new house na pala mga sis.. pa attendance din.
ako naman, baby shower ko sa saturday! kami ang nagpplan, although hobby ko naman talaga to before, yung mag organize ng meetups namin sa barkada etc. pero ngayon medyo tampo ako na wala nakaisip na isurprise ako hahaha. dumating pa ako sa point na ayoko na ituloy, sabi ko cancelled na, kasi nasstress ako sa pagaasikaso, i feel so helpless palagi.so this is one of those HORMONES ACTING CRAZY scene hehe.
well tinuloy ko na din, we are registered under SM/baby company. first time ng friends ko for that thing, and minsan sumisilip ako, konti pa lang nabibili haha.sana hindi naman kami lugi sa gastos namin sa handa

good thing is my ilang friends ako nagvolunteer to bring food, tapos may magsponsor ng inuman nila. nagawa ko na din yung party favors/give away namin. madami pa kulang, petiks kasi tong jowa ko. naiinis ako haha! sana maging successful yung party dito sa house on saturday

prob ko naman ngayon, may sipon ako. hirap na ako huminga before dahil sa bigat and mabilis talaga mapaogd, tapos nagka sipon pa ako bigla, lalo tuloy mahirap. Vit. C lang bigay ng OB, if tumagal daw ng 1 week to saka niya ako bigyan ng iba pang gamot.
nabobother ako kasi ang baba ng tyan ko, daming nag aakala na manganaganak na ako pero march 11 pa talaga due date namin. Field work pa naman ako, and lagi akong napapagod sa pagpunta punta sa mga clients. Mga clients ko na nga naaawa sa akin, sabi nila mag leave na ako, pero yung supervisor ko, palibhasa kasi bagong kasal pa lang, utos pa din sya ng utos sa akin.parang di naiisip situation ko. Nananalig na lang talaga ako sa isoxilan, kahit minsan natatakot na ako sa pagsakit ng tagiliran ko, saka sa sobrang pagkatagtag ko sa byahe.
mismong ob ko, di mapinta ang mukha sa nakitang pagbaba ng tyan ko e.sabi nga niya before wag talaga muna ako magpagod, sa 37th week na lang maglakad, kaso no choice talaga. Buti na lang din daw bumili ako ng support belt, sana daw makatulong. Gusto ko na din talaga mag leave, pero nanghihinayang ako sa 2 months na maternity leave, mas gusto kong ispend leave ko sa pag-alaga kay baby zoe ko