Hi sisses!

Thank you for the greetings!

As of right now, asa room na lang ako, waiting for discharge orders. So habang bored to the max ako at tulog na tulog si hubby, share ko na ang birth story ko..

Feb 22 - 3:51 AM
+ nagstart na contractions, pero I wasn't surprised, niisip ko kasi baka Braxton Hicks nanaman.
5:00 AM
+ tuloy tuloy pa rin contractions, 15 - 20 mins interval, tas mga 30 seconds - 1 min duration. Sabi ni hubby, punta na kami hospital.. Sabi ko wag muna, baka mapagastos nanaman tayo sa false alarm, tas anlayo pa namin.. Imagine, from Pasay to Pasig? So we agreed na magtext muna kay OB.
5:15 AM
+ sabi ni OB, hintayin ko raw mag-5 - 10 mins interval yung contractions, pero pag di ko na kaya, punta na raw ako. Saktong pagkatext ni OB, nag 5-10 mins na ang interval!

6:00 AM
+ we were at the taxi na, going to the clinic. Halos matanggal ko na ata arm ni hubby sa sobrang kapit ko pag may pain. Hahaha.

pero tahimik lang ako maglabor.
7:12 AM
+ we arrived sa clinic. Midwife muna nagIE sakin. 5-6cm na raw ako. Nilagyan na ko ng IV (first time ko, kasi never ako naconfine ever) then pinapunta na sa LR to wait for the OB to arrive.
7: 30 AM
+ second IE, 7 cm na raw ako, and she ruptured my waters by accident. Haha. Super gush ng mainit na liquid, tas nakita niyang may meconium stain na. So pinamadali na talaga si OB. Sobrang intense na yung contractions, mga 2-3 mins interval na lang.
7:45 AM
+ OB came and performed third IE. 5-6 cm daw, tas station -3 pa, meaning super duper taas pa ni baby. Tas ayun nga, may meconium na. So sabi emergency CS na, kasi di alam kung kelan pa siya nagpoop. So nagpay lang kami ng bills, tas tinransfer na ko sa affiliate hospital ni OB, 10 mins away from the clinic.
8:10 AM
+ we arrived sa hospital, medyo natraffic kasi ng konti. Pagdating ko sa ER, nagulat ako at sumalubong sakin, classmate ko nung 1st year college! Hahaha!

nagkatawanan pa kami. Pati si OB nagugulat kasi nakakatawa pa ko kahit in pain na. Buti na lang si classmate very very accomodating, at nang malaman ng lahat ng tao sa ER na classmates kami before, bonggang special treatment ako. Hahaha!
8:30 AM
+ pinprep na ko for CS and signing ng docs, etc.
8:45 AM
+ dinala na ko sa OR. Bonggang bongga pa rin ang contractions.
9:00 AM
+ nilagyan na ko ng anesthesia and stuff. Mejo masakit yun, plus combined pa ng contractions so si wrists ni kuya orderly ang napagbalingan ko, nakalmot ko siya! Haha! Sorry tuloy ako sa kanya.. Tas a few mins later, wala na ko maramdaman from my tummy downwards. Pero I was fully conscious that time, nakikipagkwentuhan pa.
9:10AM
+ start na surgery. Anesthesiologist told me to sleep muna, pero nacurious pa ko so I tried to stay awake. And take note, nagscrub nurse si classmate ko! Nahiya naman ako, kasi boy siya eh. Hahaha!

pati wala lang, it kind of reminded me ng mga duty namin nung college, so may idea ako more or less of the stuff that's going on.
9:30 AM
+ nakatulog na ko.
10 AM
+ sakto I woke up when they shouted "Baby out!". I heard suction sounds pero no cry yet. Nag-aalala talaga ako. After a few minutes, nagcry.. Pero nawala ulit. Puro suctions sounds lang. Sabi ni anesthesiologist, okay naman daw si baby, pero di ako mapakali. Yun pala, acc to my OB, sinuction nila si Lucas before ilabas and after ilabas sa tummy ko. Pati nagcord coil around sa neck niya three times. So kahit hindi pa siya nagpoop, ma-cCS talaga ako. Pati malaki nga rin si baby, 3.6kg so baka di ko rin daw kayanin na i-NSD.
10:15 AM
+ they showed me baby Lucas and let me kiss him before siya dalhin sa nursery. Doctors and nurses were talking about how big he is. Para daw 2-3 months old na. hehe. Anesthesiologist told me to sleep na, so I did.
10:50 AM
+ I woke up, matatapos na raw sila. So naabutan ko ang ending ng CS ko, and pagtransfer sakin sa recovery room. Super wala parin akong maramdaman, so nakikipagjokes pa ko sa mga orderly and nurses. Sabi ni RR nurse, 1PM pa raw ako lalabas ng RR. So natulog muna ko.
11:30 AM
+ I woke up, kala ko 1PM na. So tinry ko matulog ulit.
12:30 NN
+ I woke up ulit.. Inip na inip na ko, gusto ko na pumunta ng room. Gusto ko na makita si Lucas, so talagang hinintay ko mag1PM.
1:15 PM
+ dinala na ko sa room. Gulat ako kasi wala si hubby! Yun pala, kanina pa andun ang lolo mo sa nursery, picture ng picture and take ng take ng videos ni baby. Dahil sa sobrang excitement and akala ko makikita ko na si baby agad, di muna ako natulog. Hubby showed the pictures and mega post naman ako sa FB, kala mo parang di dumaan ng major surgery. Hahaha!

-----
So ayun.. Feb 24 na ngayon.. Kahapon ko lang nakita si baby, kasi kahapon lang ako nakatayo. Kung masakit maglabor, mas masakit ang post-op pain.. Nagsink in yung pain nung wala na ko IV meds, lahat by mouth na. Iyak, pagod and hikbi ang drama sa pagturn, pag-upo and pagstand. Pati wiwi and poop, struggle pa. Thankful ako kay Lord na within 24 hours, ambulating na ko kahit mejo mahapdi pa yung tahi. Tinry namin magbreastfeed, kaso suplado si Lucas, tinulugan lang kami. Hahaha!

Ayun.. So far ang meds ko -- Tramadol, Ketorolac, Metronidazole and Cefuroxime. Yung first two pain relievers and second two, antibiotics for post-op.. Or maybe precaution din kasi nagmeconium na si Lucas. Si Lucas 2-3 antibiotics siya through heplock.

pero healthy naman siya, 8.9 apgar score nya.
Hopefully talaga, discharge na kami today.. Thank you for all the greetings sisses!

nasa FB yung mga pics.
Pati sa mga waiting pa, go lang mommies, kaya nyo yan!

masakit talaga, pero once makita nyo na si baby, totoo talaga yung nalilimutan mo yung sakit.. Promise yun.
