watch now

Author Topic: Help! Buntis si yaya  (Read 10519 times)

monbla

  • Guest
Re: Help! Buntis si yaya
« Reply #20 on: November 20, 2012, 03:05:57 pm »
Just be fair to the yayas. Wag pangunahan bago pa man manganak.

Kung mga kumpanya nga di naman ganyan sa empleyado. Kung ganun kawawa naman lahat ng babaeng nagkakaanak. Biased na agad ang employers.


Kady_14

  • Guest
Re: Help! Buntis si yaya
« Reply #21 on: November 20, 2012, 05:21:06 pm »
Thanks for your inputs, kahit papano naliliwanagan ako and napapaisip  kung ano ba ang gagawin ko, sabi kasi ni husband, eh di kung ano daw plano ni yaya, eh di yun. If she wants to go, let her go. hehe.... hindi nya naiisip na hindi ganun kadali humanap ng kapalit na kasing OK.

Totoo yung sinabi mo sis mbeeyap, hati na ang atensyon nya, ngayon pa nga lang. Parang lutang (nag-iisip siguro ng pera kasi hindi naman biro ang gastos ng pagbubuntis, eh arawan lang din si husband nya parang P1100/week lang ata ang pay) May mga times na parang feeling ko ngtatago lang siya sa toilet or sa likod bahay, kasi nahihiya sya kasi nagtetext/call siya lagi ke husband. Clingy na, siguro nga kasi preggers na. Hindi naman siya ganun dati.

Medyo inis lang ako sa husband kasi lakas makapag-demand na umalis na si yaya sa amin, mabait naman si kuya. Pero ang lakas kasi ng loob eh kung tutuusin nga si yaya ko pa ang laging abonado sa mga gastos nila, even sa side ni lalake kapag kailangan ng pera, siyempre si yaya wala naman gastos dito sa amin, buong buo ang sweldo nya. Si husband kasi works in a factory so kung ano makita, meryenda, food - bili or gaya sa mga kasamahan after work. Sabi ko sa kanya, sabihin mo kay (husband) need mo magbuy ng vitamins, ask money from him. Don't say na i gave you money. Oo daw. Gusto ko lang kasi maisip nun guy na hindi basta basta 'to, na "Bahala na si Batman". Nung isang araw nga, she was craving for BBQ, pinapunta nya si husband me dalang turon. LOL. Last night pinabili ko sya ng BBQ add-on food na din sa dinner namin.

I suggested nga na if she goes on leave (tigas ko pa rin di ba, leave lang. hahaha) when she's in her 7th mo, eh magbenta sya ng banana que or meryenda dun sa bahay ng in-laws nya sa Bulacan. Pero hindi daw, uuwi na lang daw sya sa province. Sabi ko "Ok" naisip ko, this is her life, bakit ba nakikialam ako. LOL.

I appreciate all the payos. :)
« Last Edit: November 20, 2012, 05:26:10 pm by Kady_14 »

Kady_14

  • Guest
Re: Help! Buntis si yaya
« Reply #22 on: December 07, 2012, 07:52:13 am »
Ako ulit, just wanted to update this thread baka maging beneficial sa iba.

Uuwi na ang yaya ko sa 28. Pinapauwi na ng asawa nya sa province, kinausap ko siya ng masinsinan kung ano ba ang plano nya kasi napapansin ko na wala na sa trabaho ang isip nya. Ok na rin kasi madami na kami napapansin sa kanya. Tamad na tamad na syang kumilos sa work and nacocompromise ang trabaho nya.

Sinabi ko sa kanya na ayoko naman na umabot sa point na maghihiwalay kami na me samaan ng loob. Mahirap kasi nakasimangot sya kapag inuutusan. lol.

Pero di ko naman nilalahat na kapag nabuntis ang maid e dapat na i-let go kasi yung maid sa bahay ng best friend ko super sipag kasi alam nya na need nya ng sahod.

Totoo yung sinabi ng ibang sisters dito na kaya ka kumuha ng maid eh para tulungan ka hindi yung ikaw pa mag-iintindi and "alagain" mo pa. Lately, eto na yung nafefeel ko sa kanya. Pati siya iintindihin ko pa.

Ok na din na uuwi na sya and sa kanya naman nang galing yun, hindi ko naman sya pinaalis. Buti yun at hindi na kami umabot pa dun.

savvychic

  • Guest
Re: Help! Buntis si yaya
« Reply #23 on: October 31, 2013, 03:19:35 pm »
I should have discovered this thread earlier. I had the same problem but the worst part was yung yaya mismo ang ayaw umalis sa amin.  D namin alam san namin sya dadalhin kasi ayaw umuwi sa kanila.

At first I wanted her to stay until her sixth month to help her cope with her medical expenses but my husband and in-laws are against it.  Later on I was convinced to let her go cause we don't want to have responsibility over her in case something happens.  Yet she does not want to go back to her province no matter how hard we tried to convince her.  Later on even her bf does not want to support her.  After two months, her cousin agreed that she can stay with them.  hay Stress talaga
« Last Edit: October 31, 2013, 03:22:18 pm by savvychic »

lalawhoopsy

  • Guest
Re: Help! Buntis si yaya
« Reply #24 on: March 19, 2015, 05:54:04 pm »
Buntis din helper ko. Gusto ko na siya pauwiin kahit ayoko pa kasi nag aalala naman ako baka sumakit tiyan niya dito kaka trabaho o mahilo siya kasalanan ko pa. Naaawa nga ako kahit na pasaway, matakaw,assuming minsan napagkatiwalaan ko na din naman. Ayoko naman isipin niya na ayaw ko na sa kanya, ayaw ko lang na mahirapan siya. Dapat kasi ang buntis nagpapahinga lang diba. Saka nagka period pa siya nung Feb 9 so bago pa lang kaso mapili na sa pagkain ayaw na ng ulam hehe. Hinayaan ko na lang kaso di ko alam parang iintindihin ko pa kasi kakainin niya kung tatagal siya, pano kung lahat ng ihain ayaw o di niya type, ang hirap din.

Ayun,kung wala kami makita na kapalit niya hahayaan ko ng umuwi pero i-explain ko sa kanya mabuti kung bakit ko siya pinapauwi. Alam naman na niya yun kasi pang 2nd baby na niya yan. Parang nakka konsensya naman mag utos sa taong buntis,yun yung sa akin kaya ang hirap din. Bibigyan ko na lang siya bonus.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close