watch now

Author Topic: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 7  (Read 93966 times)

suicide_doll19

  • Guest
Re: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 7
« Reply #420 on: February 22, 2012, 09:30:29 pm »
Congrats sisses kuliglig and kaice! Willwait for your birthing stories.

Haay inip na ko. Gusto ko na rin manganak. Ayaw ko na sana abutin ng march. First born ko kasi march din. Pero wag din naman sanang feb 29. Hehe!

galing ako sa ob ko kanina. 36w5d na ko. In 2 days full term na. In-ie niya ko kanina. Nakapa na niya yung ulo ni baby boy pero di pa daw masyadohng mababa. Mga 1wk pa daw? Does this mean na in a week pwede na ko manganak sisses? Close pa cervix ko pero malambot na daw. Excited na talaga ko manganak :D niresetahan niya rin ako ng vaginal sup for 3days kasi may yyellowish discharge ako. Mahirap daw pag pati si baby mahawa.

Grabe masakit na talaga sa may baba ng singit banda. Minsan tumatagal siya for days. Hirap na tuloy maglakad chaka bumangon pag nakahiga. Lagi rin naninigas tummy ko pag hihiga or minsan nakaupo. Kagabi parang may tumutusok down there. Kala ko yun na. Hehe! Pano ba matagtag pag bahay ka lang lagi?

geekchiq

  • Guest
Re: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 7
« Reply #421 on: February 22, 2012, 09:37:18 pm »
most of us are waiting na nga lang..including me. am on my 37th week and just had my weekly check-up with my OB. In-IE niya na ako kanina, and sabi niya nga posterior na posterior pa si baby, pero pinoke niya yung cervix ko, para mag1cm na ako. galing nga eh! pwede niya nga rin daw hilahin para mag-2cm kaso mataas pa si baby. but since I told her I want to give birth as early as possible, ayun prinescribean niya rin ako ng evening primrose oil to soften the cervix and hopefully sa next check-up, may progress na.

good thing though na sabi niya maganda yung pelvic bone ko, at kayang kaya mag-normal.wag lang daw masyadong palakihin si baby. sabi niya nga mukhang malakas naman tolerance ko sa pain kasi nung ini-IE niya ako at pinoke yung cervix ko, medyo relax pa ako. pero masakit naman talaga siya although kaya namang itolerate.

tapos I asked her what are some ways to induce labor: lakad to the max and mag-contact daw kami ni hubby. kaya ayun sabi ni hubby go na sa Saturday, kahit he doesn't know how we will manage it. kasi since I got pregnant hanggang 3rd month lang ang pag-DO namin. hahaha. :D

princessrio

  • Guest
Re: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 7
« Reply #422 on: February 22, 2012, 09:41:23 pm »
^^ako sis, since stay at home lang ako, naglalakad ako sa labas ng bahay namin. buti merong parang plaza dito sa likod namin. paikot ikot lang ako sa basketball court. mga 10 ikot equals to 40 minutes of walk na. kung meron ka namang hagdan dyan, panhik panaog ka. nung umuulan kasi, sa hagdan ako, panhik panaog. kung merong malapit na palengke sa inyo, mamalengke ka. ako minsan dumadayo ng savemore at kunwaring maggo-grocery.  ;D

^ako talaga, pipilitin ni OB na magnormal. so trial normal kami. makiisa lang talaga sana si baby at walang complications. yung pag-IE nya sa akin kanina, hindi naman ako nasaktan ng bongga.

geekchiq

  • Guest
Re: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 7
« Reply #423 on: February 22, 2012, 09:53:28 pm »
ako rin sa house lang din ako. kaya nga ang ginagawa ko ay maglinis ng maglinis, pati CR 2x a week ko ng nililinis. halos araw araw ko naman minomop yung floor namin sa kwarto. pero gagawin ko talagang 3x a day na ang akyat manaog sa stairs starting tom, 5th floor pa naman ng condo sina hubby nakatira. gusto ko rin tuloy mag-mall everyday para makapaglakad-lakad.

