watch now

Author Topic: Help! Buntis si yaya  (Read 10499 times)

maiandra

  • Guest
Help! Buntis si yaya
« on: January 18, 2012, 08:35:05 pm »
My helper just admitted to me that she is 3 months pregnant. I know the right thing to do is to let her leave na, but she's become like a family to us and we kinda got used to having her around na so it's hard to find a replacement. She's a stay in and takes care of my 7 yr old and basically all the house work.

Should I let her come back after she has the baby or should I just look for another one? Baka maging busy na siya with the newborn and mapabayaan naman ang anak ko. My husband is even ok to let her keep the baby in our house kasi naman daw isa lang anak namin, although I'm wary with the idea.

Any tips mommies?

Btw, 2 years na sya with us and never naglikot ang kamay so I consider it tough to let her go talaga.
« Last Edit: January 18, 2012, 09:12:27 pm by maiandra »

pregnantgirl

  • Guest
Re: Help! Buntis si yaya
« Reply #1 on: January 19, 2012, 11:58:25 am »
mahirap nga paalisin kasi tagal na pala sa inyo at nalapit na rin ang loob mo sa kanya..pero imagine mo 3 months pregnant ka tapos helper ka sa isang bahay,,ang hirap nun di ba..saka delikado pati yung 1st Trimester di ba..mahirap naman makunan siya or sumakit yung tiyan niya,ma-ospital pa siya..ikaw rn mako-konsensha nun..mas ok siguro uwi na lang siya para rin naman sa kanya yun..lalo na sa baby niya..

moonie

  • Guest
Re: Help! Buntis si yaya
« Reply #2 on: January 19, 2012, 12:12:04 pm »
How can she work for you if she has a newborn baby?  May maiiwanan ba siya ng bata?  She might be forced to breast feed.  Mahal ang baby formula ngayon.  Maybe you should discuss what her plans are too.

momentum

  • Guest
Re: Help! Buntis si yaya
« Reply #3 on: January 19, 2012, 12:26:06 pm »
maybe she knows someone from her province that can replace her.
yes i agree with other sissies said, that she would have a difficult time doing her work when she stays and that when she gives birth there guaranteed half-ass na trabaho niya and of course 1st priority is her kid.

if she doesn't know anybody she can recommend to replace, go look for another one nalang.

con0120

  • Guest
Re: Help! Buntis si yaya
« Reply #4 on: January 19, 2012, 12:35:11 pm »
naku sis mahirap yan.

ngayon buntis sya mahirap magtrabaho sa bahay.
pag nanganak naman syempre mas priority nya ang baby nya.

meron din akong yaya na ganyan. after nyang manganak tsaka ko sya kinuha ulit.
pero yung baby nya sa province, uwi lang sya every 2 weeks kasi malapit lang naman sya dito sa Mla.

ecnarfoj

  • Guest
Re: Help! Buntis si yaya
« Reply #5 on: January 19, 2012, 01:14:26 pm »
I think for now the best thing to do is talk to her para ma-discuss ninyo yung plans niya. If she wants to stay para makapag-provide sa anak niya, then let her. Pero kung gusto niyang alagaan yung anak niya let her as well.

Kung mag-stay siya, you can ask for a temp habang wala siya. tapos mag-usap kayo kung kelan siya babalik. Let her decide kung mag-stay ba siya or hindi na. Tutal mabait naman siya.

Siya lang naman makakapag-decide. I don't think kasi reason for termination yung pregnancy.

sarsingkit

  • Guest
Re: Help! Buntis si yaya
« Reply #6 on: January 19, 2012, 01:27:06 pm »
this is what happened sa tito ko. the yaya kasi is like a family na sa amin. kahit family outing kasama namin. yung mga tita ko sa ibang bansa pati sya may pasalubong. eh ayaw talaga paalisin ng tito ko, so what my tito and tita did is to let her stay. wala na nga lang syang sweldo kasi lahat ng gastos sa tito and tita ko na pati needs nung baby. but my cousins kasi are 5 and 8 yrs old na at that time so hindi na gaanong alagain, actually sila na ang nag-aalaga sa baby ni yaya. hehe. si bf ni yaya works for another tito na may maliit na construction. so kilala namin sila pareho kaya ok lang talaga. ang bait kasi nilang mag-asawa. kahit kami na hindi naman pinapaswelduhan eh pinaghahanda ng food pag dumadating, ganyan. sobrang worth keeping them.

tiggerlily

  • Guest
Re: Help! Buntis si yaya
« Reply #7 on: January 19, 2012, 02:18:23 pm »
ganyan din ang hh namin noon. pero sya naman sa umpisa lang matino, tapos nagluko na kaya pinaalis ko. nalaman ko na lang later on na buntis pala at malamang e nagtrabaho lang saglit para magkapera. malas nya kasi sana natulungan pa sana namin sya. e kaso panloloko talaga ang pakay nya sa umpisa pa lang.

