Author Topic: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 2)  (Read 144653 times)

FayeP

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 2)
« Reply #300 on: April 29, 2012, 02:55:07 pm »
sis itsmekmia, tama sis, ipon ka ng madaming lakas at guts, pati cyempre ebidensya tapos pag di tumigil pasabugin mo hehehhe

sis ala ba chance na maging financially independent ka, magwork ka ganun??? para si hubby mo eh di nya isipin na "ay magtitiis yan si itsmekmia sakin kahit madami akong kabit, kasi ako lang namna ang masasandalan nya"..para di ka umaasa sa kanya

ldrwifey

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 2)
« Reply #301 on: April 30, 2012, 06:29:14 am »
yung pinsan ko may kabit nasa abroad si pinsan nasa abroad din si kabit pero ibang country nga lang. sabi nung asawa nung pinsan ko, bahala sila sa mga buhay nila accepted niya n daw n hindi n magbabago ang pinsan ko basta hindi sila pinababayaan at maayos ang buhay ng mga anak nila.

tapos nabalitaan ko ngayon pinepetition n ni pinsan yung family niya... di san ngayon pupulutin si kabit? di dakilang kabit siya forever kasi hindi naman mahiwalayan n pinsan yung family niya dahil ikamamatay niya pag nawala sa kanyan mga anak niya.

tryzane

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 2)
« Reply #302 on: April 30, 2012, 09:25:48 am »
Just wanna get your opinions mga sis for a friend of mine..
Not even sure if this is the right thread, I hope you all bear with me :)

My friend, he married a girl who used to be married to another guy, the girl's first marriage was not annulled nor void. Ang claim ni girl is her ex left her.

When my friend was forced to marry the girl due to her suicide threats, he did see a record of marriage via NSO's CENOMAR certificate when they were processing the license. There was indeed a record of the girl being married before him according to my friend.

Before the marriage, my friend actually wanted to end their relationship but couldn't do it because he can't bear the fact that he'll be the cause of the girl's demise if she chooses to do her suicide acts again. The girl's mother is of no help and doesn't even care what her daughter does so we can't get the girl's mom to even talk to her about these threats.

So the civil wedding of this girl to my friend pushed through (I really wonder how, after knowing that there's already a record of the girl being married before).

So now the girl is married to two guys. Will you consider my friend as a male version of kabit just in case the 1st guy shows up and claims to be the legal husband. Is the second marriage even considered legal or valid? What if my friend wants to marry someone else whom he's just not forced to do so? Is it possible?

Complicated story sya, I hope someone out there shares a thought or two...  :)





itsmekmia

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 2)
« Reply #303 on: April 30, 2012, 09:36:30 am »
sis itsmekmia, tama sis, ipon ka ng madaming lakas at guts, pati cyempre ebidensya tapos pag di tumigil pasabugin mo hehehhe

sis ala ba chance na maging financially independent ka, magwork ka ganun??? para si hubby mo eh di nya isipin na "ay magtitiis yan si itsmekmia sakin kahit madami akong kabit, kasi ako lang namna ang masasandalan nya"..para di ka umaasa sa kanya
hi sis, kakarating ko lang din kasi dito sa US mula nung pinetition ako ni hubby so automatically sa kanya lang ako umaasa. pero pag naging OK na papeles ko at may work permit na ko, mag wo-work talaga ako ng mabuti. siguro nga kaya patuloy pa din relationship nila kasi nga alam niyang napaka loyal ko at sa kanya lang din umaasa. pero iibahin ko na ngayon, magiging independent na talaga ako. hindi ko na din kasi matagalan yung mga nakikita ko. alam mo yung tipong magkasama nga kami sa isang house pero gusto niya lagi kami sabay magising sa umaga kasi baka daw mag investigate ako sa laptop niya. tapos hindi ko din pwede pakialaman cellphone niya. basta lagi siyang may tinatago, so for sure kasi nga may communication pa din sila ng kabit niya. NO CHOICE ako ngayon sis dahil hindi pa ko legal sa US, ongoing palang yung process ng adjustment of status ko... lagi ko nga pinagpe-pray na sana naman mas bumilis processing ng US para magkaroon na ko ng greencard at makapag work... hopefully...

itsmekmia

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 2)
« Reply #304 on: April 30, 2012, 09:42:40 am »
@tryzane: i think the second marriage is not valid since married na pala yung girl at hindi pa annulled sa first husband niya.

