyo yun, yung nanginginig ka habang binabasa mo yung messages. Gusto ko magalit, pero na guiguilty ako.. Kasi nga ginawa ko din ma inlove sa iba. Ayoko maghugas kamay..
Pero di na nagiging harmonious ang pagsasama namin. Lagi kami nag aaway, binubugbog ako.. May instance pa nga na binugbog ako nyan sa harap ng family at friends nya. Impyerno talaga buhay ko sa kanya. Sobra na to. I've decided to move out.
Then I saw HIM again.. He asked how I was, kamustahan. Siguro andun pa rin yung love na naramdaman ko sa kanya, kasi iba yung happiness nung nagkausap ulit kami. I told him na umalis na ko samin.. Sya rin daw. Niyaya nya ko na tumira kami sa isang bahay. And I agreed.
Right love at the wrong time yung nangyari samin.. We decided na maghiwalay before dahil alam naming mali. At alam naming di magiging tama yung ganito. Hanggang ngayon kami pa rin. Alam na ng wife nya yung tungkol sakin at alam din ng husband ko yung tungkol sa kanya. May mga ka-relasyon na rin yung mga dati naming partners. Annulment is on it's way. Pinag iipunan pa namin at ng mga ex partners namin yun. Wala pa kaming anak, at choice namin yun. Pag naayos ang lahat, tsaka namin yan paplanuhin.
Sorry medyo mahaba, sana wag nyo ko i-judge.

Alam ko namang mali yung ginawa ko. Pero aaminin ko sa inyo, mas naging masaya kami ngayon. At yun din ang nakikita ko sa mga ex partners namin..