warning: LOOOOOOOOng story...
nangyari to 8 years ago. when i was young and crazy (lol) kakabreak lang naming ng ex ko nun kaya very vulnerable ako. then yung officemate ko, nakipagclose sya sakin.. siguro ayun, naoverwhelm ako kasi nafeel ko na special ako. totoo yung sinasabi ng marami na kapag married na, magaling mambola, very thoughtful, caring. parang perfect guy ba. kaya ayun... ako si tange, nafall kahit na alam kong bawal and walang pupuntahan.
nabasa ko sa unang thread na
"nagmahal lang daw kasi sila" kaya napasok nila yung ganung situation.. somehow totoo.. kasi diba when you fall in love, minsan hindi mo na alam ang tama sa mali. or most of the time, alam mo naman na mali, pero iniignore mo lang or dinedeny sa sarili especially when you're blinded dun sa love mo for the guy. So I guess ganun ang nangyari. napalapit ako sa kanya kahit na sinubukan kong iwasan. nag umpisa sa friendship yung samin, na nauwi sa relationship kahit alam kong mali.. kahit naman pinikot lang sya nung misis nya, kasal pa rin sila at kabit pa rin ako..
I guess we're both victims of "right love at the wrong time". nasabi kong may love yung samin kasi nakakapg check in kami sa motel ng walang mangyayari samin. kwentuhan lang, usap.. kasi hindi namin nagagawa yun in public. ganun lang masaya na kami.. mali lang talaga ang timing kasi nakatali na sya. though the feeling seems so right, I had to do the right thing and end what we have. Lalo na nung bigla na lang nya sinabi sa kin na handa daw nya iwan asawa nya for me.. dun nako nag-start mag isip. hindi ko naman kayang sumira ng pamilya, kawawa yung anak.
madami din ako nabasa na
ang mga kabit ay insecure at desperada. totoo yun. based on my experience kasi, sobrang baba ng self esteem ko and feeling ko wala ng magkakagusto sa kin because of my previous failed and traumatic relationship then he came.. parang boom.. special na naman ako.. meron pa pala nagkakagusto sakin. so ayun.. pinatulan ko. akala ko maatim ko eh. nakaya ko naman ng ilang months. natago namin yung affair namin sa lahat. at ang kapal pa ng mukha ko na dalhin sya sa bahay at ipakilala (as a friend) dun nako nakunsensya parents ko.. Ipinagtitimpla pa sya ng coffee ng tatay ko at nung makita ko yun.. dun nako umiwas talaga. nahiya ako sa sarili ko and sa family ko na walang kaalam alam.
Siguro si God na rin gumawa ng way para malaman ng misis nya yung situation. bigla na lang may nagtext sa kin, homewrecker daw ako.. syempre sinubukan kong magpatay malisya.. pero umamin na daw asawa nya.. kaya ayun, buking! at itong si guy ay nagtext sa akin at sinabi na alam na daw ng misis nya at sinabi daw kay misis na ako ang mahal nya. nakakainis lang on my part kasi kung kelan tintry kong itama, dun pa sumabog yung naging secret affair namin. and since kaibigan ni misis yung supervisor ko, kumalat sa office.. kaya sikat na sikat ako.. naapektuhan trabaho ko, i almost lost my friends kasi kahit sila napaniwala ko tapos malalaman nila na totoo pala.. I knew then that I can't deal with this problem alone kasi nag tthreaten si misis na iiskandaluhin nya ako.. ipapaalam daw nya sa HR para materminate ako.. kaya kahit hiyang hiya ako, sinabi ko sa parents ko yung nagyari. syempre galit na galit sila pero since anak nila ako, wala silang choice kundi suportahan na lang ako.. umabot pa kami sa point na nagharap harap kami.. ako, parents ko, parents ni guy at parents ni misis to settle everything. sobrang nakakahiya. gusto kong lumubog sa kinauupuan ko kasi ako talaga yung masama. kaya lahat ng masasakit na salita, tinanggap na lang. para matapos na. sa isip ko sana ako na lang, sana hindi na kailangang mawitness ng parents ko yun.. sobrang hiya ko sa kanila. iyak lang ako ng iyak. (hanggang ngayon naiiyak ako. hehe)
so ayun, after nung nangyari, nagquit ako sa trabaho and i decided to move in manila. Dun ako naghanap ng work. and since wala pa akong natutuluyan dun, nag uwian muna ako.. may mga days na nakikita ko si guy na naka abang sa kanto ng subdivision namin, sa bus terminal etc.. hindi ko lang pinapansin. minsan may tatawag na lang sa bahay, sakin hinahanap si guy kasi nagpaalam na papasok, tapos pagtawag sa office, malalaman na naka leave pala. akala ako yung kasama.. sobrang naging miserable lang ang buhay ko nun. ang gulo. buti na lang tapos na. pero naisip ko kasalanan ko din naman, kaya if that's the price that i have to pay for my mistake, sige.. bring it on. yung mga friends ko naaawa na sakin kasi im too young daw para maexperience yung ganung problem. pero wala naman sa age yun diba, basta may isip ka na, accountable ka sa actions mo, therefore, kung ano ang balik sayo, panindigan mo. kaya ganun ang ginawa ko..
i guess i did a great job naman in trying to fix what i almost broke. lumayo talaga ko. kahit habol ng habol si guy, hindi ko na pinansin.. text ng text kahit nagpalit nako ng number.. and last thing i heard, he's still trying to get in touch with me (thru a friend) pero sabi ko wag na lang kasi kahit matagal na yun, mahirap na diba. and besides, i have moved on and sana sya rin.. siguro minahal nga nya ako pero mali pa rin diba. at siguro ang dahilan kaya sya nagloko noon eh dahil dun sa fact na pinikot sya ng misis nya tapos nagger pa. at ang dahilan ko bakit ko pinasok yung ganun e nabanggit ko na kanina.
I also believe in karma.. too bad lang for me because I'm still paying for that mistake. sana nga matapos na. binago ko naman and tinama eh.. on the rocks kami ngayon ng partner ko pero alam ko naman na maaayos din yun. (hopefully) kailangan lang namin mag usap ng maayos.
masaya na ako ngayon with my baby. pero ang dami ko natutunan sa naging experience ko. naging strong ako ng bonggang bongga. i'm hoping na maging okay na si guy at misis nya.
sana yung mga mistress makapag isip isip ng maayos. hindi yung sila pa yung nang aaway sa mga legal wives. ayun.. nashare ko lang yung story ko. bigla ko naalala. at sana kapag napahiya na, tumigil na.. yung iba kasi talaga makapal na ang mukha parang wala ng pakiramdam. at sana maniwala sila sa karma.. dahil kung hindi man sila yung karmahin... baka yung magiging anak nila.

or kung hindi sila nahihiya sa sarili nila, sana mahiya na lang sila sa mga taong nakapaligid sa kanila.
nashare ko lang po. thanks for taking time to read my story.