*What if my friend wants to marry someone else whom he's just not forced to do so? Is it possible?
- sa tingin ko din possible or pwede na mag asawa uli yung friend mo since yung first marrriage ng friend mo is automatically not valid since hindi pa annulled yung marriage nung napangasawa niya. but i'm not super sure din sis ah..

Msfi

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 2)
« Reply #305 on: April 30, 2012, 11:24:11 am »
^ ang alam ko even if the marriage is null & void, kailangan pa din ayusin ang mga legal papers bago magpakasal ulit.

ldrwifey

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 2)
« Reply #306 on: April 30, 2012, 11:53:25 am »
thats the crazy thing satin, kahit p kitang kita n sa cenomar n may prior marriage at hindi p yun naddesolve pwede pa ring magpakasal... weird.

and also even if you know from the start that the marriage is null and void, kailangan m p ring dumaan s process of anullment, because nobody can deny the fact that may kasalang nangyari, so ang patutunayan n ngayon is walang bisa yung kasal... again weird.


i_v_y

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 2)
« Reply #307 on: May 01, 2012, 06:55:47 pm »
it is null and void pero kelangan pa rin ng court declaration yan kaya madali ipa annull yan. si girl pwedeng kasuhan ng bigamy.

tryzane

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 2)
« Reply #308 on: May 02, 2012, 06:39:46 am »
@tryzane: i think the second marriage is not valid since married na pala yung girl at hindi pa annulled sa first husband niya.

*What if my friend wants to marry someone else whom he's just not forced to do so? Is it possible?
- sa tingin ko din possible or pwede na mag asawa uli yung friend mo since yung first marrriage ng friend mo is automatically not valid since hindi pa annulled yung marriage nung napangasawa niya. but i'm not super sure din sis ah..

Thank you sis! I thought of the same din na pwedeng hindi nga valid yung 2nd marriage, yun nga lang dadaan pa siguro sa process...

^ ang alam ko even if the marriage is null & void, kailangan pa din ayusin ang mga legal papers bago magpakasal ulit.

Parang nabasa ko din to somewhere sis, parang you have to prove to the court pa na the marriage was not valid before they declare it null and void. Hassle much :(

thats the crazy thing satin, kahit p kitang kita n sa cenomar n may prior marriage at hindi p yun naddesolve pwede pa ring magpakasal... weird.

and also even if you know from the start that the marriage is null and void, kailangan m p ring dumaan s process of anullment, because nobody can deny the fact that may kasalang nangyari, so ang patutunayan n ngayon is walang bisa yung kasal... again weird.



Nakaka-sad lang kasi parang sinasadya na lang di ba sis? Sana if may existing marriage pa, whoever man mag-officiate nung 2nd wedding should at least check if dapat ba nyang ikasal yung couple. Tapos dadaan na naman sa court if you want the wedding declared null and void - gastos, frustration at pagod di ba.. kaka-sad talaga :(

it is null and void pero kelangan pa rin ng court declaration yan kaya madali ipa annull yan. si girl pwedeng kasuhan ng bigamy.

Sana nga hindi magka-hassle if ipapa-annull na nila and sana nga kasuhan ng bigamy si Girl :|

Thank you for everyone's thoughts, appreciate much :)

Msfi

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 2)
« Reply #309 on: May 02, 2012, 12:55:25 pm »
^ Nakakasad talaga lalo na kung di mo alam na may nauna na pala sa yo.  Naloko ka na eh gagastos ka pa para lang maiayos ang kalokohan na iba ang may gawa.


