watch now

Author Topic: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 7  (Read 93428 times)

simplyshao

  • Guest
Re: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 7
« Reply #40 on: February 01, 2012, 06:27:31 pm »
^ Sis, ay uu nga pala twins ang baby mo. Identical b sila sis? Nakakatuwa naman isang pregnancy lang pero 2 babies na. Siguro ang gulo gulo nila sa tummy mo.

Nanganak n siguro si sis iza and sis jp naman siguro is also on the way na. Praying for safe deliveries. God bless them both.

blouie11

  • Guest
Re: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 7
« Reply #41 on: February 01, 2012, 07:07:28 pm »
Naku siguro nga they gave birth na!!! Praying for their safety and healthy baby..

Nag iron na ako ng clothes ni baby! :) na pack ko na din set of clothes nya for hospital use. 2 set lang pack ko kasi nga baby will stay naman sa nursery ayaw kasi ni bf magpa rooming-in madami daw virus sa hospital so ang dinala ko lang going home clothes nya.

Sis kaice lapit ka na din!!! :)

Ako lagi ko lang kinakausap si baby na march pa kami.. Aliw din kasi responsive cya lalo na sa daddy nya, sumasagot with kicks or punch. Kaya alam ko mabaet ang baby ko.

lawlib24

  • Guest
Re: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 7
« Reply #42 on: February 01, 2012, 07:44:19 pm »
paattendance sa new house, ang dami pa rin nating waiting...[textspeak!] nga sis iza and sis jp nanganak na. baka  this week or next week magpapainduce na ako. start na rin ng maternity leave ko today. unfortunately pinacheck up ko naman ang panganay ko, i thought sore eyes sya, stye (kuliti daw sabi ng optha). if hindi gumaling within 7 days kailangan operahan, wawa naman she's only 4.  :(


aiz08

  • Guest
Re: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 7
« Reply #43 on: February 01, 2012, 08:38:37 pm »
new house na pala mga sis.. pa attendance din.

ako naman, baby shower ko sa saturday! kami ang nagpplan, although hobby ko naman talaga to before, yung mag organize ng meetups namin sa barkada etc. pero ngayon medyo tampo ako na wala nakaisip na isurprise ako hahaha. dumating pa ako sa point na ayoko na ituloy, sabi ko cancelled na, kasi nasstress ako sa pagaasikaso, i feel so helpless palagi.so this is one of those HORMONES ACTING CRAZY scene hehe.

well tinuloy ko na din, we are registered under SM/baby company. first time ng friends ko for that thing, and minsan sumisilip ako, konti pa lang nabibili haha.sana hindi naman kami lugi sa gastos namin sa handa :) good thing is my ilang friends ako nagvolunteer to bring food, tapos may magsponsor ng inuman nila. nagawa ko na din yung party favors/give away namin. madami pa kulang, petiks kasi tong jowa ko. naiinis ako haha! sana maging successful yung party dito sa house on saturday :)

prob ko naman ngayon, may sipon ako. hirap na ako huminga before dahil sa bigat and mabilis talaga mapaogd, tapos nagka sipon pa ako bigla, lalo tuloy mahirap. Vit. C lang bigay ng OB, if tumagal daw ng 1 week to saka niya ako bigyan ng iba pang gamot.

nabobother ako kasi ang baba ng tyan ko, daming nag aakala na manganaganak na ako pero march 11 pa talaga due date namin. Field work pa naman ako, and lagi akong napapagod sa pagpunta punta sa mga clients. Mga clients ko na nga naaawa sa akin, sabi nila mag leave na ako, pero yung supervisor ko, palibhasa kasi bagong kasal pa lang, utos pa din sya ng utos sa akin.parang di naiisip situation ko. Nananalig na lang talaga ako sa isoxilan, kahit minsan natatakot na ako sa pagsakit ng tagiliran ko, saka sa sobrang pagkatagtag ko sa byahe.

mismong ob ko, di mapinta ang mukha sa nakitang pagbaba ng tyan ko e.sabi nga niya before wag talaga muna ako magpagod, sa 37th week na lang maglakad, kaso no choice talaga. Buti na lang din daw bumili ako ng support belt, sana daw makatulong. Gusto ko na din talaga mag leave, pero nanghihinayang ako sa 2 months na maternity leave, mas gusto kong ispend leave ko sa pag-alaga kay baby zoe ko

princessrio

  • Guest
Re: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 7
« Reply #44 on: February 01, 2012, 09:08:44 pm »
35 weeks na kami ngayon. next week ang start ng weekly checkup namin ni gean.

ganon ba talaga? as I was walking kanina sa rob place, after mga 45 minutes, sumakit na yung tyan ko, sa bandang ilalim. ginawa ko, naupo ako. tapos pag umuupo naman ako, sumasakit ang pwet ko. di ko na tuloy alam kung san ako lulugar. natakot tuloy ako na baka manganganak na ako eh ayaw ko pa.