baka ayaw pa rin ni baby lumabas muna, may baby shower pa kasi ako this Saturday eh. hehe. :)

ang worry ko lang kasi kapag umabot sa due date, aside from meconium, eh yung weight ni baby. at 37 weeks kasi estimated weight na is 7lbs.



princessrio

  • Guest
Re: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 7
« Reply #424 on: February 22, 2012, 09:57:06 pm »
^sis, ok lang yan. kakayanin mo yan.  ;) ako feeling ko lagpas 7 lbs na rin si baby ko to think nasa almost 39 weeks na kami. nasa normal weight pa naman ata sha talaga. mahirap din naman pag sobrang liit ni baby. so hold on kayo ni baby and pray. we can do this!

suicide_doll19

  • Guest
Re: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 7
« Reply #425 on: February 23, 2012, 01:06:47 am »
princessrio wala kasing plaza malapit dito sa village namin sis. magpapanhik panaog nalang ako sa hagdan kahit medyo mababa lang hagdan namin. gagawin ko rin yung ginagawa ni sis geekchiq na maglinis. Usually kasi yung maid gumagawa ng lahat.

geekchiq sis pag naglilinis ka di naman sumasakit sa may bandang singit mo? or parang hirap gumalaw lalo na sa may puson banda? minsan kasi naglilinis lang ako ng room namin parang masakit na sa puson parang may pressure pababa.

6.4lbs na si baby sa tummy ko at 36w5d. cephalic naman siya which is a good thing.

izabelle

  • Guest
Re: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 7
« Reply #426 on: February 23, 2012, 01:50:04 am »
mga sis try nyo din mag mall :D nakakalibang.. hindi nyo mapapansin na ang tagal nyo na pala nakatayo at naglalakad..

khriseeee

  • Guest
Re: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 7
« Reply #427 on: February 23, 2012, 06:56:16 am »
I don't know if this is it for me but I've been having contractions since 5AM and they're coming now every 4-5 minutes. They hurt!!!! WIll go to the hospital in awhile if this continues

kaice

  • Guest
Re: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 7
« Reply #428 on: February 23, 2012, 09:09:33 am »
eto na ang utang kong birthstory..

feb 15 - may bloody show ako, went to DR pero 1 cm pa lang. 3x ako na IE that day, 11 am, 3 pm and 7 pm, irregular weak contractions at 1 cm pa din so umuwi muna ko. i expereinced moderte contractions nung madaling araw pero nawala nung morning.

feb 16 - pumasok pa ko sa work. i was advised to monitor contractions. ayaw kasi ako i IE ni hubby kahit sabi ng doctor, natatakot daw siya. from 10 pm eh nasa sofa lang ako, kasi may moderate contractions na. ang sabi ni OB, yung paninigas ng tiya nna abot hanggang likod, yun ang true cont ractions. i used "happy pregnancy" app sa phone to monitor contraction. promise helpful talaga siya kesa naglilista :) duration and interval of contractions pati kicks ni baby eh malo-log. nagpatuloy yung contractions pero hubby has a paper due tom kaya sabi ko tapusin nya muna habang minomonitor ko. from 10 pm eh iba't ibang possiyon yata ang ginawa ko to ease up pain.

february 17
3 am - di ko na talaga kaya ang pain ng contractions so naligo na ako and told hubby to prepare na. he called my parents na din that we are going to the hospital na. all are things are in the car na nung week na yun.

3:30 am - we arrived at st luke's, IE was done 4 cm na ko, they informed OB, anes, pedia and hematologist (due to my blood disorder). i was wheeled to high risk pregnancy unit for monitoring.