FayeP

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 2)
« Reply #310 on: May 04, 2012, 07:22:54 pm »
ay sis, sa US ka pala, tama, maging independent ka financially from him, para pag nagkataon, di mo na cya kelangan hehe

goodluck sis ha

beatrize zuri

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 2)
« Reply #311 on: May 10, 2012, 01:39:41 am »
yung nakwento kong barkada ni husband (guy siya) na may kabit na may asawa din, nakakaloka kasi si wife na kabit buntis! at according to her ang nakabuntis daw is yung barkada ni husband. sabi ko nga kay husband nung kinuwento sakin yon anong plano nila? sabi nila itutuloy nila yung baby pero mukhang ibibintang don sa asawa! grabe diba? kawawa yung husband ni wife, knowing na araw araw sinusundo at hinahatid siya sa work at pinag aral pa siya ng nursing ng husband niya. ito namang barkada ni husband mukhang nakatunog yung wife niyang nasa us kasi don nagwowork, mukhang nakatunog siya na may ibang babae husband niya, nakikipag hiwalay na siya and worst walang work si barkada ni husband naka depende lang sa padala ng wife niya, so san siya ngayon pupulutin? sinasabihan nga siya ni husband na ayusin na lang yung relationship niya sa wife niya kaya lang mahal na mahal na daw niya yung kabit niya.
 
grabe talaga hindi lang lalaki ang pwedeng gumawa ng kalokohan pati babae pwede din.

ecnarfoj

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 2)
« Reply #312 on: May 10, 2012, 09:21:39 am »
Eh kung mahal niya yung kabit niya eh di wag siya dumepende sa asawa niya sa US? Sila ang magsama at pati yung buntis na kabit dapat iwan na rin niya yung asawa niya.

Kung gumawa ka ng mali, at inamin mo sa sarili mong nagkamali ka, wag mong solusyunan ng mali.

Mahal pala niya yung girl eh dun siya sumama. Kainis!


kalaiyaan

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 2)
« Reply #313 on: May 10, 2012, 10:51:08 am »
Maikwento ko lang ang kalokang pambabae ng friend ni hubby,

Tawagin natin syang Pug (mukha kasi syang pug). Si pug ay isang OFW (Southeast asia) Nung minsan na dumalaw si hubby sa bansa ni Pug ay doon nya natuklasan na may kinakasama pala itong ibang babae at ibang lahi pa (local ng bansa) na mukhang hindi alam na pamilyado sya, nawindang c hubby dahil nga kilala nya ang asawa maging ang nagiisang anak nila Pug.

Idagdag pa natin na every week may Bible study sa Bahay. Na kahit anong gawin nila housemates para maliwanagan ay gora parin sa pambababe itong si PUG.

At sa loob ng mga 4 yrs na pambabae ni Pug mukhang clueless si legal wife.

Nabubwisit kasi si hubby na hindi manlang mahiya itong si pug na ibandera ang kabit nya kahit alam nyang alam ni hubby ang totoo na may pamilya sya.

Sana member si legal wife ng GT at mabasa nya ito. :)

kawawa kasi si BOSS.

babykat

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 2)
« Reply #314 on: May 10, 2012, 12:25:14 pm »
^^ tama, kung mahal ni guy si kabit, eh di magsama sila.  tantanan na yung pagdepende kay wife na nakaabroad tapos siya sarap buhay dito kasi sustentado ni misis.  Kakapalan na masyado naman ng fez un, diba?  baka mamaya pati gagastusin sa kabit at anak nya dun, kukunin pa sa padala ni wife.

h_mische

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 2)
« Reply #315 on: May 10, 2012, 12:31:24 pm »
hi mga sis. nagback read ako dun sa naunang thread. gusto ko tuloy ishare yung naging story ko. i was once a kabit din kasi. baka kapulutan ng aral :)

joyfulmommy

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 2)
« Reply #316 on: May 10, 2012, 01:54:18 pm »
go ahead sis.. share your story... ng magkaroon din kmi ng idea sa perspective ng other woman... syempre alam mo why nagloko si husband... para maiwasan nameng mga misis...

h_mische

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 2)
« Reply #317 on: May 10, 2012, 03:01:50 pm »
warning: LOOOOOOOOng story...

nangyari to 8 years ago. when i was young and crazy (lol) kakabreak lang naming ng ex ko nun kaya very vulnerable ako. then yung officemate ko, nakipagclose sya sakin.. siguro ayun, naoverwhelm ako kasi nafeel ko na special ako. totoo yung sinasabi ng marami na kapag married na, magaling mambola, very thoughtful, caring. parang perfect guy ba. kaya ayun... ako si tange, nafall kahit na alam kong bawal and walang pupuntahan.