at dahil dyan, binawalan na ako ni hubby na gumala at baka kung san na lang daw ako abutin.

aiz08

  • Guest
Re: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 7
« Reply #45 on: February 01, 2012, 09:16:55 pm »
princessrio same tayo. ako nga medyo madalas pag sakit sa tagiliran bandang ilalim kasi madalas ako maglakad tapos may buhat pa ako 2 bag, isa dun laman laptop. pero sabi naman ng Ob basta nakukuha sa pahinga, ok lang daw. pero advice nga niya, wag magpagod ngayong 7-8months tayo, sa 37th week na lang daw. kasi delikado yung gantong stage ng pregnancy. Nag prescribe sya sa akin to drink isoxilan 3x a day kung mag field work ako or whenever feeling ko its going to be a tough day.

Ang hirap no?pag nakaupo naman ang sakit sa pwet haha. Lalo ang hirap na matulog. tapos likot likot pa ni baby.super galaw kitang kita ko sa tyan ko, kasi thin daw ang abdominal wall ko. Pag may nakakapansin nga naffreak out e hehe. Minsan di ko alam kung stressed na ba si baby o sadyang malikot lang. Pero iniisip ko na lang sabi ng ob, mas healthy ang malikot kesa sa hindi gumagalaw.

aiz08

  • Guest
Re: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 7
« Reply #46 on: February 01, 2012, 09:22:57 pm »
share ko lang mga mommies and soon to be moms, regarding sa proper way of swaddling our newborn, hindi pala dapat ini-istraight ang legs ng newborn kasi baka madislocate ang hips and magcause ng hip dysplasia. When swaddling, dapat nakaka move yung legs.

Read and watch:
http://www.hipdysplasia.org/Developmental-Dysplasia-Of-The-Hip/Hip-Healthy-Swaddling/Default.aspx

So right now, naghuhunting ako ng Halo Sleepsack Swaddle. Nakakita na ako nito before sa multiply, pero di ko pinapansin kasi di ko alam purpose, pero ngayon alam ko na and i need to have this. Gusto ko sa hospital pa lang, gamitin na sa kanya yun.

Sa mga sis natin na nanganak na, baka meron sa inyo naka gamit na nitong Halo Sleepsack, will appreciate recommended stores and your reviews  :)

aiz08

  • Guest
Re: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 7
« Reply #47 on: February 01, 2012, 09:24:41 pm »
eto naman info about carriers and slings:

http://www.hipdysplasia.org/Developmental-Dysplasia-Of-The-Hip/Prevention/Baby-Carriers-Seats-and-Other-Equipment/Default.aspx

hope this helps :)

share your tips din mga sis regarding newborn care, laking help sa tulad kong first timer hehe

ladylucille

  • Guest
Re: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 7
« Reply #48 on: February 01, 2012, 09:28:31 pm »
icee_star
ang bilis lumaki ni baby sis!  talaga nasa small size na diapers nya? so hindi pala sila nag stay ng matagal sa NB size diapers.  balak ko pa naman mag stack ng madami.

kaice
sis ganyan din si baby ko nung nag 4D kami.  shy lagi! ayaw pakita ang face.  or minsan nilalagay ang kamay or paa sa face nya. haha..!! at lagi nakasiksik sa placenta.

nag walkathon ako kanina dahil sumama ko mag grocery kay mader.  ayun di ko natagalan dahil sakit sa pelvic! hay..

iristacey
ako naman sis nilagay na till Feb8 na lang pwede pumasok.  pero dahil nga ang hirap maglakad dahil sa pelvic pain, inadvance ko na.  nagstart na ko mag leave nung Jan27 pa.  lagi na ba masakit pag naglalakad ka?  ako lagi na eh.  siguro less than 10mins lang the whole day yung times na hindi sya masakit down there.  most of the times masakit. :(

kuliglig^^
way to go sis! hehe.. girl power!  gusto pa kasi nasisigawan. hehe..  ang bait ng mga hubbies pag buntis no?

ladylucille

  • Guest
Re: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 7
« Reply #49 on: February 01, 2012, 09:34:37 pm »
aiz08
sis may swaddle sa SM.  i bought 2 nga eh. hihi.. cute kasi! around 500-800 yata each.

aiz08

  • Guest
Re: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 7
« Reply #50 on: February 01, 2012, 09:42:29 pm »
^ sis same ba nung sleepsack? yung ordinary na swaddle lang kasi nakita ko before. kelan pala due date mo? lapit na ba sis?kasi naka leave ka na e.wahhh kung ikaw hirap na hirap na sa lakad, pano kaya ako, now pa lang hirap na hirap na ako, 34 weeks pa lang.