6 am - i was given epidural na, 4 cm pa din and 80% effaced with strong contractions

10 am - i was 5-6 cm na, they performed amniotomy (broke my water bag) they were expecting that i already gave birth by lunch time. they gave me oxytocin para mapabilis ang contractions

11:30 am - 6 cm na, 80% effaced

1:30 pm -  8 cm na, 100 effaced pero -2 station pa rin si baby. OB said na baka mag caput si baby, ma elongate yung head due to pushing back and forth. she advised that she will do CS. i was in pain kahit na naka-epidural due to strong contractions. this was my dreaded scenario, but i know they know what is best for me and baby kate.

1:40 pm - i was in operating room na. they told hubby to scrub in pero sabi nya he'll take pictures pero ayaw nya mag-aassist. the last thing i remembered was being given anesthesia.

2:00 pm - BABY KATE was out, but i wasn't able to witness the first cry :( according to hubby, i was having panic attacks that they need to put me to sleep, i was shivering a lot.

3:05 pm - i woke up and the first thing i saw was hubby holding baby kate  :) i was shivering, they need to put warmer blanket on me. my whole lower body is still numb but i was conscious and coherent. we were wheeled back to HRPU until the anesthesia loses its effect. some visitors (mostly doctor residents, interns and clerk friends of hubby)  came to see baby.

6:00 pm - we are wheeled to our room na.

after 4 days, we were discharged. i thought maiiwan pa si baby kasi medyo madilaw daw. she had lab tests for jaundice pero normal naman, phototheraphy was advised na lang.

parang nag NSD and CS ako at the same time pero worth it when i saw baby kate. mas nag worry ako kasi tatagal ang leave ko, hindi prepared ang 2 offices ko na ma-extend ang leave ko hehe!  :D


keeshta

  • Guest
Re: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 7
« Reply #429 on: February 23, 2012, 09:18:57 am »
sis kaice congratulations! nakakatuwa talaga mgbasa ng mga birth stories. hehe. parang naiimagine ko na din yung kalagayan ko pg nanganak. hehe.

hello mga sisses! wasn't able to read and post for 4 days. kumusta na kayo? 36 weeks na kami ni baby today! Pwede na daw siya lumabas by March 1. IE narin ako ni OB sa sat. hehe

princessrio

  • Guest
Re: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 7
« Reply #430 on: February 23, 2012, 10:19:11 am »
kaice - kakatuwa yung story mo. enjoy motherhood!

khrisseee  - goodluck sis!! this is it na yan!

izabelle - gustong gusto ko na magmall. unfortunately, ayaw na akong payagan ng parents ko kasi walang malapit na mall dito. isa pa, baka kung kelan manganganak na ako eh abutin ako ng traffic.  ;D saka sobrang hirap na ako sa jeep. minsan nakakainis pa yung iba, uurong ng uurong hanggang dun ka sa dulo uupo. mga walang pakundangan!

suicide - sis, village naman pala yung sa inyo. lakad lakad ka sa labas.

di ko alam kung magpapanic talaga ako. bleeding pa rin ako until now, yung tipong kasama sa wiwi ko. baka kasi effect lang ito nung IE ni OB kahapon kaya ayaw ko sumugod pa sa ospital. besides, wala pa talaga yung pain, although irregular contractions, meron na talaga. hay.. baby come out na! excited na kaming lahat!

kaice

  • Guest
Re: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 7
« Reply #431 on: February 23, 2012, 11:43:42 am »
rio - i think eh dahil yan sa IE at sa thinning ng cervix. nakapads din ako after mag bloody show, yung parang mens na patapos na... parang ganun. ;D

good luck sa mga waiting game na :)

sa mga CS, any tips? im very unprepared for cs  kasi, may mga tips ba kayo? though i think recovered na ko kasi rooming in kami since day 1 as in ako at si hubby talaga, walang yaya. minsan nate-tempt ako to move around kasi di naman masyado masakit yung tahi pero baka sa labas lang healed pero sa loob hindi pa...

katiztic

  • Guest
Re: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 7
« Reply #432 on: February 23, 2012, 03:12:13 pm »
Ako din 36 weeks na!