nabasa ko sa unang thread na "nagmahal lang daw kasi sila" kaya napasok nila yung ganung situation.. somehow totoo.. kasi diba when you fall in love, minsan hindi mo na alam ang tama sa mali. or most of the time, alam mo naman na mali, pero iniignore mo lang or dinedeny sa sarili especially when you're blinded dun sa love mo for the guy. So I guess ganun ang nangyari. napalapit ako sa kanya kahit na sinubukan kong iwasan. nag umpisa sa friendship yung samin, na nauwi sa relationship kahit alam kong mali.. kahit naman pinikot lang sya nung misis nya, kasal pa rin sila at kabit pa rin ako..

I guess we're both victims of "right love at the wrong time". nasabi kong may love yung samin kasi nakakapg check in kami sa motel ng walang mangyayari samin. kwentuhan lang, usap.. kasi hindi namin nagagawa yun in public. ganun lang masaya na kami.. mali lang talaga ang timing kasi nakatali na sya. though the feeling seems so right, I had to do the right thing and end what we have. Lalo na nung bigla na lang nya sinabi sa kin na handa daw nya iwan asawa nya for me.. dun nako nag-start mag isip. hindi ko naman kayang sumira ng pamilya, kawawa yung anak.

madami din ako nabasa na ang mga kabit ay insecure at desperada. totoo yun. based on my experience kasi, sobrang baba ng self esteem ko and feeling ko wala ng magkakagusto sa kin because of my previous failed and traumatic relationship then he came.. parang boom.. special na naman ako.. meron pa pala nagkakagusto sakin. so ayun.. pinatulan ko. akala ko maatim ko eh. nakaya ko naman ng ilang months. natago namin yung affair namin sa lahat. at ang kapal pa ng mukha ko na dalhin sya sa bahay at ipakilala (as a friend) dun nako nakunsensya parents ko.. Ipinagtitimpla pa sya ng coffee ng tatay ko at nung makita ko yun.. dun nako umiwas talaga. nahiya ako sa sarili ko and sa family ko na walang kaalam alam.

Siguro si God na rin gumawa ng way para malaman ng misis nya yung situation. bigla na lang may nagtext sa kin, homewrecker daw ako.. syempre sinubukan kong magpatay malisya.. pero umamin na daw asawa nya.. kaya ayun, buking! at itong si guy ay nagtext sa akin at sinabi na alam na daw ng misis nya at sinabi daw kay misis na ako ang mahal nya. nakakainis lang on my part kasi kung kelan tintry kong itama, dun pa sumabog yung naging secret affair namin. and since kaibigan ni misis yung supervisor ko, kumalat sa office.. kaya sikat na sikat ako.. naapektuhan trabaho ko, i almost lost my friends kasi kahit sila napaniwala ko tapos malalaman nila na totoo pala.. I knew then that I can't deal with this problem alone kasi nag tthreaten si misis na iiskandaluhin nya ako.. ipapaalam daw nya sa HR para materminate ako.. kaya kahit hiyang hiya ako, sinabi ko sa parents ko yung nagyari. syempre galit na galit sila pero since anak nila ako, wala silang choice kundi suportahan na lang ako.. umabot pa kami sa point na nagharap harap kami.. ako, parents ko, parents ni guy at parents ni misis to settle everything. sobrang nakakahiya. gusto kong lumubog sa kinauupuan ko kasi ako talaga yung masama. kaya lahat ng masasakit na salita, tinanggap na lang. para matapos na. sa isip ko sana ako na lang, sana hindi na kailangang mawitness ng parents ko yun.. sobrang hiya ko sa kanila. iyak lang ako ng iyak. (hanggang ngayon naiiyak ako. hehe)

