Hi mga sis, tulog pa si Zoe, kaya nagka time mag online. Here's my birth story.
Sunday night, nakaka feel na ako ng contractions, 1st time na super sakit at sobrang tagal kaya feeling ko labor na yun. tumitigas na din tummy ko nun. from 9pm to 230am ata ako nagtitiis. Itinulog ko na lang kasi di pa naman super nakakangalay sa likod, at wala pa namang bloody show para magpa emergency.
Monday was supposed to be my checkup.However, dahil sa ulan, 11am na ako nakadating ng clinic ng OB ko, at kamalas malasan naman, nagmadali sya umalis kasi may emergency, may naglabor daw na patient so hindi ako nakapag pacheckup. Pero iba na pakiramdam ko nung araw na yun, super worried ako kasi ang tigas tigas ng tyan ko nun. At may nararamdaman pa din ako contractions.
So we (me & my SIL) decided to follow the nurse's instruction to run to Marikina Valley Medical Center, since dun ko plan manganak at ramdam nilang nagllabor na ako. When we arrived there, nagpa consult na lang muna ako sa ibang OB. Nag IE kami, 3cm na ako, and nasabi kong ngalay na balakang ko. The OB even mentioned that she can see it in my face na nagllabor na daw ako, at hinulaan niya na before the day ends manganganak na ako. So we called my real OB to ask if papa admit na ba kami, then my OB instructed na mag pa admit na nga daw, then LR/DR na kami.
During these times, wala yung hubby ko, nasa Aklan pati MIL ko. SIL ko lang kasama ko, mas bata pa sa akin. So nag pa admit na ako, 4pm nasa Labor Room na ako. So binigyan muna ng laxative, tapos after magpupu may tinurok na sa akin,then yung pang monitor ng heartbeat ni baby, and pang monitor ng contractions. Nakita na ang taas na pala ng heart rate ni baby, umaabot ng 180. Nilagyan ako ng oxygen tapos addtional na IV pa, di ko alam kng ano un e, pero nutrients lang din ata yun, para daw mag normal heartbeat ni baby (120-160). After 1 or 2 hrs nag normal na so tinurukan na ako pampa induce. Nararamdaman ko naman na nagiincrease yung pain, ngalay yung balakang ko. pero nung Na IE ako ng resident ob, 3cm pa din daw. Grabe ang sakit mag IE nung dra. na yun. Gabi na dumating OB ko, mga 8 or 9 na ata yun, inexplain lang niya mga ginawa sa akin, then inassess yung sa contractions ko, sabi ko kasi 7 out of 10 na yung sakit. Nag IE kami, 3cms pa din. Binigyan nila ako pampatulog, sabi niya papaputukin na nila. after 4 or 5 hours daw, manganganak na ako. Nagising ako by 2am, and nag IE ulit, 3-4cm pa din daw! ang sakit din ng pagka IE sa akin nung lalaking OB.
By 5am, dumating ulit OB ko, nag IE kami, 4-5cms pa din daw. Sa OB ko di ako nasasaktan pag iniiE ako. Tapos bigla syang umalis, pagbalik nya, inexplain na niya na hindi nagpprogress yung labor ko. Ineexpect nga daw niya na by 11pm or 2am bababa na si baby, kaso ako nstuck na daw ako sa 4-5cm. 12 hours na daw ako naggagamot, and hindi na daw safe kay baby so dapat na kami mag CS. Tapos na shock na ako! pinatawag yung SIL ko, actually akala ko by that time, nakabalik na yung bf ko pero wala pa din pala, wala daw nakuhang ticket. Pinaalam na sa family nila na icCS na ako kasi di na kaya ng baby, nung kausap nila ako sa phone, nagagalit pa sila bakit daw pina CS, bakit daw kasi nagpaadmit ako kaagd. andaming bad comments, nakakasama ng loob, naiyak na talaga ako. E kaso diko na alam gagawin, pineprepare na yung operating room para sa CS operation ko. So yun na, syempre pumayag na ako magpa CS, buhay namin yun mag ina e. Mabilis lang yung operation, 7am ata nagstart. Hindi painful yung pagturok ng anesthesia sa akin, and then I was awake habang inooperahan gusto ko kasing hintayin si baby. Pagkarinig ko ng iyak niya, and nung nailapit sa mukha ko, ok na ako.after nun tulog na ako haha. Tapos next gising ko nasa recovery room na ako, tapos nilapit ulit si baby sa akin. Bago ako iakyat sa room namin, pinatry ipa breastfeed sa akin si baby, pero ayaw pa. Nagkita na lang ulit kami ni baby nung Thursday kasi thats the time na nakakalakad na ako ng kaunti, at napabreastfeed ko sya. Hindi namin sya na iroom in kasi nga hirap pa ako, at wala mag aalaga. Takot naman yung tatay. haha. Friday after lunch kami nakauwi ni baby Zoe, then simula nun nagpapa breastfeed na ako sa kanya.
so thats it, ang haba haha.dagdag ko pa sana mga sama ng loob ko dahil sa paninisi sa pagpapaadmit ko, pero mas focus na lang ako sa positive vibes na dala ni Zoe

Ingat lagi mga sis