Kanina, pumunta akong health center hahahaha At talaga naman, naghintay ako ng 3 hours para lang magpa tetanus shot. ang binayad ko ay 15 pesos lamang. andami ding buntis na pumunta, naawa naman ako sa iba, sila sa bahay lang talaga manganganak. Swerte pa din tayo lahat, may option tayo to choose our doctors and hospitals.

I.E nadin ako ni OB next wednesday, tapos after that weekly na ang check up ko. Gusto ko nang manganak ng 1st week of March para hindi na masyadong lumaki si baby, kaya pagdating talaga ng 29 February, tagtag mode na talaga ako!

Teka, so may bloody show talaga after i.e? Kelangan ko bumili ng napkins?

princessrio

  • Guest
Re: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 7
« Reply #433 on: February 23, 2012, 03:53:02 pm »
^hmm.. ako kasi sis, hindi ko alam na magbebleed ako. nung first IE ko kasi, closed pa cervix ko. no bleeding at all. kahapon, open na ako 2cm. tapos sabi ni OB, wag daw ako magworry kung may blood ako na makikita. nung unang wipe nya, konti lang naman yung blood. pero nung gabi na, nagwiwi ako dito sa bahay. ang wiwi ko eh parang yung meron ako tapos merong konting clot. nakakaworry pero wala pa yung pain na hinihintay ko.

simplyshao

  • Guest
Re: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 7
« Reply #434 on: February 23, 2012, 04:19:28 pm »
congrats workingmomzie, sis kaice and sis kuliglig!  :) Enjoy motherhood. Di bale susunod n din kami.

sis kaice - ang hirap din ng naglabor tapus CS din.  Pero ang mahalaga safe kayo both ni baby.

sis khrisee and sis den.nica kayo na ang next in line.  :)

sis rio - malapit k n din. Natuwa ako sa dance ah ...ako mukhang lakad lang kaya ko gawin.  ;)

37 weeks kami last Sat, kahapon nagpa US ako sabi ni OB mataas p si baby at hindi pa naka-engage yung ulo nya. Pero cephalic cya. Mukhang nag eenjoy p daw sa tyan ko kasi mataas p daw si baby kaya waiting game p lang rin kami. Sa saturday i-IE nya ako to check if open n cervix. Pero most probably aabutin p ako ng March. Pinaglalakad lakad nya n rin ako para matagtag. Pumapasok p ako sa office kasi kaya p naman okay din para matagtag. So far OB said na mukhang kaya daw inormal. Hopefully.

tetanus shot - hindi ko pa din eto naitatanong kay OB lagi ko nakakalimutan. Ililista ko nga para hindi ko makalimutan sa Saturday.

God bless all of us and safe delivery sa ating lahat.  :)


marchbaby

  • Guest
Re: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 7
« Reply #435 on: February 23, 2012, 06:00:00 pm »
@princessrio ako din, after ng ie, mga two days na meron blood. Pero now, la na. Waiting din ako sa pain and sunud sunod na contractions.

kuliglig^^

  • Guest
Re: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 7
« Reply #436 on: February 24, 2012, 05:52:29 am »
Hi sisses! :) Thank you for the greetings! :)

As of right now, asa room na lang ako, waiting for discharge orders. So habang bored to the max ako at tulog na tulog si hubby, share ko na ang birth story ko.. :)

Feb 22 - 3:51 AM
+ nagstart na contractions, pero I wasn't surprised, niisip ko kasi baka Braxton Hicks nanaman.

5:00 AM
+ tuloy tuloy pa rin contractions, 15 - 20 mins interval, tas mga 30 seconds - 1 min duration. Sabi ni hubby, punta na kami hospital.. Sabi ko wag muna, baka mapagastos nanaman tayo sa false alarm, tas anlayo pa namin.. Imagine, from Pasay to Pasig? So we agreed na magtext muna kay OB.