kung ako sa yo, kausapin mo sya sa plano nya like what our other sis said. kung hindi naman delikado ang pagbubuntis nya, pwede pa rin sya gumawa ng ibang mga gawaing bahay. if you can afford another yaya/helper, kuha na kayo para ma-training nya. in case, gusto nya na umalis, may kapalit sya. kung di naman sya aalis e meron syang katulong to do harder work habang nagbubuntis sya. at least na-train na ang kapalit nya magbago man ang isip nya.

maiandra

  • Guest
Re: Help! Buntis si yaya
« Reply #8 on: January 20, 2012, 05:29:40 am »
Onga e, I think baka mapasagot ko pa yung pampaanak nya and milk and diaper pag pinastay ko pa.. Maybe pabalikin ko nalang sya after nya manganak kung willing pa sya. Hirap din maghanap kasi sa panahon ngayon, lalo na yung di malikot yung kamay.

Gusto daw kasi nya sa bahay ng boyfriend nya yung baby which is malapit lang then pag day off uuwi, ganun. Pero pano ko nga naman mautusan yun sa bahay pag malaki na tyan.

malaki na rin yung anak namin at naghahanap din ng kalaro sa bahay, pero we're not may kaya para sagutin yung needs ng baby nya (hay)...

i'll see how our future conversations go...

aquacharly

  • Guest
Re: Help! Buntis si yaya
« Reply #9 on: January 31, 2012, 08:53:16 pm »
Do not let her stay with  her kid.     You will not get good service out of her.    Uunahin nya anak nya.   

Let her go, after you get her to help you with training her replacement.
Do not hope to  get her back after she delivers --  1st, she can't say now how her life  will change after she gives birth;   2nd, you can't be sure if she will physically be as strong after she deluvers.

maiandra

  • Guest
Re: Help! Buntis si yaya
« Reply #10 on: February 18, 2012, 03:35:48 am »
Update lang. Usapan namin was April pa sya aalis but pinalayas ko na sya because she failed to fecth my kid from school, leaving my son to go home with my neighbor from school. Kainis! She should have said so if she wanted me na paalisin na agad sya. I would have found a replacement sooner.

Kady_14

  • Guest
Re: Help! Buntis si yaya
« Reply #11 on: June 01, 2012, 11:33:17 am »
I'm reading this thread kasi feeling ko eventually this will be my problem. Our yaya just got married, and same as the TS she's like family and mahirap i let go.

I'm weighing the PROS and CONS if we'll keep her if ever. Haaayyy...

honey-ecclaire

  • Guest
Re: Help! Buntis si yaya
« Reply #12 on: June 01, 2012, 09:50:13 pm »
paiba iba ang mood pagbuntis di ba?
kaya mahirap mag-take ng risk sis,baka biglang umiba ang turing nya sa anak mo...

much better to let her leave na lang....
nakikinita ko na na if you will hire her after she delivered,mega drama yan ng advances,miss ang anak and the like...

hunny_ally

  • Guest
Re: Help! Buntis si yaya
« Reply #13 on: June 07, 2012, 09:08:02 pm »
No I won't keep her. She'll be more of a liability than an asset. Household work is very taxing. Nandyan din ang work hazard: they handle chemicals for cleaning, umaakyat ng step ladders and stools to reach high areas, etc. Kahit ba Hindi delicate ang pregnancy, you will still put her and the baby at risk. Paano while cleaning eh mahulog siya? Eh di kargo de konsiyensiya ko pa siya.


Kady_14

  • Guest
Re: Help! Buntis si yaya
« Reply #14 on: November 18, 2012, 09:12:20 pm »
Eto na nga, yaya showed me her pregnancy test yesterday. Excited pa nga sya kasi alam ko nuon nya pa gusto ma-preggers, nag-live in na kasi sila before ng husband nya before getting married and hindi sya na buntis and feeling nya ang tanda na nya (she just turned 25) and behind na sa mga ka-edaran nya na me mga anak nya, typical mentalidad sa probinsya.

Nauna pa ako makaalam kesa sa husband nya, pinapuntga nya kahapon si husband and they talked about it. Gusto na sya pauwiin muna sa bulacan to stay with her in-laws (where husband's family is renting a small place) pero ayaw nya naman dun kasi mas hindi daw sya mapapahinga dun, dito kasi when the kids have left for school and kami naman we go to work, recently dalawa na kami since i left my job na. Pero I still go out so most of the time siya lang talaga and sarili lang nya iintindihin nya. My kids are hindi na alagain 8 and 9 years old na.

Kinausap ko sya about what her plans are, sabi nya she'll stay here till April (6 mos. na sya by then) and then saka na sya uuwi sa probinsya sa Romblon, dun manganganak and mgtitindahan na lang, sari-sari store.

I feel for her, she's like family na. Kanina mangiyak ngiyak sya when i told her na " hindi mo naisip na madaming kaakibat na changes yang dadalin ano?" Hindi sa nakikialam ako pero wala syang ibang pupuntahan dito sa Manila. If she stays in Bulacan, magulo dun and baka imbes na maka-ipon eh maubos lang ang pera nya dahil sa kanya na nga galing, pakiramdaman dun kung sino mglalabas ng pang bayad.