iristacey

  • Guest
Re: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 7
« Reply #51 on: February 01, 2012, 10:19:55 pm »
sis aiz08, ako din lagi nasasabihan na ang baba na daw ng tummy ko. march 2 edd ko based on lmp but based sa 1st utz, feb24. pero gusto ko din i-maximize leave ko para kay baby. hanggat kaya ko pa go lang. kaso nga may rule pala na til 38wks lang. so no choice. sana manganak ako agad ng 3rd wk. okay lang basta full term. :)

sis princess, ako din ganyan nararamdaman ngayon. 36wks na kame sa friday. baka i-IE na ako. feeling ko nararamdaman ko na ulo niya. super likot pa ni baby. ayoko naman siya mastress. si hubby talaga hindi rin ako hinahayaan umalis mag-isa.

sis ladylucille, oo tama ka dyan, napakabait ng hubby sa buntis na misis :D

princessrio

  • Guest
Re: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 7
« Reply #52 on: February 01, 2012, 10:37:41 pm »
sisters.. ano na ba ang sinusunod nyong due date?

di ko sigurado kasi ang LMP ko..
TVU - March 5, 2012 (making me 35 weeks ngayon)
2nd/3rd tri ultrasound - Feb 26, 2012 (making 36 weeks ngayon)


jp_jameop

  • Guest
Re: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 7
« Reply #53 on: February 01, 2012, 11:45:13 pm »
Hi mga sisters! Di pa ako nangitlog. :) bukas pa ng 9 am ang operation ko. Tnx sa prayers!!!! Babalitaan ko kayo agad. Dito na kmi sa hospital kaninang 7 pm pa. Sobrang likotni chai. Hehe

kaice

  • Guest
Re: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 7
« Reply #54 on: February 02, 2012, 07:01:46 am »
jp_jameop - our prayers are with you  and baby chai! :)

EDD - ako din nalilito :)

based on LMP - feb 22
TVS on 6th week - feb 27
CAS on 22nd week - feb 24
BPS on 26th week - feb 23
4D on 32nd week - feb 22
BPS on 37th week - march 1

iba iba depende yata sa size ni baby pero sabi ni hubby, di na daw accurate yung late stage EDD so LMP at TVS talaga ang ginagawang basis. normal naman CBC at urinalysis ko yung fingers and wrist ko sa right lang talagang masakit.

feb 22 ang ginawa kong start of leave pero pwede naman yun ma-adjust. ready na daw yung 50% ng check ng SSS next week sabi ng accounting namin.

mataas pa daw yung tummy ko pero tagtag naman ako kaya natatakot ako magpa-IE kasi baka mamaya eh dilated na kami... nakakpressure pala pag ganito haha! :))

lawlib24

  • Guest
Re: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 7
« Reply #55 on: February 02, 2012, 07:08:58 am »
goodmorning mommies :)

were praying for your safe delivery and fast recovery, say hello to baby chai for us. were excited to see her. she will be the first february baby in our thread. sana sunod na ko sayo mangitlog.  :)

ako hangga't kaya ko naman nakakaalis pa ako mag isa, so sad minsan kasi hindi ako sinasamahan ni hubby (as if his not concern). hindi ako makalabas para maglakad lakad, kasi may kuliti ang panganay ko, swelling talaga ang mata nya.

lawlib24

  • Guest
Re: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 7
« Reply #56 on: February 02, 2012, 07:22:38 am »


iba iba depende yata sa size ni baby pero sabi ni hubby, di na daw accurate yung late stage EDD so LMP at TVS talaga ang ginagawang basis.


ganun ba yun sis kaice, first baby ko LMP ko ang sinunod namin kahit late pa sa ultrasound, ok naman.

now naman

LMP - January 31
TVS at 7 weeks - Feb. 16
UTS at 25 weeks - Feb 16
UTS at 35 weeks - Feb. 7
BPS last Jan. 28 (39 wks based on LMP) - Feb. 18


katiztic

  • Guest
Re: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 7
« Reply #57 on: February 02, 2012, 09:10:37 am »
Sabi naman ng OB-SONO ko, kapag daw 1 week lang ang pagitan ng EDD based from LMP at UTZ, yung EDD based on LMP daw sinusunod nila. sa sobrang daming EDDs nakalimutan ko na. LOL basta ang alam ko, within March 17-21, yan ang EDD ko for both LMP and UTZ :)

marchbaby

  • Guest
Re: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 7
« Reply #58 on: February 02, 2012, 09:55:13 am »
hello sisses. :) lapit na tayo manganak.  ;D

princessrio

  • Guest
Re: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 7
« Reply #59 on: February 02, 2012, 10:24:53 am »
sana lang talaga umabot pa ako ng March 2!!!!! ;D

 

Latest Stories

Load More Stories
Close