5:15 AM
+ sabi ni OB, hintayin ko raw mag-5 - 10 mins interval yung contractions, pero pag di ko na kaya, punta na raw ako. Saktong pagkatext ni OB, nag 5-10 mins na ang interval! :)

6:00 AM
+ we were at the taxi na, going to the clinic. Halos matanggal ko na ata arm ni hubby sa sobrang kapit ko pag may pain. Hahaha. :) pero tahimik lang ako maglabor.

7:12 AM
+ we arrived sa clinic. Midwife muna nagIE sakin. 5-6cm na raw ako. Nilagyan na ko ng IV (first time ko, kasi never ako naconfine ever) then pinapunta na sa LR to wait for the OB to arrive.

7: 30 AM
+ second IE, 7 cm na raw ako, and she ruptured my waters by accident. Haha. Super gush ng mainit na liquid, tas nakita niyang may meconium stain na. So pinamadali na talaga si OB. Sobrang intense na yung contractions, mga 2-3 mins interval na lang.

7:45 AM
+ OB came and performed third IE. 5-6 cm daw, tas station -3 pa, meaning super duper taas pa ni baby. Tas ayun nga, may meconium na. So sabi emergency CS na, kasi di alam kung kelan pa siya nagpoop. So nagpay lang kami ng bills, tas tinransfer na ko sa affiliate hospital ni OB, 10 mins away from the clinic.

8:10 AM
+ we arrived sa hospital, medyo natraffic kasi ng konti. Pagdating ko sa ER, nagulat ako at sumalubong sakin, classmate ko nung 1st year college! Hahaha! :) nagkatawanan pa kami. Pati si OB nagugulat kasi nakakatawa pa ko kahit in pain na. Buti na lang si classmate very very accomodating, at nang malaman ng lahat ng tao sa ER na classmates kami before, bonggang special treatment ako. Hahaha! :)

8:30 AM
+ pinprep na ko for CS and signing ng docs, etc.

8:45 AM
+ dinala na ko sa OR. Bonggang bongga pa rin ang contractions.

9:00 AM
+ nilagyan na ko ng anesthesia and stuff. Mejo masakit yun, plus combined pa ng contractions so si wrists ni kuya orderly ang napagbalingan ko, nakalmot ko siya! Haha! Sorry tuloy ako sa kanya.. Tas a few mins later, wala na ko maramdaman from my tummy downwards. Pero I was fully conscious that time, nakikipagkwentuhan pa. :)
 
9:10AM
+ start na surgery. Anesthesiologist told me to sleep muna, pero nacurious pa ko so I tried to stay awake. And take note, nagscrub nurse si classmate ko! Nahiya naman ako, kasi boy siya eh. Hahaha! :) pati wala lang, it kind of reminded me ng mga duty namin nung college, so may idea ako more or less of the stuff that's going on.

9:30 AM
+ nakatulog na ko.

10 AM
+ sakto I woke up when they shouted "Baby out!". I heard suction sounds pero no cry yet. Nag-aalala talaga ako. After a few minutes, nagcry.. Pero nawala ulit. Puro suctions sounds lang. Sabi ni anesthesiologist, okay naman daw si baby, pero di ako mapakali. Yun pala, acc to my OB, sinuction nila si Lucas before ilabas and after ilabas sa tummy ko. Pati nagcord coil around sa neck niya three times. So kahit hindi pa siya nagpoop, ma-cCS talaga ako. Pati malaki nga rin si baby, 3.6kg so baka di ko rin daw kayanin na i-NSD.

10:15 AM
+ they showed me baby Lucas and let me kiss him before siya dalhin sa nursery. Doctors and nurses were talking about how big he is. Para daw 2-3 months old na. hehe. Anesthesiologist told me to sleep na, so I did.

10:50 AM
+ I woke up, matatapos na raw sila. So naabutan ko ang ending ng CS ko, and pagtransfer sakin sa recovery room. Super wala parin akong maramdaman, so nakikipagjokes pa ko sa mga orderly and nurses. Sabi ni RR nurse, 1PM pa raw ako lalabas ng RR. So natulog muna ko.