Isa to sa stress ko ngayon, paano sya at kami din. But like what my husband said, ginawa nya yan so malamang she has plans. Sana I can let go of this stress... Ang hirap kasi humanap ng katulad nya.
« Last Edit: November 18, 2012, 10:19:20 pm by Kady_14 »

monbla

  • Guest
Re: Help! Buntis si yaya
« Reply #15 on: November 18, 2012, 10:08:19 pm »
Baka mas magandang guideline is to think of her as an employee in general. Tayo namang nag oopisina tinatanggap pa rin ng employers after manganak diba? Kapag dinahilanan ako ng enployer ko na hindi na ako pwede bumalik after ko manganak kasi magiging priority ko na yung baby ko, magsasampa ako ng kaso sa DOLE for wrongful termination. Of course, mas maluwag sa mga kasambahay, but I think mas fair practice yung DOLE example ko.

Base mo lang palagi sa ability to perform niya and actual performance. Let her go for the period na di niya kaya mag housework dahil physically mahirap para sa buntis. Pero dahil maganda naman performance niya dati, agree to take her back mga 2 months after niya manganak. Maybe you can even help her out a little since sabi mo parang family na rin naman.

Pag balik niya, observe uli the performance. Only then do you decide, sobrang palasak na ba work niya? Tsaka mo lang isipin kung maghahanap ka na ng bagong katulong.

Kady_14

  • Guest
Re: Help! Buntis si yaya
« Reply #16 on: November 18, 2012, 10:15:31 pm »
Thanks sis, Ok lang naman na bumalik sya. Pero gusto ng husband nya na siya ang mag-alaga ng anak nila sa probinsya at hindi ipaalaga sa kung sino mang kamag-anak. As early as now, kahit sinabi nya na 'till April pa sya, am asking around kung and ininform ko na din mga friends ko na baka may marereffer sila kasi mahirap na baka biglang mag paalam. Gusto kasi ng husband na she stops working na, kaya ngreready na ako.

« Last Edit: November 18, 2012, 10:17:58 pm by Kady_14 »

monbla

  • Guest
Re: Help! Buntis si yaya
« Reply #17 on: November 18, 2012, 11:01:02 pm »
Tama yan kasi siya rin anman ang magdedecide. Pakiusapan mo lang na abisuhan ka ng maaga. Parang normal na empleyado uli diba, may 30 days notice. :)

Kady_14

  • Guest
Re: Help! Buntis si yaya
« Reply #18 on: November 20, 2012, 12:55:20 pm »
Nagpunta na sya sa health center, ayaw pumunta sa OB kasi baka daw mahal. Tinanung ko sya ano sabi at ginawa sa kanya sa center. Tinimbang daw sya, BP, Asked kelan last mens then binigyan ng ferrous sulfate na walang tatak. Binigyan din sya ng list ng tests na dapat nya ipagawa. Tapos saka na lang daw siya iinjectionan kapag malaki na tyan nya. 5 weeks pa lang kasi.

Sabi ko bakit may injection? I can't remember na ininjectionan ako nun buntis ako. Saka walang pinrescribe na vitamins eh ang payat payat ng yaya ko, feeling ko underweight sya for a pregnant woman. So pinilit ko sya pumunta sa OB ko. Tinext ko din yung OB ko na papupuntahin ko nga yung angel ko. Sabi ng OB ko it's a must daw na me tetanus inj sa center kasi usually yung mga ngpupunta dun sa bahay nanganganak or sa lying in clinic na hindi sterile ang mga gamit.

I gave her money for checkup and kung me ipapabili na gamot sa kanya, bilin nya. Pumunta naman pero ayaw pumayag na bigay, advance na lang daw. Siguro nahihiya. Sabi ko sige yung pinang bili na lang nya ng gamot nya ang ikakaltas ko sa sweldo nya the doc fees and tests akin na yun. Ang maganda pa nito, binigyan sya ni Dra. ng disc sa check-up and may mga freebies pa, pati multi-vitamins. Gotta love Dra. Toy talaga.

I pray na sana maging ok lang lahat. Alam ko na dapat hindi ko na pinoproblema 'to and just let her go, pero she's like family to me and alam ko na if ever tanungin man sya eh ganun din sya sa akin and sa amin na mas "Ate" pa ang tingin nya sa akin kesa sa mga totoong kapatid nya.  :-X

« Last Edit: November 20, 2012, 01:05:55 pm by Kady_14 »

mbeeyap

  • Guest
Re: Help! Buntis si yaya
« Reply #19 on: November 20, 2012, 02:58:43 pm »
she'll have different priorities once her baby is born. she may not be able to give her 100% on her work anymore. much better to find replacement soon.

my SIL had a yaya who got pregnant and they kept her even her baby, and she never did everything the same way she did before. priority nya na baby nya. so they decided to let her go.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close