so ayun, after nung nangyari, nagquit ako sa trabaho and i decided to move in manila. Dun ako naghanap ng work. and since wala pa akong natutuluyan dun, nag uwian muna ako.. may mga days na nakikita ko si guy na naka abang sa kanto ng subdivision namin, sa bus terminal etc.. hindi ko lang pinapansin. minsan may tatawag na lang sa bahay, sakin hinahanap si guy kasi nagpaalam na papasok, tapos pagtawag sa office, malalaman na naka leave pala. akala ako yung kasama.. sobrang naging miserable lang ang buhay ko nun. ang gulo. buti na lang tapos na. pero naisip ko kasalanan ko din naman, kaya if that's the price that i have to pay for my mistake, sige.. bring it on. yung mga friends ko naaawa na sakin kasi im too young daw para maexperience yung ganung problem. pero wala naman sa age yun diba, basta may isip ka na, accountable ka sa actions mo, therefore, kung ano ang balik sayo, panindigan mo. kaya ganun ang ginawa ko..

i guess i did a great job naman in trying to fix what i almost broke. lumayo talaga ko. kahit habol ng habol si guy, hindi ko na pinansin.. text ng text kahit nagpalit nako ng number.. and last thing i heard, he's still trying to get in touch with me (thru a friend) pero sabi ko wag na lang kasi kahit matagal na yun, mahirap na diba. and besides, i have moved on and sana sya rin.. siguro minahal nga nya ako pero mali pa rin diba.  at siguro ang dahilan kaya sya nagloko noon eh dahil dun sa fact na pinikot sya ng misis nya tapos nagger pa. at ang dahilan ko bakit ko pinasok yung ganun e nabanggit ko na kanina.

I also believe in karma.. too bad lang for me because I'm still paying for that mistake. sana nga matapos na. binago ko naman and tinama eh.. on the rocks kami ngayon ng partner ko pero alam ko naman na maaayos din yun. (hopefully) kailangan lang namin mag usap ng maayos.

masaya na ako ngayon with my baby. pero ang dami ko natutunan sa naging experience ko. naging strong ako ng bonggang bongga. i'm hoping na maging okay na si guy at misis nya.

sana yung mga mistress makapag isip isip ng maayos. hindi yung sila pa yung nang aaway sa mga legal wives. ayun.. nashare ko lang yung story ko. bigla ko naalala. at sana kapag napahiya na, tumigil na.. yung iba kasi talaga makapal na ang mukha parang wala ng pakiramdam. at sana maniwala sila sa karma.. dahil kung hindi man sila yung karmahin... baka yung magiging anak nila. :( or kung hindi sila nahihiya sa sarili nila, sana mahiya na lang sila sa mga taong nakapaligid sa kanila.


nashare ko lang po. thanks for taking time to read my story. :)
« Last Edit: May 10, 2012, 03:05:12 pm by h_mische »

ecnarfoj

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 2)
« Reply #318 on: May 10, 2012, 03:24:20 pm »
Good for you sis accepting that it was wrong. Yun naman talaga yung first step eh, yung pag-admit sa sarili mo kung ano yung situation pinasok mo noon.

Sa alcoholics anonymous nga first step di ba is to admit that you're an alcoholic.

Maganda yung naitulong ng family mo sa'yo. Yung nahiya ka sa kanila kaya parang naliwanagan ka sa nangyayari sa'yo. I'm happy din to read na talagang nag-usap-usap kayo kasi inaayos mo yung mali.

Thanks for sharing sis. :D

joyfulmommy

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 2)
« Reply #319 on: May 10, 2012, 03:51:56 pm »
alam mo sis, naniniwala ako sa sinabi mo na kapag na-inlove, minsan nawawala na sa huwisyo ang pag-iisip... or alam nang mali pero sige pa rin! kudos to your parents, they must have instilled the right values sayo nung pinalaki ka nila dahil nanaig ang iniisip mong tama, kahit alam mong mawawala yung taong mahal mo.  i was curious about your story kasi naman minsan, ang nagd-drive sa mga husbands na magloko or yung cause why madaling matukso si husband is yung misis din, may mga pagkukulang din, either nagger, hindi ma-alaga, waldas sa pera, gimikera etc etc.... (im not referring to husbands na nature na talagang magloko kahit ano pang bait at ganda ng misis)...

thanks for sharing your story sis... and i salute you for choosing to correct and learning from the mistake you made.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close