11:30 AM
+ I woke up, kala ko 1PM na. So tinry ko matulog ulit. :)

12:30 NN
+ I woke up ulit.. Inip na inip na ko, gusto ko na pumunta ng room. Gusto ko na makita si Lucas, so talagang hinintay ko mag1PM.

1:15 PM
+ dinala na ko sa room. Gulat ako kasi wala si hubby! Yun pala, kanina pa andun ang lolo mo sa nursery, picture ng picture and take ng take ng videos ni baby. Dahil sa sobrang excitement and akala ko makikita ko na si baby agad, di muna ako natulog. Hubby showed the pictures and mega post naman ako sa FB, kala mo parang di dumaan ng major surgery. Hahaha! :)


-----

So ayun.. Feb 24 na ngayon.. Kahapon ko lang nakita si baby, kasi kahapon lang ako nakatayo. Kung masakit maglabor, mas masakit ang post-op pain.. Nagsink in yung pain nung wala na ko IV meds, lahat by mouth na. Iyak, pagod and hikbi ang drama sa pagturn, pag-upo and pagstand. Pati wiwi and poop, struggle pa. Thankful ako kay Lord na within 24 hours, ambulating na ko kahit mejo mahapdi pa yung tahi. Tinry namin magbreastfeed, kaso suplado si Lucas, tinulugan lang kami. Hahaha! :)

Ayun.. So far ang meds ko -- Tramadol, Ketorolac, Metronidazole and Cefuroxime. Yung first two pain relievers and second two, antibiotics for post-op.. Or maybe precaution din kasi nagmeconium na si Lucas. Si Lucas 2-3 antibiotics siya through heplock. :( pero healthy naman siya, 8.9 apgar score nya.

Hopefully talaga, discharge na kami today.. Thank you for all the greetings sisses! :) nasa FB yung mga pics.

Pati sa mga waiting pa, go lang mommies, kaya nyo yan! :) masakit talaga, pero once makita nyo na si baby, totoo talaga yung nalilimutan mo yung sakit.. Promise yun. :)

izabelle

  • Guest
Re: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 7
« Reply #437 on: February 24, 2012, 08:15:18 am »
^ congrats sis :)

kahit NSD ako, parang alam ko yung pain na nafeel more after manganak.. masakit talaga ang tahi kahit yata NSD masakit na masakit pa din, lalo na yung unang 2 days...

kaice

  • Guest
Re: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 7
« Reply #438 on: February 24, 2012, 08:28:33 am »
congrats ulit kuliglig... si kate naman eh slim pero ang haba, to think na maliit kami pareho ni hubby, ang haba ng legs hehe!

kami naman eh since doctor si hubby at ako eh dun din nagwo-work, kahit ayoko ng special treatment eh di maiwasan. yung mga interns eh nagpupustahan pa kung sino ang magle-labor watch sa min. kahit tapos na yung duty eh sumisilip pa din sa min. yung chairman nga ng anesthesia department eh niyaya pa mag almusal si hubby kasi di sya pwede mag anesthesia sa kin kasi may scheduled case sya. yung senior OB resident naman eh classmate/groupmate ni hubby kaya super alaga ako. kaya lang nakakahiya na siya yung nag IE sa kin hehe!

from the time ilabas ko si baby eh nasa min na. room in kasi kaya first night pa lang eh talagang effort mag breastfeed kahit masakit ang tahi. pareho pa naman kaming puyat. si hubby, kailangan ko tawagan sa phone kahit nasa tabing couch lang kasi di ko makalabit, masakit pa gumalaw. hehe! ;D

first checkup namin today!  ;)

princessrio

  • Guest
Re: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 7
« Reply #439 on: February 24, 2012, 09:24:21 am »
hay.. buti pa kayo nakaraos na. ako, wala pang pain.. o baka naman may pain pero di ko namamalayan. ayaw pa ata talagang lumabas ng junakis ko.  :'(

 

Latest Stories

Load More Stories
Close